Chapter 58
Chapter 58
Ninong Troy Alvis Ferell
Bago umalis ang mag asawa ay nagpaliwanag muna sila sa aming mga ninong ng mga dapat gawin sa triplets, kahit hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni Nero at Doll tumatango na lang ako nang tumango.
Anong alam ko sa pag aalaga ng bata? Gumawa marunong ako, pero hindi ako marunong mag alaga!
Akala ko kung ano nang importanteng dahilan kung bakit tinawagan nila kaming tatlo, 'yon naman pala gusto lang makalayo at gumawa ng bata. Wala pa ngang isang taon ang triplets, gagawa na naman sila.
Malalakas na ang loob, palibhasa hindi na mawawalan ng mamanahin si Nero.
Napasulyap ako sa triplets na nakahilerang nakahiga na sa kama ko, abala silang tatlo sa pagdede. Dalawang araw kaming magkakasama ng mga gwapo kong inaanak na manang mana sa kanilang ninong Troy.
Hindi talaga nakuha ang kutis kay Doll, sa akin talaga. Mas nawili siyang titigan ang kutis ko kaysa kay Nero na negro.
Bago iniwan sa amin ni Doll at Nero ang triplets ay tinawagan ko na rin si Tristan para sabihin na mag alaga din siya ng bata. Pareho pareho kaming mga ninong, kung mag aalaga ang isa dapat ay lahat ay mag aalaga.
Sinabi rin ni Nero na baka hindi lang isang linggo ang bakasyon nila ni Doll, mukhang matapos ang ilang buwan ay problema na naman namin ang mangyayaring panganganak, hindi na para kay Doll kundi para kay Nero na himatayin.
We agreed about our babysitting schedules. I have the triplets for the first two days, next will be Owen, then Aldus and last will be Tristan. Kaya ito ako ngayon at kasama ang triplets. Nagleave ako ng dalawang araw para lamang makapag bonding sa kanilang tatlo.
Wala man lang ibang gamit na dinala si Doll at Nero, kahit ang gatas ay sinabi lang nila sa akin ang pangalan para ako na ang bumili. Gusto talaga nilang gumastos ako para sa kanilang mga anak. Ako na nga ang mag aalaga, ako pa ang magagastusan.
Sinabi rin sa akin ni Doll na gusto niya daw ang binigay ko sa mga triplets na damit, kahit ako ay natutuwa kapag nakikita ko silang suot ang mga binigay ko, kaya hindi pa man nasasabi sa akin ni Doll na gusto niya pang humingi ng mga animal costume sa akin para sa triplets ay nagpagawa na ako ng marami.
The triplets are now wearing a cute Dalmatian dog costume. Hindi ko na napigilan at tumabi na rin ako sa kanilang tatlo, nagharang ako nang napakaraming unan sa tabi ni Rance para hindi ito mahulog.
Katabi ko si Tovar, nasa gitna si Vino at katabi nito si Rance.
"Okay boys, dumede lang kayo nang dumede. Busog na busog kayo kapag si Ninong Troy ang nag aalalaga sa inyo, ang mommy at daddy nyo alam kong tinitipid kayo, am lang yata ang pinapainom sa inyo." Hindi ako pinapansin ng triplets dahil abala sila sa pagdede.
"Tuturuan kayo ni ninong magsalita, hindi pwede ang daddy nyo. Sablay ang dila non." Lumingon sa akin si Tovar habang tangay nito ang kanyang tsupon.
Hinayaan ko lamang silang dumede nang dumede bago sila nagsimula nang magsilikot sa kanilang pagkakahiga. Natutuwang lumapit sa akin si Vino at Tovar, gumaya na rin si Rance.
Nasanay na siguro silang sumasakay sa katawan ni Nero kaya ito at ginawa nila akong kabayo. Nagsimula na si Vino na kalikutin ang tenga kong mga hikaw.
"Do you like earrings? Bibigyan kayo ni ninong, 'yong iba nyong mga ninong wala sila nito kasi wala silang mga pera. They are poor, ninong Troy is rich." Ano kaya ang gagawin sa akin ni Nero at Doll kapag bumalik silang may hikaw sa kilay si Vino, may hikaw sa dila si Rance at sa ilalim naman ng labi si Tovar?
Mapapatay ako, sigurado. Naiiling na lang ako sa naiisip ko, bibigyan ko na lang sila ng hikaw kapag lumaki na sila.
"Come here Rance, hawakan mo rin ang hikaw ni ninong." Kinuha ko ang kamay ni Rance at pinahawak ko dito.
"See? That's a real diamond, isang kotse na 'yan ng ninong Aldus mo. Si ninong Troy talaga ang the best, huwag kayong masyadong sasama sa iba nyong ninong masamang impluwensiya sila." Nakatitig lang sa akin ang triplets, siguro naiintindihan naman nila ako.
"Ikaw naman Tovar, look at my earring." Kahit abala sa paglalaro sa kanyang tsupon si Tovar ay binuhat ko siya para hawakan ang hikaw ko.
"See? Isang exhibit room na 'yan ng ninong Owen mo. Mahihirap ang iba nyong ninong." Habang pinagmamalaki ko ang hikaw ko kay Tovar ay nagulat ako nang kagatin ni Vino ang mukha ko. Sabay silang tumawa ni Rance nang mapapitlag ako.
Nanggigigil din pala ang mga bata, alam kong kanina pa akong tinititigan ng triplets, and they just realized that I am more handsome than their father.
Siguro ay iniisip na ng mga batang ito na sana ako na lang ang kanilang ama. Sana si ninong na lang na magandang lalaki, maputi na kakulay namin, mayaman at maraming magpadede ang daddy namin. Bumangon na ako at isa isa ko silang kinalong tatlo at niyakap ko sila kahit nagpuumiglas na sila.
"It's alright, naiintindihan kayo ni ninong Troy, huwag nyo na lang ipapahalata sa daddy nyo na gusto nyong ako na lang ang daddy nyo. Masasaktan si Nero." Isa isa akong hinalikan ang kanilang mga ulo.
"At dahil busog na kayong tatlo, may speaking lesson kayo sa paboritong ninong nyo." Isa isa ko silang isinandal sa headboard ng kama ko.
"Tovar! Huwag malikot!" ibinalik ko siya sa kanyang pagkakaupo.
"Rance! Upo lang kayo, listen to your ninong." Kakabalik ko pa lang kay Rance ay gumalaw naman si Vino.
"Vino! Huwag kayong makulit tatlo, I won't give you milk. Sige kayo." Nagharang ako ng maraming unan sa kanilang tagiliran pati sa kanilang harapan para walang makaalis.
Wala silang nagawa sa ninong.
"How do you call me?" tanong ko sa tatlo. Naghahampasan na si Vino at Rance habang nakatitig lang sa akin si Tovar na tangay ang kanyang kamay.
"Hey, hey, listen to me. Bakit ang kukulit nyong tatlo?" isa isa kong hinila ang tenga sa costume nila.
"Listen to your Ninong," hinawakan ko ang magkabilang tenga sa costume ni Rance at yumuko ako para halikan ang ilong nito. Ganito din ang ginawa ko sa dalawa.
Dumapa na ako sa kama para magtama ang paningin naming apat.
"Repeat after me, ni---nong" nagsimula na silang tumawa sa aking tatlo. Mas madali talagang gumawa ng bata kaysa mag alaga.
"Don't laugh, walang dedede mamaya. Walang dede kapag hindi nakapagsalita. Again, ni---nong.."
"Nong!" may pagtango pa silang tatlo sa pagkakasabi nito. Napabangon ako sa pagkabila.
"Again? Again?" pinaghahawakan ko ang malalaking pisngi nila.
"Ni---nong- ni—nong.."
"Nong! Nong!" masiglang sabi nila. Bumalik sila sa pagkalikot ng punda ng unan.
"Pwede na 'yan, next. Ni---nong po---gi" itinuturo ko ang sarili ko. Hindi na naman nila ako pinapansin.
Pumalakpak ako para makuha ang atensyon nila.
"Repeat after me, Ni---nong po—gi" hindi na talaga sumunod sa akin dahil may sarili na silang mundong tatlo.
Tinanggal ko na ang unan malapit sa kanila at hinayaan ko na lamang silang maglaro na parang mga tuta.
Hindi ko maiwasang mapangisi, parang noong isang araw lang nang kami ang sinasabihan ni LG na kanyang mga tuta ngayon nasalin na sa mga anak ni Nero.
Magkalaro na si Rance at Tovar habang abala na naman si Vino sa pagkalikot sa hikaw ko. Paulit ulit kong hinihila ang malaking tenga ni Vino habang hinihila na rin niya ang tenga ko.
Gusto ko rin nito, gusto ko rin ng maraming baby, kaso iniwan ako ni Laura.
"Pangit ba si ninong, Vino? Ang mukhang ito ba kaiwan iwan ng babae? Bakit nakipag break sa akin si Laura? I love her so much, I am willing to give her everything in this world but she chose to shatter my heart. Lagi na lang kaming inaaaway ng mga babaeng 'yan. Ang mommy nyo? Pinaiyak niya ang daddy nyo! Ang Ninang Sapphire nyo? Pinapaasa lagi si Ninong Aldus nyo! Kaya kayong tatlo, huwag kayong pipili ng mga sadistang babae!"
Sa haba ng sinabi ko, napansin ko na wala na si Vino sa tabi ko at kalaro ng siya ng mga kapatid niya.
Nag isip ako nang bagay na pwede kong hawakan para sumunod ang tatlong ito sa akin, mga ilang minuto akong nag isip bago may pumasok sa isip ko. Ibinalik ko muna sila sa kuna, bago ako nagdiretso sa kusina.
Kinuha ko ang nutella at nagmadali na akong umakyat sa kwarto ko.
"Look, may chocolate na hawak si ninong." Alam kong gusto ng mga baby ng matatamis.
Wala namang sinabi si Doll na may allergy sila, binuksan ko ang nutella at sumalok ako dito gamit ang hintuturo ko at isinubo ko sa triplets.
"Yum yum yum.." sumigla ang triplets nang malasahan nila ang isinusubo ko. Humihinga pa sila sa akin.
Isa isa ko na ulit silang dinala sa kama, habol silang tatlo sa aking kamay na may chocolate. Natatawa akong pinagkakaguluhan ng mga Dalmatian.
"Wait! Wait, susubuan kayo ni ninong." Natatawang sabi ko.
Kapag sinusubuan ko sila ng kaunting chocolate pumapalakpak sila, bawal pa yata ito sa kanila. Hindi na ito makakarating sa kanila.
Nakadapa na ulit ako sa kama habang nakikipag agawan sila ng chocolate sa kamay ko.
"Kiss nyo si ninong, I won't give you chocolates." Hinila ko ulit ang tenga nila at sa panggigigil ko ay isa isa ko silang nakagat sa pisngi. Umiyak tuloy silang tatlo.
"Shit!"
"Stop crying babies, hindi na uulit si ninong." Ipinunas ko ang mahabang tenga nila sa kanilang mga luha.
Bakit parang may kulang sa costume nyo? Pinakatitigan ko ang tatlo bago ko nalaman kung ano ang kulang. Kumuha ako ng madaming chocolate at isa isa ko silang pinahiran sa tungki ng kanilang ilong.
"Nice! Mukha na kayong Dalmatians tatlo." Dahil gusto ko rin pumapak ng nutella ginamit ko na ang kamay ng triplets at isinawsaw ko na sa chocolate ang mga kamay nila.
"Pahingi si ninong, sa kamay ng triplets ako tumitikim ng chocolate." Nagtatawanan na kaming apat, hindi lang ilong nila ang may chocolate pati mukha nila.
"Let's send some pictures to your mommy and daddy." Nakailang selfie kami ng triplets na sobrang amos. Sinadya kong itaas ang mga kamay nilang maraming chocolate, pinapalabas ko ang dila nila na marami rin chocolate at may mga close up pa para makita ng mag asawa kung ano na ang hitsura ng kanilang mga anak.
I love this day.
Ilang minuto matapos kong magsend ay nabasa ko ang reply ni Nero.
"What the fvck are you doing with my triplets?!" Nagreply ako.
"Playing, just like the old days."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro