Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3.Pangarap


Nabihag sa magarang lipad,
makinang ang  pakpak at malapad
bagwis nito’y mahiwaga
walang kaparis ang halaga
Datapwat, sa piniling estado
kailangan maging totoo
kailangang timbangin ang puwesto
upang sa huli hindi dehado.
Tirik man ang araw sa paglalayag,
masubok man sa pagpapahayag,
patuloy ihahawi ang pakpak
upang makita ang tunay na resulta.
Kaya’t kakayahan ay palalawakin,
kaalaman ay patuloy na hahanapin
kikilatasin bawat bahagi at
pagsasabayin ang piniling kapalaran.

-Roselia Poessy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro