Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 51

Chapter 51


Ninong Troy Alvis Ferell

Halos dalawang oras yata kaming nag inuman magpipinsan hanggang sa maubos namin ang napakaraming bote ng alak. Matagal tagal na rin nang huli kaming nag inom ng sama sama.

Ang pinag kaiba nga lang, tanghaling tapat kami nag inom. Sobrang init sa pakiramdam. Ilang oras din namin binalaan ni Owen si Nero sa anumang pwedeng mangyari sa kanya sa panganganak ni Doll, pero ayaw maniwala ang gago.

Si Tito Matthew na mismo ang nagsabi sa amin na dalawang beses siyang hinimatay noon, sa panganganak ni Tita Trinity kay Ate Tiana at kay Tristan. Walang palya. Sinabi nitong hindi pwedeng walang lalabas sa aming lima na ganito dahil parte ng ito ng pamilya ng mga Ferell.

Kahit din daw sa paglilihi ng babae, masyadong nahihirapan ang mga Ferell sa bagay na ito. Kaya hindi na kami nagtaka nang kung ano ano ang hiningi ni Doll noon dahil sa paglilihi niya.

Matapos namin mag inuman, pumayag na si Nero na dito muna kami ni Owen matulog sa kanilang bahay, tutal naman ay puro kalapati lang naman daw ang kasama niya.

Iisa lang ang guestroom na may kama, sinabi ni Nero na hindi pa daw naaayos ang iba nilang guestroom kaya wala kaming pinagpilian ni Owen kundi matulog ng magkatabi. Lagi na lang.

Nakahiga na kami ni Owen sa kama at alam kong gising pa siya, kailan pa ba kami huling nagtabing matulog ng gagong ito?

"Anong pangalan daw ng kambal Troy?"

"Si Garp at Pidio" sagot ko.

"What the fvck? Seriously?" napabangon pa ang gago sa sinabi ko.

"Kaysa naman mawalan ng mamanahin si Nero? Baka pumayag ang gago na sa akin lahat mapunta ang mamanahin. Alam nyo naman dahil ako ang paboritong apo, automatic sa akin isasalin ang mga mamanahing katas ng mga nakabuntis." Ito lagi ang iniisip ko kapag hindi ako nakakahalik kay Laura, iniisip ko na lang na hindi ako makakabuntis.

"I can't imagine calling the twins as Garp and Pidio." Ngumiwi din ako sa sinabi ni Owen. Humiga na ulit ito sa kama.

"Pwedeng Trojan at Tovar ang pangalan ng kambal." Agad na sabi ko.

"Bakit naman Trojan? Ginawa mong virus ang isa sa kambal."

"Ano kayong dalawa? Mga ama? Nag papangalan na kayo sa kambal ko." Napalingon kami ni Owen sa may pintuan. May hawak na kumot at unan ang gago.

Huwag niyang sabihin na tatabi pa siya sa amin dalawa?

"Sikip na kami dito ni Troy! Bumalik ka na sa kwarto niyo!" Hindi kami nito pinansin at nagtuloy siya sa aming kama.

Walang pinangpilian si Owen at umusod siya papalapit sa akin para mabigyan ng pwesto si Nero.

"Ayoko sa kwarto namin, naaamoy ko ang ipot ng kalapati. Umiinit ang ulo ko."

"Nero, totoong Garp at Pidio ang pangalan ng kambal?" agad na tanong ni Owen.

"Hindi ko alam kay Florence, siya ang magpapangalan." Sagot nito.

Natahimik kaming tatlo ng ilang minuto, wala kaming masabi. Ang bilis ng panahon, parang mga bata pa lang kami noon nang magkakatabi kami sa kama. Ngayon, magkakaanak na si Nero at nanganganib pa siyang himatayin.

"Hindi ko pinagsisihan na nabuntis ko nang maaga si Florence. It's all worth it, may kambal na ako."

"Yeah" sabay na sagot namin ni Owen.

"We're all happy for you" sabi ko.

"Salamat, salamat sa inyo mga pinsan." Sinilip namin siya ni Owen pero tumalikod na ito sa amin at mukhang natulog na ang gago.

Ngumisi na lang ako bago ko rin tinalikuran si Owen na nasa gitna namin.

"Goodnight sa inyong dalawa, mauulit pa ba itong pagtulog natin tatlo na ganito?" natatawang sabi ni Owen.

I'm afraid this won't happen again, isa isa na kaming nagkakapamilyang lima.

Kinabukasan ay naghiwa hiwalay na kami, balik na ulit sa dati ang aking gawain. Kompanya, kay Laura, kompanya at kay Laura. Ganito pa rin kami ni Laura, away at bati. Parang lagi na lang siyang naghahanap ng butas para magkagalit kami pero mahaba ang pasensiya ko dahil mahal ko siya. At kahit anong gawin niya, hinding hindi ko siya pakakawalan. I love her, I love her so much.

Wala na siyang kawala sa pinakamayamang Ferell, tuso ako sa pera , sa kompanya pero higit akong mas tuso kapag si Laura na ang pinag uusapan.

Isang katok mula sa pintuan ang umabala sa akin. Nakangiting sekretarya ko na may hawak na dokumento ang pumasok dito.

"Sir, ito na po ang documents na kailangan nyo." Tipid akong ngumiti sa kanya.

"Thank you" sagot ko.

Tumango muna ito sa akin bago ito lumabas. Sisimulan ko na sanang buklatin ang binigay niya nang marinig ko ang pagtunog ng aking telepono. Tumatawag si Nally, sa pangatlong ring ko ito sinagot.

"Ate Nally, I love you pero hindi kita mapapautang ngayon." Sagot ko sa telepono.

"What the fvck Troy?! Bakit lagi na lang 'yan ang sagot mo sa mga kamag anak mo?! Hindi ako mangungutang! Manganganak na si Florence!" marahas akong napatayo sa aking inuupuan.

"What? Saan? Bakit napaaga?"

"Mary Mediatrix Hospital" hindi ko na pinahaba ang usapan dahil nagmadali na akong lumabas ng opisina.

"Lorena, cancel all my appointments" sabi ko sa aking sekretarya pagkalabas ko ng aking opisina.

Pinaharurot ko na ang sasakyan ko para makarating agad ako sa hospital, kinakabahan ako sa panganganak ni Doll pero mas kinakabahan ako kay Nero. Baka ipahiya niya ang buong lahi namin sa loob ng hospital.

Hindi pa ako nakakalabas ng Leviathan nang pansin ko na nakatigil ang mga sasakyan, anong nangyari? Bakit traffic?

Ang lakas na ng busina ng mga sasakyan kahit ang mga nasa likuran ko. Pilit kong sinilip kung ano ang dahilan ng traffic, nakita ko na may dalawang lalaki na nagtatalo.

"Anong nangyari? Nagkasabitan?" tanong ko sa lalaking kapantay ng kotse ko.

"Oo, dalawang truck. Mga pan deliver daw, nagkalat ang mga container. Hindi tayo makakadaan brad." Napahampas na lang ako sa aking manibela.

"Shit! Lalabas na ang kambal! Hindi ako aabot! Fvck!" iritadong sabi ko.

"Oh, so you're a new dad? Congrats brad"

"Hindi, ninong ako." Tamad na sagot ko bago ako bumaba ng kotse. Pansin ko na nagbabaan na rin ang ilan sa mga driver.

"Mamaya pa daw ang dating ng mga tutulong! Tulungan na natin maghakot ang dalawang truck para makadaan na tayo!" sigaw ng lalaking medyo may edad na.

Kaya wala akong ginawa kundi tumulong sa pagbubuhat ng mga container, ang pinakamayamang Ferell na ninong ng kambal ay kasalukuyang nasa bayaninhan. Pansin ko na napapasulyap ang mga lalaking katulong ko sa pagbubuhat. I am damn wearing my office suit.

"Ano ba ang laman nito?" tanong ko sa katulong ko sa pagbubuhat.

"Mga kalapati" muntik ko nang mabitawan ang buhat ko. Seriously? Doves are always on my side. Bakit nila ako pinipigilan makarating sa hospital?

Hindi ko tuloy maiwasang kabahan. I don't like this damn feeling. Kalahating oras ang nangyaring pagbuhat naming lahat. Muli kong pinaharurot ang aking sasakyan. Ang layo ko pa sa Leviathan at ilang beses na naman akong napamura nang may pumaparadang banda sa daan, may musiko at mga majorette. Fiesta ba dito?

Mag oovertake na sana ako nang biglaan akong nagpreno dahil sa tatawid na matandang may sulong ng kung ano. Dahil nagulat ito, bigla lang itong natumba kahit alam kong hindi naman ito nabangga. Shit.

Nagmadali akong bumaba sa aking kotse.

"Manong!" nang yumuko ako para alalayan siya ay agad akong napasinghap at napaatras nang makita kong ang sulong niya ay parang kariton na may maliit na hawla na may laman na mga kalapati.

Ano ba ang ibig sabihin nito?!

"Dalhin mo ko sa hospital! Walang pakundangang bata!" sigaw ng matanda sa akin. Pansin ko na pinagtitinginan na kami ng mga tao sa parada.

Agad kong binuhat ang matanda at isinakay sa kotse.

"Teka! Ang mga kalapati ko!"

"Babayaran ko!" sigaw ko. Muli kong pinaharurot ang sasakyan. Hindi na ako makakaabot!

"Hijo, nagkita na ba tayo?" mabilis akong lumingon sa matanda. Pamilyar din siya sa akin.

"Saan? You looked familiar." Sagot ko.

"Kamukha mo ang hayop na nagnakaw ng lupain ko." Napapreno ako sa sinabi niya at muli ko siyang tinitigan hanggang sa maalala ko kung saan ko siya nakita.

"You?! Ikaw ng sumuntok sa akin noon sa parking lot! Nakalabas ka na sa mental?!"

"Sinuntok ba kita?" hindi niya naalala.

"Nevermind"

Nakarating kami sa hospital, dinala ko sa emergency room ang matanda at sinabi ko sa doktor dito na kailangan niyang matingnan. Pansin ko napapangiwi sa akin ang mga nurse kapag napapalapit sa akin.

Bahagya kong inamoy ang sarili ko, amoy ipot ako ng kalapati. Damn.

Nagmadali na akong pumunta sa delivery room, eksaktong humahangos mula sa magkabilang direksyon si Owen basang basa ng pawis at si Aldus na may mga uling pa sa mukha.

Nang nagsalubong na kaming tatlo, kapwa napahawak ang dalawa sa kanilang tuhod habang humihingal.

"Hindi nyo alam ang pinagdaanan ko bago ako makarating sa hospital na ito." Halos kapusin sa paghinga si Aldus.

"Gago ka, hindi ko akalain na makakarating pa ako. Pinipigilan ako ng Despacito makarating dito. Hindi ko alam kung bakit." Kumunot ang noo ko, nakatingin na silang dalawa sa akin.

"Amoy ipot ka Troy" sita ni Aldus sa akin.

"Anong isinigaw ni Doll?" tulalang tanong ko.

"Lalabas na ang kambal" sagot ni Aldus. Sabay sabay kaming natigilan ng ilang segundo.

"Tang ina! Si Nero!" para kaming mga sira ulo sa bilis nang paglalakad hanggang sa makarating kami sa pinaghihintayan ni Nero at LG.

Natagpuan namin si LG na nakaupo habang habol ang tingin niya kay Nero na palakad lakad sa dalawang direksyon.

"Nero!" unang tawag ko. Hindi niya kami pinapansin, umiling na rin sa amin si LG.

"Nero!" tawag ni Owen.

"Fvck! Huwag nyo akong kausapin! Umiikot ang paningin ko! Gutom lang ako! Gutom lang ako!"


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro