Chapter 44
Chapter 44
Umiiyak ako habang padabog akong naglalagay ng gamit sa aking maleta, si Nero naman ay walang tigil sa pagtatanggal nito. Sa pagkairita ko sa ginagawa niya ay sa kanya ko ibinato ang mga damit ko.
"Huwag mo akong pigilan! Hayaan mo na ako! Kung hindi ako buntis Nero, baka napagsasampal na kita! Lumayo ka sa akin, lumayo ka! Pinapakalma ko ang sarili ko! Hindi na ito para sa akin, para na ito sa kambal na nasa tiyan ko. Kung ayaw mo akong intindihin lalayo muna ako! Mahirap pakisamahan ang taong hindi ka kayang pagkatiwalaan." Pinagpatuloy ko ang pag iimpake, iritado kong pinunasan ang mga luha ko dahil wala itong tigil sa pagpatak.
Nakakagalit nang sobra si Nero, kung magsalita siya parang ang sama sama ko. Ang sama namin ni Sapphire, kung makapagsalita siya parang ang tingin niya sa akin wala akong pakialam sa mga bagong kapatid ko. I love Klauss, I love Serenity.
Damn! Nagpunta ako sa mansion dahil gusto kong makita ang mga kapatid ko. But everything turned out like this. Shit.
"Baby naman, pag usapan natin ito. Alright, sa'yo na ako naniniwala. Masama na si Tita Amira, tama ang ginawa nyo ng kapatid mo. Hinding hindi na kita pagsasabihan. Ako na ang mali, ganito naman tayo lagi. Hindi ba? Ako na, ako na ang mali. Tama ang lahat nang ginawa mo." Mas lalo akong naluha sa sinabi niya.
Parang sinabi niya na naniniwala siya sa akin, kahit hindi. Sinasabi niya na nasa panig niya ako pero ang totoong pinaniniwalaan niya ako pa rin ang masama, ako pa rin ang nagkamali.
Ano ba itong ipinararamdam sa akin ni Nero? Oo, inaamin ko maldita ko noon pa man, lalo na ngayong kasama ko ang kapatid ko. Pero kahit kailan alam namin kung saan ito dapat ilugar!
Anong gustong palabasin ni Nero? Na sa lahat ng pagkakataon ay ako ang mali? At patuloy niya lang akong pinagbibigyan? Na hindi na ako naging tama sa lahat at para wala na lang gulo ay umuoo na lang sa akin kahit ang buong paniniwala niya ay ako talaga ang mali?
"Why are you always this sarcastic Nero?! Bakit ayaw mong maniwala sa akin?!"
"Naniniwala na ako sa'yo Florence! Please baby, tama na ang pagtatalo natin. Nakakasama na ito sa kambal, kanina ka pang umiiyak. Naniniwala na ako sa'yo, hindi na ako magsasalita." Hindi ko makita kay Nero na totoong naniniwala siya sa akin. Sinasabi niya lang ito para matapos na.
Hindi ako papayag nang ganito, gusto kong maniwala siya sa akin. Hindi lang sa salita kundi sa mismong isipan niya. Gusto kong ipaglaban kung ano talaga ang tama, hindi ako ang masama dito. Hindi ako ang walang pakialam sa relasyon naming magkakapatid, hindi ako mababaw na tao na basta na lamang magtataas ng boses sa isang tao na walang dahilan.
At lalong hindi dala ng pagbubuntis ko ang nag uumapaw kong galit sa hayop na Amira na 'yon. Pati asawa ko nabilog ng mga pag arte at pag luha niya. Napakagaling niyang artista! Napaka galing!
"No, magtatalo lang tayo nang magtatalo Nero. Saka na tayo magsama kapag alam mo na ang mga sinasabi mo, kapag kaya mo nang paniwalaan ang sarili mong asawa." Pinagpatuloy ko ang pag iimpake.
"Fvck this! Florence, ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na naniniwala na ako sa'yo! Walang aalis, walang uuwi sa mansion. Dito ka lang, dito ka lang sa bahay." Matigas na sabi niya sa akin.
"Pipigilan mo ako? What will you do? Itatali mo ako? Sasaktan mo ako?!" sigaw ko sa kanya. Kung ano na ang lumalabas sa bibig ko dahil sa emosyon ko.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Florence? Look at you, ganyang ganyan ka kagabi sa step mother mo. You're being exaggerated! Bakit kita itatali? Bakit kita sasaktan?! God! Florence naman, itigil na natin ito. Alam mong ayaw kong nag aaway tayo. Baby, tama na. Walang aalis, dito ka lang." Gusto ko nang sumigaw nang napakalakas, gusto ko nang magsisigaw sa pinagsasabi ni Nero.
Naaawa ako sa kambal na nasa tiyan ko, masyado silang maapektuhan kung magtatagal pa ako dito sa bahay. Ang emosyon ko, hindi ko na makontrol habang kausap ang asawa kong masyado nang naniwala sa Amirang 'yon!
Hindi ko na alam kong ano pa ang sasabihin ko kay Nero. Masyado siyang naniniwala na dala ng pagbubuntis ko ang inaasta ko.
Paano ko ba sasabihin sa kanya na malaki ang parte ng kanyang ina sa nangyayari sa akin ngayon?! Fvck this situation.
"Hindi mo ako mapipigilan, uuwi ako sa mansion ni lolo. Matiwasay akong makakapagbuntis doon!" hindi patinag sa akin si Nero. Itinatapon niya ang mga damit na inilalagay ko sa maleta.
"Fine! Hindi ako magdadala ng maleta!" nagmadali na akong maglakad.
"Shit! Florence naman, ang tigas nang ulo mo!" kahit nagmamadali ako sa pagbaba sa hagdan. Siniguro kong nakahawak ako nang mabuti.
Wala sa listahan ko na malaglagan ng anak dahil sa walang hiyang Amira. Tuluyan na akong nakababa sa hagdan pero lalong nagpanting ang tenga ko sa pamilyar na boses na nanggaling mula sa kusina.
Nanlalaki ang mga mata kong lumingon kay Nero na nakababa na rin sa hagdan.
"At pinatulog mo pa sila dito?!" sigaw ko kay Nero.
"Florence, bumuhos ang malakas na ulan kagabi. May kasamang mga bata si Daddy at Tita Amira, sa tingin mo hahayaan ko pa silang umalis?" shit! Shit! Ayoko na sa bahay na ito!
"Nero! Sumusobra ka na! Sumusobra ka!" malakas na sabi ko. Wala na akong pakialam kung marinig ng mga bisita namin ang malakas na boses ko.
Ano ba talaga ang gusto nitong si Amira?! Is this her revenge because I kicked her out?!
Wala na akong pakialam kung anong isipin ni Nero sa gagawin ko, tutal naman masama na ako sa mata nilang dalawa ni Daddy. Sasagarin ko na.
Huminga ako ng malalim at nagsimula akong humakbang papunta sa kusina.
"Florence.." babala sa akin ni Nero.
"Kukuha ako ng gatas. Masama?" nakasunod lang sa akin si Nero pero alam kong natutunugan na niya ang gagawin ko.
Alam kong babantayan ni Nero ang ikikilos ko.
"Oh, good morning angel." Bati sa akin ng bulag kong ama. Hindi ako sumagot, tutal naman masama ang ugali ng buntis na kagaya ko.
"Good morning Florence." Si Amira naman ang nagsalita. Anong maganda sa umaga?
"Good morning Dad, Tita Amira." Si Nero ang sumagot para sa akin.
Binuksan ko ang ref at kinuha ko ang kahon ng gatas. Kumuha ako ng baso at ibinaba ko ito sa lamesa kung saan nandito rin ang masayang pamilya.
Buhat ni Amira si Klauss, bahagyang lumambot ang mukha ko nang makita ko ang kapatid ko. Abala naman sa pagkain si Serenity.
"Mommy, gusto ko pa ng hotdog." Pakinig kong sabi ni Serenity.
"Serenity baby, hindi ba sabi ni Nanay na huwag siyang tatawaging mommy? Nanay, hindi tayo mayaman anak." Utang na loob. Utang na loob.
"It's fine Amira, sanayin mo na rin si Serenity at Klauss. Mommy is not bad." Ngiting sabi ni Daddy.
Daddy minsan natatanong ko na lang, saan nagkulang si lolo sa pagpapalaki sa'yo? Damn it.
"Pero, hindi pa rin ako masanay Lorenzo." Ang galing!
"Masasanay ka rin, kumain ka muna. Give me my baby boy. Kayong dalawa saluhan nyo na kami, naghanda ng pagkain si Tita Amira nyo." Ngiting sabi ni Daddy.
Ngumiti si Amira at ibinigay niya ang kapatid ko kay Daddy. Gusto kong ibato sa mukha ni Amira ang basong hawak ko.
Gusto kong mag iiyak sa harap ni Daddy, gusto kong itanong sa kanya kung nangyari ba ito sa amin nang nabubuhay si mommy, kumakain ba kami nang sabay kahit minsan? May pagkakataon ba na ganito? Dahil ngayon, wala na akong maalala. Dapat kahit kaunti ay may magaganda akong alaala nang magkakasama pa kami, pero wala, wala. Lagi na lang sakit at paulit ulit niya itong dinadagdagan.
"Bakit hindi pa kayo maupo ni Nero? Lalamig pa ang pagkain, ipinagluto kita Florence ng paborito mo, nasabi sa akin ni Lorenzo." Ngiting sabi nito sa amin ni Nero. Oh damn her.
"Thanks Tita.." hahawakan na sana ako ni Nero para alalayan ako sa pag upo nang hindi ko na napigilan ang kamay ko.
Marahas kong isinaboy sa mukha ni Amira ang gatas na hawak ko. Eksaherada siyang napatayo, pero wala siyang binitawang salita sa halip na pinili niyang magmukhang kaawa awa. Fvck her!
"Florence!" malakas na sigaw ni Daddy at Nero. Kita ko ang pagtatangis ng bagang ni Daddy sa akin. At kung malapit lang siguro siya sa akin ay nagawa niya akong sampalin.
Narinig kong umiyak na si Klauss, habang humihikbi na si Serenity.
"Florence.." mariing hinawakan ni Nero ang balikat ko.
"Simula't sapol ganyan na ang ugali mo Florence! Hindi ka na nagbago! Hindi ko na alam kung paano pa tumatagal sa'yo 'yang si Sebastian! Sobra ka na anak sobra na ang pag uugali mo!" sigaw sa akin ni Daddy. Ito na yata ang pinakamasakit na salitang binitawan ng sarili kong ama sa akin, hindi lang simpleng pagkirot ang nararamdaman ko. Para na akong ilang beses hinihiwa at dinudurog.
Hindi siya magkaintindihan kung paano niya pupunasan si Amira habang may hawak siyang bata.
"You're being too much Lorenzo, buntis ang anak mo." Fvck you! fvck you!
"Hindi 'yon dahilan para umasta siya nang ganyan."
Tutal naman ito ang tingin nila sa akin, paninindigan ko na. Ako na ang masama, ako na ang may problema.
"Let's go Florence.." Malamig na sabi sa akin ni Nero. Tinabig ko ang mga kamay nito sa akin at ako mismo ang lumabas ng kusina.
Hindi niya man lang ako pinagtanggol sa sinabi ni Daddy, anong klaseng asawa siya?!
Lumabas ako ng bahay namin, ayoko nang magtagal sa bahay. Ayoko na!
Eksaktong paglabas ko ay nakarinig ako ng marahas na ingay ng gulo. I saw my sister's car, kasunod nito ang kotse ni Aldus. Lumabas si Sapphire na halatang mainit ang ulo. Ganun din si Aldus.
"Tang ina! Sapphire mag usap nga muna tayo!" natigil sila sa paglalakad nang makita nilang magkasunod din kami ni Nero. Agad kaming nagkaintindihan ng kapatid ko.
Bumalik siya sa kanyang kotse at nagmadali akong sumunod sa kanya.
"Florence, no!" Hindi ko pinakinggan si Nero at nagmadali akong sumakay sa kotse ng kapatid ko. Huli na nang abutan ako ni Nero, nakasarado na ang pintuan.
"Florence! Florence! Open the door!"
"Let's go Sapphire" pinaharurot na ng kapatid ko ang sasakyan.
"Sa lolo muna ako titigil, ayoko muna sa bahay. Iiyak lang ako nang iiyak kapag magkasama kami ni Nero. Ayokong maapektuhan ang pagbubuntis ko." Hindi na nagsalita ang kapatid ko.
Nang makarating kami sa mansion, agad kaming sinalubong ng mga katulong.
"Nandito si lolo?" tanong ni Sapphire.
"Opo, umiinom ng tsaa sa kanyang library." Tumango kami sa sinabi ng katulong.
"Huwag kayong magpapasok ng kahit sinong Ferell sa gate pa lamang, paki sabi sa ating mga security guards." Sabi ni Sapphire.
Nagdiretso kami sa library ni lolo at laking pagtataka nito nang makita niya na naman kaming dalawa.
"Ano na naman ang nangyari sa inyo?"
"Lolo, sumusobra na si Daddy at si Amira. Pinaniwala nila si Nero na ako ang mali, na kami ni Sapphire ang mali!" umiiyak akong nagsusumbong sa lolo ko.
Ganito din ang kwento ni Sapphire na pinagsabihan daw siya ni Aldus na sumusobra na daw ito sa pagiging maldita at wala na sa lugar. Magpinsan nga sila!
"Anong ginagawa ng mga Ferell na 'yon sa mga apo ko?" iritadong sabi ni lolo.
"Huwag kayong mag alala, hangga't bulag at bingi ang dalawang Ferell sa katotohan hinding hindi ko kayong dalawa ilalabas ng mansion. Kami ang kasama mo sa pagbubuntis Florence, dahil kaming dalawa ni Sapphire kilalang kilala namin ang totoong ikaw. Walang pwedeng magpaiyak sa magaganda kong apo." Sabay pinunasan ni lolo ang mga luha namin ni Sapphire.
"Hayop talaga ang Amira na 'yan." Galit na galit na sabi ng kapatid ko.
Nasa kalagitnaan kami ng pagsusumbong nang may dumating na katulong.
"Senyorita Sapphire, nagmamatigas po ang dalawang Ferell. Nakapasok po sila ng gate, pinuwersa ang ating mga security guards." Hindi na kami nagulat ni Sapphire.
"Talagang sinusubukan ako ng mga batang 'yan. I admired them, noon pa man nang mamanhikan sila sa atin. Pero ngayong mabilis silang mabilog? At pinagsabihan pa kayo sa mga inaasta niyo na nasa katwiran naman, hindi papayag ang lolo." Lumabas kami nang library at nakasunod lang kami kay lolo.
Hanggang ngayon ay matikas pa rin ang lakad ng lolo namin na parang wala lang ang edad, pareho sila ni LG na malakas pa rin. Nagpupumiglas si Nero at Aldus sa mga security guards.
Nasa harap sila nang mansion habang nasa puno kami ng hagdan, katulad ng mansion ng mga Ferell may hagdan din sa unahan ang mansion namin, mas higit na marami lamang itong baitang kaysa sa mga Ferell.
"Florence, let's go home."
"Sapphire, babe.."
"Kayong dalawang Ferell, umuwi na kayo. Hindi sasama ang mga apo ko sa inyo."
"Don Rogelio, nagkaroon lang po kami ng hindi pagkakaunawaan ni Florence. We'll fix this umuwi na tayo Florence. Sorry for everything." Naalala ko na naman ang ginawa niya sa akin, hindi niya man lang ako pinagtanggol.
"Sapphire, mag ayos na tayo."
"Mga Ferell, umuwi na kayo. Dito titigil ang dalawa kong apo, umuwi na kayo."
"Hindi ako aalis dito kung hindi ko kasama si Florence, Don Rogelio."
"Sapphire, kilala mo ako."
Nagsimula nang tumalikod sa kanila si lolo.
"Manang Beth, pakisabi kay Julio na pakawalan ang lahat ng mga aso. Florence, Sapphire pumasok na tayo sa loob."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro