Chapter 73
Chapter 73
Hindi ko na alam kung anong oras pa kami nakatapos ni Nero, kung hindi ako nagkakamali ay inabot kami ng madaling araw na hindi ko na pinagtakhan.
We're both lying on bed with his arms embracing around me. Balot na balot kaming dalawa ng makapal na kumot dahil sa tindi ng lamig sa mansion. Masasabi ko na ang Leviathan ang isa sa pinakamalamig na probinsya dito sa Pilipinas at mas pinamalamig pa ang posisyon ng mansion dahil nakatayo ito sa mataas na lugar.
Bahagyang gumalaw si Nero at mas niyakap niya ako nang mahigpit. Nagulo ang pagkakabalot namin sa kumot.
"Nero, ang paa ko ang lamig lamig." Mahinang sabi ko.
"Oh, sorry baby.." hinalikan niya ako bago siya bahagyang bumangon para ayusin ang kumot namin sa aming paa. Nang maayos niya ito ay mabilis siyang bumalik sa tabi ko at niyakap niya ulit ako.
"I feel so comfortable Florence, mamaya na tayo bumangon." Hindi ko magawang sagutin si Nero, kahit ako ay antok na antok pa rin.
Tatangayin na sana ako nang antok nang maramdaman ko na nagsisimula na namang humalik sa akin si Nero.
"Hmm.. Nero.." bahagya akong umiwas sa paghalik niya pero hindi siya nagpatinag. Kaya lumingon na ako sa kanya at marahan kong ginantihan ang paghalik niya.
We're kissing each other like we haven't done this for the whole night. Kailan ba kami nagsawa ni Nero halikan ang isa't isa?
Hindi din nagtagal ay mas lalo nang lumalim ang kanyang paghalik, alam ko na ang sunod na mangyayari kaya ako na mismo ang humiwalay sa kanya.
"We need sleep Nero, tulog muna tayo." Ngusong sabi ko sa kanya. I felt so weak, but damn happy and satisfied.
Marahang hinaplos ni Nero ang baba ko at hinalikan niya ang aking noo.
"Sleep Florence, I'll sleep with you."
Muli kaming natulog ni Nero na magkayakap, alam kong pagkatapos nito mahabang pag uusap ang mangyayari sa pagitan namin at sa pagkakataong ito, matututo na akong makinig sa mga sasabihin niya.
Mag isa na lamag ako sa kama nang magising ako, ilang beses pa akong lumingon sa kabuuan ng kwarto pero hindi ko makita ang asawa ko.
"Nero?" binalot ko ng makapal na kumot ang katawan ko at sinimulan ko nang lumabas ng kwarto.
"Nero.." tawag ko ulit sa kanya.
Saan naman kaya ito nagpunta? Bakit iniwan niya ako sa kwarto?
"Ne—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang dumungaw siya sa may bukana ng kusina. Kusina.
Bahagya akong napatigil sa paghakbang, kitang kita ko ang pag ngisi niya sa naging reaksyon ko.
"Come here, you don't need to crawl wife." Gusto kong murahin ang sarili ko nang maramdaman ko na nag iinit ang pisngi ko.
What's wrong with me? Ngayon pa ako nakaramdam ng pagkahiya? Pagkatapos kong lakas loob na gumapang sa ibabaw ng lamesa kagabi?
Ngayong medyo natauhan na ako, hindi ko pa rin mapaniwalaan na nagawa kong gawin ang mga bagay na hindi ko inaakalanag magagawa ko.
That's the power of Nero Ferell's hypnotic desire. Kahit ang pinaka maamon at inosenteng babae, matututong ihain ang sarili sa lamesa para lamang hindi siya hayaang magutom.
"What are you staring Florence? Come here, nagpadeliver ako ng pagkain." Hindi na nakapaghintay si Nero dahil lumapit na ito sa akin para alalayan na ako patungo sa kusina.
Lalong nag init ang pakiramdam ko nang makita ko ulit ang mahabang lamesa. Paano pa ako makakakain ng maayos sa ibabaw ng lamesang ito?
"Seriously Nero Sebastian Ferell? Sa labas na lang tayo kumain."
"Nah, inayos ko na ang kakainin natin." Wala akong nagawa sa gusto ng asawa ko.
I am now sitting on his lap and we're sharing in one plate, spoon and fork.
"Nasaan ang triplets? Nasa mga mama pa rin?" tanong ko sa kanya. Mukhang nakakalimutan na yata ni Nero na may mga anak pa kami.
"Yes. Magkakasama sila ni Daddy, somewhere in Laguna." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Nero.
"Sobrang layo naman dito, bakit nasa laguna sila?" nagtatakang tanong ko.
"Taga Laguna si Mama, maybe she's too proud of his grandsons. Mama was from Laguna, sometimes I'll introduce you to my relatives from Morante family." Tumango ako sa sinabi ni Nero kahit hindi ako sang ayon sa sobrang layo ng mga bata.
Kapareho kaya ng ugali ng Mama niya ang mga kamag anak nito? Natatakot ako na baka hindi nila ako pansinin dahil baka marami nang masamang nasabi si Mama tungkol sa akin.
"Kailan daw sila babalik dito? I missed our babies, Nero."
"Sasabihan ko sila na umuwi na bukas. I missed our triplets too Florence. Mag iisang linggo ko na rin silang hindi nakikita." Sana lamang ay nasa maayos na kalagayan ang mga anak ko.
Nagpatuloy kami sa pagkain ni Nero, hanggang sa magtanong ako.
"Nero, saan mo nalaman ang aylip?" natigil siya sa paghiwa niya ng pagkain at lumingon siya sa akin. Pansin ko na bahagya siyang nag aalangan pero humugot siya ng isang malalim na paghinga para magsimulang magsalita sa akin.
"One of Rainey's cousins is a member of your organization. Rainey told me everything about your aylip organization." Pilit kong pinakalma ang sarili ko.
"Nagkikita kayo ni Rainey, Nero?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Not purposely Florence, minsan ko lang siya nakakasabay sa pagdalaw sa hospital. I tried to avoid her because we had this past that I can't remember. Pero kinailangan ko rin lumapit sa kanya para malaman ang kalagayan ni Cassidy. I want to ask for second opinion, bukod sa mga sinasabi sa akin ng doctor. Maganda rin na magtanong sa taong malapit sa kanya." Alam kong ginagawa lamang dahilan ni Rainey si Cassidy para mas mapalapit siya kay Nero.
Hindi ako angsalita at hinayaan kong magpaliwanag sa akin si Nero.
"I never planned to meet with Cassidy, Florence kaya nagtatanong na lamang ako kay Rainey." Kung hindi ko pinapakalma ang sarili ko baka naibato ko na ang plato kay Nero.
Bakit ang gagaling ng mga artista ngayon? Pakiramdam ko ay naggagamitan na lamang si Cassidy at Rainey.Hindi ba alam nitong si Nero na nagpaplastikan lang si Cassidy at Rainey dahil parehong may gusto sa kanya ang dalawang babaeng ito?
"I am always cutting off the conversation between us, but she keeps talking until she caught my attention. She told me about this Aylip. Noong una hindi ako maniwala pero habang nagkukwento siya, hindi ko alam kung bakit si Nally ang naaalala ko hanggang sa mapagtagpi tagpi ko na ang kakaibang kilos ng kapatid ko na nagtutugma sa mahabang kwento ni Rainey. She even told me about your organization's laws and missions and I remembered your tats and your reaction when I first saw it." Nanatili lang kaming magkatitigan ni Nero.
"Mas lalong nagulo ang sistema ko nang makita ko ang reaksyon mo nang sabihin ko sa'yo ang organisasyon. It confirmed everything. I'm sorry if I doubted you Florence, it's just that I've witnessed how my sister shattered someone's heart under your organization."
"Nero, I never used Aylip to break your heart. Never. " Mahinang sabi ko.
Gusto kong sabihin kay Antonia o kahit kay Nally ang tungkol dito. Sinong aylip ang naglabas ng ganitong impormasyon? Sino sa mga aylip ang pinsan ni Rainey? Wala siyang utang na loob sa mistress!
"Ang kapatid ko na sobrang taas ng tingin sa sarili ay nagawang maging sunod sunuran dito, ano pa ang kayang gawin ng organisasyong ito? I can't just accept the fact that you had ---" pinatigil ko na sa pagsasalita si Nero at bahagya kong inilapat ang daliri ko sa labi niya.
"From now on, we'll just listen to each other Nero. Ako ang pakinggan mo sa mga oras na ito, kahit minsan ay hindi kita binalak saktan. Hinding hindi, I refused joining this aylip because of you." Ipinaliwanag ko na sa kanya ang lahat at ang bawat tanong namin sa isa't isa ay mahinahon naming sinasagot.
Listening is the best answer for every argument.
"Let's promise each other that we need to build our trust Nero, no lies, no fights and no more secrets." Naglapat ang mga labi namin na parang ito ang tanda na hindi na muli kami mag aalinlangang magtiwala at makinig sa bawat isa.
Sinabi niya rin sa akin na kaya lamang sila nagkausap ni Cassidy dahil ito daw ang hiniling ng doktor na siyang nagpabilis daw sa recovery nito. Marami pa kaming pinag uusapan na laging nahuhuli sa salitang 'pagtitiwala' bagay na kulang kami ni Nero.
Ipinaliwang niya rin sa akin na nagtanong siya kay Nally tungkol dito na siyang nagpaliwanag sa kanya ng lahat.
Sa haba ng pag uusap namin ni Nero, mas naintindihan namin ang malaking pagkukulang namin sa isa't isa.
"I'm sorry for everything Florence, let's start a new. A fresh start with our kids." Lumapad ang ngiti ko sa kanya.
Buong tanghali kaming naglambingan ni Nero na parang wala kaming inaalalang mga bata sa malayo. Kalalabas lamang namin dalawa sa banyo, abala na ako sa pagsusuklay nang aking buhok habang nakayakap sa akin si Nero.
"Ipa extend na lang natin ang bakasyon ng triplets, Florence. I want you alone for another week." Bulong nito sa akin.
"No way, gusto ko nang makita ang triplets." Inabot ko ang aking phone nang marinig kong may tumatawag.
It's unknown number.
"Yes, who's this?"
Tumaas ang mga balahibo ko nang makarinig ako ng umiiyak na boses ng babae.
"I'm sorry..I'm sorry..lumayo na kami ng kapatid ko sa kanya. She's still insane. Her men are still chasing us. Ronaele.. my sister is unconscious now, Florence. We can't hurt kids, but that crazy bitch can. She's after your kids..malapit na siya sa Laguna. I'm sor--"
Nabitawan ko na lamang ang telepono nang hindi niya natapos ang sasabihin niya.
I heard a gunshot.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro