Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

Chapter 40


Kahapon pa umalis ang mga Ferell papuntang Berlin, Germany. Ito ang kahilingan ni Tristan sa kanyang mga pinsan at kay LG bago nito tanggalin ang benda sa kanyang mga mata.

Hindi na kami nagtanong pa sa kanyang kung bakit ang bansang ito ang napili niya. Hindi man niya sabihin, alam namin na importante ang lugar na ito sa kanilang dalawa ni Lina. Pero ang isa sa ipinagtataka ko, bakit hanggang ngayon ay wala pa rin nalalamn tungkol dito ang pamilya ni Lina? o mas pinili na lamang nilang maging pribado? Kunsabagay, sensitibo ang trabaho ng mga magulang ni Lina. Kasama ang mga magulang ni Lina sa mga tinitingalang abogado sa Pilipinas, siguradong pilit uungkatin hindi lang ng media kundi pati ng mga kakompetensiya ng mga ito ang pagkawala ni Lina na sigurado akong iniiwasan nilang mangyari.

Hanggang ngayon, katulad ni Tristan ay hindi ko pa rin makayang tanggapin na bigla na lamang nawala nang parang bula ang kaibigan ko. Pilit ko man inaabala ang sarili ko na mag isip ng ibang bagay para huwag itong paulit ulit umikot sa sistema ko na hindi maganda sa pagbubuntis ko, hindi ko pa rin mapigilan.

I love her so much, at hinding hindi ko makakalimutan na naging matalik ko siyang kaibigan.

"Bakit kaya sa Berlin, Florence?" tanong sa akin ni Sapphire na abala sa pagbuklat ng isang fashion magazine.

Pinakiusapan ulit siya ni Nero na dito muna tumigil sa aming bahay ng apat na araw para samahan ako. Mawawala ang mga Ferell nang ilang araw para samahan si Tristan.

Kasalukuyan kaming nasa terrace ng kwarto namin ni Nero. Pinapaunood ko lamang ang ginagawa ni Sapphire.

"Maybe they had memories in Berlin, Sapphire." Sagot ko sa kapatid ko. Ibinaba niya ang magazine sa lamesa at tumitig siya sa akin.

"Minsan lang kami nagkausap ni Lina, we're not even close. Pero kahit ako apektado sa mga nangyayari, humahanga ako sa kanya. Mahal na mahal niya talaga si Tristan." Tumango ako sa sinabi ng kapatid ko.

"Why them? Why Tristan? Why Lina? Mababait naman silang mga tao, pinaglalaban nila ang tama. Pero bakit sila na lang lagi Sapphire?" nanghihinang tanong ko sa kapatid ko.

"Love is always unexpected Florence, I might do the same to Aldus. You know, kung maipit ako sa parehong sitwasyon. Mahal na mahal ko ang manyakis na 'yon." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"I don't like that idea Sapphire." Matabang na sagot ko.

"Let's end this topic, tama na Florence. Hindi na maganda sa'yo ang ma stress, your babies are affected. Speaking of Berlin, how about you and Nero? Any symbolic place? 'yong hindi nyo makakalimutan?" saglit akong napaisip sa sinabi ni Sapphire.

"Marami kami ni Nero." Tipid na sagot ko.

"Where?"

"Sa library, cabinet, washroom cubicle, bath tub, seashore at sampayan?" ngumiwi si Sapphire sa sinabi ko.

"Not like that Florence, mahaba ang listahan namin ni Aldus kung ganyan din naman pala." Naiiling na sabi nito. Natawa akong saglit sa sinabi nito.

"Kami kasi ni Nero ang tipo na hindi mahilig gumala na magkasama. Naging kami noong college at isang beses lang kami nag date, 'yon ang araw na magpapaalam ako sa kanya. Ngayong mag asawa na kami, lagi lang naman kaming nasa bahay." Kibit balikat na sabi ko pero natigilan ako nang pumasok na sa isip ko ang lugar na masasabi kong pinakamahalaga sa amin ni Nero.

"Meron pala Sapphire, their mansion. The best place." Ngiting sagot ko.

"I'll agree with that, maganda ang mansion ng mga Ferell. Kakaiba ang disenyo pero dalawang beses pa lang yata ako nakakarating sa mansion nila."

"Oh, minsan pumunta tayo nang sabay. We're always welcome there, isa pa sadyang sa limang Ferell lang ang mansion na 'yon kaya hindi na tayo laging kakabahan na biglang magdatingan mga kamag anak nilang ayaw sa atin dalawa." Sabay kaming natawa ni Sapphire.

"Atleast we had another sister goals. Goals for talentless Ferells and goals for our evil mother in laws." Kumindat pa sa akin ang kapatid ko.

"May mga bagay talaga sigurong hindi na mababago, we tried to understand them. We tried to fix this problem, but they keep insisting that we're not belong, that we didn't deserve their sons. Mahirap talaga kapag sarado ang isipan ng tao."

"Hindi ko na rin hihintayin magbukas. Ayaw ko na Florence, sawa na ako sa mundong ipinagsisiksikan ang sarili ko sa mga taong hindi naman ako gusto. Kung ayaw nila sa akin, wala na akong pakialam. I have you, Aldus, si lolo at si daddy. Hindi na ako maghahanap pa ng sakit sa ulo." Biglang may pumasok sa isip ko nang marinig ko ang sinabi ng kapatid ko.

"Hindi ba at nanganak na ang asawa ni Daddy?" gusto ko sanang dumalaw pero masyado na akong maraming iniisip.

"Yes, nagdagdagan na naman tayo Florence. Akalain mo 'yon? Ang laki ng agwat natin sa mga kapatid natin." Simula nang ikasal ako, hindi ko na ulit nakakausap si Daddy. Masyado na siyang naging abala sa bago niyang pamliya. Hindi man lang niya nadalaw ang buntis niyang anak, mabuti pa ang mga pinsan ko at si lolo, hindi sila nakakalimot na dalawin at tawagan ako.

"Is it a she or he?"

"It's a boy, Florence. May lalaki na sa mga Almero." Lumawak ang ngiti ko sa sinabi ni Sapphire.

"Gusto kong dumalaw, ilang buwan na ang bata?" kasalanan ba na wala akong nalalaman sa bago kong kapatid?

"Our brother is now four months old, he's so cute. Mas malakas ang dugong Almero sa kanya. Not like our little sister na kamukhang kamukha ng kanyang ina." Kita ko ang pag ismid ni Sapphire dito.

"What's wrong Sapphire?"

"Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam, pero nagsisimula na akong mairita sa asawa ni daddy. Nang buhatin ko si Klauss, parang ayaw niya. Wala pa sigurong ilang minuto, kinuha na niya sa akin ang kapatid natin." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Sapphire.

"Hindi ba at mabait si Tita Amira?"

"I hope so, lumalabas na ang tunay na kulay. Nadulas sa akin si Serenity, at sinabi daw ng kanyang mommy na huwag daw makipag usap sa akin." Si Serenity ang batang babae na kapatid din namin.

"Sigurado ka ba Sapphire?"

"Hindi nagsisinungaling ang bata Florence, ano naman kaya ang gusto ng asawa ng daddy? Wala naman tayong ginagawang masama."

"Anong buong pangalan ni Klauss?"

"Klauss Gandalf Almero"

"Such a cutie, magiging kalaro pa siya ng kambal." Natutuwang sabi ko.

"Kung papayagan ni Amira, hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko kanya. Sabihin mo kay daddy Florence, tama na. Only daughter ka niya kay Tita Alyanna, only daughter niya ako kay mama, only daughter niya si Serenity kay Amira, then only son si Klauss. Baka sundan pa, my god sana tamaan na ng bird flu si daddy." Eksaheradang umirap si Sapphire.

"Sapphire!" nanlalaking matang sabi ko.

"What? Totoo naman, our father is a damn womanizer." Kapag naiisip ko ito, hindi ko pa rin maiwasang masaktan. Mahirap pa rin isipin na kaya niyang palitan si mommy.

"Yes. Anyway, napag usapan na rin naman natin ito. Pwede mo ba akong samahan bukas? Gusto kong dalawin si Klauss at Serenity, mga kapatid natin sila. Kailangan gumaan at mapalapit ang loob nila sa atin." Nagkibit balikat si Sapphire.

"Ito rin ang gusto ko pero si Amira ang problema natin. Seryoso ako sa sinabi ko sa'yo Florence."

"Siguro hindi lang maganda ang mood niya nang araw na 'yon? She looked sincere when she did apologize to us. Kita ko rin na mahal na mahal niya si daddy."

"Hindi ko na alam Florence, basta kapag hindi naging maganda ang pakikitungo niya sa'yo sa pagdalaw natin bukas hindi niya magugustuhan ang masasabi ko sa kanya." Ito na naman ang kapatid ko na laging handang makipag away sa akin.

"Hindi na naman siguro Sapphire."

"I hope so.."

Maghapon lang kaming nagkwentuhan ni Sapphire, gabi na nang tumawag sa akin si Nero.

"How are you? Kamusta si Tristan?" tanong ko kay Nero. Sinabi nito sa akin na nasa isang malaking yate sila titigil ng ilang araw.

"He's fine, natanggal na ang benda sa kanyang mata. Malinaw na siyang nakakakita, nakakausap na rin siya pero madalas tulala pa rin sa dagat."

"Oh, kumakain naman siya ng maayos? How about you? Kumain ka na ba Nero? Namimiss ka na namin ng kambal. Huwag kayong magpapagutom magpipinsan dyan."

"We're fine, how about you? Nasa bahay lang kayo ni Sapphire buong maghapon?"

"Yes, kwentuhan lang pero bukas dadalaw kami sa bahay. Nakapanganak na ang asawa ni daddy hindi na natin nadalaw kaya bukas ako babawi. It's a baby boy Nero, may kalaro na ang kambal." Nakapagpa ultrasound na rin ako at laking tuwa namin ni Nero nang malaman namin na kambal nga at parehong lalaki. Madadagdagan na naman ang lahi ng mga Ferell.

"Good to hear that, basta huwag na kayong magpapagabi at huwag magpapagod Florence. Sige na gabi na dyan, matulog ka na. I love you."

"How about the twins?" alam na ni Nero ang ibig sabihin ko. Itinapat ko sa tiyan ko ang telepono. Dahil nakaloud speaker, pakinig ko ang sinabi nito sa kambal.

"Be good boys, bantayan nyo muna si mommy. Daddy loves you.."

"I love you too, Nero. Ingat kayo dyan."

Kinabukasan, maaga pa lang ay nagpunta na kami sa mansion. At tagal ko na rin hindi tumatapak dito.

"Ang laki na ng tiyan mo senyorita. Pero nag uumapaw pa rin kayo sa kaganda" Salubong sa akin ng pinakamatagal na naming katulong.

"Salamat Nana Pasing," magpapatuloy pa sana ako sa paglalakad nang mapansin ko ang bagay na nawala sa sala ng bahay.

"What's wrong Florence?" tanong sa akin ni Sapphire. Agad akong lumingon kay Nana Pasing.

"Nana, nasaan po ang painting ni mommy?" hindi na painting ni mommy ang nakasabit sa may sala kundi family picture na ni daddy at nang bago niyang pamilya. Kumirot ang dibdib ko sa nakikita ko, bakit parang biglang nawala na agad ako? Kami ni Sapphire.

"Ipinatanggal na po ni Madam Amira."

"Wow, madam?" agad na sabi ni Sapphire.

Dapat ay sa ibang bahay na lang ni daddy pinatira ang bago niyang pamilya, hindi niya ba naiisip na nandito ang lahat ng mga alaala ng mommy ko? Itong mansion na ito ay nagawa para sa kanilang dalawa, gusto ko nang kausapin si daddy tungkol dito.

"Nasaan si Tita Amira? Nandito ba si daddy?" tanong ko.

"Nasa may garden si Madam, may bisita siya ngayon. Si Lorenzo naman hija, nasa kumpanya gabi na lagi siyang nakakauwi." Magsasalita pa sana ako nang marinig namin ang maliit na boses mula sa batang babae.

"Nana, gusto ko na pong kumain. Hindi po ako pinapansin ni Nanay.." agad tinakpan ni Serenity ang kanyang bibig na may nanlalaking mata.

"Mommy pala, magagalit siya sa akin kapag tinawag ko naman siya Nanay."

"Seriously?" pakinig kong bulong ni Sapphire.

"Hi Serenity! How are you?" nagsimula na akong lumapit sa kapatid ko na mukhang lalong nagulat nang makita kami ni Sapphire.

"See? I told you, baka kung ano nang sinabi sa kanya si Amira para ganyan ang maging reaksyon niya sa atin."

"Don't be afraid, come here Serenity. We're your big sisters." Hindi kami nito sinagot sa halip ay tumakbo na ito papalayo sa amin ni Sapphire.

"Kailangan natin makausap si Tita.." seryosong sabi ko. Nagsisimula na akong makaramdam ng hindi maganda, mapapalampas ko pa ang painting dahil naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Pero ang maaaring sinasabi niya sa kapatid namin para maging ganito ang reaksyon sa amin ni Sapphire, hindi ko na babalewalain ito.

"Nana, pupunta lang kami sa may garden." Tumango sa amin ang matanda.

Hindi pa man kami tuluyang nakakalabas ng kapatid ko ay narinig ko na ang tawanan ng dalawang babae pero mas nagulat ako nang mas naging pamilyar ang boses ng kausap ni Tita Amira. Pakinig ko biglaang pagmumura ni Sapphire nang mabosesan niya rin ito.

"It's a surprise, you're here Mama." Sarkastikong sabi ko sa Mama ni Nero, bakit siya nandito at kausap ang asawa ng daddy ko?

Bahagyang natigilan silang dalawa, pero agad nakabawi ang Mama ni Nero.

"Oh, you're here hija."

"Natural, bahay niya ito." Matabang na sagot ni Sapphire.

"See? Ganyan talaga sila Amira, kaya huwag mong hayaang dumikit sa dalawang 'yan ang mga anak mo. Hindi sila magandang impluwensiya, ayokong mapagaya sa kanila si Serenity na nagpabuntis na, hindi pa kasal."

"What the---" iniharang ko ang braso ko kay Sapphire.

"Out" seryosong sabi ko.

"Bisita ko siya Florence." Pagsabat ni Amira.

"I said out!" matigas na sabi ko sa mama ni Nero.

"Florence!" sinigawan ako ni Amira.

"Don't shout at me, this is my house. This is my mother's house. Wala kang karapatan."

"I'll call Lorenzo, sasabihin kong nanggugulo ka dito!"

"Ang kapal na mukha mo!" sigaw ni Sapphire.

"Pumili ka Amira, paaalisin mo ang bisita mo o ikaw ang paalisin ko. Huwag mo akong subukan, you haven't seen the sleeping bitch in me." Madiing sagot ko.

Tumayo na ang Mama ni Nero at nakataas ang kilay nito sa aming magkapatid.

"Hindi ko rin gustong magtagal, mauna na ako Amira. Ang paalala ko sa'yo, huwag mong kakalimutan." Hindi na ako muling nagsalita hanggang sa makaalis ang mama.

"Why are with her? Hindi mo ba kilala ang kinakausap mo?" agad na tanong ni Sapphire.

Sa halip na sumagot ito sa amin ay tumawag ito sa kanyang telepono. At nang marinig ko ang mga sinabi niya na may halong hinanakit at pekeng pag iyak, hindi lang ulo ko ang sumakit, ramdam ko rin ang biglaang pagsakit ng tiyan ko. I want to pull her hair.

"Umuwi ka muna dito Lorenzo, your daughters. Pinalalayas na nila kami nina Klauss at Serenity.."


--

VentreCanard


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro