Chapter 60
Chapter 60
Ninong Innocent Ferell
Wala akong balak umattend sa opening ng exhibit area ni Owen dito sa Leviathan, bukod sa hindi ko naman ma eenjoy ang panunuod ng artworks niya dahil wala akong hilig dito, ayoko pang makita ng triplets dahil hanggang ngayon ay nagdadamdam pa rin ako, sumasakit ang puso ko at kumikirot pa rin.
Sinalo ko ang lahat ng konsumisyon ng mga ninong nilang pinaglihian ni Warden, tapos akong may pinakamagandang katangian? Hindi man lang napansin?
Nagtext sa akin si Troy at sinabi nitong kailangan ko daw pumunta sa exhibit ni Owen, dahil siya at si Tristan ay nandito rin daw para suportahan si Owen. Kaya wala na akong nagawa kundi pumunta.
Alam kong hindi ko na maaabot ang event, maybe I'll just attend the after party. Sa pagkakatanda ko ay mayroon din maliit na function room na pinagawa dito si Owen para kung sakaling magkaroon nga ng after party ay hindi na kailangang lumipat sa ibang lugar.
Nang makarating nga ako, tulad nang inaasahan ko ay tapos na ang event. Dahil kilala naman ako ng ilang tauhan ni Owen ay itinuro na ako nito sa function room.
Hindi ko pa man natutulak ang pintuan nito ay pakinig ko na ang umaalingawngaw na boses ni Owen, sa ibang lengguwahe. Ano na naman kaya ang kinakanta ng gago?
Pagkabukas ko, ang unang sinalubong ng aking mga mata ay ang dalawang pinsan ko na kapwa nakaawang ang bibig habang nakatitig kay Owen na kumakanta sa maliit na stage.
Parang nagkaroon ng maliit na disco party sa loob ng function room dahil may disco lights din ito.
Lumapit na ako kay Tristan at Troy.
"Anong tinira ni Owen? Kailan pa naging espanyol ang dila niya?" kunot noo na rin akong pinapanuod si Owen.
"Simula nang natutong kumanta ng Despacito ang gago, espanyol na ang mga kinakanta ng gago." Naiiling na sabi ni Troy.
May hawak na micropone si Owen sa isa niyang kamay at bote naman ng alak sa kabila. Inom, kanta, inom, kanta. Ito ang ginagawa ng gago.
Vente cuento de una vez
Tu descanso está en la cama de mis pies
Vente cuento un dos tres
Mis pasitos son descalzos sin estrés
Lalong umawang ang bibig naming tatlo, wala kaming maintindihan. Siguro si Tristan naiintindihan? Nang sulyapan koi to ay mangha din siya kay Owen.
Pagkagat kagat labi pa ang gago at flying kiss sa mga kababaihan, habang kaming tatlo dito ay nagpapaulan na ng mura sa kanya.
Dime si hay
Otro lugar para dejar
Mi corazón (mi corazón)
Hay tienes razón
¿Mejor, por qué no?
Nos vamos los dos
Alam kong lasing na si Owen sa stage dahil hinubad na niya ang coat niya at hinagis niya sa kumpulan ng mga babaeng pinagkaguluhan ito. Nasaan ang triplets? Saan dinala ng gago?
Nagpatuloy sa pagkanta ang gagong lasing habang hindi na matanggal ang pagkakatulala ng dalawa kong pinsan.
Si tú quieres nos bañamos, si tú quieres nos soplamos, pa' secarnos lo mojado
Si tu boca quiere beso y tu cuerpo quiere de eso, arreglamos
Si tú quieres un atajo y lo quieres por abajo, yo te llevo bien callado
Vente pa'ca, vente pa'ca, vente pa'ca
"Where's the triplets?!" sigaw ko kay Troy at Tristan dahil sa lakas ng music.
"There," walang buhay na itinuro ni Troy ang stage.
Nasa likuran pala ng gago ang triplets na puro may tangay nang tsupon pero sumusunod ang ulo sa beat ng kinakanta ng kanilang ninong na lasing. Gago ba siya? Baka mabingi ang triplets! Dapat tulog na ang mga bata sa ganitong oras!
Enamorados, que calor
Nos comimos boca a boca en el sillón
Fue por hambre, fue por sed
Me bebiste a fondo blanco con tu piel
"Sing with me dimple buddies!" ibinaba ni Owen ang bote niyang hawak at marahan niyang tinapik ang pisngi ng triplets na dumedede.
"How can we stop him?" tanong ni Tristan.
"Anong ginawa niya sa mga tuta ko? Ginawa niyang mga buwaya!" malakas na sigaw ni Troy.
Dime si hay
Otro lugar para dejar
Mi corazón (mi corazón)
Hay tienes razón
¿Mejor, por qué no?
Nos vamos los dos
Tumigil sa pagkanta ang lasing nang mapansin niya kaming tatlo.
"Oh, mga pinsan! Come up here!" hindi kami magkaintindihan tatlo kung saan magtatago. Nakakahiya ang gago!
"Sing with Ninong Owen!" ngayon naman ay itinapat ni Owen ang microphone sa triplets. At ang gago, inagaw ang dede ng tatlo para lang maitapat niya nang maayos ang mic.
"Shit! Shit! Lasing na ang gago! Ang daming nakuha ng pictures! Lagot tayo sa mag asawa!"
Nag iyakan na ang triplets kaya naalarma ang lasing at isinubo niya na ulit ang mga tsupon ng mga ito.
"Alright! Si ninong na lang ang kakanta!" hindi lang pagkanta ang ginagawa ng gago. Sumasayaw na rin ito.
Lalong lumakas ang sigawan ng mga tao, ang sigla na ulit ng triplets na parang naghehead bang na rin habang may tangay na tsupon.
Si tú quieres nos bañamos, si tú quieres nos soplamos, pa' secarnos lo mojado
Si tu boca quiere beso y tu cuerpo quiere de eso, arreglamos
Si tú quieres un atajo y lo quieres por abajo, yo te llevo bien callado
Vente pa'ca, vente pa'ca, vente pa'ca
Habang nag eenjoy ang lasing sa pagkanta, tulala na kaming tatlo sa aming mga telepono. Nagsend si Nero ng latest picture ni Owen kasama ang triplets, kitang kita ang disco lights dito at ang nakatumbang alak ni Owen sa stage.
"DINALA NYO SA BAR ANG TRIPLETS?!" malalaking letrang chat sa amin ni Nero.
Nagkagulo na kaming tatlo, halos mag unahan na kami sa stage. Inagaw na ni Tristan ang micropone at nag announce na itong tapos na ang party, eksaktong natumba na si Owen habang kumakanta pa rin ng ibang lengguwahe.
Hinawakan ko na ang baby cart ng triplets, it is designed like a small train. Hindi na kami pinansin ng mga tao dahil mga abala pa rin ang mga ito. Ipinagbilin na lang namin ang buong exhibit area sa mga tauhan ni Owen.
Inaalalayan ni Troy at Tristan si Owen na lasing habang hila ko ang cart ng triplets, humihikab na ang mga ito.
"Gago ka! Paano kung hindi kami pumunta? Baka nadukot na ang triplets dahil sa kalasingan mo!" sigaw sa kanya ni Troy.
"Gusto ko rin ng triplets, gusto ko rin ng sariling triplets Nicola.." natahimik kaming lahat sa sinabi ni Owen.
"Kami na ang maghahatid sa kanya Aldus, ikaw naman talaga ang mag aalaga sa tatlo. Mauuna na kami." Sabi sa akin ni Troy. Tumango na lamang ako.
"Iwanan mo na mag isa ang kahit sino huwag lang ang Ferell na iniwan ng babae. Suicidal tayong lima." Tipid na sabi ni Tristan.
"No way!" sagot namin ni Troy. Nagkibit balikat lang sa amin si Tristan.
Sa huli inuwi ko na sa bahay ang triplets, mas mapapadali sana ang pag aalaga ko sa kanila kung nandito si Sapphire pero nasa ibang bansa ito dahil may dadalawin daw matalik na kaibigan.
Hindi na kami nakapaglaro ng triplets pagkarating namin, dahil agad nakatulog ang mga ito sa matinding pagod. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagtingin ng mga pictures na ni send ng mga pinsan ko sa groupchat naming magpipinsan.
May nakasuot ng tuta na ang triplets na maraming chocolate ang mukha kasama si Troy, puro mura ni Nero na capslock ang napapangisi sa akin. Sumunod ay video ni Owen at ng triplets na nakanta, nakasuot ng pating ang triplets, pinusuan ni Nero. Ang sunod, kakasend lang. Sino nagsend nito si Owen? Akala ko lasing ang gago? Picture nila ng kambal nang nagwawala na siya sa stage, nag angry si Nero at nagpaulan ng maraming mura.
"TINATANGGAL KO NA ANG PAGIGING NINONG NYONG MGA GAGO KAYO!" pinusuan naming apat ang chat niya.
"Wait for our pictures Nero." Chat ko sa kanya.
"UUWI NA KAMI! UUWI NA KAMI!"
"Nakabuo na ba kayo? Huwag muna, siguraduhin nyo na 'yan, hindi kayo makakabuo dito sa Pilipinas. Dapat triplets ulit, pagkatapos ng pitong buwan gumawa ulit kayo ng triplets. Para siyam na ang anak niyo wala pa kayong limang taong kasal. Alright! Documented na kayo sa Rated K, nakakaproud." Ang haba ng tagapagmana. Like lang kami nang like ni Tristan.
"Gago! Ikaw Aldus, ayusin mo ang pag aalaga sa triplets."
"Ofcourse!" sagot ko. Hindi na sumagot sa amin si Nero, wala na rin nagchat kaya tinabihan ko na ang triplets at natulog na rin ako.
Maaga akong nagising dahil may naglalaro na ng mukha ko. Biglang bumalik ang sama ng loob ko nang mapagmasdan ko sa umaga ang triplets, bakit hindi ako hinanap hanap ng mga batang ito nang pinagbubuntis pa sila ni Warden?
Tinawagan ko si manang para tulungan akong mag alaga, nasasaktan pa rin ako kapag napapatitig ang triplets sa akin. Kaya si Manang ang nagpaligo at nagdamit sa triplets, naupo lang ako sa sofa habang hinihintay ko na ang stroller ng triplets na sulong ni Manang.
Napangisi ako nang makita ko ang suot nila habang inilalagay na sila ni Manang sa crib.
"Aldus hijo, may pupuntahan pa ako. Maayos na ang mga batang 'yan."
"Salamat po Manang.."
Nanatili akong nasa sofa at malayo ako sa triplets, pero sa tuwing napapasulyap ako sa kanila parang nangungunsensya ang mukha nilang tatlo. Bakit sa dami ng pwedeng ipasuot ni manang ay ito pa?
The triplets are wearing an angel outfit with halo on their head. Nakatitig sa akin ang triplets habang tangay ang kanilang mga kamay. Bakit parang habang tumatagal ay mas paamo na nang paamo ang mukha nila? Parang nagpapaawa silang tatlo sa akin na buhatin ko sila tutal ay mukha naman silang mga anghel.
Parang ipinaparating ng mga titig nila sa akin ay napakasama kong ninong dahil hindi ko man lang sila buhatin.
Kukuhanin ko na sana ang remote para buhayin ko ang tv nang marinig ko ang maliit nilang boses.
"Nong!"
"Nong! Nong!"
Kusa nang tumayo ang mga paa ko at malalaking hakbang akong lumapit sa crib. Kahit mamaki silang mga bata ay pinilit ko silang buhatin tatlo ng sabay sabay.
"I'm sorry, love love naman kayo ni ninong Aldus." Agad akong naupo sa sofa at pinaulanan ko silang tatlo ng halik.
"Sinong may sabi na hindi kayo nagmana sa akin? You have the innocent face, ako lang ang meron niyan sa mga ninong nyo. Hindi na kayo aawayin ni Ninong, love love kayo ni Ninong Aldus." Inayos ko ang halo sa ulo nilang tatlo.
"Nong! Nong!" ngumiti ako sa narinig ko.
"I love you more Tovar, Rance and Vino. Ninong Aldus loves you so much." Pinisil ko ang mga ilong nila.
From puppies to alligators, atleast I have my angels.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro