Chapter 57
Chapter 57
Mabilis lumipas ang panahon, pitong buwan na ang mga anak namin ni Nero. Habang lumalaki sila, mas lalong nakikita ang malaking pagkakahawig ng mga ito sa kanilang Daddy. Masasabi ko na kulay lang kutis ko ang nakuha nila, ang lahat ay namana nila kay Nero.
Talagang malakas ang dugo ng mga Ferell, nakuha din ng kambal ang dimples ni Owen. Si Vino ay may malalim na dimples sa magkabilang pisngi, si Tovar ay isang dimples sa kanyang kaliwang pisngi habang si Rance naman ay sa kanyang kanang pisngi.
Hindi lang ako, kahit ang mga kamag anak namin ay napapansin na masyadong malalaki ang mga anak namin ni Nero kumpara sa mga normal na batang pitong buwan pa lamang. Hindi na ako magtataka, malalakas silang uminom ng gatas kaya ito sila at namimintog ang kanilang mga pisngi dahil sa sobrang kalusugan.
Kasalukuyan kaming nakahilata ni Nero sa napakalaking baby mat na hugis oso habang naglalaro ang triplets, gumapagapang na silang tatlo. Kaya ito at naglalaro na sila at suot nila ang regalo ng kanilang Ninong Troy.
"Nero, ang cute cute nilang tatlo. Manang mana sila sa mommy."
"Sa akin Florence, sa akin nagmana ang tatlong 'yan." Giit ni Nero sa akin.
"Uhuh? Kahit itanong pa natin sa triplets si mommy ang ituturo nila." Ngumuso si Nero sa sinabi ko.
"Ofcourse, ikaw ang lagi nilang kasama. Ikaw ang ituturo nila." Nakagat ko na lang ang pang ibabang labi ko sa tono ni Nero.
"Don't worry, love ka rin naman ng triplets, tuwang tuwa nga sila kapag dumadating ka. Nagtatampo ka na niyan Nero?" ilang beses ko siyang hinalikan sa kanyang pisngi.
Nakaunan ako sa braso ni Nero habang nilalaro na ng triplets ang suot na damit ni Nero. Kapag tumatawa silang tatlo ay natatawa na rin kami ni Nero.
Nakakatuwang pagmasdan na naglalaro na ang mga anak namin. Tuwing sabado at linggo na lang kaming ganito dahil abala na sa trabaho si Nero.
Tumang tuwa silang habang pinagdidiskitahan nila ang damit ng Daddy nila.
"Bagay na bagay sa kanila ang binigay na ito ni Troy, saan niya ito nabili? Our babies are so cute." Hindi ko mapigilang hindi pisilin ang ilong ng triplets sa sobrang panggigigil ko sa kanila.
"My three little puppies." Ngising sagot ni Nero.
Suot ng triplets ang bigay ni Troy na baby costume na may desinyo na parang mga tuta.
Our triplets are wearing an overall hoddie costumes made of thick fur, color white with brown spots. Ang hoddie nila ay may napakalaking tenga na parang sa totong mga tuta. Ang sarap sarap nilang yakapin.
They looked so adorable, lalo na kapag gumagapang sila. Mas lalong napansin ang namimilog nilang mga pisngi dahil sa mga suot nila.
"Ito talaga ang binigay ni Troy sa mga bata, ginawa niyang mga tuta." Natutuwang sabi ko.
Nakahiwalay na sa amin si Vin at Tovar na naghahabulan sa paggapang. Sabay kaming napapangiti ni Nero, habang nakadapa naman si Rance sa dibdib ni Nero at nilalaro nito ang mukha ng Daddy niya.
Sa kanilang tatlo si Rance ang pinakamalambing, lagi siyang madikit sa amin ni Nero. Hindi katulad ng dalawa na may sariling mundo.
"Dad---dy, repeat after me Rance." Pagtuturo ni Nero. Bumangon ako mula sa kanyang braso at kinuha ko si Vino at Tovar. Idinapa ko rin si Vino sa dibdib ni Nero at sa akin naman si Tovar.
Naghihilahan na ng tenga si Vino at Rance, tawa nang tawa si Nero habang tinatanggal niya ang kamay ng dalawang bata sa kanilang malaking tenga.
"You don't pull each other's ears." Nanggigigil na din si Vino at Rance sa isa't isa. Wala na kaming tigil ni Nero sa pagngiti at pagtawa habang pinapanuod namin ang cute naming mga anak.
Ilang beses kong hinalikan si Tovar na siyang hawak ko, gumanti din ito ng halik sa akin nang idikit niya ang labi niya sa mukha ko. It melts my heart, my baby is trying to kiss me.
Dati si Nero lang ang nagpapaligo ng halik sa akin, ngayon may Tovar, Vino at Rance na. Being a mother is the happiest.
"Nero, ikaw ang translator ko kapag hindi ko maintindihan ang sasabihin ng mga anak mo. Baka isang araw marinig ko silang magsalita at namana rin nila sa'yo ang pagkabulol mo." Pagbibiro ko.
"Florence" kumunot ang noo niyang sumulyap sa akin.
"Kidding Daddy, hindi ka na mabiro. Kung sakali lang naman, bakit nga naman mabubulol ang triplets? Sino nga ba ang nagsabi sa akin na bulol ang daddy nyo? Sinisiraan sa akin ang Daddy nyo, inaaway ni LLG si Daddy." Nagbaby talk ako sa triplets.
"Florence.." Nang iangat ko ang paningin ko kay Nero ay mabilis niya akong hinalikan sa labi. Pinagtaas niya ako ng kilay, magsasalita pa sana ako nang sabay umiyak ang triplets.
"Hey, why?" natatawang sabi ni Nero.
"Why baby?" tumigil din naman sila agad sa pag iyak. What's wrong with these triplets?
"Nero, can we kiss again?" sumunod naman sa akin si Nero. Nang maglapat ang labi namin, umiyak na naman ang triplets.
Dito na ako napatawa ng malakas.
"Ayaw nilang hinahalikan ni Daddy si mommy. Why so adorable?" Inilapit sa akin ni Nero si Rance at Vino para halikan ko ang mga ito.
"These puppies are competing with their Daddy, ako ang unang baby ni Mommy." Ilang beses hinalikan ni Nero ang triplets sa kanilang magkabilang pisngi.
"Hindi nila gustong humahalik ka sa akin." Mabilis inilapit ni Nero ang mukha niya sa akin at hinalikan na naman niya ako. Nag iyakan na naman ang triplets, hinampas pa ni Vino at Rance ang dibdib ni Nero.
Mas lalo kaming natawa ni Nero.
"Pinagdadamutan nyo na si Daddy? I will pull your ears, you are competing with your Dad." Pinupunasan na ni Nero ang luha ng dalawa habang ganito din ang ginawa ko kay Tovar.
"Inaaway nyo ang daddy, I won't buy you toys."
"Don't worry, ibibili kayo ni mommy." Sagot ko.
"Don't spoil them Florence." Hinalikan ko ulit sa kanyang pisngi si Nero.
"Seloso"
"I am not, mahal na mahal ko ang mga tutang ito." Niyakap ni Nero ang triplets. Hindi na sila magkasya sa katawan ni Nero.
"They're so healthy Nero, nakakatuwa talaga silang pagmasdan. I love this costume, sadya ba na pinagawa ito ni Troy sa kanila?" Halos manggigil ako sa mga anak ko.
Mas dumikit ako kay Nero at humilig pa ako sa kanya.
"Siguro? Mahilig sa aso si Troy, dapat talaga bibigyan niya ng tuta ang tatlong ito. Sinabi ko huwag na muna, siguro kapag medyo lumaki na sila. Kaya ito ang binigay, ang triplets ang ginawa niyang tuta."
"Bagay naman sa kanila, hingi pa tayo ng madaming ganito kay Troy nang mabawasan naman ang kayamanan niya. Saan niya ba dinadala ang mga pera niya?"
"Hindi ko rin alam, simula nang mga bata kami ay kuripot na talaga siya. Hindi 'yon nagastos kapag recess tapos hingi naman nang hingi sa aming apat. Kuripot talaga si Troy. Pero pansin ko galante naman siya kung minsan, like this. Hindi 'yon magbibigay sa triplets nang mumurahing tela." Tumango na lamang ako sa sinabi ni Nero.
Nagpatuloy kami sa pakikipaglaro sa triplets, nang pumasok na sa isip ko ang gusto kong sabihin kay Nero kanina pa.
"Sundan na natin ang triplets Nero, nagtatampo si lolo. Bakit daw si LG lang ang may pangalan." Ngusong sabi ko.
"Are you sure?" gulat na tanong niya sa akin na parang hindi niya inaasahang sasabihin ko ito sa kanya.
"Yes, besides I am already fine. Ayaw ko rin na malayo ang age gap ng mga anak natin, gusto ko na rin ng baby girl Nero. If we successful had a baby girl, we can stop making babies. Masaya na ako sa apat." Ngising sabi ko sa kanya.
"I thought you want six?"
"Ofcourse, gusto ko rin naman. Sige na kahit ilan na lang, hindi na naman mawawala ang mamanahin mo." Narinig ko siyang tumawa.
"I like that, I can't wait to see my little Florence soon." Hinalikan niya ang noo ko.
"Do you think you'll collapse again?" natahimik si Nero sa sinabi ko.
Nakalayo na ulit sa amin dalawa ang triplets at naglalaro na silang tatlo habang hawak ang kanilang turtle na stuff toys.
"I told you, I was just hungry that time. Sa susunod na manganganak ka, kakain na ako ng maaga para hindi na ako mahilo sa gutom." Talagang pinagpipilitan niya ang pagkagutom niya.
"Uhuh?"
"Kanino natin ihahabilin ang tatlong ito? Ayokong mabitin, baka mamaya may biglang umiyak na naman sa kanila. Lagi na lang." Sabay kaming napasulyap sa triplets.
"We can ask the ninongs, mga single pa naman sila." Ang balita ko hiwalay na daw si Nicola at Owen, pareho na rin silang may bagong mga karelasyon, si Troy single na rin, hiniwalayan na ni Laura, si Tristan may bagong pag ibig habang si Sapphire at Aldus going strong daw.
"We'll go to Singapore for atleast one week? Ihabilin na lang natin triplets. Pa ninong ninong pa silang nalalaman."
Kaya kinabukasan, nakaempake na kami ng gamit ni Nero. Kasalukuyan nang nakahilera sa sofa si Ninong Troy, Owen at Aldus habang tig isa sila ng kalong sa triplets na naka costume na tiger na may malaking tenga ulit.
Nakaawang ang mga labi nila habang pinagmamasdan ang mga maleta namin ni Nero. Umakbay na sa akin si Nero at ngumisi siya sa harap ng mga pinsan niya.
"Kayo na muna ang bahala sa triplets, gagawa lang kami ni Florence ng mga bagong babies."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro