"ANG KAMATAYAN NI IGNACIO"
Nakatira na nga sakanyang pamamahay ang kanyang apat na anak ngunit tila wala rin. Ni hindi man lang siya kinakausap ng kanyang mga anak.
Sa hapag kainan..
"Kamusta ang pag-aaral mo Davilinda?" Ngiting tanong ni Ignacio sa mga anak.
Ngunit tiningnan lang sya nito at bumalik ang tingin nito sa Plato sabay subo ng kutsara na may kanin at ulam.
Sunod na tinanong ni Ignacio ay ang kanyang panganay na si Marlyn.
"Marlyn, kamusta kayo sa Opisina ni Tita Argelie mo?" Tanong nya.
"Maayus Lang naman. Mahuhuli nako kelangan ko nang umalis." Sabi ni Marlyn sabay tayo mula sakanyang kinauupuan.
"And pa kelangan ko na ding umalis may gagawin kami ni Marife sa School. Tayo na Marife." Sabi ni Mia sakanyang kapatid.
At sumunod naman si Marife.
"Teka Hindi nyo pa nauubos Ang mga kinakain nyo. Umupo na muna kayo." Sabi ni Ignacio.
Ilang sandali pa ay dumating na si Argelie.
"Let's go Marlyn. We need to be there on time. And kuya check mo nalang yung email mo. Nag send na ng report si Boni sayo. Let's go!" Sabi ni Argelie sabay taas ng kanyang kilay.
At nang makaalis na ang mga anak ni Ignacio lumapit si Ruel upang samahan ang amo.
"Senior mukhang Hindi pa talaga nila naiintindihan ang mga nangyari sainyo. At mukhang dinamdam nila ang inyong desisyon na iwanan sila doon sa mga kamag-anak ng Nanay nila." Sabi ni Ruel.
"Oo nga, nangangamba ako ruel. Dahil may isang araw nalang akong natitira." Sambit ni Ignacio.
"Nako sir. Kelangan ninyong ipaliwanag sainyong anak ang inyong sitwasyon. Alam kung maiintindihan nila yun." Sabi ni Ruel.
"Si Attorney Almie? Nakontak naba ni Jeanrio?" Tanong ni Ignacio.
"Yes sir nandito na po si attorney." Sabi ni Jeanrio habang patungo ito kina Ignacio at Ruel.
"Good morning Senior Ignacio. Is there any problems?" Tanong ng Attorney sakanya.
"Wala naman, regarding sa last will ko.." Paunang Sabi ni Ignacio.
"Yes why? May babaguhin kaba? Dala ko ang files ngayon." Sabi ni Attorney Almie.
"Good. Well still the same. Lahat ng shares ko ay paghahatian ng apat kung mga anak. And the only thing I want to changed is. Itong Emerald Castle. Gusto ko ipangalan mo ito sa apat na mga anak ko." Sabi ni Ignacio.
"Okay I can do that, how about your sister? Diba sakanya mo ito pinamana? Bakit nagbago ang decision mo?" Tanong ni Attorney Almie.
"Hindi na kelangan ni Argelie ang mga ito. Siya ang magiging tagapayo ng mga anak ko. Magaling si Argelie. She can survive, kahit ilagay mo sya sa gubat ng ilang taon." Paliwanag ni Ignacio.
"No problem.." Sabi ni Attorney Almie at agad niyang isinulat Ang mga sinabi ni Ignacio.
Samantala sa Opisina..
"I want you to meet my brother's gem. Miss Marlyn Vistal Emerald. " Sabi ni Argelie sa mga ka meeting nila.
"So meaning siya ang the only daughter of Emerald family?" Tanong ng isang lalaki.
"No, apat sila! At sasanayin ko sila. Para maging kasing bangis ko silang apat." Sabi ni Argelie.
"By the way Marlyn, this Mr. Cheng isa sa mga investors natin." Pakilala ni Argelie at ngumiti lang ang dalaga.
At biglang nag ring ang cellphone ni Argelie.
"Excuse me.." lumabas sya ng conference room at agad sinagot Ang tawag.
"Yes? Anong problema?" Tanong nya sa kausap.
"What? Hindi maari yan. Gumawa kayo ng paraan! Hindi pwdeng masayang ang mga pinag-hirapan ko. Do something! Baguhin mo or patayin mo basta do everything!" Sigaw ni Argelie sa kausap sa cellphone.
"Tita are you okay?" Tanong ni Marlyn sakanya.
Nang lingunin nya Ito ay nagulat sya dahil sobrang lapit na ng dalaga sakanya.
"Kanina kapa dyan?" Tanong nya.
"Nope kakalabas ko lang they need you sa loob. Let's go tita!" Sabi ni Marlyn.
"Okay sorry medyo may makulit lang. But I'm okay let's go!" Sagot nya at sabay silang pumasok sa loob ng conference room.
Hanggang sa dumating na ang araw na kinatatakutan ni Ignacio.
Isang gabi. Nagising si Ignacio dahil sa ingay.
Nang imulat niya ang kanyang mata ay may nakita syang isang anino sa loob ng kanyang kwarto.
"Si-sino ka?" Tanong nya.
"Oras mo na Ignacio." Sabi ng anino na ang boses ay parang nangagaling sa ilalim ng lupa.
"Hindi ako natatakot sayo." Sabi ni Ignacio nang makita nya ang mukha ng salarin.
"Paalam! Ikumusta mo nalang ako Kay satanas!" Sabi ng nilalang na pumasok sa kanyang kwarto sabay saksak ng punyal sa kanyang dibdib.
"Magbabayad kaaahhh!!" Huling Sabi ni Ignacio ng mas ibaon pa ng salarin ang punyal sa kanyang dibdib.
Kinaumagahan nagising ang magkakapatid dahil sa ingay ng sirena ng sasakyan ng pulis.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Marlyn.
At humahangos naman si Argelie na nagpunta sakanilang apat.
"Mga Ija.. may nangyari sainyong papa. Pinatay sya." Umiiyak na Sabi ni Argelie.
"What? Papano? Sino Ang salarin?" Sabi ni Davilinda.
"Halika Dali!" Sabi ni Argelie at hinila niya ang apat niyang pamangkin.
Nang makalabas sila ay nakita nilang ipinapasok na ang bangkay ng kanilang ama sa loob ng ambulansya.
"Anong nangyayari? Buhay pa ba si kuya?" Umiiyak na Sabi ni Argelie.
"Tatay!" Sigaw ni Marife.
Habang si Mia naman ay tulala lang na nakatingin sa ambulansya.
"I'm sorry miss. Mr. Emerald is already dead. We do our best but patay na sya wala na syang pulso." Sabi ng medical professional na nakausap ni Argelie.
"Ayan iniwanan nanaman tayo? Napaka walang kwentang ama!" Sabi ni Davilinda habang naluluha ito.
"Ate wag ka namang mag salita ng ganyan." Sabi ni Mia.
"Iniwan nga nya Tayo noon diba? So Ano pa bang bago?" Nanginginig na sabi ni Davilinda. Nagpipigil itong umiyak.
"Davilinda is right, ano pa bang bago!" Dagdag na sabi ni Marlyn at nauna itong bumalik sa loob ng kastilyo.
"Enough! Ruel ipasok mo na ang mga Bata sa loob. Ako na Ang sasama sakanila sa morgue." Sabi ni Argelie.
"Opo maam." Sagot ni Ruel at agad niyang kinuha ang tatlong anak ni Ignacio na sina Marlyn, Mia at Marife.
Habang sa kwarto ni Davilinda.
"Magbabayad kayo sa ginawa nyo sa papa ko. Oras na malaman ko Kung Sino ang gumawa nito. Hindi Hindi ko sya bubuhayin" Sabi ni Davilinda habang nakatingin sa salamin at lumuluha.
Sa sala ng kastilyo..
"Mga binibini wag kayong mag aalala. Aalagaan namin kayo. Hindi namin kayo pababayaan. Promise Yan.." Sabi ni Ruel.
"Mang Ruel. Sino ba ang lapastangan na pumatay kay papa?" Tanong ni Mia.
"Oo nga?"Dagdag Naman ni Marife.
"Aalamin ko mga binibini. Sa ngayon hayaan na muna natin na ang mga pulis ang gumawa ng trabahong iyan." Sabi ni Ruel sakanilang tatlo.
"Napakabata pa nila senior!" Sabi ni Ruel sa kanyang isip habang nakatingin sa isang malaking portrait ni Ignacio na nakasabit sa Pader.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro