Chapter 70
Chatpter 70
Kumunot ang noo ni Nero sa sinabi ko, pero nanatili akong nakatitig sa kanya. Sa dami na nang nararamdaman ko simula nang malaglag sa sinapupunan ko ang aming anak, hindi ko na alam kung alin dito ang nagtulak sa akin para bigla ko na lamang sabihin ang mga salitang ito sa kanya.
"What Florence?" malamig na tanong nito sa akin.
"Alam kong narinig mo ang sinabi ko."
"Just like this? Tatakbuhan mo na naman ako katulad ng dati? Why don't you listen to me first? I gave you time, I gave you space. Dahil alam kong ito ang kailangan mo. Florence, isipin mo rin na nawalan rin ako. Nawalan rin ako ng anak."
Hindi ko siya sinagot at tumayo na ako habang buhat si Rance. Tinalikuran ko siya at nagsimula na akong humakbang papunta sa kwarto.
"Florence, hanggang kailan tayo ganito? Inaamin ko nang nagkamali ako, hindi na tama ang mga sekreto ko sa'yo. I made a big damn mistake, at pinagsisihan ko na ito. That was my last secret Florence, wala na. Isinusumpa kong wala nang sekretong natitira sa akin." Hindi pa rin ako sumagot sa kanya hanggang sa makarating kami sa kwarto.
We never talked again, nagpapakiramdaman lamang kami hanggang sa makatulog ang triplets.
Hindi ako nakapalag kay Nero nang hawakan niya ang palapulsuhan ko at mahigpit niya akong inilabas sa kwarto.
"Let's talk.." seryosong sabi niya.
Nang pababa na kami ng hagdan, walang alinlangan niya akong binuhat. Sinubukan kong magpumiglas sa kanya pero higit na mas malakas sa akin si Nero.
"Nero! Put me down!"
"Then what? Madudulas ka na naman?!" angil na sagot niya sa akin.
Akala ko ay hanggang sa sala lamang kami pero nakarating kami sa labas ng bahay. Nasa pool side na kaming dalawa ni Nero.
Hindi ko maiwasang maalala ang parehong pangyayaring ito. Binuhat din ako ni Nero sa kanilang mansion at dinala sa tabi ng pool para lamang sapilitan niyang maging girlfriend.
"What? Itutulak mo ako sa pool? Katulad ng dati? Dito ka naman magaling Nero, you're always doing something in your damn harsh way."
"Harsh way Florence? Sa atin dalawa ikaw ang laging gumagawa niyan. Hindi ako papayag sa annulment! Think about our kids Florence, think about me, think about us. I know that you're still stressed baby. If you need another month, okay. I won't bother you. Kung gusto mo na tumigil muna sa lolo mo, wala akong problema. Just..just don't push that damn annulment Florence."
"Why are you like that Nero? Bakit parang hindi ka man lang naapektuhan sa pagkawala ng anak natin?" napahilamos na siya sa kanyang sarili dahil sa sinabi ko.
"What? Do you think I'll still join your emotion Florence? Sa ganitong sitwasyon, hindi pwedeng pareho tayong mahina! If you're weak right now, I can't be weak with you baby. I need to be tough for us, nasaktan din ako nang mawala ang anak natin. But we need to move on baby, may mga anak tayong naiwan. Hindi nawala ang lahat."
"I know, alam ko Nero. We have our triplets, pero sa isang ina na katulad ko. I can't just easily move on Nero, ako ang may dala sa kanya." Muli na naman akong humagulhol sa pag iyak.
Ilang beses lang humakbang papalapit sa akin si Nero at mabilis niya akong kinabig para yakapin.
"Let's talk about everything Florence, I know that you're not serious on your words. You're too emotional, I can always understand you but please remember our past hardships Florence. Mauuwi lang sa wala ang lahat kung bibitaw na agad tayo. Next week we'll have our visitors. We need a little help, we're just in the beginning baby. Running is not a solution, you've been there Florence. Alam mong hindi naging maganda ang resulta ng pagtakbo mo sa problema."
"I'm sorry Nero.." naramdaman kong hinalikan niya ang ibabaw ng noo ko.
"You need to rest," tumango na lamang ako sa kanya.
Hindi siya nagbigay sa akin ng motibo na gusto na niyang matulog ulit katabi ko, sinabi lang nito sa akin na dadalaw daw sa amin ang ninong at ninang namin sa kasal.
Sinabi rin niya sa akin na si Sapphire daw ang nasabi nito sa kanya na mas mabuting may makausap kaming matatanda, hindi daw maganda kung ang matatanda sa dalawang magkabilang pamilya ang pagsasabihan namin ng problema.
Sang ayon ako kay Sapphire, siguradong pauulanan lang ng bala ng mga tiyuhin ko si Nero dahil sa nangyari sa akin at sa anak namin. At hindi na ako magugulat sa posibleng pagsisi sa akin ng mga Ferell dahil sa nangyari.
Napakahirap talaga kapag may lamat na ang relasyon ng dalawang pamilya. Mahirap nang humingi sa kanila ng tulong dahil sa huli, sila lang magbabangayan.
Ilang araw ulit kaming walang imikan ni Nero, hindi niya na ako kinakausap kung hindi na rin kailangan. He's giving me space, katulad ng sinabi niya.
Maaga akong nagluto, sinundo ni Sapphire at Aldus ang triplets dahil sila na muna daw ang mag aalaga sa mga ito, ngayon ang pagdalaw ng aming ninong at ninang. Nakausap ko na rin si Ninang sa telepono at sinabi nito na gusto nila kaming dalawin ni Nero. Alam kong ito na ang tinutukoy sa akin ni Nero noong nakaraang linggo.
Isa lang pares ng mag asawa ang nakuha namin ni Nero na pareho naming hindi kamag anak.
He is Nero's favorite professor during our college years. Natatandaan ko pa ang paraan ng pagtawag niya sa mga estudyante kapag may naghahanap sa mga ito sa oras ng kanyang klase.
Prof. Garcia and his famous lines "May dalaw kayo!" na parang nasa preso lang ang kanyang mga estudyante. And his "May bago tayong salta" dito siya kilalang kilala ng lahat ng estudyante ng Gyro Nella. Hindi ko akalain na siya ang kukuhanin ni Nero para maging ninong namin.
Habang naghahanda ako ng mga pagkain ay tumutulong sa akin si Nero, hindi niya na rin ako kinakausap kung hindi ako magtatanong sa kanya. Pagkatapos naming mag ayo sa center table ng sala ay ilang minuto lang ang pinaghintay namin.
Sabay kaming napatayo nang marinig na namin ang kanilang paparating na sasakyan. Sumalubong kami ni Nero sa mag asawa at nagmano kami. May inabot sa akin si ninang na cake, pilit akong ngumiti sa kanya.
"Dapat hindi na po kayo nag abala."
"Hindi kayo abala," ngumiting sabay ang mag asawa sa amin.
Nagpunta kami sa sala para dito na kami makapag usap ng maayos.
"Hindi na kami magpapaligoy ligoy pa ng ninang nyo, Florence, Nero. Anong problema nyong mag asawa? Hindi maganda ang narinig ko mula sa kapatid mo Florence." Panimula ni Ninong Gener.
"Annulment is not a joke ." Sunod na sabi ni Ninang Hera.
"Anong pumasok sa isip mo at ito agad ang naisip mo Florence?" napalingon ako kay Nero. Papaano nila nalaman? Nagsumbong siya sa kanila?
"It was not her fault Ninong, she was just too emotional that time." Si Nero ang sumagot para sa akin.
"Annulment is not a solution hija, you can always talk with him. Hindi pwedeng sa tuwing magkaproblema kayo bigla mo na lamang gusto mong humiwalay sa asawa mo. Hindi laro ang kasal hija." Bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi ni Ninang.
Why am I having this feeling that they're taking Nero's side?
"Masisisi nyo po ba ako kung magdesisyon ako ng ganito sa kanya? Ninang, I love him. Mahal na mahal ko po si Nero, pero hindi po pwedeng paulit ulit na lang. Hindi lang po ito unang beses, pangatlong beses na po niya akong pinaglilihiman. Tatlong beses na po, at hindi biro ang tatlong ito. Do you think you can still stay in this kind of marriage?" mahabang sabi ko.
"Saan ka kumukuha ng lakas ng loob Nero para paulit ulit akong paglihiman? Ninong, Ninang nakikipagkita ang sarili kong asawa sa dati niyang babae!" madiing sabi ko
"Florence! It was not like that! Why do you sounds like I was damn cheating on you?! I was supporting her financially! Nakipagkita lang ako sa kanya ng dalawang beses! Oh god Florence, bakit hindi mo ako paniwalaan?" lalong kumunot ang noo ko sa kanya.
"How can I trust you Nero?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? How can I damn trust you kung tatlong beses mo na akong niloloko!?"
"Enough, please. Listen to us, hindi kayo magkakaintindihan kung magsisigawan lang kayo." Mahinahong sabi ni Ninong.
"How? How Ninong? How can I still listen? How can I still trust him? I am emotionally in pain." Nagtuluan ang mga luha.
"Nasasaktan din ako Florence, nasasaktan din ako sa nangyayari sa atin! Hindi lang ikaw ang nawalan.."
"But I never fooled you Nero! At kung naglihim man ako sa'yo, isinusumpa kong hinding hindi ka masasaktan dahil dito. My secrets won't crash you, but yours? It is always breaking my heart Nero. Nero natatakot na ako sa'yo, nakikita ko si Daddy sa'yo. Nakikita ko si Daddy sa'yo, he's always fooling my mother. Ang dami niyang sekreto..natatakot na ko.." narinig ko ang pabulong niyang pagmumura sa sinabi ko.
"I am different from your father Florence! I am not like him. Alam mong mahal na mahal kita! Damn, tama na Florence.."
"Please, calm yourselves mga anak. Huminahon muna kayo." Tumabi na sa akin si Ninang.
Umiling ako sa harap ni Nero.
"Itutuloy ko ang ann----"
"Bullshit! Walang annulment na mangyayari Florence! Magkakaubusan tayong dalawa ng yaman bago mo maiproseso 'yan! You're already mine, hinding hindi na kita pakakawalan Florence!" Malakas na sabi niya.
"Ano ba kayong dalawa?! Bakit hindi muna kayo makinig sa isa't isa?! Huwag kayong padalos dalos!" pasigaw na rin si Ninong.
"You are being selfish Florence, we have our triplets. Anong gagawin mo sa anak natin? You'll give them a broken family?! What kind of mother are you Florence? " lalong hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.
Hindi na magawang makapagsalita ang ninong at ninang namin dahil sa batuhan namin ni Nero ng salita.
"Sa tingin mo mas magiging mabuti sa triplets na lagi na lang tayong nakikitang hindi magkasundo?! Mas mapapagaya sa akin ang mga anak ko, lalaki silang nakikitang nasasaktan ako sa mga ginagawa mo. Just like what my father did to my mother." Umiiyak na sabi ko.
"Fvck! We are damn different with them! Bakit pilit mo tayong ikinukumpara sa kanila?!"
"Because you are damn acting like my father! We need to stop this Nero."
"Fvck! I am nothing to do with your father! Dapat pala sa umpisa pa lang hindi mo na ako pinakasalan kung hihiwalayan mo rin pala ako! After all that we've been through Florence? Ang dali lang sa'yo, sobrang dali lang sa'yo na bitawan ako.."
"Hindi kami nandito para pag awayin kayong dalawa! Hindi paghihiwalay ang solusyon, kayo rin ang mahihirapan dalawa sa huli."
"I don't know what to say, she's always like that to me. I have mistakes and I am always admitting it, nagsisisi ako pero laging kulang sa kanya." Marahas kinuha ni Nero ang baso ng tubig at mabilis niyang ininom ito.
Napapikit na lang ako nang marahas niya itong ibinato dahilan kung bakit narinig namin ang malakas na pagkabasag nito. Tumayo na siya at diretso siyang tumitig sa akin.
"Kung ito ang gusto mo? Hindi na ako makikipagtalo sa'yo Florence. I'll process the papers and let's sign it together. Bring your lawyer for the custody of our kids."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro