Chapter 22
Chapter 22: Identity
***
"Huwag ka nang umiyak. Okay, naman na ako." Pinunasan ni Phythos ang mga luha ko.
Nang makita ko ang dugo sa tagiliran niya. Para akong mahihimatay.
He took that stab that was supposedly for me.
"Pero muntik ka ng mamatay." Habang sinusugod namin siya sa hospital at hawak-hawak ko ang kamay niya. Pakiramdam ko tuluyan na siyang mawawala sa akin. Masyadong malalim ang pagkakabaon ng kutsilyo sa tagiliran niya. Kaya maraming dugong nawala sa kanya.
"I'm okay, saka masamang damo ito. Kaya mahirap akong mamatay." Humalakhak pa siya.
"Puro ka talaga biro!" Pareho naman kaming natahimik nang may tumikhim.
This is one of those guys na kasama ni Bea. Napatingin ako sa labas nang maalala si Bea. Nasaan na nga pala ang babaeng 'yon?
Lagi na lang siyang nawawala.
"Can I talk to him, Miss?" Nilingon ko si Phythos. May pagdadalawang-isip sa mga mata niya.
But even the guy looks rough and scary. I think he is still harmless.
"Okay." Tinanggal ko na ang kamay ni Phythos na mahigpit na nakahawak sa akin. Nginitian ko siya at tuluyan na akong lumabas.
Tahimik lamang akong umupo sa bakanteng upuan sa hallway. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang takot ko. Ang takot na mawala si Phythos sa akin.
Biglang sumagi sa isipan ko si Leonella. Ano na kayang nangyari sa kanya? Saka si Bea wala naman na siya rito?
"Fuck! I can't believe this! Nasaksak si Oriole ng babae!" Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi ng isa sa mga lalaking parating. Halata ang disgusto sa mukha nito.
"Well, it's understandable. He rescued his girl."
"You will never understand it, Eugene because you are heartless."
"What? Bawiin mo 'yang sinabi mo Vanned!"
"Gago, bakit ko babawiin. Eh, totoo naman!"
"Bellboy!"
"Waiter!"
"Uy, magtigil nga kayo! May nanonood." Kumaway pa ang lalaking unang nakapansin sa akin. Look like the youngest of them. Maamo ang mukha nito at kayganda ng berdeng mga mata.
Pero hindi siya pinansin ng dalawa at panay pa rin sa bangayan.
The hallway seemed small for them.
I feel like I'm surrounded by the Greek gods.
"Can you fucking stop? You fucking childish! Ang ingay niyo!" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto kung saan si Phythos at sumigaw ang kaninang lalaking kausap niya.
His emotionless blue eyes shout coldness and authority.
Naramdaman ko pa ang pagtaas ng balahibo ko sa takot. Agad na tumahimik ang dalawang lalaki at parang maamong tupa.
"Hi Kuya Locke, kumusta po si Oriole?" The green-eyed guy asked.
Oriole?
Why is he calling Phythos, Oriole?
"He is okay. He can't just die easily," malamig na sagot niya. Agad akong napaiwas ng tingin nang lumipat ang tingin niya sa akin.
"Oh, hi! Nandito ka pala, girlfriend!" Hindi ko na napansing nakalapit na sa akin ang isa sa mga lalaki. Namumukhaan ko siya. Siya 'yong bellboy sa Monteciro hotel. Nagpakulay lang siya ng buhok.
"Babaero mo talaga Vanned!"
"Gago! Anong babaero? Syota 'to ni Oriole!" Sinamaan niya ng tingin ang lalaking kanina niya pa kaaway at inakbayan ako.
Parang hindi ako makahinga sa kaba habang kasabay ko silang papasok sa kwarto ni Phythos. Sino ba ang mga lalaking 'to?
"Aww!" Agad na tinanggal ni Vanned ang pagkaakbay sa akin nang batuhin siya ng unan ni Phythos.
"Bakit mo naman ako binato, cous?" nakasimangot nitong tanong.
"Gago! Akin 'yan! Aakbayan mo pa!" inis niyang bulyaw dito at agad umamo ang mukha nang lumipat ang tingin sa akin.
"Mine, halika rito," malambing na tawag niya. Agad naman akong naglakad palapit sa kanya. Naguguluhan pa rin ako kung anong kaugnayan niya sa mga lalaking ito.
"Whoo! Mine daw, oh! Hahahaha." Umakyat naman ang dugo ko sa mukha sa panunukso nila.
"Sana all may jowa!" Halos itago ko na ang mukha kay Phythos sa kahihiyan.
"Tumigil nga kayo! Tinatakot niyo siya. Bakit ba kasi kayo pumunta rito?"
"Syempre gusto lang namin i-check kung buhay ka pa."
"In fairness, ang galing mong magtago Oriole. Naka ilang balik na ako rito hindi kita nakita," ani ng isa sa mga lalaki.
"Bulag ka talaga Eugene. Naunahan kita. Nakita ko siya sa Monteciro hotel," ani Vanned.
Mahina kong hinila ang laylayan ng damit ni Phythos para kunin ang atensyon niya.
"Sino sila?" bulong ko. Napabuntong-hininga siya.
"Mga pinsan at kapatid ko." Nanlaki naman ang mata ko. "I will explain to you later." Dagdag niya pa na halata ang kaba.
"Tumahimik nga kayo. Magpakilala na muna kayo sa kanya." Para namang timang na nakangiti ang tatlo na halata ang excitement habang ang lalaking nagngangalang Locke ay nanatiling walang emosyong nakatingin sa amin. He seems bored and really scary.
"Hi, I'm Eugene!" Hyper na pakilala ng
lalaking may kulay abong mga mata.
"I'm Vanned, your bellboy." Kinindatan pa ako. Kaya sinamaan na naman siya ng tingin ni Phythos.
"I'm Stephen!" Nakangiting pakilala din ng lalaking may berdeng mata.
Nakaramdam ako ng kaba nang magkatinginan kami muli ng huling lalaki. He is just so scary. "Locke," tipid nitong sabi. Still remain emotionless.
"I'm Faye, nice meeting you all." Nakangiting pakilala ko.
"Nice meeting you, future sis!" Lalo namang lumaki ang ngiti ko sa narinig.
"Oh, shit! I'm late!" Pare-pareho kaming napatingin kay Bea. Magulo ang buhok nito at halata ang pagod.
I expected her to smile sweetly at those guys like she always does. Pero hindi, at mas nagulat ako nang pingutin niya sa tenga sina Vanned at Eugene.
"Mga demonyo kayo iniwan niyo ako sa police station. Mga gago!" Pareho kaming napangiwi ni Phythos sa nakikita. Siguradong masakit ang pagkapingot niya. Kilala niya pala sila.
"Sorry na po, Amethyst! Hindi na mauulit!"
"Amethyst?" Hindi ko mapigilang tanong. Nilingon ko rin si Phythos. "They also called you, Oriole. Tell me, what's happening?" tanong ko.
Bumuntong-hininga naman siya. "Mine, ahm, how can I explain it." Napakamot pa siya sa ulo halata ang sobrang kaba.
"Madali lang naman, eh. Future sis, 'yang si Oriole ay isang example ng Dora de explorer hahaha."
"Tumahimik ka nga Vanned!" Binatukan naman siya ngayon ni Bea.
"Phythos Gonzales is not my real name I'm Phythos Oriole Monteciro."
Nanlaki ang mga mata ko.
He is a Monteciro!
"Yeah, I'm a Monteciro, but just by the name because right now. I'm really not that called heir or rich guy. Ang mga magulang lang naman namin ang mayaman at hindi kami."
"Oo, future sis Monteciro kami pero dakilang mahirap dahil walang puso ang mga magulang namin," ani Eugene.
"Gago ka talaga Eugene! Hindi naman kita pinagsasalita." Inis na binato rin ito ni Phythos ng unan. Nagpeace sign lang naman ito.
Huminga ulit si Phythos tila kinakalma ang sarili at saka hinarap ako.
"I'm sorry, Mine, if I lied about my identity. Nasanay na rin kasi akong walang makaalam since matagal ko na rin ginagamit ang pagiging low profile ko." Hindi ko alam ang mararamdam ko pero ang nangingibabaw ay ang gulat sa akin.
Ni wala akong mahanap na galit sa pagsisinungaling niya dahil nagsinungaling din naman ako sa identity ko sa kanya. Lalo pa nga akong humanga sa kanya dahil sa nalaman.
He is from a wealthy family, but here he is, not depending on his family's wealth. Working and striving on his own.
"Kaya pala pati kami tinaguan mo, Oriole." Nakasimangot at may pagtatampo sa boses ni green-eyed guy.
"Alam mo Stephen, dapat matuto ka ng lumayo sa dalawang 'yan. Mabilis akong mabubuko kung sumama ako sa inyo," sagot naman ni Phythos at ibinalik ang atensyon sa akin.
"Mine, hindi ka ba galit?" Umiling ako at ngumiti.
"I understand you." Nalipat ang tingin ko kay Bea. Nang humingi rin ito ng tawad.
"Sorry rin, Faye. I'm not Bea Curry Tan. I'm Amethyst Curry Zaldua. Pumasok lang naman ako sa University. Para hanapin at bantayan si Oriole."
"No worries. Naiintindihan ko naman ang mga rason niyo. So, what will I call you now?" nakangiting tanong ko.
"You can call me whatever name you like either Bea or Amethyst. By the way, I'm not just a guard but I'm also the nanny of this monsters."
"Tangina Amethyst!" Agad na hindi pagsang-ayon ni Vanned.
"Ano itatanggi niyo pa? Talaga namang mga halimaw kayo! Kabwisit!" Galit niyang bulyaw kaya tumahimik din ang mga ito.
"Tsk, I'm going! Fucking childish," Tumayo na si Locke at tuluyan nang lumabas.
"At sa wakas! Umalis na rin ang demonyong nagpapanggap na mature." Halata ang inis na hinabol pa ito ng tingin ni Bea. Napangisi ako,
Locke looks like one of her ideal men. He has that oozing badboy aura.
"Pasensya ka na sa kapatid ko. He is just rude and really scary." Bumalik ang tingin ko kay Phythos. Maaliwalas na ang mukha at wala na ang kanina'y kaba.
"Siya ang kapatid mo?" tanong ko. Tumango naman siya.
"Unfortunately, he is. But, don't worry. He will not do anything to you."
"Siya lang ba kapatid mo?" tanong ko ulit. Nakahilig na siya ngayon sa balikat ko. Mukhang inaantok na.
"Yeah, he is my older brother. While these guys are my cousins," simpleng sagot niya.
"Okay, magpahinga ka na rin. Halatang kanina ka pa inaantok," malambing kong bulong.
"Thank you for coming to my life, Mine. I love you," bulong niya bago tuluyang kinain ng antok.
"Nga pala Faye, si Leonella dinala ko na sa presinto. Kaya lang mukhang makakalaya rin kaagad kasi tumakas pala 'yon sa rehabilitation. Masyado na raw depressed. Kaya pala hindi na pumapasok."
"Thank you, Bea."
I can't help but feel pity for Leonella. Nagmahal lang naman siya. I hope she will find the right man for her as soon as possible. She deserves happiness too.
***
Shels<3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro