Chapter 5
Chapter 5
Nakaabang na ako sa labas ng mansion dahil pauwi na galing sa eskwelahan ang aking mga gwapo at matatalinong apo. Kanino pa nga ba sila magmamana? Syempre hindi na itinatanong pa. Sa nag iisang dakilang Don Garpidio Ferell.
Malayo pa lang ang kanilang school bus ay kapwa nakasungaw na ang kanilang mga ulo sa akin habang kumakaway. Unang bumaba ng bus si Tristan at nagmamadaling tumakbo sa akin.
"Lolo! I got three stars" ipinakita niya sa akin ang likod ng kamay niya na may tatak ng stars.
"Ang galing gaaling mo naman ng apo ko!" ginulo ko ang buhok ni Tristan.
"Sige na, pumasok ka na sa loob, nakahanda na ang meryenda mo" sumunod siya sa sinabi ko. Sumunod na lumapit sa akin si Aldus at Nero na nagpapakita din ng stars sa kanilang mga kamay.
"We got two" tuwang tuwang sabi ng dalawa kong apo.
"Good job! Nasaan si Troy at Owen?" bakit hindi pa bumaba ang dalawang 'yon sa school bus. Muli kong tiningan ang bus nila, bakit ang tagal ng dalawang 'yon?
"Because Owen only got one star, he's shy" bulong sa akin ni Aldus.
"Sige na, ako na ang susundo sa mga pinsan nyo. Samahan nyo na si Tristan, kumakain na siya"
"Yes lolo!" masiglang sagot sa akin ng dalawa. Nagsimula na akong maglakad sa school bus.
"Don Ferell, ayaw pong bumaba ng isa nyong apo. Hinihila na siya ng pinsan niya.." tumango lang ako sa driver ng school bus at sinimulan ko nang pumasok sa sasakyan. Inilinga ko ang aking paningin para makita ang aking mga apo.
"Come on Owen, let's go. Lolo, won't get mad" pilit hinihila ni Troy si Owen na mukhang sinusumpong.
"Troy, bumaba ka na. I'll talk to Owen" parang nagulat si Troy nang makita ako dahil nanlalaki niyang mga mata. Sa halip na bumaba ng bus ay nanatili ito sa tabi at pinanuod na lang ang gagawin ko.
"Hey Owen apo, let's go home" bahagya kong tinapik ang braso niya pero nanatili itong hindi kumikibo.
"Owen" dahil madami pang bata na ihahatid ang school bus nila ay pilit ko nang binuhat si Owen para makababa na kaming maglolo. Nakakapit lang sa laylayan ng aking damit si Troy habang buhat ko si Owen papasok sa mansion.
"What happened Troy? Inaway nyo bang apat si Owen?" tanong ko kay Troy na mahigpit na umiling sa akin.
Nagdiretso kami sa kusina at nagtagpuan kong masaya nang kumakain ang tatlo. Naupo na rin si Troy at sinimulan nang kumain.
"Owen kumain ka na" nakatungo lang ang aking kawawang apo habang pilit itinatago ang kanyang kamay. Napabuntong hininga na lang ako.
"Owen, Lolo's not mad. Even if it is one star, Lolo is happy for you. My Owen, accomplished something" bahagya pa akong pumalakpak sa sinabi ko maging si Aldus, Nero at Tristan ay nakipalakpak din para maulukan ang kanilang pinsan.
"See? They are all happy for you.." bahagya nang itinaas ni Owen ang kanyang ulo. Mukhang gumagana na ang mga sinasabi ko.
"Look at this.." umalis ako sa aking pagkakaupo at lumapit ako sa tabi ni Troy. Kinuha ko ang kamay nito at ipinakita ko sa kanya.
"Do you think lolo will believe on this? Troy bakit umabot na sa braso mo ang mga star na ito?" hindi lang tatlong star ang nasa kamay ng matalino kong apo, higit sa sampu yata kaya umabot na ang star sa kanyang braso.
"Lolo, kinuha ni Troy 'yong stars ni teacher! Siya ang nagtatak sa hands niya" sumbong sa akin ni Aldus.
"See? Kahit mga bata pa lang kayo nakikita ko na sa inyo ang mapamaraan at manloloko sa akin sa hinaharap" sa halip na magmukhang maguilty si Troy sa nalaman ko ay tatawa tawa lamang siya sa akin.
Bumalik na ako sa tabi ni Owen para kumain na rin.
"Eat well mga apo. I'll cut your fingernails after, mahahaba na ang kuko niyo" sa sinabi kong ito halos sabay sabay nagasumot ang kanilang mga mukha. Dahil ito ang pinaka ayaw nilang ginagawa ko.
"Lolo will cut my fingers again. It hurts, it hurts.." halos maiyak iyak na sabi ni Troy.
"Kuko ang ginugupit ko Troy. Not your fingers" napansin ko na binagalan ng mga apo ko ang kanilang pagkain. Sige bagalan niyo lang, dahil mamaya gupit lahat ng mga kukong 'yan.
Natapos na silang kumain at pinagbihis ko na rin sila ng kanilang mga damit na pareho ng mga disenyo at kulay lamang ang pinagkaiba. Kasalukuyan na kaming nasa sala at nagtutulakan na sila kung sino ang puputulan ko ng kuko. Kapwa sila malapit nang mag iyakan na parang may masama akong gagawin sa kanila.
"Sino muna ang uunahin ko?" sa tanong kong ito ay sabay sabay na silang umiyak.
"Nahahabag na naman ako sa inyo mga apo. Inaapi ba kayo ng lolo nyo?" natatawang tanong ko nang kapwa lumalabas na ang kanilang mga luha. Baka akalain ng kapit bahay child abuse na ang nangyayari sa amin dito. Wala nga pala kaming kapitbahay.
"Si Troy muna, siya naman ang pinakamadaming stars" ikinalong ko na si Troy sa kandulangan ko habang panay ang pag iyak niya. Unang kagat pa lamang ng nailcutter ay agad niyang hinila ang kanyang kamay.
"Ouch lolo. Ouch.." maarteng sabi ni Troy na nakapagpangiwi sa akin. Ito talaga ang pinakamahirap gawin sa aking mga apo, bakit parang may phobia sila sa nailcutter?
"Troy, magagalit si lolo. Give me your hand" tulo ang luha niya habang inaaabot ang kanyang kamay. Muli kong sinimulan ang paggupit sa kanyang kuko, ilang beses niya pa itong hinila sa akin pero mahigpit ko na itong hinawakan.
"Ouch..lolo hates me. Ouch.." reklamo ng reklamo sa akin si Troy sa bawat kagat ng nailcutter.
"Troy, lolo will not hate you. I just want you to be a clean boy, girls won't like you if you're dirty" natahimik siya sa pag iyak sa sinabi ko. Napansin ko na lamang na kagat niya ang kanyang labi para pigilan ang kanyang pag iyak. Hanggang sa matapos ko na ang kanyang dalawang kamay tanging pagkagat na lang sa kanyang mga labi ang kanyang nagawa.
Sumunod si Tristan na tahimik ko lamang pinutulan. Pero hindi lumampas ang paghikbi nito at ilang pag singot na parang sinipon na dahil lamang sa putulan ng kukong ito.
Pagkatapos ni Tristan ay sumunod naman si Owen na nakapikit ang mata na kulang na lang ay hindi huminga hanggang sa matapos ko ang kanyang mga kuko. Si Aldus naman ay katulad din ni Troy na reklamo ng reklamo.
"Lolo! It's bleeding..it's bleeding.." takot na takot na sabi ni Aldus. Nang tingnan ko naman ay wala man lang akong nakikitang dugo dito.
"It's not bleeding Aldus" tamad na sagot ko habang panay ang pagputol ko sa kuko niya. Halos mapiga na ang damit ko sa dami ng kanyang iniluha. Awang awa na ako. Ilang taon ko pa kaya ito gagawin?
Ang huli kong pinutulan ng kuko ay si Nero na hindi na nga nagsasalita, namumutla at tulalang tulala na.
"Nero.." tinapik ko ang braso ng aking apo na mukhang napakalakas ng nerbiyos sa katawan. Pinili ko na lamang buhayin ang telebisyon para mawala ang atensyon niya sa ginugupit kong kuko.
Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan nang matapos ko na ang huling daliri ni Nero. Napapunas na lang ako sa aking pawis. Kulang ang isang oras para sa mamahaling kuko ng aking mga apo.
Muli ko silang sinulyapang lima. Lahat ay mapupula ang kanilang mga mata habang tahimik na nanunuod ng tv, hindi ko maiwasang hindi maawa sa kanila kahit wala naman akong ginawang masama.
Kung tatanungin ako, ayaw na ayaw kong makikitang lumuluha ang limang ito sa kahit ano pang dahilan. They are my boys, silang lima ang muling bumuhay sa kabuuan ng aking mansion. Masasabi kong ang taong ito ang pinakamagandang taon na dumaan sa akin, dahil hindi lang ako muling binigyan ng pagkakataong makapag alaga ng isang maliit na bata kundi binigyan pa ako ng lima.
Hindi minsang sumagi sa isipan ko na gusto ko nang sumunod sa aking asawa nang mga panahong nag iisa ako sa mansion. Dahil wala na rin akong maaaring gawin, kuntento na ako sa aking mga tagumpay, mga nakamit ng aking mga anak at kapwa nasa magagandang sitwasyon na sila ngayon.
Ano nga ba ang magagawa ng kayamanan ko kung ang babaeng pinaglaanan ko nito ay wala na? May sarili nang mga kayamanan ang aking mga anak at alam kong hindi na nila kailangan pa ng yaman ko. Ano pa ang silbi ng isang matandang kagaya ko? Papaano kung magkasakit ako? Ayokong dumating sa puntong kailangan pa ng aking mga anak na magpasahan ng responsibilidad para lamang alagaan ko.
I'm happy dying in my sleep.
Pero nang sandaling dumating ang limang ito sa aking mansion, nagbago ang pananaw ko. Hindi pa ako maaaring mamamatay at kailangan ko pang mabuhay ng napakahabang panahon dahil may napakahalagang bagay akong dapat gampanan sa aking munting mga apo.
Habang lahat sila ay nakaupo sa carpet at nanunuod ng tv ay nagsimula muna akong mahiga sa couch. Masyado akong napagod sa kumpanya kanina, hindi ko rin maintindihan kung bakit kanina pang mainit ang pakiramdam ko.
Hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako, nagising na lamang ako nang may maramdaman akong malamig sa aking mukha. Nang imulat ko ang aking mata ay nakadungaw sa akin ang mukha ng aking mga apo habang may kung ano silang idinidiin sa aking noo.
"You're sick lolo" napahawak na lang ako sa matigas na bagay na nasa aking noo. Literal na yelo na binalutan lang nila ng superman na panyo dahil nagsisimula na itong matunaw maging ang buhok ko ay basang basa na rin. Pati mukha ko ay puno na rin ng natunaw na yelo. Lulunurin ba ako ng mga apo kong ito?
Napansin ko sa hindi kalayuan na hirap na hirap maglakad si Troy habang may hawak na tasa na umuusok. Agad akong napabangon dahil sa takot na sumaboy ito sa aking katawan. Naiintindihan ko naman ang gustong gawin ng mga apo kong ito, gusto nila akong alagaan pero iba nga lang ang kinalalabasan.
Lalo lamang akong nilamig sa yelong isinaboy nila sa aking mukha. At kung hindi ko pa napansin ang umuusok na hawak ni Troy posibleng matapon pa ito sa akin.
"Ipatong mo na lang Troy sa table" sinimulan ko nang maghubad dahil pati damit ko ay inabot na basa.
"Get a blanket. Dito na si lolo tutulog" nagmadaling umakyat sa taas si Nero para ikuha ako ng kumot. Napansin ko na umalis din si Aldus at kumuha ng kung ano sa kanyang bag.
Nanatili sa tabi ko si Owen at Tristan. Nagawa pa akong haplosin ni Tristan na parang awang awa sa akin. Apo, awang awa na rin ako sa sarili ko.
Nakarating si Nero at inabutan ako ng kumot. Nakita ko pa siyang ilang beses nadapa dahil hindi niya ito madala ng maayos. Mabuti at hindi siya nahulog sa hagdanan. Pilit na akong inihiga ng lima na sinunod ko naman dahil naliliyo na rin ako, agad tumabi sa akin si Aldus at nagbukas ng story book.
"I'll read a story for you lolo" panimula ni Aldus. Ngumiti na lamang ako.
"Long ago..and far a—away high in mid- moun—" napangiwi ako sa pagbabasa ni Aldus. Paputol putol ang pagbabasa niya.
"What is your grade in reading Aldus?" tanong ko sa kanya. Kamot ulong ngumisi sa akin ang gwapo kong apo.
"I will!" nagvolunteer si Tristan kaya umalis sa tabi ko si Aldus at ibinigay niya kay Tristan ang story book.
"Long ago and far away, high in the middle of mountaintop--" nagpalakpakan kami dahil sa galing ni Tristan sa pagbabasa.
Nakinig lang kami ng nakinig hanggang sa nauna nang makatulog sa amin ang story teller. Bagsak na si Tristan sa aking tabi at himbing na himbing na sa kanyang pagkakatulog.
Nakapatong na rin sa akin si Troy na natutulog na rin. Si Aldus at Owen ay nagsisimula na rin makatulog sa aking paanan. Habang si Nero ay nakaupo sa sahig at nakasubsob na rin sa couch na aming hinihigaan.
"Why lola is not around to take care of you lolo?" inosenteng tanong sa akin ni Nero. Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya.
"What is your ideal princess lolo?" nagulat ako nang biglang mumulat si Troy pero agad muli itong humilig sa aking dibdib.
"Mahaba ang buhay Troy. Mahaba ang buhay..that's my ideal princess" sagot ko sa kanya habang hinahaplos ang kanyang buhok.
"I will choose a princess that will not leave me lolo.." bahagya akong napangisi sa sinabi ni Nero na tuluyan na rin nakatulog. Napakabata niyo pa sa bagay na ito. Umangat ang aking mga kamay para haplosin si Nero, saan nakuha ng batang ito ang sinabi niya?
"Don't worry mga apo. I just realized my worth right now. I will look for your princess at sisiguraduhin kong hindi nila kayo iiwan. Mamahalin nila kayo nang higit pa sa pagmamahal ko sa inyo. At sa sandaling mangyari 'yon, pwede na siguro akong magpahinga.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro