
EPISODE FIFTEEN
"KARAPATAN PARA SA PAG-IBIG"
Reminders:
In this episode may contain some adult scene. Which may not be suitable for readers under 18 below.
ANG NAKARAAN,
Nakaharap ni Davilinda ang impostor na gumagamit sa kanyang tunay na katauhan. At mukhang magiging karibal nya ito sa pag-ibig ni Edward.
"Nakikita kung nagiging malapit kayo ni Edward. I just want to remind you. Edward is mine. So please stay away from him." Sabi ng impostor.
Samantala nagkaharap naman sina Marlyn At Mia sa tulong nina Sister Salome at Aling Coring.
"Napakaliit nga lang ng mundo Sister Salome. Akalain mo ang nawawala nilang kapatid ay naririto lang pala sa kumbento." Masayang Sabi ni Aling Coring.
Huminga muna ng malalim si Sister Salome at nag wika ng.
"Tama ka Aling Coring, ngunit maraming suliranin ang batang yan. Nakakalungkot isipin na kahit kadugo nila. Kaya silang saktan para sa pera at kapangyarihan."
ANG KARUGTUNG,
Sa isang mamahalin na kainan.
Nagmamadaling nagtungo si Davilinda sa kinauupuan ni Edward. At nang makita ang dalaga ay ngumiti ito.
"Sorry nahuli ako. Pinasusundan kami ni Davilinda. I mean yung pekeng ako." Humahangos na Sabi ni Davilinda.
"Regarding with that Davi. I want you to know this." Nakayukong sabi ni Edward.
"What is it? Tska mag Tagalog ka nalang ilang taon kana sa pilipinas jusko!" Ngiting Sabi ni Davilinda.
Ngumiti bahagya si Edward at nagwika ulit sakanya.
"Your impostor wants me to marry her. And I don't want that. Kasi I know she's not you. What should I do?"
"What? Marry agad? Kakarating lang ng mga impostor na yan. Marry agad? " Sabi ni Davilinda.
"I know, but remember? Nung bata pa tayo nagpakita ako ng interes sayo. And I don't want to ruined our plan. It's just because of my mistakes. Mahuhuli ka nila. Pero wag kang mag aalala. Hindi ako magpapakasal sakanya." Sabi ni Edward.
"Okay? So anong pinoproblema mo?" Tanong ni Davilinda.
Huminga ulit ng malalim ang lalaki bago nag salita.
"Hawak nila si Dad, if Hindi ko papakasalan ang pekeng ikaw. They will kill my dad." Naluluhang sabi ni Edward.
"What? Sumusobra na talaga si Tita!" Galit na sabi ni Davilinda at tumayo ito.
"Where are you going?" Sabi ni Edward habang nakahawak sa kamay ni Davilinda.
"Sasabihin ko sa kanila na ako ang tunay na Davilinda. Bahala na!" Sabi ni Davilinda.
"No! No! Please you don't have to do that. Just stick with the plan. And besides, kahit pakasalan ko sya ikaw lang naman ang Mahal ko. " Sabi ni Edward. At pinaupo nya si Davilinda sa upuan.
Samantala sa Santo Ignacio, sa bahay ni Aling coring.
"Akin na ang mga gamit mo Marlyn. Sana ay maging komportable ka dito saaming munting bahay." Sabi ni Aling Coring.
Iginala ni Marlyn Ang kanyang paningin sa paligid at nag salita.
"Napaka ganda ng bahay mo Aling Coring. Gawa sa kahoy pero may malalaking kwarto. Ang galing ng desinyo. Teka na saan pala si Marife?" Tanong ni Marlyn.
"Nako malamang nasa silid ang iyong kapatid. Sandali at tatawagin ko." Sabi ni Aling Coring nang biglang may yumakap Kay Marlyn mula sa kanyang likuran.
"Ate ikaw nga!" Sabi ni Marife habang katabi nya si Mia.
"Marife? Ang laki muna." Ngiting Sabi ni Marlyn.
"Ikaw din ate. Mas lalo kang gumanda." Sambit ni Marife.
"Teka nasaan si Davi? Kasama nyo ba sya? Davi?" Tawag nya sa kapatid.
"Ang totoo nyan Marlyn ay nasa Emerald Company ngayon si Davi!" Sabi ni Aling Coring.
"Ha? Bakit? Papano sya nakapasok doon kung may mga nagpapanggap na kayo sa Emerald Company?" Tanong ni Marlyn.
"May Hindi pa kaming, nasasabi sayo. Tungkol sa misyon ni Davi." Sabi ni Mia.
"Ano yun?" Sambit ni Marlyn at nagkatinginan Sina Aling Coring, Marife at Mia.
"Kasi Ate.." Panimula ni Mia at Pinaliwanag nya sa kapatid ang mga plano nila.
Balik naman kina Davilinda At Edward..
"Sandali ihahatid na kita sainyo Davi!" Sabi ni Edward na halatang tinamaan na ng ispiritu ng Alak.
"Kaya mo bang magmaneho?" Tanong ng babae sakanya habang nasa loob ito ng Kotse nya.
"I can do that. Don't you know kahit lasing ako? Sumasali ako sa Racing. Trust me!" Sabi ni Edward.
"Okay ikaw bahala. Iiwan ko nalang tung susi kay Marichu. Teka papunta na dito si Marichu. Wag na sguro!" Sabi ni Davilinda.
"Sandali. Open the door!" Sabi ni Edward. At agad namang binuksan ni Davilinda ang pintuan ng kotse.
Inilapit ni Edward ang mukha nya sa babae at sabay sabing.
" Sabi ko na nga ba. Lasing kana din!" Sabi ni Edward.
"Hindi ako lasing Edward. Medyo may Tama lang!" Sabi ni Davilinda.
"May tama ka sakin!" Ngiting Sabi ng lalaki habang nakatitig sa mga mata ng babae.
Hanggang sa unti-unting nilapat ng lalaki ang kanyang mga labi sa mapupulang labi ni Davilinda.
Dahil sa kalasingan ay gumanti ng Halik si Davilinda sa lalaki.
"I really love you Davi. Hindi ko kayang mawala ka!" Sabi ni Edward at hinalikan nyang muli Ang babae sa labi.
Hanggang sa dahan-dahang lumabas ng koste si Davilinda at nakipaghalikan sa nobyo. Ngunit nahinto lang Ang kanilang ginagawa nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"God! Pumasok ka dito! Anong klaseng parking lot to." Sigaw ni Davi habang basang-basa na si Edward dahil sa pagbiglang buhos ng ulan.
"Open field ito davi. Hindi mo kasi nilagay sa parking lot nila sa building." Sabi ni Edward at nagmamadali itong pumasok sa loob ng kotse.
"Big problem Davi. Nasa parking lot yung kotse ko!" Sabi ni Edward sabay kamot sa ulo nya.
"See ihahatid moko? Nasa parking lot pala kotse mo? Kaloka ka talaga. Mabuti pa may damit ako dyan sa back seat kunin mo nalang. Don't worry? Hindi yan pambabae. T-shirt ko yan. Dyan sa may cellophane." Sabi nya at agad namang hinanap ng binata ang sinasabing damit.
Nang mahanap ng lalaki ang cellophane na may T-shirt ay agad niyang hinubad ang suot nyang polo at tumambad sa mga mata ni Davi ang magandang hubog na katawan ni Edward. Dahil narin sa suki ang lalaki sa mga Gym.
Tinitigan ni Davilinda ang katawan ng lalaki. Mula sa Dibdib nito pababa sa anim na pandesal na nasa tyan nito.
Nang mapansin ito ni Edward ay napangiti nalang ang lalaki bago nagsalita.
"Makalusaw ako sa kakatitig mo! Miss Emerald!" Sabi ni Edward.
Na agad namang tinakpan ni Davilinda ang kanyang mga mata.
"Kaloka bilisan mo sa pagbihis. " Sabi ni Davilinda habang namumula.
At kinindatan naman sya ni Edward sabay ngiti nang nakakaloko.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro