Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 71


Chapter 71


Walang nagawa ang ninong at ninang namin, sa huli walang nabago sa problema namin.

Sinabi sa akin ni Nally na nasa mga Mama na pala ang triplets, mas mabuti na rin siguro na nasa kanila muna ang mga anak ko kaysa nandito sila sa bahay at makita kaming laging nagtatalo ng Daddy nila.

Akala ko ay dadating na ang papel kinabuksan pero walang Nero o papeles na dumating. Dalawang linggo na akong mag isa sa bahay at wala akong kahit anong nababalitaan mula sa kanya.

Tinawagan ko si Sapphire, sinabi nitong susunduin niya ako. Nang dumating ang kapatid ko ay wala akong imik nang sumakay ako sa sasakyan ni Sapphire, alam kong alam na niya ang nangyari. Sigurado akong nasabi na sa kanya ng Ninong at Ninang.

"I thought they can help you about this problem, hindi na ba talaga pwedeng ayusin Florence? Nasasaktan din si Nero." Mahinang sabi sa akin ni Sapphire.

Hindi ko siya pinansin at tumingin na lamang ako sa labas ng bintana.

"Magkakasama ngayon ang magpipinsan sa mansion." Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Sapphire. Kung may problema ang isa, siguradong laging nakasunod ang apat.

Hindi ko na rin aasahan na maiintindihan niya ang sitwasyon ko, those Ferells are loyal with one another.

"Florence, sinabi ko sa Tita mo ang nangyari." Marahas akong napalingon sa sinabi ni Sapphire.

"Why did you tell her? Alam mong—"

"Para saan pa ang paglilihim mo Florence? Malalaman at malalaman din ng mga kamag anak nyo ni Nero ang nangyayari sa pagitan nyo. Hindi mo ba naisip ang malaking gulong inaayos natin lahat sa mansion ni lolo? Mauuwi lang 'yon sa lahat Florence." Paliwanag sa akin ng kapatid ko.

Hindi ko magawang sumagot sa kanya.

"I know that you're emotionally in pain, alam kong mahirap magdesisyon lalo na sa ganyang sitwasyon Florence. Huwag ka sanang magpadalos dalos, kawawa ang mga pamangkin ko. Tandaan mo na sa bawat desisyon mo, hindi lang ikaw ang maapektuhan Florence."

"Hindi ko na alam Sapphire, hindi ko na alam."

Hindi na ako nagulat nang dinala ako ng kapatid ko sa malaking mansion ng pinsan kong si Gio. Sa bahay ng pinuno ng mga Villacorta, tatlong magkakapatid ang mga Villacorta, panganay ang daddy ni Kuya Nik na si Tito Pio, sunod si Mommy, bunso si Tito Gil pero sa pagdedesisyon ng buong pamilya laging siya ang inaasahan ng lahat. He's a good leader, para sa isang bunso.

"Alam na din ni Tito?"

"Hindi, nasa ibang bansa daw siya ngayon. Mas maganda nga siiguro kung isang kadugo ang kumausap sa'yo Florence. I made a wrong decision, hindi kayo kaya ng ninong at ninang lang." Sabay na kaming lumabas ng kotse.

Unang sumalubong sa amin si Gio, humalik siya sa akin at ngumiti siya kay Sapphire.

"I'm sorry, kailangang malaman ni Mama ang nangyari Florence. That was a serious problem." Paliwanag sa akin ni Gio.

"It's okay," pumasok kami sa sala.

Nandito si Tita Sheena at kasalukuyan siyang umiinom ng tsaa, nagulat din ako nang nandito rin si lolo.

"Lolo.." sabay kaming lumapit ni Sapphire kay lolo at nagmano kaming dalawa dito. Hindi ko naabutan ang lolo at lola ko sa parte ng Villacorta, pero kahit kailan ay hindi nagkulang ang mga kamag anak ko para suportahan ako sa lahat ng oras.

Isa pa, wala na rin akong hihilingin pa kay lolo, I may have a problem father but I have everything for my grandfather.

Naupo na kami ni Sapphire, at nanatiling tahimik si lolo at Tita Sheena.

"How are you feeling Florence?" pormal na tanong sa akin ni Tita.

"I don't know," mahinang sagot ko.

Pero hindi ko inaasahan ang matatanggap ko mula kay Tita. Isang malakas at tumataginting na sampal ang lumapat sa aking pisngi.

"Hindi biro ang annulment Florence, hija." Madiing sabi ni Tita.

Nakahawak ako sa pisngi ko at nakatitig ako sa kanila, kahit si Sapphire, lolo at Gio ay walang ginawa kundi sumang ayon sa ginawa sa akin ni Tita.

"Minsan dapat sinasampal ka ng katotohanan, hindi ka na bata hija. Hindi na katulad ng dati ang lahat, may asawa ka na. Hindi pwede na lagi mo na lang tatakbuhan ang lahat. You need to grow up Florence."

Nanatili akong nakatitig sa kanya.

"Hindi biro ang kasal, alam mong napakalaki ng respeto ng pamilya natin sa pagkasagrado ng kasal. Pinilit namin tumulong sa'yo para maayos ang kinalalagyan mo ngayon hija, tumulong kaming lahat. Ano itong ginagawa mo?" umiiling na sabi niya sa akin.

"I've lost my baby Tita, hindi nyo ako naiintindihan. I've lost my because of him--" umiiyak na sabi ko.

"What? Papaanong si Nero ang may dahilan nang pagkalaglag ng bata? Ginusto niya? Did he push you? Papaanong si Nero, Florence?"

Hindi ako nakasagot sa kanya.

"That! Hindi lang siya ang may kasalanan ng lahat hija. Even you, pareho kayong mag asawang may kasalanan. Hindi ba dapat ay sabay nyo itong ayusin? Bakit kailangang lumayo ka na naman? Annulment is not the best solution."

"Tita, are you telling me to stick in that kind of marriage with full of secrets? Sobrang dami na Tita at natatakot na ako sa pwedeng malaman ko sa pagsasama namin."

"Sadyang ganyan ang pag aasawa Florence! Hindi dahil nagpakasal kayo, agad mo nang malalaman ang lahat sa kanya pagkalabas nyo ng simbahan! Marriage is a process of knowing each other Florence, kung laging ganyan ang pag iisip mo hindi nga kayo magtatagal ng asawa mo."

"Listen to her Florence, may mali ka talaga ngayon. I always want to stay on your side sister, but not this time. Sobra na ang pagpapasensiya sa'yo ni Nero. Look what happened? Napuno na rin siya sa'yo, mahal na mahal ka ng tao." Paliwanag rin sa akin ni Sapphire.

"Hindi ba nawalan din si Nero? Hindi ba at siya ang ama ng bata? For god's sake, kahit hindi kami masyadong nagkakausap ng asawa mo hija kitang kita ko na mahal na mahal ka niya. During your birthday party, nang araw na hingin niya ang kamay mo sa aming lahat at maging ang nangyari sa mansion ni Don Rogelio. Nag uumpisa pa lang kayo Florence, huwag ganito ang asal mo."

"Mom is right Florence, I never liked that Nero but you had the wrong move right now cousin. Think about my nephews, they'll be affected."

"Ako na ang kumausap sa'yo Florence, dahil siguradong kapag narinig ng mga tiyuhin mo ang buong kwento lahat sila ay mabibingi at magiging demonyo na naman ang tingin nila sa asawa mo kahit ikaw ang mali. Ito ang ayaw ko sa kanila, yes I admired you Florence for being a kind hearted but you are not all the time. You had a lot of mistakes, at hindi 'yon nakikita ng mga tito mo, madalas ang pinsan mo rin at kahit ikaw Don Rogelio hanggang sa nasanay ka nang walang pumupuna sa pagkakamali mo. Kaya ang lakas lagi ng paniniwala mo na ang bawat desisyon mo ay tama. Even your husband, lahat yata ng gusto mo ay nasusunod. You are too spoiled Florence." Walang nakapagsalita sa aming lahat at hinayaan namin si Tita na magsalita.

"Nawalan din ako ng anak Florence, dalawang beses akong nalaglagan bago nabuo si Gio. Ilang beses kaming nagtalo ng tito mo pero hindi dumating sa punto na isinampal ko sa kanya na gusto kong makipaghiwalay. Naglihim din siya sa akin, there's a You are very wrong Florence, swerte ka pa walang bisyo ang asawa mo. Secrets are part of married life, pero dadating ang oras at magagawa nyo rin itong sabihin sa isa't isa, hindi minamadali ang lahat."

"Maybe she needs to meet with her psychologist, it might help her." Mabilis umiling si Tita sa sinabi ni Gio.

"Sa ganitong pagkakataon, mas mabuting kamag anak ang makausap niya. Matagal nang ayos ang pinsan mo, at ang pinapakita niyang ito ay katigasan niya ng ulo. Sinabi mo rin na nakikita mo si Lorenzo sa asawa mo? How is that possible? Ibang iba siya sa Daddy mo at nakikita naming lahat 'yon. Nang ipagbuntis ka ni Alyanna, nasa trabaho pa rin ang daddy mo pero 'yang asawa mo halos hindi na nagtrabaho sa buong pagbubuntis mo."

"Please see the reality, hindi habang buhay ay may papabor sa'yo hija, sa mga desisyon mo. Nawalan kayo ng anak pero may tatlo pa kayong natitira, itigil mo ang asal mo na kapag may problema tatakbo ka na lamang lagi. You can't always act like that, dahil hindi na lang ikaw ang maapektuhan tulad ng dati."

"Sorry.."

"Hindi kami ang dapat makarinig niyan, you should talk to your husband. Sabihin mong nagkamali ka, hindi masamang aminin na nagkamali ka. Parte 'yon ng buhay mag asawa. Inuulit ko, wala kahit sino sa amin ang susuporta sa annulment na 'yan Florence. Mahal ka namin lahat pero hindi namin kayang konsitihin ang maling desisyon mo. Nagkamali si Sebastian, nagkamali ka, settle everything."

Wala akong ibang nasabi kundi 'sorry' sa kanilang lahat. Kahit si lolo ay hindi na nagsalita at hinayaan niya si Tita na sabihin ang lahat. Ngayon ko nalaman na masyado nga akong nasanay na walang sumasalungat sa akin, from lolo, my cousins and even Villacortas. Kahit ang mga kaibigan ko na si Camilla at Aira ay hindi ako minsang sinalungat ako, kahit si Nero at maging ang mga pinsan niya.

I was so wrong.

Humingi ako ng pabor kay Sapphire na bigyan ako ng oras mag isa, hindi naman siya nagpilitang sumama sa akin.

Hindi ko alam kung bakit nakita ko na lamang ang sasakyan kong nakaparada sa bukas na gate ng mansion ng mga Ferell. He's there with his cousins.

Muli kong inistraight ng inom ang alak na binili ko pa kanina, may nagsabi sa akin na nakakaalis daw ng kaba ang alak pero bakit ramdam na ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko?

Lalo akong tinatamaan sa naririnig kong kanta sa stereo ng sasakyan ko. It's Jasmine Trias version.

I thought sometime alone
was what we really needed
you said this time would hurt more than it helps
but I couldn't see that

Bumalik sa alaala ko ang lahat ng ginawa ni Nero sa pagsasama namin. Tama si Tita, si Nero na lang lagi ang nagpapasensiya sa pagsasama namin. I am always giving him heartaches, but he's still giving me his full love.

I thought it was the end
of a beautiful story
and so I left the one I loved at home to be alone (alone)

Napahagulhol na lang ako nang maalala ko ang paulit ulit na pagtakbo ko sa kanya pero paulit ulit niya pa rin akong tinatanggap. How cruel am I?

And I tried to find
out if this one thing is true
that I'm nothing without you
I know better now
and I've had a change of heart

Scenes are coming back from our first meeting, our first kiss, hugs, fights, laughter to our wedding and even our first night together.

I'd rather have bad times with you, than good times with someone else
I'd rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself
I'd rather have hard times together, than to have it easy apart
I'd rather have the one who holds my heart

Lalong umapaw ang luha ko nang marinig ko ito.

"Sorry..sorry sorry Nero..sorry..sorry..sorry" sa nangangatal kong kamay ay mabilis kong kinabig ang manibela para agad itong maipasok sa kanilang malaking gate.

Parang ang tagal tagal na nang muli akong makarating dito.

Pinatay ko ang makina at nagmamadali akong bumaba ng sasakyan, sa pagsarado ko ng pintuan ay bigla na lamang mas bumilis ang pagpintig ng puso eksaktong lumabas si Nero ng pintuan at natigilan siya sa paglabas nang makita ako.

He's just wearing his boxers with his bed hair. May hawak siyang bote ng alak at halatang kagaya ko ay kulang na rin siya sa tulog.

Isang minuto lang kaming magkatitigan dalawa hanggang sa matagpuan ko na lamang ang sarili kong tumatakbo papunta sa kanya. Wala na akong pakialam kung mapahiya ako sa gagawin ko.

Buong akala ko ay hindi niya ako tatanggapin pero narinig ko na lang na binitawan niya ang boteng hawak niya. Agad niya akong binuhat habang walang tigil sa pagpapalitan ng mga halik ang mga labi namin.

My legs wrapped around his waist and at the same time my arms encircled around his neck.

"Sorry.. sorry Nero.sorry..sorry..nagkamali ako. Ako ang nagkamali, I can't. Ayokong mawalay sa'yo, please accept me again Nero. I'll promise to be an open minded, I'll promise to always listen. I'll promise to be a good wife, good mother.." magkadikit ang mga noo namin habang walang tigil ako sa paghingi ng tawad sa kanya.

"Did you learn something Florence?" tanong niya sa akin.

"Yes, we're just in the beginning." Muli pa sana akong magsasalita nang marinig ko ang malutong na mura ni Troy.

"What the fvck?" agad akong bumaba nang marinig ko ang boses ng tulalang si Troy. Nasundan ito ng mga pinsan niya na nagulat din nang makita ako.

"Umuwi na kayong apat, sa akin muna ang mansion." Tamad na sabi ni Nero.

"Pagkatapos mong umiyak sa aming apat?!"

"This is damn déjà vu, let's go cousins. I remembered this scene." Naunang lumampas sa amin ang nakapamulsang si Tristan.

Nagsimula na rin ngumisi ang natitirang tatlo at humakbang na rin sila papunta sa pintuan. Lumingon kaming dalawa ni Nero sa mga pinsan niya.

"Last na 'yan Doll, hindi na namin ibabalik si Nero sa'yo sa susunod. Hinding hindi na." Pabirong sabi ni Troy na alam kong totoo.

"Thank you and sorry for all.." muling ngumisi ang apat sa akin.

And they answered in chorus.

"Apology accepted,"

"Pero sa kanya ka dapat magsabi niyan." Itinuro ni Owen si Nero.

"He has his ways, happy honeymoon!" Malakas na sabi ni Aldus. Hindi na nila pinahaba ang usapan dahil tinalikuran na nila kami.

Hinawakan na ni Nero ang pintuan ng mansion at dahan dahan niya itong isinarado.

"Tell me Florence, how will I punish you?"


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro