Chapter 25
Chapter 25: Dream
***
"Anong itsura 'yan? Para mo namang pinaglalamayan ang mukha ko." Nakangisi kong tukso kay Phythos. Kanina pa kasi siya nakasimangot at halata ang sobrang kaba. Walang tigil din ang paghaplos niya sa peklat ko.
"Mine, hindi ka ba talaga takot? Paano kung magkamali sila tapos hindi 'yong dati mong mukha 'yong kalalabasan?" Naparoll eyes ako at pinitik ang noo niya.
"Huwag ka masyadong praning. Sabi ni Kuya Brandon. Pinakabest plastic surgeon dito sa Pilipinas ang mag-oopera sa akin."
"Masakit 'yong ituturok nila sa mukha mo tapos gagamit pa yata sila noong parang kutsilyo. Sobrang sakit noon."
Natawa na lang ako sa itsura niya halatang tinatakot lang ako.
"Phythos, gagamit sila ng anesthesia at sigurado namang tuturukan nila kaagad ako ng pampatulog. Kaya wala akong mararamdaman."
Napatungo naman siya. "Okay," mahinang bulong niya. Tuluyang sumuko na.
I know he is just scared and still really wants to convince me to not continue this.
Hinawakan ko ang kamay niya. "I will be okay." I assured him.
Dapat nga uuwi rin sina Daddy at Mommy para nandito rin sila sa operation ko pero sinabi kong huwag na. Saka sakto may important business meeting sila sa Europe kaya hindi na sila natuloy.
I'm kind of relieved though.
Natatakot kasi ako na malaman nila ang tungkol sa amin ni Phythos.
I know them. They are supportive parents, but I know if they meet Phythos. They will definitely judge him and oppose this relationship.
Hay! Hindi ko muna dapat ito iniisip may operasyon pa akong haharapin.
"Nga pala gusto mo bang makita 'yong dati kong itsura? I have many pics here!" excited kong sabi sabay lahad ng cellphone ko sa kanya. Sinilip niya lang naman ito at ibinalik kaagad sa akin.
"Hindi ka nagagandahan sa akin?" nagtatampong tanong ko. Napabuntong-hininga naman siya at muling ibinalik ang paghaplos sa peklat ko.
"You looked like a goddess, without scars. But, I am more attached to this look of yours. The woman with scars is the one I love first." May kung anong humaplos sa puso ko sa sinabi niya.
Napangiti ako. "Don't worry, you will also love the original version of me," kumpyansang saad ko.
"I love all the version of you," nakangiting sabi niya at hinalikan ang noo ko.
"Mag-picture na nga muna tayo habang hindi pa natatanggal itong peklat ko. It will be my remembrance!" I said happily.
"My precious remembrance too," nakangising sabi niya at inilabas ang
keypad niyang cellphone para kunan ako ng litrato.
Agad akong napangiti. Ilang litrato pa ang kinuha niya sa akin bago siya tumabi sa akin para magselfie nang saktong magclick ang camera ay biglaan niyang hinalikan ang peklat ko. He is really the sweetest.
Nang matapos ay kinuha ko naman ang phone ko at doon din kami nagselfie.
I kissed him on the cheeks while he was grinning and that was the most perfect picture that I ever saved on my phone.
"Miss Cameron, meron na po si doc. Pwede ka na pong pumasok," saad ng nurse na lumapit sa amin. Tumayo na ako. Nilingon ko muna si Pythos na nanatiling nakaupo at matipid na ngumiti sa akin.
Doon ko lang naramdaman ang kaba nang pumasok na ako sa mismong operating room. Sinalubong ako ng mga nurses at isinuot na nila sa akin ang hospital gown.
Matipid kong nginitian si Kuya Brandon nang makita ko. Mag-a-assist din daw kasi siya sa operation ko.
"Are you ready, Miss Cameron?" Huminga muna ako para humugot ng hangin bago siya sinagot.
"Yes po, doc." Ngumiti ako at humiga na sa surgical bed saka may inilagay silang kung ano sa mukha ko at may itinurok. Hanggang sa unti-unti akong nakaramdam ng antok.
Bago ako tuluyang mawalan ng malay nilingon ko muna ang pintuan. As if, I can see Phythos there.
I don't know kung ilang oras ang operasyon ko basta nagising na lang ako. Kinapa ko ang mukha ko.
"How are feeling, Miss Cameron?"
"I'm okay doc, pero wala akong mararamdaman tila manhid ang mukha ko."
"It's okay, hindi pa mawawalan ng bisa ang anesthesia."
"Kumusta po ang operasyon ko, doc?" kinakabahang tanong ko. Hindi ko maiwasang mag-alala.
"It was successful, Miss Cameron. But, just wait for a few more days so you can see it yourself." Nakahinga naman ako.
"Thank you doc." Napangiti ako hindi ko maiwasang ma-excite. Finally!
"Prinsesa, are you happy?" tanong ni kuya.
"Oo, Kuya Brandon. Thank you! Ilang oras nga po pala ang operation ko?"
"Seven hours," aniya. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Ang tagal po pala." Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na ganoong katagal akong nakahiga.
"Yeah, nga pala tatawagin ko lang ang boyfriend mo. Ilang oras din 'yon na naghihintay na magising ka."
"Sige po, thank you po kuya."
Napangiti ako habang parang tangang kinakapa ang mukha ko kahit may nakabalot pa ritong tela.
I can't believe it.
Finally! Hindi na muli akong mahihiyang humarap sa mga tao.
"Mine, how are you feeling? Are you okay?" Napangiti ako. Mahigpit ang pagkakahawak ni Phythos sa kamay ko. Ramdam ko ang pag-aalala niya.
"Okay lang ako, Phythos. You know what? Sabi ni doc successful daw ang operasyon ko!" Masayang balita ko. Niyakap naman niya ako.
"That's great, I know you are so happy," malamyos niyang bulong sa akin.
Sobra-sobra ang kaba ko nang sa wakas ay tatanggalin na nila ang telang nakabalot sa akin. Almost 1 week din akong naghintay.
"Phythos," tawag ko sa kanya.
"I'm here." Nakahawak ako sa kamay niya habang tinatanggal nila. Kinakabahan ako kaya sa kanya ako humuhugot ng lakas. I'm just so excited and nervous at the same time. Kaya sana hindi maiuwi sa disappointment.
"See, the new you, Miss Cameron!" Nanlaki ang mata ko nang sa wakas ay nasilayan ko na ang mukha ko.
Nawalan ako ng boses. Nanatili lang akong nakatitig sa mukha ko sa salamin. Hanggang sa unti-unting tumulo ang mga luha ko sa sobrang kasiyahan.
"Bumalik na ang mukha ko! Wala na ang mga peklat ko," umiiyak kong sabi.
Naibalik nila nang maayos ang dating itsura ko. Walang ni isang nabago.
Nakatulala lang akong hinahaplos ang pisngi ko kung nasaan dati ang mga peklat ko. Hindi ako makapaniwala.
My flawless face is back. Hindi na ulit ako matatawag na monster skin o kung ano pang pangungutya.
Nilingon ko si Phythos. "Phythos, my face is back!" Matipid siyang ngumiti at nanatili pa rin ang titig niya sa mukha ko. Hindi ko mabasa ekspresyon niya.
Nang kaming dalawa na lang ang naiwan sa kwarto ay hindi ko naiwasang tanungin siya.
"Bakit ang tahimik mo? Are you not happy?" Umiling naman siya kaagad.
"No, I'm happy that you are happy mine. Nagulat lang siguro ako at hindi sanay na iba na ang mukhang tititigan ko araw-araw." Napangiti ako.
"Don't worry, masasanay ka rin." I smiled sweetly at him while trying to be cute. "What do you think?"
"You are always beautiful, mine."
"Talaga?" Agad naman siyang tumango.
"The most beautiful girl in my eyes," napapaos niyang saad. He is not just sweet in action but also in words.
The whole semestral break to us is enjoyable. Inalagaan ako ni Phythos habang pinapagaling ko ang mukha ko. I spent a month to Kuya Brandons' condo since lagi namang wala siya. So, ako na muna ang gumagamit. In-offer niya kasi 'yon na doon muna ako kaysa sa dorm. Malapit na rin ang simula ng second semester.
It's New Year's Eve at nandito kami sa park malapit sa condo ni Kuya Brandon. Nakaupo sa damuhan habang nakahiga naman si Phythos sa hita ko. Ang bilis ng pagdaan ng buwan parang kailan lang kauuwi ko lang dito sa Pilipinas.
"Anong sinabi ng parents mo?" tanong niya.
"Wala naman, nangumusta lang sila sa akin." Katatapos ko lang kasi makipag-usap sa parents ko at dahil si Daddy ang kausap ko kanina. I am speaking Mandarin at hindi maintindihan ni Phythos.
Kanina pa nga niya ako niloloko na I look so hot speaking Mandarin daw.
"Mine." Nalipat ang tingin ko sa kanya. Nakatingin kasi ako sa mga bituin.
"Hmm, bakit?" tanong ko.
"Paano kung bigla nilang sabihing umuwi ka na sa China?" Nagulat ako sa tanong niya. Hindi kasi namin 'to pinag-uusapan at iniiwasan ko rin talaga.
"Hindi ako uuwi. Kasi nandito ang, mine ko." Nginitian ko siya. "Saka malabo na akong makabalik bilang artista, sira na pangalan ko don." Pilit akong ngumiti.
I just don't want to remember those backlash and bashing I received before.
Hinawakan niya ang mukha at hinaplos.
"I love you. Kung sakaling may mag-offer ulit sa 'yo para bumalik sa China at ituloy ang pangarap mo.
Hindi kita pipigilan. I don't want to be the reason for you not to continue your dream."
Gusto kong umiyak! Do I deserve this perfect man?
***
Shels<3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro