Chapter 55
Chapter 55
Daddy Nero Sebastian Ferell
Simula nang buhatin ko si Florence habang sinasabunutan niya ako ng walang tigil, hanggang sa magmaneho na ako ng kotse ay hindi na tumigil ang pangangatal ang kamay at mga tuhod ko.
Pinaharurot ko na ang sasakyan para lang makarating kami agad sa hospital. Gusto ko nang maiyak habang naririnig kong dumadaing na sa sakit si Florence.
"Nero, lalabas na sila. Bilisan mo!" nakailang sigaw na sa akin si Florence. Hindi na ako magkaintindihan kung saan ako titingin, sa kanya ba o sa kalsada?
I want to touch her, I want to embrace her right now.
Nang makarating kami sa hospital, mabilis akong nakalabas ng kotse. Agad bumuhat ko nang nagmamadali si Florence at nagdiretso kami sa emergency.
"Tumabi kayong lahat! Manganganak na ang misis ko!" naagaw ko ang atensyon nilang lahat.
Wala pang isang minuto ay inasikaso na nila si Florence. Halos ilang beses kong sinabunutan ang sarili ko nang mas lalong lumakas ang pagdaing ni Florence. Isinakay na siya agad sa kamang may gulong, hawak ko ang kamay niya habang itinutulak na ng mga nurse ang kanyang kama.
"Florence, I love you. Mahal na mahal ko kayo ng kambal." Paulit ulit ko itong sinasabi sa kanya habang isinusulong ang kanyang kama.
Sa kabila ng iniinda niyang sakit, pinilit niyang ngumiti sa akin nang marinig niya ang mga sinabi ko.
Sasama na sana ako sa loob ng delivery room nang makita ko na nakaabang na dito si Nally at Sapphire, sabay silang umiling sa akin. Nakukuha ko na ang ibig sabihin nila, pero gusto kong ako ang kasama ni Florence sa loob.
"Nero, hayaan mo na kaming dalawa." Agad na sabi ni Nally.
"Ako ang asawa, ako ang papasok." Pagmamatigas ko. Sabay ngumiwi si Sapphhire at Nally sa sinabi ko na parang may gagawin akong hindi maganda sa loob ng delivery room.
Naramdaman ko na lamang na may humawak sa aking kanang balikat. Nang lingunin ko ito, agad kong nakita si LG na umiiling sa akin.
"You need to stay outside Nero, dito ka na lang. Mas mabuting kalmado ang mga taong papasok sa loob. Malakas sa nerbiyos ang mga lalaking Ferell sa ganitong sitwasyon." Umawang ang bibig ko sa sinabi ni LG.
This damn beliefs again!
"Florence needs me!" hahakbang na sana ako sa delivery room pero huli na ang lahat, nakapasok na si Sapphire at Nally. Naunahan na nila ako.
"Fvck!" napamura na lang ako. Bakit masyado nilang pinaninindigan ang mga paniniwalang 'yon?
I am damn different with Tristan's dad! Bakit ako hihimatayin?!
Nagsimula na akong magpalakad lakad habang iniisip ang pwedeng mangyari sa loob, baka hinahanap na ako ni Florence. Alam kong gusto ni Florence na nakahawak ang mga kamay ko sa kanya.
Gusto niyang katabi niya ako habang inilalabas niya ang mga anak namin, alam kong gusto niyang marinig ang boses ko para pakalmahin siya. Oh shit, what am I doing here outside? I should be there with my wife.
"Nero apo, maupo ka. Baka bigla ka na lang matumba." Babala sa akin ni LG.
"I won't, I won't LG. That is just some farce beliefs! Why would I collapse?" sagot ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa paglalakad.
"Bahala ka dyan Nero, hindi kita pupulutin sa sahig kapag hinimatay ka." Hindi ko pinansin si LG sa sinabi niya. Pero ramdam ko na kanina pang umiikot ang paningin. Ilang beses ko nang ikinukurap ang aking mga mata dahil nanlalabo na rin ang mga ito.
Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Imposible akong himatayin, alam kong kalmado lang ako sa mga oras na ito. Isa akong magandang halimbawa ng isang lalaking asawa sa ganitong sitwasyon, kalmado at nasa tamang pag iisip.
Agad akong napahawak sa aking noo at bahagya akong napahakbang paatras. Shit. Pansin ko na muntik nang tumayo at lumapit sa akin si LG. Inangat ko ang kamay ko para patigilin si LG sa anumang balak niyang paglapit sa akin.
"Don't over react LG, gutom lang ako. Hindi pa ako kumakain." Kumbinsidong sabi ko.
Hindi pa ako kumakain, tama hindi pa ako kumakain. Bakit naman ako hihimatayin? I am not even nervous. I am a proud husband, I am a proud Daddy. Pinagpatuloy ko ang pagpapalakad lakad ko, wala na akong pakialam sa mga nakakakita sa akin.
Hanggang sa makarating na rin ang mga pinsan ko at pilit nila akong pinapatigil sa paglalakad, talagang pinaninindigan nilang lahat pagkahimatay ko. Mga gago ba ang mga ito? Ako? Hihimatayin sa panganganak ng asawa ko?
That won't ever happen. Mapapahiya silang lahat ngayong araw. I will definitely break the curse. Hindi ko mapigilang hindi mapangisi, hahanga silang lahat sa akin.
Sa muli kong pagbaling ay muli na namang umikot ang paningin ko at bigla na naman itong nagdalawa. Shit. Matindi na talaga ang gutom ko.
"Nero!"
Nakailang tawag na ang mga gago kong pinsan sa akin.
"Fvck! Huwag nyo akong kausapin! Umiikot ang paningin ko! Gutom lang ako! Gutom lang ako!" sigaw ko sa kanila. Baka kung ano na naman ang isipin nila.
Nang may lumabas na isang doctor mula sa delivery room ay agad akong lumapit dito. Sinabi na sa akin ni LG na sobra na daw ang kinuha kong doctor para kay Florence, pero wala akong pakialam. Gusto ko ay marami sila para mas makasiguro ako.
"Doc, ano po ang balita?" tanong ko sa doctor.
"Nahihirapan pong manganak ang misis nyo, mukhang matatagalan pa po ang kanyang panganganak." Kalmadong sabi sa akin ng doctor.
Bigla na lang akong natulala na ako sa mukha ng doctor nang marinig kong nahihirapan si Florence. Unti unti nang tumitindi ang panlalabo ng aking mga mata at ang sobrang pagkahilo ko. Damn, gutom na gutom na talaga ako. Bakit sa panganganak pa ni Florence? Bakit nakalimutan kong kumain?
Bigla na lamang nanlambot ang mga tuhod ko at dahan dahan nang manlabo ang mga paningin ko. At sigaw na lang ng mga pinsan ko na tinatawag ang pangalan ko ang aking huling narinig hanggang sa tuluyan nang nagdilim ang buong paningin ko.
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang malambing na boses ni Florence na parang may kinakausap siya. Sadyang pinapaliit niya ang boses niya na parang may kausap siyang mga bata.
Shit. Ramdam ko na mas bumilis ang pagtibok ng puso ko habang pinapakinggan ang boses ng babaeng mahal ko.
"Tulog tulog pa si Daddy nyo, dinaig niya pa si mommy. Si daddy nyo talaga ang nanganak hindi si mommy." Narinig ko ang tawanan ng maraming boses.
Ramdam kong may humaplos sa aking buhok.
"Pero love love natin si daddy hindi ba?" narinig kong may umiiyak nang mga bata. God, my kids.
"Wake up Nero, alagaan mo na ang katas ng pagsisid mo." Alam kong si Florence ang pumisil ng ilong ko.
Unti unti na akong nagmulat, nakahiga ako sa isang malaking kama at nasa gitna namin dalawa ni Florence ang mga anak namin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nag init ang sulok ng aking mga mata.
"I love you so much Florence, thank you for giving me these angels." Ngumiti sa akin ang pinakamagandang babaeng nakilala ko. She's wearing oxygen hose on her nose and dextrose. She looked so tired, at alam kong hinihintay niya lang akong magising.
"I love you too Nero.."
Isa isa kong hinalikan sa kanilang mga noo ang mga anak ko. Hinawakan ko ang kamay ni Florence at mariin ko itong hinalikan.
"Tama ba ang bilang ko sa kanila?" tumango siya sa akin.
"We have our triplets Nero." Hindi ko na inisip kung papaano niya ako napaniwala na kambal lang ang dinadala niya. Muli kong hinalikan ang mga kamay niya.
"Magpahinga ka muna Florence, ako na muna ang bahala sa kanila." Ngumiti siya sa akin, hinalikan niya muna ang mga anak namin bago siya humiga ng maayos.
"Take care of them, naunang nagising ang mga ninong." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Florence.
Nang lumingon ako sa aking likuran ay natagpuan ko ang mga pinsan ko na mga nakangisi na sa akin. Si Aldus ay nakahilig na sa balikat ni LG na parang pagod na pagod habang hinahaplos ni Sapphire ang kanyang ulo.
"Alam nyong triplets ang anak ko?" tanong ko sa kanila. Umiling ang mga pinsan ko.
"Almero sisters deceived us, we're all surprised." Sagot ni Owen.
Sinabi ng nurse na kailangan nang lumabas ng mga bisita dahil kailangan na ni Florence magpahinga. Ipinahanda ko na ang maliliit na kama ng mga anak namin, ayokong magigising si Florence kapag umiyak sila.
Nakadungaw ako sa mga gwapo kong anak na kapwa mga natutulog nang hawakan ni LG ang balikat ko.
"I'm so proud of you son." Agad kong pinunasan ang tumakas na luha sa aking mga mata. At natagpuan ko na lang ang noo kong nakapatong sa balikat ni lolo.
"LG, I'm so happy..I'm so happy..I'm so happy.." paulit ulit na sabi ko. Narinig kong bahagyang tumawa si lolo sa sinabi ko.
"Ganitong ganito rin ang nararamdaman ko Nero sa tuwing pinagmamasdan ko kayong limang natutulog noon. Masayang masaya din si lolo para sa'yo, apo. Masayang masaya." Sa likuran ni LG ay kapwa nakangisi na sa akin ang mga pinsan ko.
"Be a good father Nero, we're all here to support you."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro