Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17.Hustisya

Hustisya

Sa mundong nilakihan, ito nga ba ay totoo?
Ang peligro ay kabilaan, ngunit pili tao ang mayroon nito.
Kailangan ng impluwensiya, kayamanan; piling estado.
Kaya't kahit nasa tamá, husga ng itaas ang lamang—delikado.

May karunungan, ngunit butas ang bulsa
Ilaban man nang todo, mauuwi sa paalam at pagluluksa.
Ang panig ng puti ay madalas pasensiya't parusa.
Sapagkat, ibuwis man ang lahat sa huli ika'y mababalisa.

Walang ano-ano, maliksi kanilang palaisipan.
Kahit mali, lilihis at malalasap ang karangyaan.
Tila ang nangangailangan, mabubulok sa kamatayan.
Dadaing sa sakit, mag-iiwan ng galit at ibabaon ang kasinungalingan.

-Roselia Poessy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro