Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49

Chapter 49


Natapos na ang napakalaking gulo sa pagitan ng pamilya namin ni Nero. Hinintay lamang ng mga Ferell na lumamig ang ulo ng mga kamag anak ko sa parte ng Villacorta bago ang mga ito lumapit at humingi ng patawad sa lahat ng nangyari.

Dahil hindi naman sa isang simpleng paghingi ng tawad ay mawawala na ang lahat ng masasamang nangyari sa nakaraan, mga salitang binitawan at mga kaharasan nangako ang mga Ferell na handa silang maghintay para maging bukas muli ang aking pamilya para magkaroon muli ng magaang ugnayan ang dalawang pamilya.

Umamin na rin si Amira ng buong katotohan at hanggang ngayon ay humihingi siya ng tawad kay Daddy, sinabi niya na rin na siya ang may kasalanan kung bakit kami nagkagulong tatlo ni Sapphire. Ikinuwento nitong lahat ng mga ginawa nila ni Mama para itago si Daddy sa sarili nitong pamilya. Nang mga oras na 'yon halos sabay kaming sumugod ni Sapphire sa kanya para magtulungan siya, saktan at parusahan pero masyado na kaming napagod sa mga nagdaang araw at ang tanging nagawa na lang naming magkapatid ay tumitig sa kanya habang nagmamakaawa at humihingi ng tawad kay Dad.

Nang makumpiram ng buong pamilya ko sa Villacorta na totong itinago ni Mama at Amira si Daddy, hindi man lang ang mga ito naapektuhan o nabahala. Wala nang pakialam ang mga Villacorta kay Daddy simula nang mamamatay si Mommy at nasisiguro kong mahihirapan na itong maayos pa.

Everyone blamed Dad for my mother's death, kahit ako ay siya ang sinisi ko noon.

Si Daddy, si Sapphire, si lolo at ako na lamang ang maaaring magkaroon ng interes maghabla kay Mama. Gusto ko man at ni Sapphire ng hustisya para sa nasayang at nawalang anim na taon dahil lamang sa matinding inggit ay hindi na namin itinuloy pa, gusto na naming matapos ang gulo. Kinausap na namin si lolo at Daddy na huwag nang ihabla o sampahan ng kaso ang Mama. Dahil sa huli ako at si Nero lang ang mahihirapan.

Ayaw ko rin dadating sa punto na hahanapin ng kambal ang kanilang lola, na nasa kulungan na pala at ipinakulong ng kanilang mommy. How complicated is that?

All we need is just a simple and sincere apology from her. At hanggang ngayon ay wala pa rin kaming natatanggap na kahit ano. Pinili namin ni Sapphire na dito pa rin sa mansion ni lolo tumigil, hindi pa rin ako sumama kay Nero dahil naalala ko pa rin na hindi siya naniwala sa akin habang ganito rin ang ginawa ng kapatid ko kay Aldus.

Hindi na naman kami galit sa kanila, kailangan lang nilang matuto at mabigyan ng leksyon.

"Are you sure about that Florence?" tanong sa akin ni Sapphire habang ipinagtatalop niya ako ng mansanas.

"Yes, sabihin na lang natin kay Dad na okay na tayo sa kanya. Hahayaan ba natin na magaya sa atin si Serenity at Klauss? Mahirap lumaki nang walang ina." Sagot ko sa kapatid ko.

"Having that kind of evil mother? Maaawa ka sa mga kapatid natin Florence. Tama lang na pinalayas siya ni Daddy. Magdusa siya, hindi ko pa nakakalimutan ang acting skills niya. Nag iinit pa rin ang ulo ko sa kanya at sa biyenan mo na mataas pa rin ang pride." Naiiling na sabi niya.

"Naisip ko lang naman, siguro magbabago na siya? Alam naman natin dalawa na talagang mahal niya si Dad, 'yon nga lang mali ang naging paraan niya." Napapikit ako nang biglang bitawan ni Sapphire ang kutsilyong hawak niya.

"Florence, what's wrong with you? Yes, I know. She's damn in love with our father, nakadalawa na nga sila at siguradong masusundan pa kung hindi nagkaalaman. Pero dapat hindi mo nakakalimutan ang ginawa niya sa'yo, sa akin. Baka ulitin na naman niya kapag binigyan natin siya ng pagkakataon na pa parang walang nangyari. I'm sorry sister, I can't be with you right now. Hindi ko kakausapin si Dad na tanggapin ulit ang Amira na 'yon para sa mga kapatid natin. Once is enough, kaya din naman natin mahalin si Klauss at Serenity. Malakas pa si lolo at sa pagkakataong ito baka tumino na si Daddy at bigyang pansin na niya ang mga anak niya. At tsaka hindi naman natin ipagkakait kay Amira ang mga bata, siya pa rin ang ina. Hindi ko na lang talaga siya kaya pang tanggapin Florence. We're sisters but I don't have that kind of heart of yours. Once an enemy always an enemy." Mahabang paliwanag sa akin ni Sapphire.

"Alright, I am just suggesting. Alam ko rin kasing nasasaktan si Daddy sa pagpapalayas niya kay Amira, mahal na mahal niya si Amira na naging bulag siya sa atin." Nagkibit balikat na lamang ang kapatid ko.

Nang matapos siyang magtalop ng mansanas at gayatin ito ay ibinigay niya na ito sa akin.

"So kailan ka babalik sa bahay nyo ni Nero?"

"Soon? Malapit na rin naman akong bumigay sa kanya." Tipid na sagot ko bago ako kumagat ng mansanas.

Tuwing gabi ay parang may mga manliligaw kaming magkapatid, laging nadalaw si Nero at Aldus sa amin na may dalang mga bulaklak, rambutan at lansones. Minsan ay isinama pa nila si Owen na may dala ng ukulele at kumanta ito ng Despacito.

I love Despacito, pero hindi 'yon kinakanta sa paghaharana. Mga shokoy silang magpipinsan.

"How about you?" tanong ko kay Sapphire. Hindi ko pa rin nabubuksan ang usapan tungkol sa narinig kong kasal na silang dalawa. Papaanong ikinasal?

"Dito pa rin muna ako, kapag kasi sa condo ko ako tumigil napapasok ako ni Aldus. Sa dalawang magkaibang paraan, sa pinto at sa---" sinadya niyang bitinin at nagsimula siyang tumawa.

"Ilang linggo na sigurong tigang ang gagong 'yon." Napangiwi ako sa naririnig ko sa kanya.

"Hindi ka pa rin ba magsasalita Sapphire tungkol sa kasal ni Aldus?" nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"Wh—at? Saan mo nakuha ang balitang 'yan? We're not married, that was fake." Malakas na sabi niya.

"Sinabi ng kapatid ni Tristan, wala ka nang sinabi niya ito sa amin lahat. Sinamahan mo si lolo sa kwarto niya." Pansin ko na namutla si Sapphire.

"Bakit mo itinago sa akin Sapphire?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko itinago sa'yo Florence, that was fake, that was from the past. Hindi ko sineryoso 'yon kaya hindi ko na rin sinabi sa'yo. Bakit ba laging pinagdidildilan ng Aldus na 'yan na kasal na kami?" iritadong sabi nito.

"Why? Bakit ayaw mo pa magpakasal sa kanya Sapphire? Kita ko naman na mahal na mahal nyo ang isa't isa. Masayang maglakad papunta sa altar Sapphire, lalo na kapag alam mong nasa dulo ang lalaking mahal mo. Huwag mong hayaang mabuntis ka muna at mawalan ng mamanahin si Aldus, nahirapan kami ni Nero ilusot ang mamanahin niya. Malaki rin 'yon, pang gatas sa bata." Pagbibiro ko sa kanya.

"Ayoko pang ikasal Florence, hindi pa ako handa. Isa pa, magiging sukob nga ang kasal natin. I don't like that." Nagtawanan na lamang kaming magkapatid.

Isa na lang ang alam kong natitirang problema namin, kung may koneksyon pa rin si Mama kay Cassidy sa mga bago nitong kaibigan. We're done with Amira, but how about the other pawns?

Napansin ni Sapphire na bahagya akong natahimik.

"Florence?"

"I am still bothered about Cassidy and her newly found friends. Isa pa paano natin malalaman na talagang tigil na si Mama? Damn it. We're done with our family conflict but we still have other issues."

"Isa pa rin ito sa mga problema ko. Atleast alam na natin kung bakit sobrang laki ng galit sa'yo ng biyenan mo, insecurities at its finest. Wala talagang gamot sa sakit na 'yon."

"Nagpadala si Tita Sheena ng mga pictures ni Mommy noong dalaga pa siya, tama ang sabi nila laging magkalaban si Mommy at Mama sa mga pageants, debates at marami pang iba. They are born competitors. Nakita ko rin na may ilang pictures na magkasama si Mommy at Daddy Eneru, their teenage years." Tumango tango si Sapphire sa sinabi ko.

"Their lovelife was so complicated, dinala pa nila hanggang sa kanilang mga anak." Natatawang sabi ni Sapphire.

"I tried to ask Tita about the whole story, sinabi niyang si mommy at Daddy Eneru ay magkababata. Sinubukan manligaw ni Daddy Eneru kay Mommy pero may ibang itong gusto. My mom had an intense crush with Dad. Pero naguguluhan pa rin ako, bakit si Samuel ang naging boyfriend ni Mommy kung kilala niya na pa lang matagal si Dad? Tapos sinabi ni Samuel dati nang pinakilala niya si Mommy kay Dad at lolo, saka lamang nagkagulo gulo. Nalilito ako sa love story nila." Ako naman ang natawa habang iniisip ko ang buhol buhol nilang pag ibig.

"Pwedeng ginamit lang ni Tita Alyanna si Samuel para malapit kay Dad? A stepping stone, alam mo naman ang Daddy natin heathrob hanggang sa kasalukuyan." Tamad na sabi ni Sapphire na nagpaisip sa akin.

"So it wasn't Dad's fault? Kaya nagsiklab ang galit ni Samuel dahil ginamit lang siya ni mommy?" naalarma si Sapphire sa sinabi ko.

"I didn't mean to offend you Florence, wala akong ibig sabihin sa sinabi ko. Nag assume lang ako." Tipid akong ngumiti sa kanya.

"Don't worry, hindi ako na offend. It's just that, pwedeng totoo ang sinabi mo. So it was really their fault if Samuel did act like that. Niloko siya ng babaeng mahal niya at inagawan ng sariling kapatid. Pero hindi pa rin maganda na ibunton niya ang galit niya sa akin, it was not my fault. Gulo nilang matatanda 'yon."

"Sa pagpapalaki sa akin ni Samuel, ni minsan wala siyang nasabi sa akin tungkol sa buhay pag ibig niya kaya wala na akong ibang masabi. But what if Tita Nerissa is connected with Samuel, Florence?" umawang na ang bibig ko sa sinabi ng kapatid ko.

"Seriously? Hindi na naman siguro. Masyado mo namang pinagsasanib pwersa ang mga may galit sa akin. Ang layo na nila." Pabirong sabi ko.

"Malay natin? Alam natin dalawa na hindi pa rin tapos, ang dami pa nila at hindi pa sila titigil. Totoo na ito Florence, we'll definitely deal with them after your delivery. Sabay nating kakalbuhin ang mga babaeng 'yon."

"Yes.."

Kumain na rin ng mansanas si Sapphire, hindi nagtagal ay may lumapit na katulong sa amin

"Nandito na po ang mga manliligaw nyo." Sabay kaming ngumisi ni Sappire at tumayo na kami para salubungin ang dalawang Ferell. Sa wakas ay hindi na nila dala si Owen, nadala ito nang sabihin namin na minsan nang hinabol ng aso si Nero at Aldus. May phobia yata sa aso si Owen.

"Good evening ladies, mas maganda pa kayo sa gabi." Hindi na nagbago ang sinasabi nitong si Aldus. Gasgas na, hindi talaga marunong manligaw ang mga Ferell.

Nakatitig lang sa akin si Nero na parang kulang na siya sa tulog. Natatawa na ako sa kanya.

"Ikaw Aldus! Bakit pinagkakalat mo na kasal na tayo?!"

"Kasal na naman talaga tayo, hindi ba?"

"That was fake!"

"Tunay 'yon Sapphire!"

"Peke!"

"Tunay 'yon! Ano tatakbuhan mo na naman ako?" nagtatalong humiwalay sa amin si Aldus at Sapphire tungkol sa kanilang kasal. Buong akala ko ay maglalambingan silang dalawa.

"Florence, umuwi ka na sa bahay. Maawa ka na sa akin." Tinalikuran ko siya at nagpunta ako sa sala, alam kong nakasunod na siya sa akin.

Naupo ako at binuhay ko ang tv, naupo rin siya at tumabi sa akin.

"Florence, umuwi na tayo. Hindi na ako uulit, I'm sorry for not trusting you. Hindi na ako uulit, hindi na. Miss na miss ko na kayo ng kambal, nalulungkot na kami ng mga kalapati sa bahay." Marahan itong yumakap sa akin at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Hood, uwi na tayo. Mahal na mahal ko kayo ng kambal." Bulong niya sa akin. Halos mapaiktad ako nang bahagya niyang paglaruin ang tungki ng ilong niya sa pisngi ko dahilan para makiliti ako.

"Convince me.." pilit kong pinapalamig ang boses ko kahit kanina ko pang gustong humalik sa kanya. Narinig ko siyang mahinang tumawa sa sinabi ko.

Marahan niyang hinawakan ang tiyan ko at bumaba siya dito, kakausapin na naman niya ang kambal.

"Ang mommy niyo, gusto na namang magpaligaw kay Daddy."

"Kailan mo ako niligawan Nero? Sa pagkakatanda ko, itinubog mo lang ako sa tubig tapos gusto mo tayo na agad. Hindi mo ako niligawan, pinuwersa mo ako." Agad na sabi ko.

Umayos siya ng upo at tumitig siya sa akin habang nakangisi.

"Pahalik naman ako buntis." Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil agad hinawakan ni Nero ang magkabilang pisngi ko at siniil niya ako ng halik. Hindi na ako nanlaban sa kanya at nagpaubaya na ako. I missed him so much.

Nang tumigil siya sa paghalik sa akin ay nanatiling magkadikit ang aming mga noo. Pero napansin ko ang muli niyang pagngisi sa akin.

"This is so strange Florence..bakit lasang rambutan?"


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro