Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1.Kumusta?

Kumusta ka?
Simpleng salita,
dalawang letra
ngunit nasa pagitan ka ng
oo at hindi, minsan nasa gitna 
o kaya’y blangko pa—
o di kaya’y ang sagot ay 'Hindi ko alam.'

Kumusta ka?
Problema’y iba-iba, 
sari-sari tila nakakapagod
tila’y walang katapusan
ngunit may katotohanan
may kapupulutan ng aral.

Kumusta ka?
Karangyaan ay sobra na,
kaginhawaan ay abot na.
pangarap ay nakamtan
hiling sa itaas ay nangyari na.
ngunit ito'y sapat na ba?

Kumusta ka?
Hindi alam saan papanig,
madalas ikaw ang nanapansin
sa tama o mali na hindi batid
marami man ang sinasabi, hindi sa iba pumili
datapwat, desisyon mo’y mula sa sarili.

Kumusta ka?
Positibo ang gusto,
tuloy basta't walang maloloko
sa mundong magulo,
nakita ang totoo;
ito’y mahika ng tula
malaya man o tugma
akda’y galing sa puso.

-Roselia Poessy
 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro