Chapter 61
Chapter 61
Ninong Tristan Matteo Ferell
Nang gabing nag inom si Owen, wala kaming pinagpilian ni Troy kundi sa bahay ng lasing matulog. Iniwan na namin ang triplets kay Aldus na hanggang ngayon ay alam namin na may itinatago pa rin sama nang loob sa aming lahat.
Aldus is crazy, Owen is crazy, Troy is naturally crazy and I, Ninong Tristan Matteo Ferell. The normal ninong of all.
Kami na ni Troy ang kinabahan nang marinig namin ang mga pabulong bulong ni Owen habang nasa biyahe kami. He could be the next suicidal Ferell in our generation, he's giving us clear symptoms. Ganitong ganito din si Nero noon, hanggang sa makita na lang namin itong dalawang beses tinangkang magpakalunod. Hindi malayong mangyari ito kay Owen.
Buong akala namin ni Troy ay hindi na kami magkakaproblema kapag nadala na namin si Owen sa kama dahil makakatulog na ito, pero agad namin napansin na inaapoy na ng lagnat ang gago.
"Nag alaga lang ng mga bata nilagnat na." Naiiling na sabi ni Troy.
"Because he's forcing himself to work, ano ba talaga ang nangyari sa kanila ni Nicola?" tanong ko kay Troy na naupo na sa maliit na couch.
"Hindi ko rin alam, magkasunod lang kami ni Owen nawalan ng girlfriend. Nag usap yata si Nicola at Laura." Kibit balikat na sabi ni Troy sa akin.
Naupo ako sa kama at sinipat ko ang noo ng gago na tinatawag ang pangalan ni Nicola.
"I thought he's dating someone else already?" tanong ko ulit kay Troy.
"Sa tingin mo ba makakaahon pa ang isang 'yan? Sa pamilya natin, lalo na sa mga lalaking Ferell imposible nang mahulog sa pangalawang beses. Alam mo 'yan Tristan." Natahimik ako sa sinabi ni Troy.
Napansin agad ni Troy ang pagkatahimik ko.
"Why Tristan? Are you serious about that new girl? Not that I don't like it, I'm actually happy for you. But I think, it's a bit fast? Baka masaktan lang ang babaeng 'yan. Huwag ka nang gumaya kay Nero, look what happened to Cassidy? Kinababaliwan ng kababaihan ang lahi natin." Hindi ko muna pinansin si Troy.
I checked my phone to message her. Sanay na akong kinababaliwan ang lahi namin.
"How are you hummingbird?" ngumisi ako nang magsend na ito. Naalala ko na naman ang una naming pagkikita, akala niya siguro hindi ko makukuha ang number niya. Easy.
"Tristan, I am serious. Hindi mo ba alam na hanggang ngayon ay nilalamon ng konsensiya si Nero? Huwag ka nang gumaya, don't use any girl to forget the pain, to forger her." Bumuntong hininga ako sa sinabi ni Troy.
"Don't worry, I won't hurt her. Never." Sagot ko.
"Kailan mo ipapakilala sa amin?" ngumisi ako sa tanong niya.
"Soon? Hinuhuli ko pa siya, hummingbirds are not easy to catch." Kumunot lang ang noo sa akin ni Troy.
"Siguraduhin mo lang na walang madadagdag na mababaliw na babae dahil sa apelyidong Ferell, Tristan." Hindi na ako sumagot sa sinabi ni Troy.
Nang maramdaman kong nagvibrate ang telepono ko, tumaas ang kilay ko nang makitang galing ito sa babaeng nagpapangisi sa akin.
"I will definitely kill you next time."
Umiling na lang ako sa nabasa ko bago ako humiga sa tabi ni Owen, I am damn sleepy.
"Troy, ikaw na ang bumili ng gamot ni Owen. I'll look after him."
"Alright! Huwag ka matutulog, bantayan mo 'yan." Babala sa akin ni Troy.
"Yes.." kinuha ko na ang kumot ni Owen at kinumutan ko ang sarili ko. Tutulog na ako pero hindi pa man nakakailang segundo ay inagawan ako ni Owen ng kumot at tumalikod ito sa akin.
"Ayusin mo ang buhay mo Tristan, halos magpakamatay ka nang mawala siya. Once is enough, tama na ang pagkakamali ni Nero. Maawa ka sa babae. Please move on without using another girl." Mahinang sabi nito sa akin.
"Don't worry, alam ko ang ginagawa ko Owen. Matulog ka na." Sagot ko sa kanya. Hindi na kami nag usap ni Owen dahil kapwa na kami mabilis nakatulog. Isang araw kaming tumigil muna ni Troy sa bahay ni Owen, inuman, murahan at kwentuhan lamang.
Isang araw din akong tambay sa sarili kong bahay, nag order na ako ng mga baby foods, sinunod ko ang sinabi ni Troy na ako daw ang kailangang bumili ng gamit ng triplets dahil wala daw iniwang pera ang mag asawa. Sariling alaga, sariling gastos. Ganito ang patakaran.
Tanghali pa lang ay handa na ang lahat sa bahay ko kaya kinabukasan ay hindi na ako kinakabahan sa magiging pag aalaga ko.
Aldus texted me his location, nasa isang baby center siya kasama ang triplets. They called it baby planet, dito malayang nakakapaglaro ang mga bata sa edad na buwan pa lamang hanggang tatlong taon.
Nasa third floor daw sila kaya tumuloy na ako dito, napansin ko ang isang pader na salamin at sa loob nito ay napakaraming hindi kalakihang bola, mga malalambot na laruan at mga bata na hindi nalalayo sa edad ng triplets. May mga magulang din sa loob na nakikipaglaro sa kanilang mga anak.
Nanatili ako sa labas habang hinahanap ko kung nasaan si Aldus at ang triplets pero agad naningkit ang aking mga mata nang makita ko na sila. Wala sa oras kong inayos ang salamin ko.
Nakaupo sa makapal na carpet si Aldus habang katabi nito ang triplets na may hawak na bola, may kausap siyang magandang babae at katabi ng babae ay triplets din na puro mga batang babae.
The triplets are now wearing a bear costume, color brown. Ginawa niyang oso ang mga anak ni Nero.
Nakikipagtawanan si Aldus sa babae at nagawa pa ng gagong hawiin ang buhok nito na parang wala siyang girlfriend. Hindi na niya napapansin na tinitikman na ng triplets ang hawak nilang bola. Natigil ang pag uusap nila ng babae nang may tumawag sa telepono nito, kahit hindi ko makinig ang usapan alam kong hinabilin ng babae ang kanyang triplets kay Aldus.
Nang makatalikod na ang babae, ilang beses siyang nilingon ng gagong si Aldus. Kumunot ang noo ko nang buhatin ni Aldus si Rance at may binulong dito na parang maiintindihan siya ng bata, ilang beses akong napamura nang pinahalik niya sa pisngi ng batang babae si Rance. Tuwang tuwa ang gagong si Aldus at parang proud na proud sa ginawa ng inaanak niya.
Sunod niyang binuhat si Tovar at pinahalik niya rin sa pangalawang batang babae, lalong lumapad ang ngisi ni Aldus. Nauulol na ba ito? Ilang beses akong napalingon kung may nakakakita ba sa kanyang mga magulang, lahat ng mga ito ay abala sa pakikipagkwentuhan. Nagwawalang hiya na sa loob si Aldus.
Sunod binuhat ni Aldus si Vino at pinahalik niya rin ito. Umawang na lang ang bibig ko nang inaabot na ng mga inaanak ko ang triplets na babae, kung titingnan ay mas matanda ang mga batang babae sa kanila.
Anong tinuturo ni Aldus sa triplets?! Gago siya!
Mas lalo pa akong napamura nang may mapansin akong isa pang batang lalaki na gumagapang papalapit sa triplets na batang babae. Kumunot ang noo ni Aldus at binuhat niya ang batang lalaki sa malayo para hindi maagawan ang triplets. Wala bang nagbabantay dito?! Sinasabotahe na ni Aldus ang playground ng mga bata!
Hindi na ako nakapagpigil, pumasok na ako sa playground.
"Give me the triplets! Ginawa mo nang mamboboso ang mga oso!" nanlaki ang mata ni Aldus nang makita niya ako.
"Oh Tristan, ang aga mo."
"I'm back, hindi ka naman nila kinulit Raphael?" tanong ng babae. Napasulyap siya sa akin.
"Who is he? Kapatid mo?"
"Cousin" sabay na sagot namin ni Aldus.
Isa isa ko nang binuhat si Rance, Vino at Tovar.
"Let's go, Ninong Tristan will take good care of you. Kung ano ano ang tinuturo sa inyo ni Aldus." Tinalikuran ko si Aldus at ang babae habang buhat ko ang triplets.
Narinig ko silang parang sumisigaw at may inaabot, the girl triplets. Shit. Natatawang sumunod sa amin si Aldus.
"Let them be.." tumatawang sabi ni Aldus.
"Gago ka! Mapapatay ka ni Nero."
"Let me help you, ako ang bubuhat sa isa. Ang lilikot nila." Inabot ko si Rance kay Aldus.
"Naglalaway na ang mga oso, punasan mo Aldus." Matabang na sabi ko. Wala yatang dalang panyo ang gago kaya itinaas niya ang damit niya para punasan ang nguso ni Tovar at Vino. Pinunasan niya rin si Rance.
Napapangisi na ang mga babaeng napapatingin sa amin ni Aldus. Tumamlay ang mga oso at pareho nang nakahilig sa balikat ko si Vino at Tovar. Kahit si Rance ay ganito rin kay Aldus.
"Naglalaro pa sila, ang killjoy mo Tristan. Kawawa naman ang mga oso."
"Fvck off Aldus, kung anong tinuturo mo sa triplets."
"There's nothing wrong with it, dumating ka agad. Dapat makakahalik na rin ako sa mommy ng triplets, para like ninong like triplets." Walang tigil sa pagtawa ang gago.
"Makakarating ang nakita ko kay Sapphire." Natigil sa pagtawa ang gago.
"Huwag mong gagawin 'yan Tristan. Magkalimutan na tayo!" Tumaas ang klay ko sa sinabi niya. Ako naman ang natawa.
"Like ninong like triplets pala Aldus." Naiiling na sabi ko.
"Bahala ka dyan, gago ka!" inabot niya sa akin si Rance. Nagkibit balikat lang ako.
Ramdam ko na matamlay pa rin ang triplets hanggang sa maisakay ko silang tatlo sa kotse.
"Don't be sad for those girls, marami pa kayong makikilalang tatlo. Ninong Tristan will teach you how to run fast when girls are after you." Hinalikan ko sa ibabaw ng kanilang mga ulo ang mga oso.
"But for now, let me change your clothes. Masama ang naalala ko sa oso." Kinakausap ko sila habang nagpapakahirap ako sa pagbibihis sa kanila.
"Today you'll be Ninong Tristan's little bees." Natutuwa akong pinipitik ang kanilang mga anthena nang mabihisan ko silang tatlo. Binigyan ko sila ng kanilang mga dede.
Hinalikan ko naman ang mga pisngi nilang namimintog.
"Bees like sweets, Ninong Tristan can be sweet too."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro