Chapter 20
Chapter 20: Goals
Dedicated to Surgeon0fDeath
***
"Wow! Ang ganda!" I can't help but to be amaze pagkapasok namin sa kwartong ipapalinis.
This is definitely huge. High-class and I think only use by the VIPs. Sigurado akong mas malaki ang kwartong ito kaysa sa iba. And this is an exclusive room.
Nilibot ko ang tingin. Maganda pa rin ito kahit na magulo.
"Siguro, minsan lang pumunta rito ang may-ari."
"Paano mo naman nasabi?" Tanong niya habang kampante siyang nakaupo sa sofa at pinapanood lamang akong maglibot sa kwarto.
Pinunas ko naman ang daliri ko sa table at pinakita sa kanya ang alikabok na kumapit.
"Maalikabok ang table. Baka pati 'yang sofa na inuupuan mo." Lumaki naman ang ngiti niya tila tuwang-tuwa sa akin.
"Do you find me amusing?" tanong ko. Humalakhak naman siya.
"Cute mo lang, mine, pwede pa-kiss."
Ngumuso pa siya na parang bata.
How could this Greek guy effortlessly act cutely like a child?
Nagugulat pa rin talaga ako minsan kapag ganito siya. Like, it's out of his character.
"Baliw!"
"Baliw na baliw sa 'yo!" Napairap na lang ako.
"Puro ka kalokohan. Maglinis na nga tayo," yaya ako.
"Kung anong gusto ng mine ko. Susundin ko," nakangising sagot niya at kinuha na ang mop.
"Cheesy mo!"
"I'm cheesy for you~~~" Napatawa na lang ako nang kantahin niya pa ito like the tune of 'crazy for you'
Nagsimula na kaming magmop pero nakakapagtakang hindi ganoon ka-alikabok ang sahig. Like, sobrang linis. May ilang parte lang na madumi pero ang mga gamit ay madaming alikabok.
Weird.
"Next na tayo sa CR. Malinis naman na rito." Yaya ko sa kanya. Tumango naman siya.
Bumungad sa akin ang maduming comfort room. Napatakip pa ako sa ilong dahil sobrang baho talaga.
"Anong ngini-ngiti mo riyan?" tanong ko. Ang lawak kasi ng ngiti niya habang pinagmamasdan ako.
"Wala, akala ko ba gusto mo maglinis ng comfort room? Bakit parang nandidiri ka naman." Panunukso niya.
Agad ko naman tinanggal ang kamay kong nakatakip sa ilong ko.
"Hindi, ah!" Tanggi ko. Ngumisi naman siya at sinimulan na akong turuan sa paglinis ng maduming cubicle. Bale, dalawang cubicle lang naman ang lilinisan.
Nandidiri kong pinagmasdan ang cubicle na kailangan ko nang linisan nasa kabila kasi si Phythos. Pati ang pader at sahig nito ay sobrang dumi. Sobrang panghi pa na parang binuhusan pati ang sahig ng ihi.
"Sigurado ako, pumupunta lang ang may-ari rito para umihi," inis kong sabi habang patuloy sa pagkuskos. Humalakhak lang naman si Phythos.
Pakiramdam ko nga ang dami ng germs na kumapit sa akin. Nagtataasan ang balahibo ko. Ni hindi yata marunong mag-flush ng toilet ang may-ari.
"Gusto mong maglinis ng cr diba? Oh, 'yan! Dagdag check sa bucket list mo hahaha." Nilingon ko siya. Nakasandal lamang siya sa pintuan at mukhang tapos na.
Inirapan ko na lang siya. Ayaw ko nang magsalita since in the first place ako nga naman ang naghikayat nito.
"Mine, ang dami mo ng alam na mga trabahong pangmahirap. At habang tumatagal, unti-unti nang nawawala pagiging maarte mo. Lalo akong nafa-fall." Nawala naman kaagad ang inis ko sa sinabi niya.
"Talaga?" nakangiti ko ng tanong.
"Oo, ikaw pa lang nakita kong babaeng mayaman pero nagta-try pa rin gawin ang mga trabahong pangmahirap. Kasi kung ayaw mo naman talaga, hindi mo naman talaga gagawin pero ginawa mo pa rin."
Napangisi ako. "So, naglevel up na pagmamahal mo sa akin?"
"Oo, lalo na kapag..."
"Kapag?" tanong ko.
"Kapag titignan mo 'yang nasa paa mo." Napatingin naman ako sa paa ko.
"Ah! Ipis!" malakas kong sigaw at napatalon-talon. Lalong nanlaki ang mata ko nang madulas ako pero bago pa ako tuluyang bumagsak sa sahig nasalo na ako ni Phythos.
Nag-flashback sa akin ang una naming pagkikita sa airport noon. Ganun na ganun 'yong nangyari.
"May time na akong makipagtitigan sa 'yo ngayon, Mine." Agad akong nabalik sa ulirat at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"Patayin mo 'yong ipis!" Utos ko habang ramdam ko na naman ang pagpula ng pisngi ko.
Ngumisi naman siya at sinunod nga ang utos ko. Kinuha niya ang mop at ipinampukpok dito.
"Oh, patay na." Napangiwi ako nang hawakan niya ito at inilapit pa sa akin.
"Yuck! Itapon mo nga 'yan!" inis kong utos.
"Wala namang ginagawang masama 'yang ipis, eh. Takot na takot ka?" Nalaglag ang panga ko. Halata pa ang awa sa mukha niya habang hawak-hawak ito.
"Eh, nakakadiri kaya 'yan! Itapon mo na!" Napakamot pa siya sa batok.
"Kung malaki-laki nga lang ang ipis, gagawin ko pang pet. Matagal ang buhay nito, Mine."
"Wala akong pakialam!"
"Pero mas love pa rin kita kaysa sa ipis. I love you, mine ko," bulong niya.
"Oo na, I love you too," sagot ko dahil kukulitin na naman niya ako kapag hindi ako sumagot.
Pareho kaming napalingon sa pinto nang may kumatok.
"Ako na." Presinta niya. Pinagpatuloy ko naman ang paglilinis.
Napangiti ako nang sa wakas natapos ko na. Wala na rin ang mapanghing amoy.
Lumabas na ako nang wala pa rin siya. Nakita ko siyang kausap ang isang lalaking kasing tangkad niya. Mas maputi nga lang ito, kulay asul din ang mga mata pero mas rough nga lang ang hitsura kumpara kay Phythos.
Bumaba ang tingin ko sa suot ng lalaki. He is a bellboy! May tulak-tulak din itong pagkain.
"Oh, Hi!" Kumaway sa akin ang lalaki nang mapansin na ako.
Is this hotel really hired men with only Greek god look?
Kasi, definitely this guy will pass as a supermodel.
"Hello!" Matipid ko ding sinuklian ito ng ngiti. Agad namang humarang si Phythos sa harap ko at tinakpan ang lalaki.
"May dala nga pala akong meryenda para sa inyo. Kunin mo na, Phythos." Oh, he knows him.
Kinuha naman ito ni Phythos at ipinasok. Sinamaan pa ng tingin ang lalaki.
Meryenda? Like really, nagbibigay ba talaga ng ganoon ang hotel sa janitors nila?
Mukhang ang sosyal pa. Plus, hinatid pa mismo ng bellboy.
"Vanned nga pala!" Biglang lahad ng kamay ng lalaki.
"Faye." Tinanggap ko naman ang kamay niya.
Biglang lumitaw naman si Phythos at agad pinaghiwalay ang kamay namin.
"Umalis ka na!" Itinulak pa ito ni Phythos. Nakangisi lang naman ang lalaki at nagflying kiss pa.
"Kakilala mo 'yon, no?" tanong ko.
"Basta nagpapart time din 'yon. Saka, mas gwapo ako dun kaya huwag ka na magtanong tungkol sa kanya." Napairap na lang ako. Ang hangin pa rin talaga.
So far, na enjoy ko naman ang buong araw. Pagkatapos naming magmeryenda umuwi na rin kami. Hinatid niya pa ako hanggang sa dorm.
Naging maayos naman ang mga sumunod na araw. Phythos is still very sweet. Nag-iba na rin ang tungo ng ibang studyante sa akin. Mas bumait na sila at lagi ay positibo ang sinasabi tungkol sa relasyon namin ni Phythos.
May nakakita pala kasi sa amin sa Monteciro hotel at ipinost ang pictures namin sa university group. Kaya naglabasan na rin ang ibang litrato namin ni Pythos sa iba-ibang trabaho nga lang.
They say, we are relationship goals.
Kasi raw, mayaman ako tapos mahirap si Phythos pero sumama pa rin ako sa kanya at nagta-trabaho pa.
We are an example of a real couple embracing each other's imperfections.
"Mine, magpapasada ako ng taxi this weekend. Kaya huwag ka na sumama, ah."
"Sige, ingat ka. Bakit hindi ka na papasok sa hotel?" Pagod din kasi ako sa dami ng sunod-sunod na requirements at quizzes. Pagkatapos ng foundation. Bumawi talaga sa acads ang mga prof. Kaya hindi ko talaga ipipilit ang sarili ko para sumama sa kanya.
"Hindi na, nag-resign na ako doon. Gusto kasi nilang every day na ako doon. Ang pogi ko kasi." Humalakhak pa siya.
"Sira! Pero sayang din medyo malaki naman pasweldo nila. May pameryenda pa.'' Napangisi ako 'yong nakuha kasi naming sweldong dalawa ipinan-date namin at iyong natira ibinili namin ng street foods at ibinenta rin namin.
"Alam mo namang ayoko magstay sa isang trabaho lang. Mas masaya ang iba-iba. Hindi boring." Tumango-tango na lang ako.
I support him, at saka nakikita ko namang masaya siya sa ginagawa niya.
"Ah, nga pala Phythos. Hindi ko na nakikita si Leonella."
"Siguro, lumipat na ng University. Mayaman naman pamilya non," simpleng sagot niya. Humarap ako sa kanya.
Matagal ko na itong gustong itanong. But I have no courage to ask and I think I have no right.
Pero ngayon since girlfriend naman na niya ako. I have now the right to ask him about their past. I'm really curious.
"Phythos, gusto ko malaman kung anong dahilan bakit kayo naghiwalay ni Leonella?"
"She's rich, I'm just her family's bodyguard."
"Then?"
"I just know, I didn't really love her from the very start. I just mistaken her as someone else." Napakunot-noo ako.
"Mistaken?" Ngumisi lang siya at ginulo ang buhok ko.
"You will know soon."
***
Shels<3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro