Epilgoue
AN/ Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na matatapos na ang unang istorya ko. I love Ferells so much! Lalo na ang trilogy na ito. Haha.
Maraming salamat sa sumuporta sa librong ito simula una hanggang pangatlo. Salamat! To all VCAs out there! I love you all.
I hope you'll not forget that once there are Ferells who made you laugh, smile, cry, love and even give you intense anger. That there was once a book existed, telling that sea creatures are lovable too! and hot! Haha.
Mukhang hanggang dito na lang angels. Maraming salamat.
Epilogue
"Mahal, gising na.." mahinang boses niya lang ang naririnig ko pero hindi ko na mapigilang ngumiti.
The voice of my beloved wife.
"Mahal gising na.." mas lalong lumambing ang kanyang boses. Ilang beses niya akong pinaliguan ng halik. Nagkunwari pa rin akong natutulog. Gusto ko ang ginagawa niya.
"Garpidio!" nang tumaas na ang boses niya bigla na akong bumangon. Agad bumungad sa akin ang maputi niyang hita na nakasampa sa kama habang hawak niya ang dalawang kamay ko.
She's seducing me. My young and beautiful Amanda.
"Let's go, may magandang lugar akong ipapakita sa'yo Garpidio. Tayo na samahan mo ako. I missed you so much." Ngumiti ako sa kanya.
"I missed you more Amanda, you're so beautiful in that white dress." Hinawakan ko ang pisngi niya at marahan ko itong hinaplos. Humilig siya sa palad ko at mas dinama niya ang paghaplos ko sa kanya.
"I missed this Garpidio, matagal na kitang hinihintay mahal." Ngumiti ako sa kanya.
"Walang araw na hindi kita inisip Amanda, walang araw na hinihiling ko na sana kasama kita sa bawat araw na lumilipas. Alam mong mahal na mahal kita, mahal na mahal. Higit kanino man." Kinagat niya ang pang ibabang labi niya at itinapon niya ang sarili niya sa akin.
"Mahal na mahal din kita Garpidio, mahal na mahal. Sumama ka na sa akin mahal, sumama ka na sa akin." Pinunasan ko ang mga luha niya mula sa kanyang mga mata at marahan akong ngumiti sa kanya.
"Sinusundo mo na ba ako Amanda?" naiiyak siyang tumango sa akin.
"Tayo na Garpidio, tayo na."
"Matagal ko nang gustong sumama sa'yo Amanda." Inalalayan niya akong bumaba sa kama. Nakangiti siya sa akin habang patuloy kami sa paglalakad.
Hinigpitan ko ang kapit ko sa kanyang mga kamay at dinala ko ito sa aking mga labi para mahalikan ito.
"I love you Amanda,"
"I love you too Garpidio."
Habang naglalakad na kami, unti unti na akong nasisilaw sa liwanag na nagmumula sa aming harapan. Nakakaramdam na rin ako ng matinding init sa buo kong katawan.
Muli kaming nagkatitigan ng maganda kong asawa.
"Garpidio.."
"Amanda.." sabay na kaming humakbang patungo sa liwanag. Pero nakakadalawang hakbang pa lamang ako nang marinig ko ang boses ng isa sa aking mga apo. Dahilan para matigil ako sa paghakbang.
"No! No! Lolo! LG! Wake up! Wake up LG! LG naman! Wake up! Anong gagawin ko sa yaman mo?! Wala akong pakialam sa yaman mo! Wake up LG! wake up! Wake up! Ayoko nang ganito lolo! Wake up LG! Parang awa mo na, ang daya daya mo. Ang daya daya mo! ang daya daya mo! Bakit si Nero lang ang hinintay mong ikasal? Bakit si Nero lang? Gusto ko rin ikasal na kasama ka, bakit si Nero lang? Wake up LG! Wake up!" Pakinig ko ang paghagulhol ni Troy.
"Troy.." lumuwag ang pagkakahawak ko sa aking asawa. At marahan akong lumingon sa kanya, nag aalinlangan ako sa sasabihin ko.
"LG naman! LG, lolo..lolo..lolo..lolo. Gumising ka naman lolo, huwag ganito, nangako ka sa akin, nangako ka sa amin. Don't do this to me, hindi pa kami nagpapakasal apat, hindi pa ako kinakasal lolo! Bakit si Nero lang?! Bubuntisin ko ang maraming babae! Bubuntis ako nang maraming babae! Gumising ka LG, don't do this..lolo..please, huwag ganito.."
Nang marinig kong halos magmakaawa sa akin si Troy, pakiramdam ko ay may kung anong pumipiga sa aking puso. Handa na ba talaga akong sumama kay Amanda?
Natagpuan ko na lamang ang sarili kong umiiling sa aking magandang asawa.
"Mahal, hindi ko pa kayang sumama sa'yo." Mahinang sabi ko. Ngumiti ito sa akin at tuluyan na siyang dumistansya sa akin.
"Alam kong sasabihin mo ang mga salitang 'yan. Dinalaw lang kita mahal, alagaan mo sila, mahalin at sabihin mong mahal na mahal ko rin silang lahat." Akala ko ay tuluyan na niya akong iiwan pero mabilis siyang lumapit sa akin at tumingkayad siya para halikan ang mga labi ko.
"Hanggang sa muli, mahal."
Marahas akong nagmulat kasabay nang aking pagbangon. Humihingal ako habang tulala na sa akin si Troy.
"Tinakot mo ako LG! Ininom mo ba ang gamot mo?!" yumakap sa akin ang bunso sa aking mga apo. Ginantihan ko siya ng yakap.
"Dinalaw lang ako ng lola mo,"
"Huwag kang sasama! Huwag kang sasama LG! Hindi pa ako kinakasal! Huwag kang sasama." Paulit ulit na sabi nito.
Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin at ilang beses kong pinitik ang kanyang noo.
"I heard it, ilang babae naman ang binabalak mong buntisin Alvisio?" hindi niya ako sinagot sa halip ay yumakap ulit ito sa akin nang mahigpit.
"I'll sleep with you tonight LG, don't do that again. Please? Please? Mangako ka sa akin, akala ko ay hindi ka na gigising." Hinaplos ko ang ulo nito.
"I'm sorry, did you call someone?" tanong ko sa kanya.
"Wala akong natawagan! Umiyak na ako, umiyak na ako!"
"Mamamatay nga ako sa'yo Troy, next time call an ambulance. Huwag laging pagbuntis sa babae ang unang iisipin." Natatawang sabi ko.
"I will lolo, I will.."
Hindi ako iniwan ni Troy nang gabing ito, hindi ko na itinanong sa kanya kung bakit siya biglang nagpunta sa mansion. Kinaumagahan ay sinabi nito sa akin na may lakad kaming lahat. We will have our family picnic and all are invited.
"What? Saan ka naman pupunta LG? May magandang balita daw si Nero at Doll. I bet, buntis na naman si Doll. Apat na ang anak ni Nero, hindi pa ako nakakaisa." I'm happy for Nero.
"I have a date, hindi ako makakasama." Halos maibuga ni Troy ang kapeng hinihigop niya sa sinabi ko.
"Date?!"
"Nagbibiro lang ako apo, may importante akong lakad. Pero kung makakahabol ako, hahabol ako." Naningkit ang mata sa akin ni Troy na parang sinusuri niya ang mga sinasabi ko.
"Alright, I'll inform them."
Sinabi ko kay Troy na huwag na niyang sabihin sa mga pinsan niya ang nangyari sa pagitan namin, ayokong mag alala pa sila. Dala na rin ito ng aking pagtanda.
Sabay ang araw ng picnic ng mga apo sa araw kung kailan ko tatagpuin ang isa pa sa pinaka importanteng tao sa aking buhay. Una na akong nakapangako sa kanya at ayoko nang ipagpaliban ito lalo na at limitado lamang ang libre niyang oras.
Pero nagulat ako nang pinili niyang makipagkita sa akin hindi malayo sa lugar kung saan magpipicnic ang mga apo.
Nauna akong makarating sa kanya, at kasalukuyan na akong nasa posisyong matatanaw ko kung nasaan ang aking mga apo.
Nasa tuktok ako ng isang mataas na lupa habang tanaw dito ang isang maaliwalas na lupain, ilang nagtatayugang mga puno, nagliliparang mga ibon at malamig na ihip ng hangin.
Ngumiti ako nang maalala ko ang unang beses na dinala ko ang aking mga apo sa mismong lugar na ito, mukhang hindi pa nila ito nakakalimutan.
Habang naghihintay ako sa pagdating ng aking hinihintay, hindi ko na napigilan ang sarili kong kumanta. Sa tuwing nag iisa ako, sa halip na manatiling tahimik nakakahiligan kong kumanta.
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon? ~~
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal'wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula~~
Biglang bumalik sa akin ang ginawang pagdalaw sa akin ni Amanda, hindi ko pa rin pala talaga kayang iwanan ang mundong ito mahal. Marami pa akong kailangang gawin sa mundong ito.
Muli kong tinanaw ang mga nagdadatingan kong mga apo na naghahanda na ng mga pagkain sa ibabaw isang malapad na puting tela.
Nagpatuloy ako sa mahinang pagkanta. Ito ang awiting pinakagusto ko sa lahat, dahil napakaganda ang ibig iparating ng mensahe nito.
Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon~~
Scenes are flashing back, mga panahong buhay pa ang asawa ko. Masaya kaming nagtatawanan sa tabing dagat, ilang beses ko siyang binubuhat para kumuha ng mangga at ang panunuod ko sa kanya sa tuwing nagpipinta siya nang magagandang tanawin.
Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan? ~~
Dumating ang mga alaala ko sa huling oras niya sa mundong ito. The most painful part of my life.
"Amanda, huwag muna mahal. Huwag muna, huwag mo muna akong iwanan." Mahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay habang nakaratay ang mahina niyang katawan dahil sa hindi malunasang sakit.
"I always wanted to stay Garpidio, alam mo 'yan." Ilang beses kong hinalikan ang kanyang mga kamay.
"Alagaan mong mabuti ang mga anak natin mahal, palakihin mo silang may takot sa diyos. Palakihin mo silang punong puno ng pagmamahal, huwag mong hayaang makaramdam sila ng pagkukulang kahit hindi na ako nabubuhay sa mundong ito." Hindi ko magawang masagot si Amanda dahil sa pagpatak ng aking mga luha. Ilang beses lang akong tumango sa kanya.
"Mahal na mahal kita Garpidio, mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin. Lagi mong tatandaan 'yan."
"Amanda, mahal na mahal din kita."
"Garpidio, huwag mong isipin na wala na ako. I am always with you love, I am always everywhere. Love the seas, the forests, the islands and even the birds. I am the nature Garpidio, lagi akong nasa tabi mo." Tumango ako sa kanya.
"Magpahinga ka na mahal, ako na ang bahala sa pamilya natin." Muli kong hinalikan ang kanyang mga kamay.
"Mahal kita Garpidio, hanggang sa muli." Ipinikit na ng asawa ko ang kanyang mga mata. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.
Ito ang malaking dahilan kung bakit ipinamulat ko sa mga apo ko ang kalikasan. Because their grandmother was always there, guiding and protecting us. Their grandmother is everywhere.
Ipinagpatuloy ko ang aking pag awit.
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal'wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula ~~
"No wonder why Sean Owen got the sweetest voice, Don Ferell. Namana niya sa'yo ang magandang boses." Tumigil ako sa pagkanta at matamis kong nginitan ang isa sa pinakamagandang babaeng nakilala ko.
"How are you Savannah?" ngumiti din ito sa akin.
"Fine, as always." Tumabi siya sa akin, at katulad ko ay tinanaw niya na rin ang mga apo ko na masayang nagtatawanan.
Tinuturuan ng mga apo kong magpalipad ng saranggola ang triplets.
"They looked so happy," tipid na sabi nito.
"It's you, right Savannah?"
"What are you talking about Don Ferell?" nagkunwari siyang hindi ko nalalaman.
"Alam kong ikaw ang ---" hindi niya na ako pinatapos.
"I want to end everything, isa pa she's aware about my organization. Someone sabotaged Theo's chopper which is affiliated to Aylips and even to Sous L'eau, parte siya ng isa sa miyembro kong nagtraydor sa akin. Ayokong nadadamay ang organisasyon ko." Bahagya akong tumawa sa sinabi niya. Alam kong siya na rin ang kumausap sa dalawang babaeng umayaw nang makipagsabwatan sa anak ng senador.
"You really don't want to look good Savannah."
"Because I am not really a good person, I am always evil Don Ferell."
"Nah, for me and for Alyanna you're a good person."
"I am not convinced,"
"Bakit hindi ka na lang magmahal hija? Love is so powerful." Mapait siyang ngumiti sa akin at hinuli niya ang mga mata ko.
"Don Ferell, wala nang lalaking magmamahal sa akin." Parang piniga ang puso ko habang nakikita ang mabagal niyang pag iling sa mga sinabi ko.
"Sino ang kayang mahalin ang katulad ko? I am more than worst." Nag angat ang aking kanang kamay, una ay nag alinlangan siyang magpahawak sa akin pero sa huli ay hinayaan niya akong haplusin ang pisngi niya.
"Who told you? You are so beautiful and you have a wonderful heart hija."
"You are lying Don Ferell."
"I never lied to you," tumaas ang kilay niya sa akin.
"But I like Theo, Don Ferell." Muli akong tumawa sa sinabi niya.
"Yes, you like him because you are both in the same field. But like romantically? I knew you too well, hija." Siya naman ngayon ang tumawa sa sinabi ko.
She's been helping my grandsons from the very beginning, even Florence. Pinanininiwalaan niyang utang na loob niya ito sa amin ni Alyanna. We never asked it from her, but she keeps insisting.
Kaming dalawa ni Alyanna ang umalalay kay Savannah nang bata pa siya. Nasabi niya sa akin na matagal na siyang kilala ni Florence pero sa mga mata nito, pitlit niyang pinapalabas na masama siyang tao.
Savannah never liked being adored or praised for being good. Ganito na siya simula nang bata pa siya.
Malapit kami ni Alyanna sa isa't isa. I tried to be a cupid between my son Eneru and Alyanna back then, but Alyanna was too inlove with Lorenzo.
Ilang minuto kaming natahimik dalawa, masyado nang malayo ang narating nang mga iniisip ko.
"Don Ferell, akala mo ba hindi ko nalalaman? Do you think I didn't notice? How dare you?" Sa tagal nang panahon nang pagpapalaki ko sa kanya ngayon ko lang ulit nakitang lumambot ang ekspresyon niya.
"What is that?" nagmaang maangan ako kahit nahuhulaan ko na ang sasabihin niya.
"You adopted me, you adopted me legally." Ngumiti ako sa sinabi niya.
"Ngayon mo lang nalaman anak? I thought you're the powerful mistress?" pagbibirong tanong ko.
"You changed my family name since I was a kid. Ginawa mo akong Ferell," pansin ko na may namumuong luha sa kanyang mga mata pero agad siyang lumingon sa ibang direksyon para hindi ko makita ang pagbagsak nito mula sa kanyang mga mata.
"Yes, you are my Savannah Zoella Ferell. Why don't you start calling me Papa? You're my only daughter. Come here." Matagal ko na siyang inampon. Bago pa mamatay si Alyanna ay hiningi ko na ang permiso dito na ako na ang mag aruga kay Savannah.
Lumapad ang ngiti ko sa mga labi nang lumapit siya at niyakap niya ako.
"Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kong hindi niya ako inalagaan ni Alyanna. Maraming salamat Don Ferell."
"What?"
"Maraming salamat Papa, nangangako akong tutulungan kitang bantayan ang mga pamangkin ko." Sabay kaming nagtawanan ni Savannah sa sinabi niya.
"But I am a jealous daughter Papa, you had your Florence, your Sapphire and even those--" hinalikan ko ang ibabaw ng ulo niya.
"You are my first princess Savannah, ikaw ang nag iisang babaeng anak ko." Muli siyang ngumiti sa akin.
Sabay kaming tumanaw sa aking mga apo, nilalaro na ni Aldus at Sapphire ang pitong buwang anak ni Florence at Nero. Habang abala naman sa pakikipag laro ang mag asawa sa triplets. Natatawang nanunuod naman sa kanila ang iba kong mga apo.
Hinahabol ng triplets at Nero si Florence. Si Nero ang unang nakaabot sa kanyang asawa at hindi na nila inisip ang kanilang mga anak.
They kissed, gaya nang sapilitang paghalik ni Nero sa kanya noon habang abala ako sa pagsesermon sa kanilang magpipinsan.
Ngumiti ako sa nakikita ko, time flies. Dati magkakasama lamang sila sa iisang mansion, ngayon may sarili na silang mga buhay.
Sabay sabay tumigil ang triplets sa pagtakbo at tinakpan ng mga ito ang kanilang mga mata habang abala ang kanilang mga magulang sa paghahalikan.
"Masama ba ako Savannah kung hihilingin ko na sana bumalik ang oras?"
"Hindi masamang magbalik tanaw, Don—Papa."
Hindi ko maiwasang hindi magbalik tanaw nang paulit ulit. Sa mismong lugar na ito, panahong kami ng apo ko ang masayang nagtatakbuhan.
Nasakay sa likuran ko si Owen habang tumatakbo kami, kasunod namin ang kanyang mga pinsan na tumatakbo rin.
Umiiyak na si Owen habang nakasubsob at pawisan sa likuran ko, kahit hindi naman siya ang tumatakbo.
"Faster! Faster LG! Aabutan tayo ni Whitey!" may paghikbi pa si Owen habang sinasabi niya ito sa akin.
"No! no! His name is blacky! Blacky!" galit na galit na sabi ni Troy na kasunod namin sa pagtakbo. Nakikipaglaro kami sa aso niya na hinahabol kaming maglololo.
"Your dog is white Troy," sabi ni Tristan na tumatakbo rin kasunod namin.
"He is blacky! He is my dog!" gigil na si Troy. Natatawa na ako sa aking mga apo.
"Hindi naman tayo ibibite ni blacky, why are you running? I'm tired." Reklamo naman ni Aldus.
"Kasi nihahabol niya si Owen!" agad na sabi ng bulol na si Nero.
Lalo naming binilisan ang pagtakbo hanggang sa biglang nadapa si Nero. Halos sakalin ako ni Owen para patigilin ako sa pagtakbo.
"Nadapa si Nero, wait natin siya." Sabi sa akin ni Owen. Nagmadaling binalikan ni Troy, Aldus at Tristan si Nero na nadapa, tinulungan nila itong tumayo. Bahagya na siyang napapahikbi dahil sa pag aakalang iiwan namin siya.
"Nakatayo na si Nero! Let's run again together!" sigaw sa amin ni Troy. Agad bumalik ang ngisi ng mga apo ko.
At nagpatuloy kami sa pagtakbo habang nagtatawanan.
Hindi ko na napigilan ang pag agos ng aking mga luha. Sobrang bilis nang panahon, mga bata pa sila noon pero ngayon ang lalaki na nila.
"Ako ang nagpalaki sa kanila," mahinang sabi ko.
"Yes, your masterpiece Papa. Kahit hindi ako malapit sa kanila, hinahangaan ko ang mga katangian nila. They are so lucky to have you." Ngumiti ako sa sinabi ni Savannah.
"Natatakot ako na baka hindi ko na matapos ang katapusan, tumatanda na ako hija." Muling yumakap sa akin si Savannah.
"Malakas ka pa Papa, malakas ka pa."
"Then tell me, who are you Savannah during that time? Sino ka nang oras na nasa kapahawakan ang mga anak ni Nero?" hindi ito humarap sa akin pero narinig ko siyang sumagat.
"I am not the mistress nor an ex Sous L'eau. I was Savannah Zoella Ferell that time." Matagal ko nang hinihintay na tanggapin niyang isa na siyang anak. And I am happy that this day has come.
Pansin ko na nanunuod na ang lahat sa magandang libangan ni Troy, it was his beautiful magic tricks.
"Tayo na Savannah, nagugutom ka na ba anak? Today is Papa's treat." Nagsimula na kaming tumalikod sa aking mga apo. Pero muli akong sumulyap sa kanila, nagliparan ang mga kalapati mula sa kulay itim na telang hawak ni Troy.
Ngumiti ako dito.
"Savannah, do you think doves are good messengers?"
"It depends Papa," nagulat na lang kaming dalawa nang may kapating dumapo sa balikat ko. Nang akma ko itong hahawakan, bigla na itong lumipad hanggang sa kapwa na namin ito hindi nakita.
"Doves are good messenger Savannah, I got their message today."
"What is that Papa?" ngumiti ako sa nag iisang anak kong babae.
"One of my grandsons got his happy ending, a very good ending." Ngayon naman ay ngumiti ito sa akin.
Nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad.
"Will you guide them for me, if I'm away?"
"No, because you will not go away Papa." Madiing sabi nito.
"Savannah.." humilig ito sa akin.
"Always remember that you are not alone Papa.Together, we'll embrace our arms around them." Sa pagkakataong ito ay sabay na kaming ngumiti sa isa't isa bago ako muling nagsalita.
"Happiest is the moment you embrace your arms around those people you loved the most."
- - END - -
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro