Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

Chapter 27: Trending

***

"Mine, sa cheeks lang naman." Pilit kong inihaharap si Phythos sa akin. Katatapos ko lang kasing aminin sa kanya ang tungkol sa pagiging muse ko. Muntik ko na ngang makalimutang sabihin dahil sa sobrang busy naming dalawa. 

Naalala ko lang dahil sinisimulan na ang paggawa sa booth namin at Valentine's Day na next week.

"Tapos yayakapin ka pa," masungit niyang sabi. Ni ayaw akong tingnan. Mukhang hindi nga mapapadali ang pagpapayag ko sa kanya.

"Mabilis lang naman iyon."

"Sa ganda mong iyan baka umabot hanggang sa labasan ng University ang pila!" Maktol niya. Pilit kong pinigilang matawa sa sinabi niya.

"Hindi naman siguro," maamong sabi ko at hinaplos na lang ang mukha niya tila dun ko siya napapaamo.

Napabuntong-hininga siya. "Takutin ko na lang kaya sila para walang pumila." Nanlaki ang mga mata ko at napabitiw agad sa kanya.

"Phythos! Kailangan naming kumita! Para mataas grade namin." Napanguso naman siya.

"Bakit kasi ikaw ang naging muse?Ang dami namang babae sa room niyo."

"Eh, sa ako raw pinakamaganda," tanging sagot ko. Lalo naman siyang napasimangot.

Niyakap ko na lang siya at lalong nilambing.

"Pumayag ka na, kahit ang dami namang lalaking pipila. Ikaw pa rin naman ang bagsak ko at ikaw ang nagmamay-ari ng puso ko." Tinitigan niya lang ako hanggang sa unti-unting bumaba ang mukha niya at pinatakan ako nang masuyong halik.

"I love you, mine. Akin ka lang." Napangiti ako.

"Sayong-sayo ako, Phythos Oriole Monteciro," nakangising sabi ko at agad akong tumingkayad para maabot ang labi niya. Matagal ang naging halikan namin. Mabagal at unti-unting naging mapusok.

This is our longest kiss ever.

Habol ko ang hininga ko ng matapos. Bahagya akong lumayo sa kanya. Masyado ko na pa lang nadikit ang katawan ko sa kanya.

Ang galing naman kasi masyado humalik ng lalaking ito. Na carried away tuloy ako.

Ngumisi naman siya habang kumikislap ang mga mata.

"Masarap ba?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Agad na umakyat ang dugo ko sa mukha ko. Napayuko ako. Itinaas naman niya ang mukha ko at yumuko para pagdikitan ang mga noo namin.

"You will always crave my kisses and will never kiss any man in this lifetime, except me. That's my sweetest curse, Fayeren Doll Chua."

"I like that curse," mahinang sabi ko dahilan para mapamura siya at muli na naman akong hinalikan.

Napatakip ako sa unan ko dahil paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang halikan namin. Napahawak ako sa labi ko parang ramdam ko pa rin ang labi niya doon. Ilang beses ba naman niya ako hinalikan. Feeling ko nga namamaga na ang labi ko.

Napailing-iling ako. Tila nagkatotoo yata kaagad ang sumpa niya.

Faye! Nagiging bastos ka na!

Bumangon na lang ako para mawala iyon sa isip ko. Gagawin ko na lang ang ilang assignment namin. Busy ako sa pagtipa sa laptop ko nang may magnotify sa email ko.

Kuryoso ko namang binuksan ito. Nanlaki ang mata ko nang mabasa pa lang ang pangalan ng nagsend.

From: Tengren Entertainment

Hi, Miss Doll Chua! We've already talked to your manager and she said that your contract with TARiCCENT Entertainment had already been terminated, so we wanted to offer you to join our agency. We were always eyeing you to be our artist and now we think it's the right time to offer you to join us. You are one of the rising stars of this generation. A big loss in this industry. You don't have to worry about your accident, issues, and scandals. We will handle them. And, we will accept you with open arms. Come and join our agency and let the world see your talent and beauty.

We'll await your response.

Napapikit ako pagkatapos basahin  biglang sumakit ang ulo ko.
Tengren Entertainment, is one of the famous entertainment agency in China. It's been my first choice and dream agencies ever since I joined showbiz. 

I don't know what to reply. It's my dream agency, but if I say yes, I will need to immediately go back.

Paano si Phythos?

Napabuntong-hininga ako at nagsimulang magtipa ng reply. Bahala na.

To: Tengren Entertainment

Hi, thank you for your interest, but can you give me a month to make my decision because I just recently underwent surgery on my face and I'm currently building my confidence. Hope you understand.

Send!

Pagkatapos kong magreply. Natulala na lang ako. Hindi ko alam kung tama ba 'yon.

It's a very tempting offer, but I don't want to leave Phythos. What to do?

"Bumili na kayo ng mga tinda namin! Ang bibili may free hugs and kisses sa muse namin!" malakas na sigaw ni Bea at Cjay.

Hindi ko mapigilang matawa. Ang pagkakaalam ko ang Valentine's Day ay hindi naman talaga importanteng araw sa college pero dahil may importanteng meeting na kailangang puntahan ang ilang professors namin kaya parang may Valentines celebration na rin kami at saka chance na rin 'to para sa requirements namin sa P.E.

Nabigla ako nang biglang dumami ang pila sa booth namin. Nilingon ako ni Bea at kinindatan pa.

Lalong nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang biglang sumingit sa pila at pumunta sa pinakaharap. Nakabusangot ang mukha nito.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang gwapo naman ng mine ko. Bumili siya ng isang gatorade at isang piraso ng  fresh red roses sa booth namin.

"Kiss and hug na." Nakangiting offer ko sa kanya. Nakangusong binigay niya sa akin ang red roses saka ako niyakap at hinalikan sa pisngi.

"I love you, mine. Thank you," maamong bulong ko sa kanya.

"I love you too," sagot niya kaya lalong napangiti ako. I know he doesn't want this, but he still supports me. 

"Yieee!" Rinig ko naman ang malakas na hiyawan.

"Oh, kita niyo sa pisngi ko lang siya hinalikan. Kaya dapat sa pisngi lang kayo hahalik," masungit na sabi niya na may kasamang pagbabanta na tila nagdedemo pa. Lalo akong natawa.

"Hi, Faye!" Nahihiyang bati ng sumunod sa pila.

"Hello!" Nginitian ko sila. Para hindi na rin sila mahiya.

Sanay naman ako sa ganito dahil may mga fan meetings din ako dati at may ganito rin. Hugs and kisses.

Ako na mismo ang nag-initiate ng hugs and kisses. Dahil ang iba ay nahihiya.

Hanggang hindi ko na namalayan ang oras at ang dating mahabang pila ay unti-unting naubos.

Pagod akong napaupo sa silya. "Inom ka muna, Mine." Agad kong tinanggap ang tubig na iniabot ni Phythos at ininom.

"Wala ka bang pasok?" tanong ko. Nakailang balik din kasi siya sa pila. Feeling ko kalahati ng kikitain namin galing sa kanya.

"Wala inaasikaso ko lang naman research ko," sagot niya at umupo sa tabi ko.

"I'm tired!" nakasimangot kong sabi at sumandal sa balikat niya.

"I know, bakit kasi tinanggap mo pa 'to?" Bakas ang iritasyon sa boses niya.

Nakangusong tiningnan ko ang mukha niya. "Grades." Napangiti naman siya.

"Kapag mayaman na ako bibilhan na lang kita ng University tapos wala kang gagawin don pero bibigyan ka nila ng grades." Napahalakhak na lang ako sa sinabi niya.

"Sira ka talaga!" Bigla ko na naman naalala 'yong about sa email na na-receive ko.

Gusto kong sabihin sa kanya pero parang ayaw ko rin. Siguradong susuportahan niya ako pabalik sa China at ayoko siyang iwan.

"Bakit ka nakatitig sa akin ng ganyan? Gwapong-gwapo ka talaga sa akin 'no?" Lalong lumawak ang ngiti ko.

"Oo na, ang gwapo mo." Hay! I really don't know what to do!

"Faye!" Umayos pa ako ng upo sa gulat. Bigla-bigla ba naman sisigaw si Bea.

"Bakit?" tanong ko.

"Trending ka sa Weibo, oh!" Nanlaki ang mga mata ko at agad kinuha ang cellphone niya.

"Hindi ko maintindihan mga pinagsasabi nila, eh. Pero may mga pictures ka din na nasa Pilipinas ka."

ABOLISH TARiCCENT!

DOLL CHUA IS IN THE PHILIPPINES!

SORRY DOLL CHUA!

TIFFANY BITCH!

I try to browse more. Para maintindihan ko kung ano ba talaga ang nangyayari.

Why is Tiffany also trending? Tiffany is one of my colleagues and we are at the same company. I think she's the one who replaced me when I had an accident and she's really popular now.

Nang makakita ako ng isang link ng article galing sa isang verified Chinese news outlet ay agad ko itong pinindot at binasa. Pinindot ko rin ang English translation nito para mabasa at maintindihan rin nila.

TIFFANY WANG AUDIO SCANDAL LEAKED! INVOLVED IN DOLL CHUA'S ACCIDENT!

Unang basa ko pa lang sa headline ng article parang sasabog na ang dibdib ko sa gulat.
 
The hottest topic on Weibo today is about the leaked audio scandal involving Tiffany Wang. The said idol was involved in the Doll Chua's car accident. An audio scandal has been released from an unknown source where we can hear the speaking voice of Tiffany Wang talking and saying she put drugs in Doll Chua's drinks and paid someone to remove the brakes on Doll Chua's car that led to the said idol's car accident. 

Many international and Chinese fans of Doll Chua are so angry upon knowing this and want to abolish TARiCCENT Entertainment for not investigating and protecting their idol. Instead, they terminated her contract. They also say it is so unfair for Doll Chua to have those fake news and issues thrown at her for the past few months and accused her of being a drug addict and a law breaker.

Napakunot-noo ako. Hindi ko alam ang tungkol dito! Ang alam ko lang ay ang tungkol sa mukha ko na issue.

Then, I remembered I had blocked all Chinese platforms. Even my parents warned me not to browse on Chinese social media when I'm in the Philippines. My poor parents. How did they handle that issue? 

Currently, Tiffany Wang is being investigated. As the parents of Doll Chua filed a case against her while Doll Chua is confirmed to be in the Philippines.

Tulala lang ako pagkatapos kong basahin at nakabalik lang sa wisyo nang sabay na magmura sina Phythos at Bea.

"What the fuck!"

"Shit! Sasabunutan ko talaga 'yang Tiffany Wang na 'yan!" 

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Halo-halo ang nararamdaman ko. Why did Tiffany Wang do this?

Wala akong maalalang naging kasalanan ko sa kanya.

Then I suddenly remembered what she told me when we were at the bar that night. 

"I really envy you, Doll. You get everything. You are so popular and have many fans. I want to be you and experience that popularity too."

I can't believe her! Just because of her envy?

"Mine, maybe you need to go home and rest. This day is just too much for you." Napatango ako kay Phythos at tumayo na. Sakto namang tumunog ang cellphone ko. Si Kuya Brandon.

"Hello, Kuya."

"Where are you, Faye?"

"University, why? Is there something wrong?" I asked since I could hear the panic in his voice. 

"I'm here at the back gate! There are many reporters now going to your University. Siguradong marami ng reporters sa main gate. Come here now! Iuuwi na kita!" 

***
Shels<3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro