Chapter 75
Thank you so much angels!
Chapter 75
"LG, do you think doves are really good messengers?" mapait ngumiti sa akin si LG at nagpatuloy kami maglakad sa sementeryo.
Ilang beses ko pang inamoy ang bulaklak habang hinihintay ko ang sagot niya sa akin.
She will like these flowers, they will like these beautiful orchids.
"You asked me that same question years ago, Nero." Bumuntong hininga ako sa sinagot sa akin ni lolo.
"So I'll get the same answer LG? I need a better explanation."
"Ikaw lang ang makakasagot nito Nero."
"I never liked doves LG," matabang na sagot ko.
Narinig kong humalakhak ang matanda sa sinabi ko. Who would like doves? Si Troy lang naman ang nahilig dito.
"Are you sure apo?"
"Because doves are liars," mahinang sagot ko.
"But everybody lies Nero, even birds."
Muli akong lumingon kay LG, ibinuka ko ang bibig ko para may sabihin sa kanya pero pinili ko na lamang hindi magsalita.
Nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad.
"LG, can I ask another question?"
"What is that my dear nieto?"
"I've been curious for the long time, what's with the nature LG? Simula nang pagkabata namin ipinamulat mo na sa amin na mahalin ang kalikasan. Yes, for me it's a bit weird. But I know, you always have the deeper meaning. What's with the sea, island, forest and even birds. We're too attached LG, na hindi na rin namin kayang tanggaling lima sa sistema namin ang mga ipinamulat mo. I just want to know the reasons." Buong akala ko ay makakarinig ako ng sagot sa matanda pero bahagya lamang akong nginitian nito.
"I explained that years ago, akala ko ba ay ako ang tumatanda dito apo?" kumunot ang noo ko sa sinabi ni LG.
"I can't remember anything LG."
"Posibleng hindi ka nakikinig sa akin nang mga oras na 'yon Sebastian." Ako naman ang natawa sa sinabi ni LG. My dear grandfather is lying this time.
"I never covered my ears when it comes to your words LG, kilala mo ako. Spill it out grandfather." Nagulat na lang ako nang ngumisi sa akin si LG at ginulo nito ang buhok ko.
"I'll tell you later."
"Can't wait,"
Habang papalapit na kami sa kanilang puntod, nagsimula nang bumalik sa akin ang mga eksena nang nakaraan.
Pagkatapos naming marinig ang sigawan ng mga tao, tuluyan nang nawalan ng balanse si Florence. Hindi na kinaya ng babaeng pinakamamahal ko, agad ko siyang sinalo at inalalayan habang walang tigil siya sa pag iyak.
"Florence, we're not yet sure. Nagkakamali sila," pilit kong kinukumbinsi si Florence kahit na ako mismo ay hindi na rin alam kung ano pa ang dapat isipin.
Hindi na kami nahintay na mga pinsan ko dahil nagmadali ang mga itong mangharang ng tricycle.
I tried to calm my wife, maging ako ay natatakot na sa sitwasyon ni Florence. Sobra na ang naranasan niyang ganito at gusto kong iumpog ang sarili ko dahil muli ko na naman siyang pinaranas ng ganito.
Habang inaalalayan ko si Florence, pansin ko rin sa mata ng mga pinsan ko ang matinding pag aalala. Mas gusto ko na munang iwan si Florence sa isang lugar, natatakot na akong isama siya, pero alam kong hindi siya papayag sa ideyang ito.
Pinilit kaming nagsiksikan sa isang tricycle, yakap ko si Florence habang mabilis tumatakbo ang aming sasakyan.
Unang sumalubong sa amin ang kumpulan ng mga tao. Hindi rin nagtagal ay natanaw ko na ang baliktad at umuusok na sasakyan na siyang sentro ng kaguluhan. Lalong napahagulhol ng pag iyak si Florence at maging kaming magpipinsan ay hindi magawang humakbang para lumapit dito.
"Sasakyan ito ni Tita Nerissa..." nanghihinang sabi ni Troy.
"No way..." binitawan ko si Florence at tulala na akong nagsisimulang lumapit sa sasakyan.
Ramdam ko na ang pag iinit ng sulok ng aking mga mata.
"Nero.." hindi ko na mapansin ang pagtawag sa akin ni Florence. Not again, not our babies.
"Nero..Nero!" mas lalong lumakas ang sigaw sa akin ni Florence. Nanghihina akong humarap sa asawa ko. I failed her again, again and again.
Wala akong kwentang asawa at ama. I made my family miserable because of my own damn mistake.
"Nero.." sa nangangatal na kamay ni Florence ay dahan dahan siyang may itinurong direksyon.
"My babies.." hindi na niya ako nahintay. Mabilis akong nilampasan ni Florence at agad niyang tinawid ang malaking distansya namin mula sa mga anak namin.
Para akong nabunutan ng tintik nang makita ko si Mama na tulala sa nagliliyab na sasakyan sa hindi kalayuan. Kahit sa malayo ay kitang kita ko ang mga anak namin sa loob ng sasakyan.
"Oh god! They're safe." Ilang beses tinapik ni Aldus ang balikat ko.
Inalalayan na ako ng mga pinsan ko para makarating kay Florence na pilit gustong yakapin ang tatlo naming anak. Walang tigil sa pag iyak ang magandang asawa ko.
Samantalang litong lito na sa mga nangyayari si Mama.
Binuhat ko si Rance at Tovar na abala sa pagturo sa akin ng umuusok na kotse. Lumapit sa amin si Florence na buhat si Vino at sabay naming niyakap ang triplets.
Wala na kaming pakialam kung sino ang makakita sa amin. All we wanted to do is to hug are kids tightly.
"Akala ko iiwan nyo na si mommy, akala ko iiwan nyo na kami ng daddy nyo." Hindi ako makapagsalita, sa halip ay humahalik na lamang ako sa triplets. Walang tigil sa pagsakit ang dibdib ko habang naririnig ang pag iyak ni Florence sa pagitan ng mga salita niya.
"Mahal mahal kayo ni Mommy at Daddy, hindi na kami mag aaway. Hindi na kami mag aaway, huwag lang kayong lalayo. Ikamamatay na ni Mommy, hindi ko na kakayanin. Mahal na mahal namin kayo.." hindi nakapagpatuloy sa pagsasalita ang asawa ko.
She buried herself to our triplets and she cried a fresh set of tears.
"Nero..they're alive. Nero..takot na takot na ako. Takot na takot na ako, ayoko nang maranasan ito, ayoko na."
"Hindi na Florence, nangangako ako. Ipinapangako kong huling huli na ito mahal ko." Muli kong hinalikan si Rance, Vino at Tovar.
"Rance, Vino, Tovar, dry your Mommy's tears. Look mommy is crying.." matatalino ang mga anak namin ni Florence. Naintindihan nila ang sinabi ko, sabay sabay nilang pinunasan ang luha ni Florence.
"From now on, it was not just me Florence. Apat na kaming lalaking magmamahal sa'yo, at hinding hindi ka namin kayang iwanan. We love you more than anything in this world." Mas lalo akong lumapit sa kanya at hinalikan ko ang kanyang noo.
"Kiss mommy.." sabay sabay humalik kay Florence ang tatlo naming anak.
"I love you.." Mahinang bulong ko sa kanya.
"I love you too Nero,"
Kumalas kami ng pagkakayap ni Florence nang marinig ko ang singhapan ng mga tao. Lahat kami ay natigilan nang makitang wala nang buhay na inilalabas mula sa kotse si Cassidy. May parte na sa katawan nito ang nasunog. Agad naming itinalikod ang triplets para hindi na ito makakita ng ganitong klaseng eksena.
"Oh my god!" narinig naming usal ni Mama.
Pinahid ni Florence ang luha sa kanyang mga mata at humarap ito kay Mama.
"She's chasing after you Mama, she's chasing after my kids. Death is after you." Madiing sabi ni Florence. Bago pa humaba ang usapan, lumapit na ako kay Florence at humarap ako sa babaeng una kong minahal.
Maging ang mga pinsan ko ay pumunta sa likuran namin ni Florence para suportahan ang anumang sasabihin ko.
Inabot ko si Rance at Tovar sa mga pinsan ko, bago ako marahang lumapit kay Mama. Dahan dahan kong hinuli ang dalawang kamay niya at sabay ko itong hinalikan.
"Nero!" lahat ng mga pinsan ko ay umangal sa ginawa ko. I kneeled on my mother while tightly holding her hands.
I want to end this, I want to end all the conflicts. At kailangan kong magsimula sa mismong ina ko.
"Nero, stand up! What are you doing?!" pilit akong pinapatayo ni Mama.
"I love you so much Mother, but if you can't really accept Florence, the love of my life and the mother of my kids. Ako na mismo ang lalayo sa inyo, tama na Mama, itigil na natin ito. Hindi titigil ang gulo hanggang may taong galit at hindi tumatanggap sa babaeng pinakamamahal ko. No matter how we made our family happy there are always flaws, but having you as one of the flaws will always make me incomplete. You are still my mother, no matter what but please, I need your love mother not just for me but also for my own family. I love you so much Mama, and I'll be the happiest if I'll ever see you smile genuinely to my beloved wife. Wala na akong hihilingin pa Mama. Just this one Mama, let's end this."
"Nero.." I heard Florence's voice.
"Anak.."
"Tita, tama na. Mahal na mahal ni Nero si Florence, we've witnessed it. Tama na ito Tita.."
"Tita, let's start a new.."
Nanatiling tahimik si Mama, hindi ko na magawang tumingin sa kanya. Natatakot ako sa posibleng sagot niya.
"Nero, anak. I'm sorry for everything.." ilang beses niyan tinapik ang balikat.
"Please stand up son," hindi niya ako hinintay na tumayo dahil dinaluhan ako ng sarili kong ina.
"I'm sorry anak, I'm sorry for being selfish, I'm sorry for making everything hard for you." Hinalikan nito ang noo ko.
"You are really a grown up man, sa haba ng panahon ngayon ko pa lang unti unting tinatanggap. Uhaw ako sa pag aaruga sa'yo simula nang bata ka Nero, at nang malaman ko na may babaeng minamahal ka na parang gumuho ang mundo ko. Hindi pa ako handa, lalo na at nakikita kong mahal na mahal mo siya. I never enjoyed my son since you was a kid, I never played with you, I never baby talks with you, I never helped you with your assignments, I never went to your school and I never experienced reading bedtime stories for you because there is always Papa. I've been like this because since the time being I am longing for your attention as a mother."
"Mama, kahit kailan hinding hindi ko aagawin sa'yo si Nero. He is still your son and nothing could ever change that." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mama.
Buong akala ko ay dahil lamang sa nakaraan ni Papa at ni Tita Alyanna ang rason ng lahat. But it was also because of my growing gap with my mother. Kahit ako ay aminadong mas malapit pa ako kay lolo kaysa sa sarili kong ina.
"Mama.."
"I'm sorry for everything hijo, I'm sorry Florence." Hindi na ako nagulat nang lumapit sa amin si Florence at dinaluhan kami ni Mama.
Hinawakan ng babaeng mahal ko ang magkadaop naming kamay ni Mama.
"It's not yet late Mama, you can always play with Vino, you can always baby talk with Rance, you can always teach Tovar with his assignments, you can always sleep with them to read their bedtime stories. If Nero can't bring back the past for both of you, our kids will fill your heart Mama. Mahal na mahal ka ng triplets gaya ng pagmamahal sa'yo ni Nero. I'm sorry for everthing Mama, let's start a new." Halos matulala na lamang ako sa aking asawa.
Oh god, wala na akong hihilingin pa sa babaeng pinakasalan ko.
Hindi na napigilan ni Mama at siya na mismo ang humagulhol ng pag iyak sa kamay namin dalawa ni Florence.
"Ako ang dapat humingi ng tawad sa lahat, ako ang dapat humingi ng tawad sa inyong mag asawa. I am so terrible, wala akong ibang ginawa kundi pahirapan kayo. I'm sorry, I'm sorry..I'm sorry.."
Hinalikan ko ang ibabaw ng ulo ni Mama habang patuloy siya sa paghagulhol sa mga kamay namin ni Florence.
"Sino ako para hindi ka patawarin Mama? I am always thankful for you. Thankful for bringing my beloved husband into life." Humilig sa akin si Florence at sa pagkakataong ito ay pareho na kaming may ngiti sa aming mga labi.
"Mahal kita.." I whispered to hear ears.
Ibinaba ko na ang bulaklak na dala ko sa dalawang puntod na nasa harapan ko. Naghiwalay kami ni lolo dahil may dadaanan pa akong puntod bago kay lola. It was Cassidy's tomb together with her father.
Kailanman ay hindi ko na maaalis sa sarili ko ang galit sa dalawang taong ito, dalawang beses nilang pinagbantaan ang buhay ng mag ina ko at hinding hindi ko ito makakayang kalimutan.
Cassidy's death was not just a simple engine malfunction, there was a foul play. Sinabi ito sa akin ni Tristan, itinanong ko sa kanya kung may kinalaman ang ahensiya niya dito pero sinabi niyang wala.
I tried asking Florence about her aylip and even Nally, it was not them. Sinabi na sa akin ni Florence na wala na siyang koneksyon dito, pero hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung sino ang tumulong kay Mama at sa mga bata.
Tristan analyzed the situation, malapit na ang sasakyan ni Cassidy sa mga bata. They found guns inside her car, she was all ready to kill. But someone gave her a gunshot, may umuna na sa kanya. Who? Why?
To avoid complications, Tristan manipulated the autopsy results. Pinangunahan na niya ang posibleng mangyari, malaki ang posibilidad na kami ang sisihin sa pagkamatay ni Cassidy at lalabas na pinangunahan ng pamilya namin ang batas.
Naging malaking eskandalo na naman ito sa pagitan ng tatlong pamilya, Villacortas and Almeros were on fire against our family, lalo na sa aking ina. Pero sa unang pagkakataon ay nakita naming lahat ang pagpapakumbaba ni Mama.
She asked everyone's forgiveness, maraming nakasaksi ng paghingi niya ng tawad pero ilan lang ang naniwala. That's the true nature of human, we can't easily be convinced. Ipinaliwanag ko ito kay Mama na siyang tinanguhan niya lamang.
We can't blame Florence's family for their doubts, ang mismong pamilya namin ang gumawa nito para lumaki ang distansya namin sa pamilya ng babaeng pinakamamahal ko.
But time easily flies, it might not heal everything but it will atleast lessen the pain. At darating ang panahon makakatanggap rin si Mama ng kapatawaran.
Hindi man ngayon, sa mga susunod pang panahon.
Inayos ko ang dalang bulaklak sa harap ng puntod ng mag ama. People witnessed how evil they are, but they never witnessed the goodness in them. I never loved Cassidy, but I experienced adoring her.
I can't help but to remember some of my days with these two.
"May sakit si Cassidy, Sebastian." Napalingon ako kay Senator Falcon na ibinababa sa lamesa ang hawak niyang kape.
Cassidy's busy inside the kitchen, trying to assist their cooks. I've been meeting her Dad because she asked me to, but from the very start I cleared to her that everything was just an act. We have no commitment, we're just using each other's name. My name for her showbiz career and her name to cover my pain.
"Sakit? How is that possible?" I tried to sounds like a worried boyfriend.
"She has a mental illness since she was a kid, associated with her intense depression. Kadalasan pa rin siyang inaatake nito, pero nang dumating ka sa buhay niya bihira ko na lamang siyang nakitang naghihirap. Thank you for coming to my daughter's life, matagal ko nang pinangarap na may lalaking dadating para sa aking anak na kaya siyang mahalin katulad ng pagmamahal ko. Thank you Sebastian." Wala sa loob akong tumango.
I am always pre occupied of Florence and her damn fiancée, hindi ko sineseryoso ang sinasabi sa akin ng mag ama. They are always good to me, but I never took it seriously. For me they are just my instruments for my plans.
"Kapag kinasal kayo ni Cassidy hijo, I am willing to give up everything. I will choose the right path, dahil alam ko may tamang lalaki na akong pag iiwanan sa anak ko. I love Cassidy so much, Nero. Huwag na huwag mo siyang sasaktan hijo, nakikiusap na ako sa'yo hijo." Dito na naagaw ang buong atensyon ko.
I can see in his eyes how deep his love for her daughter, and I admired him for that. Kahit isa siyang kilalang politiko at maraming inaasikaso lagi siyang naghahanap ng oras para magkasama sila ni Cassidy katulad nito.
"Macaroni is ready!" masiglang sabi ni Cassidy. Pansin ko agad ang ilang paso sa kanyang kamay at ang pawis niya sa kanyang mukha habang dala ang pagkain.
Alam niyang magaling magluto si Florence, at simula nang nagpanggap kaming dalawa ilang beses niyang pilit gustong magluto para sa akin kahit wala siyang nalalaman dito.
"Oh, my favorite!" natutuwang sabi ng senador.
"Daddy kay Nero lang ito."
"Why so bad Cassidy?" ngusong sabi ng matanda sa kanya.
Kumalong sa akin si Cassidy at sinimulan niyang maglagay ng Macaroni sa plato ko.
"Ofcourse, you always have a part of my new creation Daddy. But for now si Nero muna ang lalambingin ko, lagi naman tayong magkasama. I love you Dad!" Sabay tumawa ang mag ama kaya nagkunwari na rin akong natatawa at nawiwili sa usapan. Kahit hindi.
But I can't deny the fact that I am admiring their relationship, mahal na mahal nila ang isa't isa. Naalala ko bigla si LG at ang samahan naming magpipinsan sa kanya.
"Nero.." hindi ako nakaangal nang subuan ako ni Cassidy, pinunasan niya pa ang gilid ng labi ko habang ngumunguya ako. And I heard her whispered.
"Ako na lang sana Nero, ako na lang. Hindi kita iiwan, hinding hindi kita kayang iwanan. Mas mamahalin kita higit sa pagmamahal niya sa'yo. Ako na lang Nero.." agad akong tumikhim at inabot ko ang tubig para uminom.
"Hey lovey dovey, nandito pa si Daddy. Huwag kayong magbulungan." Natatawang sabi ni Senator Falcon.
"Daddy, pumasok ka na lang sa loob ng bahay. Inaabala mo kami ni Nero." Birong sabi ni Cassidy.
"You really mean it Cassidy?"
"Ofcourse not! Here's another batch of your macaroni," pansin ko na nakatitig na rin si Senator Falcon sa kamay ng kanyang anak na puro may paso. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.
Patigil sa pagsasalok si Cassidy nang pansin niyang nakatingin kaming pareho ng Daddy niya.
"Don't mind this, nag aaral pa kasi akong magluto. I am a poor learner but practice makes perfect. Don't mind this, kain na po kayo. Ayokong nagugutom ang dalawang lalaki sa buhay ko. Thank you for worrying about me."
Huminga ako ng malalim nang maalala ko ang eksenang ito, their life was simple. At handa nang magbago si Senator Falcon, pero naging makasarili ako at inisip ko ang sarili kong kasiyahan.
I used Cassidy for my own good, I never thought that everything will turned out like this. Bumalik sa akin ang napakalaking kasalanan ko, ilang beses kong hiniling na sana ay sa akin mismo bumalik ang mga kasalanan ko pero pilit nitong ginugulo ang buong pamilya ko.
Everything was all my fault, I used wrong move for my own selfishness. Masyado na akong nilamon ng pagmamahal kay Florence at hindi ko na nakikita ang mga bagay na nasisira ko habang minamahal ko siya.
I was Senator Falcon's hope for his daughter, ako ang inaasahan niyang aalalay dito sa panahong kaya na niyang isiwalat ang mga hawak niyang anumalya. But I disappointed them, I even made his daughter worst.
Everything back fired, ang inaasahan niyang biyaya sa kanila ang mismong sumira sa kanilang mag ama.
From the very beginning, I was the worst. Ako ang pinaka masama sa lahat, sarili ko lang ang iniisip ko, si Florence lang ang gusto ko na halos wala na akong makita sa paligid. I love her so much and I just found myself embracing the darkness for me to claim her completely.
Marami akong nagamit na tao, Cassidy and even Nahla, Ashong wife.
At itong mga nararanasan ko ngayon, ang kapalit ng mga ginawa ko noon. Pinagsisihan ko na ang mga ginawa ko noon at kailanman ay hindi ko ito makakalimutan.
Muli kong binasa ang pangalan ni Cassidy at nang kanyang ama sa lapida. Ang tanging mali lamang sa kanilang mag ama, hinayaan nilang lamunin sila ng matinding galit na dumating na sa puntong gusto na nilang kumitil ng buhay.
Killing was never been an answer. Death was never been an ending. I never wished for their death, but those people who've been trying to protect us made this decision.
Hindi lang kami ang maaapektuhan sa lahat, may mga inosenteng tao na rin ang nadadamay sa kanilang matinding galit. Their death gave me mixed emotions, there's a hatred, intense guilt and even pain.
Ang konsensiyang ito ay habang buhay kong dadalhin, hanggang sa aking hukay.
"Sorry Cassidy, Senator Falcon. Till we meet again."
Ramdam ko ang paggaan ng pakiramdam ko nang masabi ko ito. Soon, I'll find time to tell the whole story to my beloved wife.
Nagsimula na akong bumalik sa lugar kung saan nakalibing si lola, nandito na rin ang apat kong pinsan na sabay sabay lumingon sa akin.
"Come here Nero! Kanina ka pa namin hinihintay!" sigaw sa akin ni Troy.
We always had this tradition, if we have a bigger event we'll always inform lola like we are actually talking to her. Nahati ang pagkakaakbay nilang apat sa isa't isa.
Nawala sa pagkakaakbay si Troy at Aldus, pumunta ako sa gitna nila at sabay silang umakbay sa akin. Magkakaabay na kaming lima habang nakangisi kaming nakaharap sa lapida ni lola.
"Lola, on next month will be my triplets first birthday." Nakaupo lang si lolo at pinapanuod kami.
Kahit mga abala na kaming lima, we are always finding time for LG. Hindi na 'yon mawawala sa aming lima kahit makarami kami ng mga anak.
Marami pa kaming sinabing magpipinsan sa puntod ni lola dahilan kung bakit napuno ng tawanan ang sementeryo.
Cemetery is not a creepy place after all.
Habang nakikipagtawanan ako sa mga pinsan ko, ay tipid akong napasulyap kay LG na pinagmamasdan din kami. He didn't answer my question, maybe he's trying to make me discover it by myself.
Hindi na ako nasanay sa lolo ko.
Malapad ang ngisi ko habang nagpapatuka na ako ng mga kalapati sa kwarto. My wife is now two months pregnant, and she beautifully sleeping right now with our triplets.
I've been thinking that doves are really part of our love story. Akala ko noon sa party ko unang nakita si Florence pero mukhang may nakalimutan ako. Sinabi rin sa akin ni LG at Tristan na ilang beses na rin namin nakakasalubong si Florence simula nang mga bata pa kami, pero wala na akong maalala.
But right now, I remembered that specific day.
Today is my 11th birthday. Nasa ibang bansa kaming magpipinsan kasama si lolo. Wala sa kanilang bumabati sa akin ng 'Happy Birthday' hindi dahil nakalimutan nilang lima kundi may surpresa sila sa akin.
I heard their conversations last night, and I am now pretending that I didn't hear anything. Masasayang lang ang effort nilang lima kung bigla ko na lamang sasabihin na alam ko ang binabalak nila.
I don't know where exactly is this place, I am just near a big fountain with doves all over the place. Mag isa lamang ako dahil iniwan ako ni LG at mga pinsan ko na may kani kanilang dahilan.
They are too obvious. I shrugged my shoulders and I continued walking. Hindi ako lumalayo sa fountain, I admit that I am damn no sense of direction.
"Hijo.." lumingon ako sa matandang may hawak na flute.
"Me?" itinuro ko ang sarili ko para makasiguro kung ako nga ang tinatawag niya.
"Yes, you.."
"Huwag ka mag alala hindi ako kidnapper!" sabi sa akin ng matandang babae. She's a Filipina!
"Bakit?" nagulat din siya nang bigla akong magtagalog.
"Pilipino ka hijo? Aba, pagkagandang lahi!" ngumisi ako sa sinabi ng matanda kaya lumapit na ako sa kanya. I am now convinced, she's not a liar.
"Bakit po? Wala po akong pera." Pinasadahan ko siya mula ulo hanggang paa, mukha naman siyang may pera.
"Show me your hands, babasahan kita ng kapalaran."
"Nah, I don't believe in future teller." Inilagay ko sa bulsa ang mga kamay ko.
"Maniwala ka sa akin hijo, magaling akong manghula." Sapilitan niyang kinuha ang dalawa kong kamay. Kunot na kunot ang noo ko habang pinaglalandas niya ang daliri niya sa guhit ng aking palad.
Hindi ko maintindihan kung bakit tumindig ang mga balahibo ko nang makita kong unti unting ngumisi ang matanda sa mga palad ko.
"What the—"
"Doves are good messengers hijo, today they will send you your precious gift. Happy birthday." Umawang ang bibig ko sa sinabi ng matanda.
Natakot ako sa kanya, papaano niya nalaman na birthday ko ngayon? Baka nga kidnapper siya! Para akong tangang tumakbo mula sa kanya, nagliliparan na ang mga kalapati na nadadaanan ko.
Nasaan na ang mga pinsan ko? Bakit ba nila ako iniwan?! What's with the doves?
Lalo akong napamura nang wala na ang relong suot ko. Shit! She stole my wristwatch! Bigay pa 'yon sa akin ni kuya Liam!
"That fortune teller is a farce!" ilang beses akong napasipa dahil sa matinding pagkainis.
Nanakawan pa ako! Iritado akong napalingon sa mga kalapati. Damn these doves! I don't care if people will see me as an idiot scaring the doves to fly away. Sinimulan kong takutin ang mga kalapati para lumayo sila sa posisyon ko.
Halos ikutin ko na ang fountain para maubos sila, lalong uminit ang ulo ko dahil mas madami pa sila. Patakbo na ako para takutin ang mga kalapati nang sabay sabay silang lumipad sa harapan ko.
Natigil ako sa paghakbang nang iniluwa ng mga kalapati ang isang napakagandang babae na may hawak na maliit na cupcake na may kandila sa dulo nito.
She's smiling so sweetly with her red lips and her hair flowing with the wind. My heart hammered so fast.
My world melted away and everything was only her. Who is she? Why is she so beautiful? Why is she smiling so sweetly? Why is she singing for me?
"Happy birthday to you..happy birthday to you..happy birthday, happy birthday.." habang kumakanta siya, papalapit siya nang papalapit sa akin.
Hind ako makagalaw at nakatitig lang ako sa kanya.
"Happy birthday love.." tumigil siya at ngumiti muli nang napakatamis.
"Thank—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang lumampas siya sa akin.
"Happy birthday love love! Kuya Nik!" dahan dahan akong lumingon sa likuran ko.
She's clinging to someone who's taller to me. I thought it was me. I smiled bitterly.
"Nero!" napalingon na ako sa mga pinsan ko. Nakangising lumapit sa akin si Troy at Owen. Kinuha nila ang braso ko at mukhang dadalhin na nila ako sa pinaghandaan nila.
Pansin nila na ilang beses akong napapalingon sa pinanggalingan ko.
"What is that?" tanong sa akin ni Owen.
Lumapit na rin si LG, Aldus at Tristan sa akin.
Pansin ko na sabay lumgingon si Tristan at LG sa pinagmamasdan kong babae.
"Let's go!" masiglang sabi ni Troy.
Sumunod na kami kay Troy na nangunguna, sumunod na rin ang mga pinsan ko. Huli kami ni LG at Tristan.
"LG, do you think doves are good messengers?" biglang tanong ko.
"Ofcourse, they are the best messengers. Have you got your message Nero?"
"I don't know, does their message always have this thing on the heart LG?" tinuro ko ang dibdib ko. Ang bilis pa din nito sa pagtibok.
"Most of the time.."
Napansin ko na lumingon ulit si Tristan.
"I see..by the way Happy Birthday Nero!" umawang ang bibig ko nang halikan ako sa pisngi ni Tristan.
"What the—are you gay?!" sigaw ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin at tumakbo na siya.
Tumakbo na rin ako para habulin siya. I can't wait for their surprise.
On my 11th birthday, I received kisses from my cousins. A literal kiss. Gay? We're always gays.
Natatawa na lang ako kapag naaalala ko ang pagkabata namin, nang mapansin ko na nag iinat na si Florence nagsimula na akong lumapit sa kanya. Naupo na ako sa kama at hinawi ko ang buhok niya at marahan kong hinalikan ang kanyang noo.
"Good morning buntis. I love you, our triplets and our future babies." Ngumiti niya sa akin at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"We love Daddy too." Inilabas ko ang itinatago kong bulaklak ng gumamela at inilagay ko ito sa gilid ng tenga niya.
"You know, LG told us that we can always give roses to different girls. But this gumamela is only for one." Ngumuso siya sa sinabi ko.
"What's with the gumamela Nero?" natatawang tanong niya sa akin.
"Gummamela symbolizes a perfect bride, at isa lang ang pwede namin bigyan nito. It also symbolizes gentleness, I'll promise to always be gentle to you wife." Kinabig ako ni Florence at naglapat ang mga labi namin.
Magkalapat ang mga noo namin at kapwa kami nakangiti sa isa't isa.
"Lasang rambutan," we played our nose together. I heard her laugh.
"Thank you for embracing me Nero." Muli kong hinalikan ang mga labi niya.
"I will never stop embracing you Hood. Forever."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro