Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7


Ilang araw na ang nakalipas pero masama pa din ang loob ko sa mababait kong apo. Kung ibalik ko na kaya ang mga ito sa kani kanilang mga magulang?

Maliit pa lang sila ay napapagloko na nila ako, kanino ba nagmana ang mga ito at bakit wala man lang nakakuha sa akin noong kabataan ko? I am the most 'behave' during my childhood days.

Hanggang ngayon ay nagtuturuan pa din sila kung sino ang nagbura ng nakasulat sa kanilang notebook. Wala talagang umaamin sa kanila, hindi na lang ulit ako nagtanong dahil sumasama ang loob ko.

Pero hindi din na naman nagtagal ay nalaman ko din kung sino ang pasimuna ng lahat, isang gabi na akala ko tulog na ang lima kong mababait na apo.


'It's your fault Nero!' pakinig ko ang boses ni Troy.


'Why me? Do you want to wear beef like that?' sagot sa kanya ni Nero.


"Brief Nero, brief! Bulol bulol ka na naman!" muntik na akong matawa sa sagot ni Owen.


"Bahag, it's bahag! Sabi ni teacher" sabi naman ni Tristan.


"Ikaw Troy nagsulat hindi ba?" pakinig kong sabi ni Aldus.


"Nisabi ni Nero!" angil na sabi ni Troy.


"Wag na lang tayo maingay. Lolo will forget that.." narinig kong sabi ni Tristan. Matalinong bata.


Napasulyap na lang ulit ako sa mga apo ko, nanunuod na sila ngayon ng tv. Bakasyon na sila at hindi ko yata kaya na lagi silang nandito sa mansion, mabilis dadami ang puti kong buhok. I should think something na mapapagkaabalahan nilang lima.

Wala na akong balak ipasok sila sa tutorial class ngayong summer, gusto kong marelax man lang ang mga utak ng aking mga apo. Masyado na silang matatalino at maraming nalalaman.


"Anong gusto nyong gawin mga apo?" tanong ko sa kanila. Kasalukuyan silang nanunuod ng Pororo, 'yong peguin na nagsasalita.

Dahil abala sila hindi nila ako sinagot. Nanunod na rin ako katulad nilang lima hanggang sa makita kong nagpapainting na ang penguin na pinapanuod nilang lima. Bakit nga ba hindi ko ito naisip?

Muli akong sumulyap sa mga apo ko na tulala pa rin sa tv. Hindi lang maaaring magagandang lalaki sila, dapat ay may talent din ang limang ito kahit papaano.


"Pagkatapos nyong manuod ng tv, lalabas tayong anim.."


"Yes lolo!" sagot nila sa akin na hindi man lang lumilingon sa akin.

May katulong naman kami tuwing weekdays kaya hindi na ako nahihirapan sa pagpapakain at pagpapaligo sa kanila ngayong araw. Nang matapos silang makapagbihis at makakakin ay sumakay na kami sa sasakyan.

Sabay sabay na ulit silang nagsuot ng seatbelt na siyang nakagawian na nila.


"Malinis na ba ang nails nyong lima?" tanong ko sa kanila. Sabay sabay nilang itinaas ang mga kamay nila para lang ipakita sa akin na malilinis ang mga daliri nila.


"Si yaya, galing galing magputol ng nails.." natutuwang sabi ni Owen.


"So si lolo hindi magaling?" tanong ko kay Owen habang sinisimulan ko nang patakbuhin ang sasakyan.


"Lolo is good too Owen!" sabat ni Tristan.


"Yes, yes. He's gold.." pagsabat din ni Nero.


"GOOD" sabay sabay na sabi namin kay Nero.


"There's no L Nero, GOOD" halos manghaba ang nguso ni Troy sa pagtuturo kay Nero ng pronunciation.


"Bulol bulol na naman si Nero, kala ko nice na siyang magsalita.." natatawang sabi ni Aldus.


"Where are we going lolo?" tanong sa akin ni Tristan.


"We're going to your new teacher!" masiglang sabi ko.


"Teacher? Lolo it's our vacation" pangangatwiran sa akin ni Troy na siyang pinakatamad sa kanilang mag aral.


"You're not going to study your lesson. Mag aaral kayo ng painting, parang coloring book lang 'yon" paliwanag ko sa kanila.


"Owen likes painting!" natutuwang sabi ni Owen na may pagpalakpak pa.

Alam ko na nawiwili na si Owen sa painting pero hindi naman ako papayag na si Owen lamang ang magiging talented sa aking limang apo. Dapat ay parepareho silang may kani kanilang talento, hindi lang basta gwapo.


"Kapag natuto na kayo sa painting, patuturuan ko rin kayo sa mga musical intruments" muling nagsalita si Owen.


"I love piano!" napapansin ko na kami na lamang yata ni Owen ang nagkakaintindihan dito.


"What about you Troy? You love what?" tanong ko kay Troy. Sasagot na dapat ito nang maunhan siya ni Tristan.


"Tristan loves pillows! Many many pillows!" napangiwi na lamang ako. Halos matabunan ng mga unan si Tristan sa kanyang kama sa sobrang dami nito.


"What about you Nero, Owen, Troy?" gusto kong malaman kung may nahihiligan sila, baka naman mahasa pa.


"I love acting!" agad na sabi ni Troy. May apo pa yata akong gustong mag artista.


"Ayaw ko niyan Troy, low profile lang tayo. Walang papasok sa inyo sa showbiz magulo doon, tanggap ko pa na may maaaring mag modelo sa inyo pero huwag sa showbiz. Ferell's tears are always legit, it can't be fake. Always remember that grandsons.." wala akong narinig na sagot mula kay Troy dahil alam kong hindi naman niya ako naintindihan.

Sigurado akong sa paglaki nila, hindi rin nila gugustuhin pumasok sa trabahong ito.


Nakarating kami sa building kung saan ko sila eenroll. Sana ay maging maganda ang resulta nito. Sigurado akong pasasalamatan ako ng mga magulang nila dahil sa gagawin kong ito.

Hindi magandang nasa bahay lang sila at manunuod ng cartoons maghapon, baka lumabo lang ang kanilang mga mata.

Sumakay na kami sa elevator, sa fourth floor daw pala ang classroom nila. Mukha naman silang excited lima kaya hindi na ako kinakabahan.


"Remember, ayaw ko ng mga pasaway at pilyo. Dapat kapag natapos nyo na ang painting lessons, maiipaint nyo na ako. Okay?"


"Aye aye captain!" masiglang sagot nila sa akin.


"Very good!"

Nang makalabas na kami sa elevator ay agad kaming nadiretso sa classroom nila, dito kami sinalubong ng dalawang teacher na siyang magtuturo sa kanila. Napansin ko na may anim hanggang walong bata na ang nasa loob ng classroom at nagsisimula na sa kani kanilang painting. May dalawa pang teacher na nakabantay sa mga bata sa loob.

Napansin ko rin na maganda ang lugar, malinis at talagang mawiwili ang mga bata. It's a good learning center.


"Kayo na ang bahala sa aking mga apo, they're good boys. Hindi ba?" tumango sa akin ang mga apo ko na mukhang mga excited.


"Hindi nyo sinabi na ang cute ng mga apo nyo Don Ferell..." natutuwang kinurot ng isang teacher si Owen dahil sa malalim na biloy nito.


"Hindi ba given na 'yon dahil ako ang lolo?" sabay lumingon sa akin ang dalawang teacher na may pilit na ngisi.


"I am just kidding. Kayo na ang bahala sa kanila, they are fast learners. Hindi kayo mahihirapan sa kanila.." ngumiti na lang sa akin ang dalawang teacher bago ako magpaalam sa aking mga apo.


"Susundiin ko kayo mamaya, I want to see your works. Okay?"


"Aye aye Captain!"


Iniwan ko na ang mga apo ko na nagpapakilala sa unahan sa harap ng mga kaklase nila. Umuwi muna ako at inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa ng ilang dokumento sa kumpanya. Mabuti na lamang at umuwi na ang dalawang anak ko mula sa ibang bansa, sila ngayon ang abala sa kumpanya ngayon.

Wala silang masyadong pinagkakaabalahan dahil ang isa sa anak ko ay wala pa rin asawa hanggang ngayon habang ang isa naman ay hindi pa rin magkaanak dahil sa sakit ng asawa kaya dahil dito sa kumpanya nila ibinubuhos ang kanilang mga atensyon. Sinabi rin nila sa akin na kabawian nila ito dahil hindi sila nakarating nitong nakaraang pasko na hindi ko naman minasama. Alam kong dadating ang panahon na magiging abala sila kaya hindi na ako nakikiagaw pa sa kanilang oras.

Mga tatlong oras siguro akong nakatutok sa aking laptop at papeles nang tingnan ko na ang wristwatch ko. Kailangan ko nang sunduin ang mga apo ko. Sigurado akong may kani kanila silang ipapakita sa akin.


Mabilis ang pagmamaneho ko hanggang sa makarating ako sa learning center. Tuwang tuwa pa akong nilalaro ang susi sa elevator, may dala akong magandang camera para ma picturan ko ang mga painting nila. Ipadadala ko sa kanilang mga magulang.

Pero hindi pa man ako nakakailang hakbang ay agad nangunot ang noo ko dahil nasa labas na ang dalawang teacher na mukhang balisa at hindi mapakali. What's wrong? Tapos na ba sila? Maaga pa akong dumating.

Napatingin ako sa wristwatch ko, maaga pa ako ng sampung minuto.

Nang mapansin ako ng mga teacher ay mas lalo yatang namutla ang kanilang mga mukha. May nangyari ba sa mga apo ko?


"Don Ferell!" magkasabay pa nilang hinawakan ang kamay ko na parang maluluha.


"I am married.." maiksing sabi ko na nakapagpangiwi sa kanilang dalawa.


"Kidding, nasaan ang mga apo ko?" kaswal na tanong ko kahit kinakabahan na ako. Ano na naman ang ginawa ng lima kong apo?


"Nagmeeting lang kami ng saglit, hindi po namin alam na ganoon ang gagawin nila.." hindi sila makatingin sa akin at kapwa nakatungo ang dalawang teacher sa akin.


"What happened to my grandsons?" kunot noong tanong ko. Don't tell me, nawawala na naman sila?

Nagmadali na akong humakbang sa classroom at halos atakihin ako sa puso nang makita ko ang mga apo ko.

Sa halip na canvas ang makita kong may kulay. Ang buhok lang naman nilang lima ang nakikita kong may iba't ibang kulay. Bakit nagmukhang rakista ang mga apo ko?


"Pasensya na po Don Ferell, sinubukan po namin na ishampoo ang mga buhok nila. Ayaw po talagang matanggal ng kulay.." tuwang tuwang lumapit sa akin si Troy na may apat na kulay sa kanyang buhok, red, yellow, green, blue at violet.

Kung alam ko lang na pagkukulay ng buhok ang gusto nilang gawin dapat ay sa barber shop ko na sila dinala.


"What happened to your hair Troy?!" iritado akong lumuhod para magpantay kami. Lumapit na rin si Nero, Aldus, Tristan at Owen na may kani kanilang kulay ng buhok. Rainbow color ang mga buhok nila pero kay Troy talaga ang pinakamakulay at mukhang tuwang tuwa pa siya.


"Look at my hair lolo, si Nero nag paint nito, tapos 'yong blue galing kay Aldus, tapos 'yong yellow kay Owen, tapos 'yong violet kay Tristan.."


"Mine is beautiful! I am green lantern" may halong kulay green ang buhok ni Owen.


"Mine is better!" kulay pula naman ang halo ng buhok ni Aldus.


"Mine is aquaman!" kulay blue naman ang buhok ni Tristan. Samantalang violet naman ang kay Nero.


"Anong klaseng pintura ang pinagagamit niyo sa mga bata? Bakit kumulay ng ganito ito sa mga apo ko?" kagat labing nakatungo lang ang mga teacher sa akin.


"Ibabalik na lang po naman ang enrolment fee nila, pasensiya na po.."


"No it's fine. Naitanong ko lang kung anong klase para alam ko kung papaano ito tatanggalin..." muli akong humarap sa mga apo ko. Hindi naman ako nagagalit sa mga teacher nila.


"Bakit kayo nagkulayan ng buhok? I told you to paint! Why on your hair? Anong sasabihin ng mga magulang nyo sa akin? Pinababayaan ko kayo?" naging cartoon character na ang mga apo ko.

Sino ba ang nagbigay sa akin ng ideya na paturuan magpaint ang mga matatalino kong apo? Dapat ay hinayaan ko na lamang silang manuod ng tv maghapon.


"Let's go home.." muling sumalubong sa akin ang dalawang teacher na ilang beses humihingi ng paumanhin.


"It's alright, tanggap ko ang mga apo ko. They're too artistic.."

Umuwi kami na tuwang tuwa sila sa kanilang bagong kulay na buhok, nakikita ko pa na naghahawakan sila ng buhok dahil masyado silang natutuwa sa mga buhok nilang may iba't ibang kulay.


"Take off your clothes, maliligo tayong anim. Ang sakit niyo sa ulong lima, huwag na kayong magpainting ulit.."

Pinuno ko ang malaking bath tub ng sabon, tatanggalin ko ang kulay ng buhok nila. Nauna akong bumababad sa tub at nang makapasok sila sa banyo ay nagtalunan na rin silang lima sa bath tub.

Isa isa ko silang ni shampoo pero wala talagang nangyayari.


"Lolo! May eyes.. eyes.." umiiyak na si Owen. Kumuha ako ng hose at pinasiritan siya ng tubig.


"Mukhang wala na akong magagawa, pumunta na lang tayong parlor mamaya. Kuskusin nyo na lang ang likuran ko.." masunurin naman silang mga bata kaya kanya kanya sila sa pagkuskos sa aking likod at sa iba't ibang parte ng katawan ko.


"Diinan niyo dyan Troy, Owen.." sabi ko habang kinukuskos ni Troy at Owen ang likuran ko. Naramdaman ko na may nagshashampoo na rin sa akin, si Tristan at halos maliyo ako sa ginagawa niyang pagshashampoo sa akin. Sinasabunan naman ni Aldus ang mukha ko habang si Nero naman ay nasa dibdib ko.


"Gumagaling kayong lima kapag may kulay ang buhok nyo ah. Hayaan ko muna kaya ang kulay nyo sa buhok, ngayong bakasyon lang?"


"It's beautiful lolo! I will show it to mommy!" napangiwi ako sa sinabi ni Troy.


"Mommy will like my hair too.." tuwang tuwa din sabi ni Owen. Ako ang malalagot nito, siguradong mapapauwi sa Pilipinas ang mga anak ko kapag nakita nilang parang sa clown na ang buhok ng kanilang mga anak.


"Saglit, saglit may sabon na ang mata ko.." kumuha ako ng hose at pinasiritan ko ng tubig ang mukha ko.


"Maglaro muna kayo, magbabanlaw lang ako.." humiwalay sa akin ang mga apo ko ay nagsimula na silang magbasaan. Para akong nakakakita ng mga wig na may iba't ibang kulay na lumulutang sa bath tub.

Aahon na sana ako nang makita kong hantarang umihi si Troy sa bath tub at kitang kita ko ang pagsirit ng ihi niya pababa sa tubig sa tub. Tawa nang tawa ang pinsan niya.


"Troy!" malakas na sigaw ko sa kanya. Natigilan ito sa kalokohan niya at mabilis napahibi na parang iiyak na naman.


"That's bad" umahon ako sa tub, inahon ko din ang mga pinsan niya. Si Troy ang huli kong binuhat at iniharap ko siya sa pader.


"Stay there for 5 minutes, huwag kang haharap sa amin. Bad boy" hihikbi hikbi siya ngayon. Nang sulyapan ko ang mga pinsan niya ay parang maiiyak na rin ang mga ito.


"Sino pa ang umihi sa inyo sa tub?" sabay sabay silang umiling.

Pinalitan ko pa ang tubig sa tub at pinagpatuloy na lang namin ang panliligo. Basaan kami nang basaan na may kasamang tawanan, sinusulyapan ko pa naman si Troy. Umiiyak na ang pilyong bata.


"Lolo, hindi pa 5 minutes?" tanong sa akin ni Tristan. Sinulyapan ko muli si Troy, masunurin siyang hindi lumingon sa amin kahit nagtatawanan kami.


"Hindi pa.."

Napansin ko na tumigil sa paglalaro ang apat kong apo.


"We will wait the 5 ninutes lolo.." sabi sa akin ni Nero.


"Minutes Nero, letter M" pagtatama ko. Hindi ko maiwasang hindi mapangisi, mukhang natututo na rin silang isipin ang isa't isa.

Nang maka 5 minutes na ay lumapit na ako kay Troy na mapula na ang mata sa kakaiyak.


"Iihi ka pa sa tub?" tanong ko. Umiling siya sa akin na nakahibi.


"Good boy.." hinalikan ko ang noo ni Troy bago ko siya ibinalik sa tub. Hinayaan ko na lamang muna silang maglaro dito, ihahanda ko muna ang damit nilang lima.


Nang mabanlawan ko na sila ay mabilis ko na silang binihisan. Pinagsuot ko silang lima ng mga bonet kahit sobrang init ng panahon. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa mga apo ko? Limang apo ni Don Ferell, naging colorgame ang buhok.

Tuwang tuwa ang lahat ng mga tao sa loob ng parlor nang makita ang nagugwapuhan kong mga apo, syempre kanino pa magmamana ang mga ito kundi sa lolo. Pero nang sandaling alisin ko ang mga bonet nila halos mapanganga silang lahat.


"Don Ferell anong nangyari sa kanila?" ngiwing tanong ng hairstylist.


"Mahabang kwento, may magagawa naman kayo dito hindi ba?" ilang beses kong ginulo ang buhok ni Nero at Aldus na malapit sa akin.

Napansin ko na bahagyang inamoy ng isang hair stylist ang buhok ni Troy.


"Kukulayan po namin ng itim.." napangiwi ako. Ayaw ko nito.


"Ayokong magkaroon ng artipisyal sa kanila.." gusto ko ay purong gwapo ang mga apo ko.


"Isa lang po ang pwedeng gawin sa mga buhok nila.." kunot noong sagot sa akin ng stylist.


"Just do it, ayaw ko nang makukulayan ang buhok nila.."


"Kayo po ang bahala Don Ferell.."


Kaya nang araw na 'yon, umuwi kami ng mga apo kong makintab ang ulo.



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro