Chapter 50
Chapter 50
Nero Sebastian Ferell
Alam ko na nagkamali ako, hindi ko siya pinagkatiwalaan, pinaiyak ko siya, nagalit siya ng sobra dahil sa akin at isinumpa niya ako. Baka galit na rin ang kambal sa akin dahil galit ang mommy nila sa akin.
Sinabi ni LG na kung ano ang nararamdaman ng buntis, nararamdaman din ng bata sa loob nito. Galit na ang mga mag ina ko sa akin. Damn it. I deserve all of that for being an asshole, kaya nandito ako sa bahay. Mag isa, tulala, gutom, kulang sa tulog pero hindi ako amoy panlaba.
Regular kong pinapatuka ang mga kalapati dahil ito na lang ang kasama ko sa bahay sa loob ng isang linggo. Minsan ay dinadamayan ako ni Aldus, pero sa huli nagsusumbatan kaming dalawa kaya nauuwi lang kami sa away.
Nakahiga ako sa kama nang marinig kong may nag doorbell, hindi ko sana ito papansin at hahayaan ko na lang umalis ito nang hindi ko pinagbubuksan pero masyadong makulit ang nasa labas. Iritado akong bumangon at walang habas kong binuksan ang pinto.
Sumalubong sa akin si Owen na may hawak na ukulele. Agad itong kumanta ng theme song ng sa probinsyano. Mabilis ko siyang pinagsarhan ng pinto. Gago!
"Nero! Buksan mo ito! Pinapunta ako dito ni LG! Baka daw mag suicide ka na naman!" lalong uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Bakit pilit nilang pinagdidildilan na nagtangka akong mag suicide ako?!
"Umuwi ka na sa inyo Owen! Tutulog ako! Huwag ka nang abala!"
"Nero! Buksan mo ito! ako ang malilintikan ni LG kapag may kalokohan ka na namang ginawa!" hindi ko siya pinansin ng kalahating oras pero masyado ako pa rin ang natalo dahil hindi talaga umalis ang gago sa labas.
Padabog kong binuksan ang pintuan.
"Anong gagawin mo dito Owen?!"
"Sasamahan lang kita, abala si Troy kaya ako na lang." Umismid lang ako sa kanya at hinayaan ko na siya sa gusto niya.
Sa huli nag inom na lang kaming magpinsan.
"Paano mo ba sinusuyo? Nakakahiya na kayo ni Aldus, sinasabi ko sa inyong dalawa. Dala nyo ang apelyido natin, ayaw na sa inyo ng mga babae." Tumungga ako ng alak.
"Nagtatampo lang sa akin si Florence, babalik din siya sa bahay."
"Kailan pa? Kapag nakapanganak na siya? Dapat ikaw Nero ang unang sisigawan niya ng 'Manganganak na ako!' Masarap daw sa pakiramdam 'yon." Napalingon ako kay Owen.
Ano ba ang pinagsasabi ng isang ito?
"What about you? Hindi mo pa niyayang magpakasal si Nicola? Kasal na kaming dalawa ni Aldus, magpapahuli ka pa ba?" tanong ko sa kanya.
"Ayaw pa ni Nicola, nagkakalabuan pa nga kami. Tapos kasal agad?" muling tumungga si Owen ng alak.
Tanghaling tapat, nag iinom kaming magpinsan. Alright!
"Ang tagal na ng away nyo. Hindi pa ba ayos 'yan? Mahirap kapag pinatagal ang away Owen, tingnan mo ako ngayon? Gutom, puyat at mag isa." Narinig ko siyang tumawa.
"Kawawa ka naman, magbigti ka na Nero." Lumakas ang pagtawa ni Owen at nagsimula na naman siyang mag ukulele. Kanina lang gusto niyang tumigil dito para pigilan akong magpakamatay ngayon naman, gusto niya na akong magbigti.
"Ikaw na lang ang magbigti Owen, ako nga may kambal na. Gawa ka na ng isa." Uminom na ulit ako ng alak.
"Huwag na, baka yumaman lang si Troy."
"I heard my name.." sabay kaming lumingon ni Owen sa bagong dating na si Troy. Ang pula ng pisngi niya.
"Bagong sampal" sabay na sabi namin ni Owen. Hindi ito sumagot sa amin ni Owen, sa halip ay tumabi ito sa gitna namin at inagawan kami ni Owen ng bote ng alak at ininom niya ang mga ito.
"Anong nangyari?" tanong ko.
"Nasampal" tipid na sagot nito.
"Bakit? Ilang taon na ba kayo ni Laura? Hindi ka pa rin makahalik?" sabay kaming tumawa ni Owen sa itinanong nito kay Troy.
"Gago ka ba Owen?! Gago ka?" galit na sabi ni Troy bago uminom ulit ng alak.
"Anong ginagawa nyo ang aga ng alak nyong dalawa." Sabi ni Troy habang umiinom din naman.
"Sinabi ni LG na dito muna daw ako, kilala mo naman si Nero. Suicidal lagi.." tumango si Troy na parang naiindihan niya.
Paano ko ba sila mapapaniwala na hindi talaga ako magpapakalunod noon?
"Hindi pa rin umuuwi si Doll? Hindi ba at malapit na ang due date niya?" tumango ako kay Troy.
"Dapat gumawa ka na ng paraan, huwag kang papayag Nero na hindi siya sisigaw sa'yo ng 'Manganganak na ako!'" umawang ang bibig ko sa sinabi ni Troy.
"Anong meron dyan? Sinabi rin 'yan sa akin ni Owen kanina."
"Wala siyang alam tungkol dito?" tanong ni Troy kay Owen. Hindi ko na naiintindihan ang pinag uusapan namin.
"Hindi niya alam" matabang na sabi ni Owen.
"Mga gago kayo hindi ko nga alam." Lasing na yata ako, hindi ko na sila makita nang maayos dalawa.
"Nero, sabi ni LG sa bawat henerasyon daw ng mga Ferell may lumalabas na himatayin. Sa panahon daw ng mga daddy natin, ang daddy ni Tristan ang laging hinihimatay sa tuwing manganganak si Tita Trinity." Ngumiwi ako sa sinabi ni Troy.
"Ako? Ako? Ako sinasabihan mo nang hihimatayin? Nagkakalokohan na tayong tatlo dito." Naiiling na sabi ko.
"Ikaw rin Nero, dapat maniwala ka minsan sa sinasabi ni LG. Hindi sa lahat ng pagkakaon, inuuto tayo ng matanda. Dapat isigaw ni Doll na 'Nero! Manganganak na ako!' pangontra daw 'yon." Paliwanag sa akin ni Troy. Lasing na ang mga pinsan ko, ganito talaga ang nangyayari sa aming magpipinsan kapag umiinom ng sama sama. Nagkakalokohan na kami.
"Huwag kayong magpapaniwala sa mga ganyan, tingnan nyo akong dalawa. Ako? Ako? Si Nero Sebastian Ferell? Hihimatayin? Never."
"Kung sabagay, mga gago lang naman at mahina ang loob ang hihimatayin kapag nanganganak ang asawa. Sa halip na sumuporta, nagpabigat pa. Malaki ang tiwala namin sa'yo Nero, alam kong hindi mo kami ipapahiya sa hospital." Sabay tinapik tapik ni Owen at Troy ang balikat ko.
Tinabig ko ang mga kamay nila sa balikat ko.
"Bakit ko naman kayo ipapahiya sa hospital?! Mga gago kayo." Tumawa lang ang mga pinsan ko sa sinabi ko.
Magkasunod na araw na sinuyo ko si Florence pero magaling siyang magpatigas, tinulungan na rin kami ni Owen pero muntik pa kaming ipahabol sa aso.
Akala ko ba ay paborito ni Florence ang Pacito pacito, pero nagalit siya nang ito ang ipakanta ko kay Owen. Ang sunod na araw ay nagdala ako ng mga rambutan at lansones, lumambing pero hindi ko pa rin siya naiuwi.
Sumunod na araw naman mas ginalingan ko na ang paglalambing sa kanya, alam kong kaunti na lang bibigay na siya at hindi na ako nagsisi ng araw na ito. Pumayag na siyang umuwi kasama ko.
Pababa na kami ng kotse nang biglang magsalita si Florence.
"Nero, huwag kang hihimatayin sa panganganak ko. Okay? May lahi pala kayong himatayin kapag nanganganak ang asawa." Ngumiwi ako sa sinabi niya, bakit umabot din ang pamahiing ito kay Florence?
"Kwentong barbero lang 'yan Florence. Look at me? Look at me baby, ang mukhang ito ba ay hihimatayin sa panganganak ng misis ko? I'll be the proudest husband and father. Gising na gising ako sa panganganak mo Florence.." inalalayan ko na siya sa paglalakad. Ilang beses kong hinalikan ang ulo niya habang naglalakad kami papasok ng bahay.
Ang laki laki na ng tiyan ni Florence, minsan naisip ko na baka hindi lang dalawa ang laman nito. Mas mabisa ang paggapang kaysa sa pagsisid.
Nang makapasok kami tuwang tuwa siya nang makita niya na marami na akong pinamiling gamit ng baby namin, nakatanggap ako ng ilang halik sa kanya na nagpangiti sa akin. I missed that, I missed her. I missed everything about my wife.
Habang natutuwa siyang hawakan ang mga pinamili ko, hindi ko na napigilang yakapin siya mula sa kanyang likuran.
"I'm sorry for everything, pangako sa'yo na ako maniniwala sa lahat ng bagay. I'm sorry for not trusting my wife. I'm sorry Florence." Hinawakan niya ang pisngi ko habang nakayakap pa rin ako sa kanya.
"It's all fine, ayoko na rin magtanim ng galit sa Daddy ng mga babies ko. Baka sumama ang loob nila sa'yo kapag lumabas na sila. So don't worry, hindi na galit si mommy." Ilang beses ko siyang hinalikan sa kanyang pisngi.
"I love you Florence.."
"I love you too Nero.."
Dahil hindi na masyadong makagalaw si Florence, nag oorder na lang kami ng mga pagkain sa mga sumunod na araw. Ayoko na rin na masyado siyang napapagod dahil ilang araw na lang ay manganganak na siya.
"Nero, nauuhaw ako. I need water.."
"Alright, baba lang ako. Mineral water baby?" pang aasar ko sa kanya.
"Saka na Nero, kapag nakapanganak na ako mag mimineral water tayong dalawa." Tumawa ako sa sinabi niya.
Nagmadali akong kumuha ng tubig sa kusina at nang pabalik na ako sa kwarto natigilan na lang ako nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Florence. Shit!
"Nero!" nabitawan ko na ang mineral water at nagmadali na akong tumakbo sa kwarto. Nanlamig ako nang makitang may tubig na sa binti ni Florence. Ramdam ko na biglang umikot ang paningin ko at agad akong napahawak sa hamba ng pintuan at pinilig ko ang ulo ko.
"Lalabas na ang kambal Nero!"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro