Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Chapter 11: Girlfriend

***

"Ako na ang magbibigay. Ikaw na lang ang magbarya sa kanila." Utos niya sa akin habang inaabot ang isang bilog na bagay na may takip.

Tinitigan ko muna ito. Inaalala kong saan ko ito nakita.

Agad naman nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano iyon.

Mom use this as urinal!

"Uy, kunin mo na," mahinang bulong niya at pilit itong inaabot sa akin.

"Yuck, that is use for urinating!" Hindi ko mapigilang isigaw. I can't imagine myself holding that thing. Siguradong maraming germs!

Binalingan niya naman ang mga bumibili at pekeng ngumiti. "Pili lang kayo, kausapin ko lang itong girlfriend ko. Alam niyo na, medyo engot. Alam ko pala bilang ng mga iyan, bawal sumobra!" Inakbayan niya ako at medyo inilayo sa kumpulan.

Inis ko namang tinanggal ang pagkakaakbay niya. "Hindi ako engot! I know that thing, my mom use that!" sigaw ko. 

Pinitik niya naman ang noo ko. "Baliw ka talaga! Sinisira mo diskarte ko. Oo, arinola ito pero bagong bili ito hindi ko inihian kung iyan ang iniisip ng lintik na R.K mong utak!'' gigil niyang sigaw at basta na lang iniabot sa akin.

"Malay ko ba!" Napairap ako. Napagulo naman siya sa buhok at bumuntong-hininga.

"Malinis 'yan, arte nito. Saka, ginagamit talagang lalagyan 'yan ng pera kasi pampaswerte. Ang hirap ng may kasamang tanga." Napasimangot ako at wala na lang nasabi.

Kainis talaga siya! Eh, hindi ko nga alam na ginagamit pa lang pampaswerte. Tanga na agad?

I hate him!

"Oh, bawal ang sobra ah! May cctv rin dito." Pananakot niya. Tahimik na lang akong tumulong sa kanya habang mukhang honesto naman sa pagbayad ang mga bumibili. Karamihan mga estudyante.

"Kuya, girlfriend mo ba talaga si ate? Hindi ba, ang girlfriend mo iyong magaling mag-ballet? Iyong anak ni ex mayor?"

Agad akong napatingin sa kanya. May girlfriend pala siya?

Pinanood ko ang magiging reaksyon niya. Natigilan siya at biglang nabura ang ngiti niya.

Kita ko rin ang pagkuyom ng kamao niya. Galit ba siya?

"Hindi, sino naman nagsabi? Naging bodyguard lang ako non. Huwag kayo maniwala sa mga tsismis." Saka bumalik ang ngiti niya at bigla na lang akong itinuro at kinindatan.

"Siya, ang totoong girlfriend ko," nakangiting sabi niya.

"Talaga? Kahit pangit siya?" Napasimangot naman ako sa straightforward na tanong ng bata.

"Pangit ba siya? Peklat lang ang meron sa mukha niya, pero hindi ibig sabihin pangit na siya. Sa mata ko at sa puso ko, siya pa rin ang pinakamagandang babae. Hindi ba mahal?" Kinindatan niya ako ulit.

That made my heart thump faster and I could feel the blood rushing to my face. Shit! Am I blushing just because of his corny lines? 

"Yeah," napipilitan na sabi ko. Lalo namang lumaki ang ngiti niya. Tuwang-tuwa lang na pinagba-blush niya ako. Bwisit!

"Ang sweet naman ni kuya. Ate ang swerte mo po." Tipid na lang akong ngumiti sa kanila. Gago talaga! Dinadamay na naman ako!

Dumami at dumami nga ang bumibili sa amin. Masaya rin pala itong gawin. May mga makasasalamuha kang iba't-ibang klase ng tao. Na sa simpleng street foods lang, masaya na.

"Oh, ako muna rito. Kumain ka muna." Nagulat ako nang may inabot siyang styrofoam sa akin. Naglalaman ng kanin at isang fried chicken.

Napakamot pa siya sa batok. "Hindi ko alam kung anong gusto mo eh. Kaya 'yan na lang binili ko."

"Thanks, pero ikaw hindi ka pa kumain?"

"Okay na ako rito!" Sabay kain niya sa isang hotdog.

Napangiti ako at kinuha na ang styrofoam at tahimik na kumain sa lilim ng puno.

I can see how hard-working he is. He is so amazing.

I'm slowly learning about how life works for those poor people, and I can't help but be amazed that I'm already experiencing it. 

I'm enjoying this simple living and I owned this to him.

Hindi namin namalayan ang oras hanggang sa tuluyang maubos lahat ng paninda namin.

"Sa wakas ubos na!" Hindi ko mapigilang mapasigaw sa saya. Hinilot ko ang balikat ko dahil sa pangangawit sa pagpapaypay.

Ako na rin kasi ang nag-ihaw kanina dahil mas mabilis siyang maghanda ng mga paninda. Naubos na kasi ang mga tinusok kong street foods. Akala niya kasi tama na iyon na maibebenta namin ngayong araw pero kulang pa pala.

Inayos muna namin ang mga tupperware at mga nagamit bago kami pansamantalang umupo sa lilim ng puno. Agad akong sumandal dito sa pagod.

"Oh," Napakunot-noo ako nang may inabot siyang tig-isang piraso ng mga binenta naming street foods.

"May naiwan pa pala," gulat kong sabi.

"Itinabi ko para sa iyo. Alam kong hindi mo pa 'yan natitikman." Agad ko naman itong kinuha. Gusto ko nga talagang tikman. Kaya lang nahihiya akong humingi. Kasi alam naman niyang may pagka-arte ako sa  pagkain. Baka tuksuhin lang akong nag-iinarte lang.

"Ano na kasing pangalan nito?"
I asked while he was busy counting our earned money.

Kinakain ko ang intestine ng manok. Mukhang kadiri pero masarap pala.

Naririnig ko sa mga bumibili ang pangalan kaya lang nakalilimutan ko rin. Mabuti na lang at sila na mismo ang kumukuha at hindi ako. Dahil wala naman akong ideya sa mga pangalan ng mga street foods.

"Isaw 'yan, tapos betamax ang tawag diyan sa dugo, fishball naman 'yang white, kikiam 'yang brown, helmet tawag sa ulo at adidas naman sa paa ng manok." Napatango-tango naman ako habang pinipilit isinasaulo ang mga pangalan. Talagang sinabi na niya lahat hindi na niya hinintay na itanong ko pa isa-isa.

Bumalik ulit siya sa pagbibilang. I can't help but to be amused as I stare at him. I can see excitement and happiness in his eyes while counting.

"3,000! Tingnan mo naka tatlong libo tayo!" He shouted joyfully while holding the arinola.

"Kadiri ka!" sigaw ko nang makitang hinalikan niya pa ito.

"Arte nito! Hindi ito kadiri, swerte ito! Halikan mo rin!" Nanlaki ang mata ko nang inilapit niya sa akin kaya agad akong tumakbo palayo sa kanya.

"Yuck!" sigaw ko nang habulin niya ako. "Eh, ilayo mo sa akin 'yan. Don't let me kiss that germ thing!" I scream nang sa wakas ay mahuli niya ako.

Hawak niya ang braso ko na parang pinipigilan akong tumakas. Napatigil lang ako sa kakapalag nang narealize kong ang awkward pala ng position namin. He is like hugging me from behind!

Natahimik kaming dalawa hanggang ako na ang kusang bumasag.

"Minamanyak mo na ako, huh."

"Tsk, hindi ka naman kamanya-manyak." Pinakawalan na rin niya ako."Oh, regalo ko pala."
Napatingin naman ako sa bagay na inilagay niya sa kamay ko.

"My phone!" Hindi ko mapigilang mapasigaw sa saya.

Nawala na ito sa isip ko.

"Mabuti nasayo? Nakalimutan kong itanong sa iyo."

"Napulot ko noon sa airport. Sorry pala, ibinenta ko kasi 'yan pero huwag kang mag-alala. Kinuha ko naman noon ang memory card at simcard. Kaya private pa rin ang mga laman niyan. Hindi ko rin 'yan pinakialaman o binuksan. Inilagay ko lang ang memory card niya." Nakahinga naman ako sa ekplenasyon niya.

"Thank you."

"I must be the one to thank you for this day. You help the poor guy in front of you." 

Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya.

"I think you will be successful someday. You will not be forever the poor guy because you're so hardworking. I hope someday you will stand in front of me as a successful man." Pinunasan niya ang pawis niya at napangiti.

"Thank you for believing me. I will do everything to make that wish of yours come true."

I have never felt peace in my everyday life, not like this day.

Mas masaya pa rin pala ang mabuhay ng ganito kaysa sa buhay sa limelight.

***

Shels<3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro