Chapter 67
Happy Birthday Ayisha Neri ❤ I love you. Haha
Chapter 67
Nagulat ako sa sinabi ng kapatid ko, bakit naman ang bilis yata ng paggaling ni Cassidy?
Not that I don't like it for her, but it's been what? Wala pa yatang dalawang taon simula nang gamutin siya. Is it enough?
Hindi ko maiwasang hindi kabahan sa ibinalitang ito ng kapatid ko.
"I'm nervous Sapphire,"
"Don't be, I'm always here for you Florence. Villacortas are always behind your back, your cousins and ofcourse our grandfather. Wala nang mauulit, pinaalam ko na rin kay Gio ang tungkol dito. They are all informed Florence, lalo na at may mga batang posibleng madamay." Naupo na rin ako sa may carpet.
"How about those two? Rainey and Ronaele? Anong balita sa kanila? Hindi ba at nasabi mo sa akin na nagkikipagkita sila kay Cassidy noon?" nagtatakang tanong ko.
"I think they're still friends? I hired an investigator Florence, Cassidy and Rainey are college friends."
"Seriously?"
"Yes, feeling ko nagpaplastikan na silang dalawa matagal na. Lalo na nang pinalabas ni Nero at Cassidy na engaged sila noon, hindi ba at matagal nang may gusto si Rainey ka Nero?" biglang kumulo ang dugo ko.
Ang marinig ang dalawang pangalan ng babaeng parehong may nakaraan kay Nero ay sadyang nakakainit ng ulo.
"Hindi ko alam sa kanya, hindi ko pa nakakalimutan ang mga kalandian niya kay Nero sa resort." Matabang na sabi ko.
"Bahala na sila sa mga buhay nila, sa ngayon huwag na lang natin silang pakaisipin. Anyway, are you already pregnant?" lalong bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi ni Sapphire.
Hindi ako nabuntis sa nangyaring bakasyon namin ni Nero, hindi naman kami makahanap ng oras ngayon dahil pareho kaming pagod.
"Hindi pa, nakakainit na nga ng ulo 'yang si Nero." Tinawanan ako ng kapatid ko.
"Kinulang na ba ang sperm count ni Nero? Marami siyang pinsan na pwedeng magdonate."
"Saffira Primrose," pikon kong tinawag ang buong pangalan niya.
"I am just kidding Florence, bakit hindi ka na magpatingin sa OB? Wala pang isang taon ang triplets, hindi ba parang ang atat mo naman mabuntis?" ngiwing sabi nito.
"Ano pa ang pinagkaiba ng pag agwat sa mga bata ng ilang taon? Habang bata pa ako at kaya ko tuloy ang paggawa namin ng Nero. Besides, maganda ang lahi ni Nero Sebastian Ferell kailangang paramihin."Sabay kaming natawa ng kapatid ko sa pagbibiro ko.
"Oo, magandang lahi nga." Pinagkukurot ni Sapphire ang pisngi ng triplets.
"Anong oras na? Bakit gising pa ang tatlong ito? Don't tell me they're waiting for their Dad? Huwag mong pinupuyat ang mga bata Florence."
"Gusto nilang nakikita si Nero bago matulog, kapag hinalikan na sila ng Daddy nila saka na sila hihingi ng gatas. At mabilis silang makakatulog."
"How sweet,"
"Ikaw Sapphire? Kailan pa kayo ni Aldus? Masayang magkaroon ng mga anak, sigurado akong maganda din ang lahi ni Aldus. Magpakasal na kayo Sapphire," Isa ako sa pinakamasayang tao kapag nakita kong nakaputing saya si Sapphire. She deserves a happy family, bagay na pinagkait din sa kanya noon.
"Florence tell me, do you think Aldus will still stick to me if he discovered the all of me? Alam mong hindi lang ako basta pinalaki ng isang pinuno ng sindikato. I am more than a child syndicate." Hindi agad ako nakasagot sa sinabi ni Sapphire.
Nito lang ikinuwento sa akin ni Sapphire ang pinagdaanan niya sa loob ng sindikato ni Samuel. At ilang taon niya itong kinimkim, hindi niya ito nagawang sabihin sa akin nang mas maaga dahil may sarili akong mga problema noon, nagbuntis ako at ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon.
"He will definitely accept you, natanggap niya ang trabaho ng pinsan nya noon. Magagawa niya rin ito sa'yo Sapphire, he's in love with you."
"But I am different with Tristan, Florence. Alam mo 'yon, hindi mo ba tanda ang sinabi ko sa'yo? Ang napag awayan namin noon nang kasagsagan pa ng kasinungalingan ni Amira? He's always pinpointing how bad my history, lagi niyang iniisip na ang bawat pagkakamali ko ay dahil sa paraan kung paano ako lumaki. Sa harap ni Aldus natatakot akong magkamali dahil lagi niyang nasisilip ang nakaraan ko. Alam kong mahal niya ako pero parang ang hirap pa rin pakisamahan ang lalaking hindi tanggap ang nakaraan mo."
"Sapphire, why don't you try? Siguro kahit paunti unti ay maiintindihan ka na ni Aldus. Anong mangyayari sa inyo? Paano ang kasal nyong dalawa? Sinabi sa akin ni LG na totoo ang mga papeles ng kasal nyo. You are already Mrs. Aldus Raphael Ferell." Umiling lang sa akin si Sapphire.
"Anong mangyayari sa inyo? Same with Nicola and Laura? Iiwan mo rin si Aldus? Bakit hindi mo muna subukan Sapphire? Gosh, huwag ka nang gumaya sa akin. Ilang taon ang sinayang ko bago kami nagkabalikan ni Nero."
"But mine is different Florence, kitang kita na sa paraan ng pananalita ni Aldus. Hindi niya matanggap ang nakaraan ko, nakaraan ko na kaunti pa lamang ang nalalaman niya. Paano kung malaman niya lahat? He'll definitely break my heart."
"Hindi naman siguro Sapphire, mahal ka ni Aldus. Maiintindihan niya, he's the kindest among the Ferells."
"Akala mo lang Florence, his innocent looking face is the most deceiving look I've ever seen in this world. I can tell you that he's the meanest Ferell I ever know. Hindi mo kilala si Aldus." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Sapphire.
Hindi ko inaasahan na may sasabihin siyang ganito tungkol sa akin.
"Pinagbubuhatan ka ba ng kamay ni Aldus?" kinakabahang tanong ko.
"No way, it was not like that Florence. Basta! Hindi ako papayag na si Aldus ang pinaka mabait sa magpipinsan. Siguro si Tristan pa? Iba rin kasi ang aura ni Troy at Owen para sa akin parang may itinatago pa silang mga 'kulo'"
"Kung sabagay, madalas nga silang punong puno ng kalokohan pero kapag nagsalita na sila matatahimik ka na lang at makikinig sa kanila."
"Yes,"
"Gabi na Sapphire, dito ka na lang kaya matulog?"
"I'm sorry, gusto sana kaso may pupuntahan pa ako bukas nang maaga. I can't be late, maybe next week? Gusto ko rin makatabing matulog ang triplets."
"Oh, okay basta mag ingat ka. Don't forget to message me."
"Don't worry,"
Marami pa kaming napag usapan ni Sapphire bago siya nagpaalam. Hindi pa rin nadating si Nero at nagsisimula nang antukin ang triplets, hinihintay siya ng mga anak niya pero kung saan na naman siya nagpunta.
Kahit nagdadalawang isip pa ako kung tatawag ako sa opisina niya, naglakas loob ako. Halos maibato ko ang telepono ko nang sabihin na umaga pa lang ay wala na daw si Nero.
Naiiyak na ako habang pinapalitan ko na ng pantulog ang triplets, niloloko ako ni Nero. Bakit hindi niya sabihin sa akin ang pinupuntahan niya? Bakit naglilihim na naman siya sa akin?
Pinagtimpla ko na ng gatas ang triplets at inihiga ko na sila sa kanilang tulugan, pinatunog ko na rin ang baby music box na bigay ni Owen sa kanila para daw mabilis silang makatulog.
Dalawang oras pa ang ipinaghintay ko bago ko narinig ang sasakyan ni Nero. Nagsusuklay na ako ng buhok, naligo na ako dahil nag iinit na ang ulo ko dahil kay Nero.
Magsalita siya sa akin ng mali, masasampal ko siya.
"Florence?" buhay lang ang lampshade ng kwarto. Pinatay ko na rin ang music box ng triplets.
Hindi ako sumagot kay Nero at tahimik lang akong nakatalikod sa kanya habang nakahiga na sa kama.
"Florence.." gumalaw ang kama at yumakap siya sa akin.
"I miss you," tang ina mo.
"Bakit ngayon ka lang?" malamig na tanong ko. Mainit na nga ang ulo ko dahil hindi ako mabuntis, sinungaling pa ang asawa ko. Bakit hindi ako iniwanan ni Sapphire ng gunting?
"Overtime misis,"
"Tumawag ako sa opisina mo Nero, kanina ka pang wala." Tinabig ko na ang braso niyang nakapulupot sa akin.
"Where have you been?" naupo na ako sa kama at ganito din siya.
"Nasa opisina lang ako---" sinampal ko na siya.
"Hindi ba sabi ko sa'yo huwag na huwag mo na akong paglilihiman?! Bakit ganyan ka na naman Nero? Bakit ganyan ka na naman?!" tumulo na ang luha ko.
Ang sakit sa pakiramdam na nagsisinungaling sa'yo ang sarili mong asawa, hindi niya ba talaga ako kayang pagkatiwalaan?
"Florence.."
"Are you meeting with her?"
"Florence.."
"Answer me Nero!" sigaw ko. Narinig ang bahagyang pag ingay ng triplets dahil sa boses ko.
"What?" sinampal ko ulit siya at halos mag init ang palad ko sa ginawa kong pagsampal.
"Are you damn meeting with Cassidy?!" muling sigaw ko. Narinig kong umiiyak na ang triplets.
"Florence, let me explain.."
"Yan! Yan dyan ka naman magaling! Bakit hindi mo muna ipaalam sa akin?! Bakit lagi ka na lang ganito? We promised Nero! Nangako tayo sa isa't isa na wala nang lihiman! Akala ko tapos na Nero, pero bakit ka na naman ganito?! Pinagmumukha mo akong tanga!"
"I'm sorry Florence, hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa'yo. I want to help her, I want to fix my every mistake. Nabaliw siya dahil sa kagagawan ko. The guilt is damn eating me, she can't stay like that because of me. Ngayon ang huling pagkikita namin, tapos na ang lahat Florence. Everything will be fine."
"Siya ang dahilan kung bakit may nababawas na pera sa bank account natin Nero? You are also paying her medication and other?" Wala akong pakialam sa halaga ng pera, kung tutuusin kayang buhayin ng pera ko ang mga anak namin ni Nero.
Ang pinaglalaban ko dito ay ang karapatan ko, karapatan ko na malaman ang malaking pinagkakagastusan ng sarili kong asawa. We are husband and wife, dapat alam namin ang kilos ng bawat isa.
"Yes, I supported her medication. Puro utang lamang ang iniwan sa kanya ng kanyang ama. I made her life miserable Florence, gusto ko siyang tulungang makapabangon."
"But you should inform me! Hindi 'yong lagi ka na lang nagsisinungaling sa akin! Lihim ka na lang nang lihim Nero! Nakakasawa na! Nakakasawa na Nero! Ang sakit sakit nan g dibdib ko sa mga lihim mo!" ilang beses kong pinaghahampas ang dibdib niya habang umiiyak na ako.
Hindi namin malapitan ang triplets na nag iiyakan na rin. Hinuli ni Nero ang mga kamay ko para pigilan niya ako sa paghampas sa kanya bago siya malamig na nagsalita sa akin.
At halos manlamig ang buong katawan ko sa mga salitang sinabi niya.
"Why Florence? Hindi ka ba naglihim sa akin? I never questioned you about your aylip."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro