Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 59

Chapter 59

Ninong Despacito King

Today is my turn to take care of my cute triplets. My two consecutive days will be fun. Kahit alam kong mahihirapan ako sa kanilang tatlo, I can't help but to feel the excitement. Hindi pa ako nakakapag alaga ng mga bata, Nero and Wada's triplets will be my first time.

Matagal na rin kaming hindi tumitira magkakasama sa mansion ni LG simula nang maging abala na kami sa aming mga carreer, pero hindi lumilipas ang isang buwan na hindi man lang kami nagsasamang magpipinsan sa mansion. Hindi rin kami sanay na hindi magsasama kahit mga dalawang araw man lang sa mansion ni LG.

Mahirap man aminin, nakakamiss din ang mga gagong 'yon.

Old habits die hard.

Pasipol sipol ako habang nakasandal ako sa hamba ng aking pintuan habang hinihintay ko ang sasakyan ng tagapagmana. Ihahatid na niya sa akin ang triplets, dapat ay ako ang pinakahuling mag aalaga sa aming apat pero kapwa abala ngayong araw si Tristan at Aldus.

Problema ko tuloy kung paano ko aasikasuhin ang exhibit ko bukas, siguro ay isasama ko na lang ang triplets? How is that? Buhat ko silang tatlo habang nagpepresent ng artworks?

Nagkibit balikat na lang ako, mas mabuting hindi ko na muna ito isipin. Makikipaglaro ako sa kanila buong maghapon.

Nakita kong nabuksan na ang gate ng bahay ko, lumapad ang ngisi ko nang bumusina na sa akin si Troy.

Hindi na ako naghintay na lumabas si Troy at ang triplets, unang lumabas si Troy at nakipag high five sa akin na parang makikipag subtitution sa akin sa basketball.

"They are so hyper, I don't know what happened." Kumakamot ang ulo ng gago.

"Ano ba ang ginawa mo sa kanila?" sinilip ko ang triplets. Nakaseatbelt sila sa likuran at may mga stuff toys sa magkabila nila para hindi sila tumagilid sa pag andar ng sasakyan.

Nakasuot sila ng costume na parang sa giraffe. Inabot na sa akin ni Troy ang mga gamit ng triplets, binigyan niya rin ako ng papel.

"Ikaw ang bumili ng gatas, mapamaraan talaga si Nero at Doll! Hindi kumuha ng katulong para sa mga anak! Tayo pa ang gagastusan sa gatas, damit, sapatos at marami pang iba. Nag chat pa sa akin si Doll, baka daw pwedeng akuin ko na rin daw ang educational plan ng tatlo dahil dalawang araw daw akong nasiyahan sa mga anak niya. Oh my god! Sa'yo na! Sa'yo na ang tatlong 'yan, muntik nang mahalit ang tenga ko sa kahila hila nilang tatlo." Ngumiwi ako sa sinabi ni Troy. Basta usapang pera, para siyang tanga.

Inabot na niya sa akin si Rance.

"Hello, dimple buddy." Natutuwang bati ko.

"Ito pa Owen," Inabot ni Troy si Vino.

"Hello another dimple buddy, mana talaga kayo sa akin." Hinalikan ko silang dalawa.

"May isa pa Owen," hawak ni Troy si Tovar.

"Ihatid mo muna kami sa loob, dalawa lang ang kaya kong buhatin malalaki ang triplets."

Hindi naman nagreklamo si Troy, tinulungan niya muna akong dalhin sa loob ng bahay ang triplets. Pinaupo ko muna sila sa couch, naupo na rin ako para mahawaka sila. Ibinigay sa akin ni Troy si Tovar.

"Nasaan ang crib nila?"

"Bumili ka ng sa'yo, sabi ni Doll dapat daw tig iisa ang mga ninong ng crib para kapag gagawa pa daw sila ni Nero ng bata ay hindi na tayo magkakaproblema. Nagplano na silang mag asawa, palibhasa kay Nero yata ang pinakamaliit na mamanahin. Mautak talaga si Doll." Umawang ang bibig ko sa sinabi ni Troy.

"Kukuhanin ko lang ang ibang gamit nila sa kotse, ikaw ang magbantay. Malilikot ang mga 'yan." Umalis na si Troy habang kamot ang ulo.

Bakit ba sobrang init ng ulo ng gago?

"What happened to him?" tanong ko sa triplets. Tumitig lang sa akin ang mga giraffe habang tangay ang kanilang mga kamay. Tulo na ang laway nilang tatlo dahil sa kakatangay ng kanilang kamay.

"Don't do that," dahil wala akong panyo. Sarili kong damit ang pinahid ko sa mga labi nilang tatlo. Tinaggal ko ang mga kamay nila.

"Bad giraffes, don't eat your hands. Ginugutom ba kayo ni Troy?" sa sobrang kuripot ni Troy kamay na lang ang kinakain ng triplets.

Bumalik si Troy dala ang ilang gamit ng triplets.

"Ito na lahat, goodluck."

"Troy, binayaran mo ba ang educational plan nila?" tanong ko. Baka ito ang dahilan kaya mainit ang ulo niya?

"Yes, yesterday,"

"Bawiin mo na lang kung mainit ang ulo mo." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Bakit ko naman babawiin? Sadyang ibinigay ko sa kanila 'yon dahil natuwa ako sa kanila. May inamin ang triplets sa akin." Ako naman ang kumunot ang noo sa sinabi ni Troy.

Nakainom ba itong tagapagmana ni LG? Paano makakaamin ang triplets? Hindi pa nga nagsasalita ang mga ito.

Lumapit na si Troy sa triplets at pinaghahalikan niya ang ibabaw ng ulo ng mga ito.

"Tulad ng sinabi ni Ninong, huwag nyong ipahalata sa Daddy nyo. Masasaktan siya." What?

Tumayo na siya ng tuwid at humarap sa akin.

"Goodluck Owen," tumango na lamang ako sa kanya.

Naiwan kaming apat na magkakasama, hindi ko tuloy alam ang gagawin ko sa kanilang tatlo.

Naupo ako sa sahig at ipinatong ko ang mga braso ko sa couch kung saan sila nakaupong tatlo.

"Anong gusto nyong gawin? Huwag kayong masyadong magpapaniwala sa ninong Troy niyo, am lang ang ininom non nang baby pa siya." Syempre walang sumagot sa akin. Abala sila sa maliit na stuff toys na hawak nila. Nag dial na lang ako sa isa sa mga tauhan ko na bumili ng crib, gatas at baby cart, maraming unan at iba pang mga baby foods.

Tama nga si Troy, magagastusan kami sa pag aalalaga.

"Ayoko ng giraffes, hahanap si Ninong ng ibang costume." Kinalkal ko ang malaking bag ni Troy na ibinigay sa akin.

Napangisi ako nang may nakita akong magandang costume.

"Magcoconcert tayong tatlo." Kahit malinis pa silang tatlo pinalitan ko ang damit nila ng shark costume, kakanta kami ng baby shark.

Kahit ayaw nilang magpabihis tatlo wala silang nagawa sa ninong nila. Kinuha ko ang malaking Ipad ko at binuhay ko ang telepono ko para magpatugtog. Binuhat ko silang tatlo at ikinalong ko.

Nakaharap na kami sa Ipad ko at nakavideo na kaming apat. I will send this to Nero and Wada, para ganahan sila sa paggawa ng bata at gawin ulit akong ninong.

"Okay my dimples buddy, we will sing baby shark. Ipakita nyo ang dimples nyo, look at ninong Owen." Ngumiti ako sa harap ng Ipad para mas lumabas ang dimples ko.

"See? Hinahabol habol 'yan ng mga babae. Sekreto lang natin apat." Tinusok tusok ko ang pisngi nilang tatlo. Katulad ko ay hindi rin mahirap lumabas ang mga dimples nila.

Mabuti na lang at napaglihian ako ni Wada, mas gumandang lalaki tuloy ang anak nila ni Nero. Napakalaki na ng utang na loob nila sa akin.

Nang nagsimula na ang intro ng kanta, naghehead bang ako. Hindi nakatingin sa screen ang triplets at inaabot ang laruan nila. Itinapon ko sa likuran ang stuffed toys nila.

"Look at the screen baby sharks." Inulit ko ang kanta. Nang nag iintro na ulit tinuruan ko silang tatlo na mag headbang, marahan kong itinaas baba ang ulo nila.

"Just like that.."

Sa pang apat kanta ng baby shark ay kusa nang naghehead bang ang triplets. Ngumiti at tumatawa na sila habang nakatingin sa screen, nakakatuwang tingnan ang naglalabasan nilang dimples. Hindi pa man kasing lalim nito sa akin, mapapatigil na lang ang makakita kapag nakita silang tatlong tumatawa nang pagkakasabay.

Hindi ko alam kung bakit ako natigilan at pinagmasdan ko na lang ang mga inaanak ko. Habang kalong ko silang tatlo, hindi ko na napansin na niyakap ko na sila nang mahigpit.

"Mahal na mahal kayo ni ninong.." pinaghahalikan ko sila sa ibabaw ng kanilang ulo.

Pinaulit ulit ko ang baby shark na kanta.

Baby shark do do, do do do do
Baby shark do do, do do do do
Baby shark do do, do do do do
Baby shark

Nang makita ng triplets na nagawa ako ng action ay nakikigaya na rin sila sa akin at nagtataas sila ng kamay.

Nakailang ulit kaming apat hanggang sa mapagod sila, dumating na rin ang mga pinabili ko kaya pinagtimpla ko muna sila ng gatas bago kami pumunta sa kwarto ko at ihiga ko sila sa kwarto ko.

Dumedede sila habang pinapanuod ko silang tatlo, magkakamukha talaga sila at ang dimples lang nila ang pinagkaiba. Siguro ay kapag lumaki na sila saka sila magkakaroon ng malaking pagkakaiba.

"You love ninong Owen than ninong Troy, right? Walang ituturong matino sa inyo si Troy." Hindi ako pinansin ng triplets.

Naglaro lang kami buong maghapon ng mga inaanak ko hanggang sa gabi ay nanunod na lang kami ng cartoons sa disney, dito na sila nakatulog tatlo. Nagharang na ako ng mga unan, ayaw kong patulugin sila sa kanilang mga crib gusto ko ay katabi ko silang matulog.

Nakipagchat lang ako sa event manager at sinabi nitong kailangan kong pumunta sa exhibit area nang mas maaga. Napatitig ako sa triplets, ayoko silang ihabilin sa iba. Kaya nabuo ang desisyon ko na isama na talaga silang tatlo bukas.

Dumating na ang unang bukas ng exhibit area ko sa Leviathan, hindi naman ito kalakihan kaya kaunti lang ang inimbitahan ko.

I am now wearing my cream white blazer with my navy blue v-neck tshirt, my navy blue pants and a dark brown leather loafers with my shades on.

Mabagal akong naglalakad sa red carpet papasok sa exhibit habang hila ang cart ng triplets na kasama ko.

"Oh my gosh! Nasaan na ba ang artist? Nagdadatingan na ang mga bisita!" Eksaktong kakapasok ko pa lang, tumigil ang baklang nagsasalita at umawang ang bibig niya nang makita ako.

Ngumisi ako sa kanya at tinanggal ko ang shades ko.

"Are you looking for the artist?"

"Oh—wha—sir!"

"Sorry for being late, actually I'm with my alligators." Kumunot ang noo nila sa sinabi ko bago nila nakuha ang ibig kong sabihin.

Sumilip sila sa hila ko, my triplets are now wearing their alligator costume with their shades on.

Muli akong ngumisi sa kanilang lahat at ibinalik ko ang suot kong shades. Eksaktong tumunog ang kantang despacito sa buong exhibit room. Napasipol na lang ako, kahit ang triplets ay sumigla nang marinig ito, natural pinaglihi sila sa despacito.

Naiiling na lang akong nakangisi bago ko pinagpatuloy ang paglalakad habang humehead bang.

"Come on alligators, we still have our pictorial before the event."

--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro