Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11. Batas

Batas

Mga paalala na katumbas ay pagsunod,
Mga tuntunin na kailangan gawin araw–araw.
Mga tungkulin na dapat sundin hanggang dulo.

Maraming kailangan ang dapat isakatuparan.
Kanan at kaliwa ang makikitang paalala, nakakasawa!
Ngunit, hindi lang para sa sarili kundi para sa lahat ng makatao.

Ito nga ba ay makatao?
O madalas ito lamang ay binuo sa sariling motibo?
Dahil taliwas ag nakikita't nararamdaman, ito ay negatibo resulta.

Gayunpaman, ito ang dahilan ng pagkakaisa.
Natitimbang ang kalayaan at nakikita ang suwail.
Ito rin ang yugto ng pagbabago, ito ang pahina ng pagpapakatao.

-Roselia Poessy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro