Chapter 4
Chapter 4
Ngayon na ang araw ng pag alis ng mga apo ko. Hindi ko na napansin ang lumilipas na mga araw, parang noong isang araw ay kadadating lang nila. Ito ngayon at mapapahiwalay na naman ako sa aking mga nakakatuwang mga apo. Ilang araw, linggo at buwan ko na naman silang hindi makikita.
"Sige na, sumama na kayo sa mga mommy at daddy nyo. Baka mahuli pa kayo sa flight" kapwa napapailing ang aking mga anak sa hitsura naming maglololo.
Kasalukuyang mahigpit na nakayapos sa aking binti ang lima kong apo na ayaw humiwalay sa akin.
"No, I won't go back" hindi ko na mabilang kung ilang beses na itong sinabi ni Troy na talagang mas lalong humigpit ang pagyakap sa aking binti.
"Dito na din ako. I want lolo" kung gaano kahigpit ang kapit sa akin ni Troy ay ganito din ang kay Owen. Maging si Nero, Tristan at Aldus na kapwa mga pawisan na ay hindi magpahila sa kanilang mga magulang.
"Ano ba ang nangyayari sa mga batang 'yan papa? They're very fond of you. Ano ba ang ginawa nyo noong isang araw? Mukhang ipinagpalit na nila kami sa'yo" natatawang sabi ng anak kong si Gwen na siyang ina ni Troy.
"Come on baby, let's go. Naghihintay na si Daddy sa labas" lalong ibinaon ni Troy ang kanyang mukha sa aking binti.
"I don't want to leave lolo alone" napansin ko na kapwa nagtanguhan ang kanyang mga pinsan sa sinabi nito.
"Sige na mga anak, kuhanin nyo na ang mga batang ito. Mahuhuli pa kayo sa inyong mga biyahe" pilit ko nang pinagkakalas ang pagkakayakap sa akin ng aking mga apo. At dito na sila nagsimulang mag iyakan.
Halos mapanganga na lang ako, maging ang kanilang mga magulang.
"I can't count. There are more days..I can't see lolo anymore" pilit binilang ni Aldus ang kanyang sampung mga daliri na parang mabibilang niya ang isang taon.
"Lolo will be alone.." umiiyak na sabi ni Tristan habang buhat na ng kanyang ina.
"Nahahabag naman ako sa aking mga apo, tumutulo ang mga luha. Awang awa na si lolo sa inyo" kahit ang mga magulang nila ay natatawa na sa nangyayaring iyakang ito.
"Magpakabait kayo. Hihintayin kayo ulit ni lolo, mag aral kayo ng mabuti" isa isa kong pinahid ang luha ng aking mga apo. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga batang ito kapag ikinuwento ko na ito sa kanila kapag malalaki na sila?
"Mukhang mapapadalas na ang pag uwi namin dito Papa, masyadong nawili sa'yo ang mga batang ito" hinalikan ni Trinity ang kanyang anak na kasalukuyang nagpapahid ng kanyang luha.
"Aww, mamimiss mo ba si lolo Tristan?" pinisil pa nito ang ilong ng kanyang anak.
"Si Aldus din lolo. Kawawa naman" sabay hinalikan ng kambal si Aldus na mapula na ang ilong sa kaiiyak.
"Sige na, baka lalo pang mag iiyak ang mga batang 'yan. Bumiyahe na kayo" tinaboy ko na ang aking mga anak. Ayokong mahuhuli pa sila sa kanilang mga biyahe ng dahil sa akin.
Nagsimula na silang maglakad papalabas ng mansion na agad ko namang sinundan. Pinili kong tumayo sa harap ng gate habang pinapanuod na silang sumasakay sa kani kanilang sasakyan. Nang makasakay na silang lahat ay agad sumungaw ang mga ulo ng aking mga munting apo at nagsimulang kumaway sa akin habang nagsisimula nang umandar papalayo ang kanilang mga sasakyan.
"Bye lolo!!" kaway ng kaway sa akin si Troy.
"Lolo!" narinig kong sumigaw din si Nero mula sa kanilang sasakyan na pilit na kumakaway sa akin.
Maging si Owen, Tristan at Aldus ay kumakaway na rin sa akin sa kanilang dalawang kamay. Wala akong ibang ginawa kundi kumaway pabalik sa kanila hanggang sa tuluyan na silang makalayo at hindi na maabot ng aking mga mata.
Mukhang kailangan ko na namang tanggapin na bibilang na naman ako ng mga buwan para muling makitang magkaroon ng buhay ang aking napakalaking mansion.
Sinimulan ko na muling humakbang pabalik sa aking mansion. Marami pa akong gagawin at kailangan ko na itong simulan.
May ilang katulong sa mansion pero hindi ko sila pinapatigil dito. Hinayaan ko silang linisin at gumawa ng maraming gawaing bahay sa mansion sa araw pero sa pagpatak ng dilim ay hinahayaan ko na silang makauwi sa kanilang mga pamilya dahil hindi ko maiwasang hindi isipin na may mga anak din sila na kailangan ng kalinga ng isang magulang na siyang ayaw kong ipagkait sa kanila.
--
Kasalukuyan na akong nakaupo sa isang kapehan na siyang paborito naming puntahan ng aking matalik na kaibigan. At sa unang pagpasok pa lang niya ay agad kong napansin ang malungkot niyang aura. Matagal tagal na rin kaming hindi nakakapagkwentuhan ng kaibigan kong ito dahil masyado akong naging abala sa trabaho at sa mga pagpapabalik balik ko sa iba't ibang bansa.
"What happened to you Rogelio?" agad na tanong ko sa kanya nang makaupo siya. Mabilis niyang itinukod ang kanyang mga siko sa lamesa at napahilamos na lang siya sa kanyang sarili.
"My daughter in law died, naaawa ako sa aking apo Garpidio. Hindi na siya makausap ng maayos" natahimik ako ng ilang minuto sa sinabi ng kaibigan ko. Bakit wala akong nalalaman sa bagay na ito? Masyado na ba akong babad sa trabaho at pati pinagdadaanan ng matalik kong kaibigan ay hindi ko nalalaman?
"I don't understand Rogelio, what happened to your daughter in law? May sakit ba siya?" siya naman ngayon ang nangunot sa akin.
"You didn't hear the news Garp?" gusto kong murahin ang sarili ko dahil ko nalalaman ito.
"I'm so sorry. But no.." mahinang sagot ko.
"Sinugod ang opening ng shop ni Alyanna, dito siya napatay at natagpuang naliligo sa kanyang dugo ang aking apo. She's traumatize, my whole family is on shock. Hindi ko na alam ang aking gagawin Garp" napatulala na lang ako sa sinabi ni Rogelio. Kung hindi ako nagkakamali ay kasing edad lang ng aking apo ang kanyang apo. At hindi ko lubos maisip na sa murang edad nito ay makakasaksi siya ng karahasan.
"Tell me kung anong maitutulong ko. I'm so sorry Rogelio, hindi ko man lang ito nalaman kung hindi mo pa nasabi" umiling lang sa akin si Rogelio sa sinabi ko. Hindi ko na naiinitindihan ang mga nangyayari sa aking kapaligiran nang dahil sa trabaho. Nahihiya na ako sa aking kaibigan.
"I just need a friend to talk to Garp, hindi ko na alam ang gagawin ko" kahit ako ay ganito na rin ang magiging reaksyon kapag ang isa sa mga apo ko ay nakaranas ng katulad ng sa kanyang apo.
Hindi din nagtagal ang pag uusap namin ni Rogelio nang may tumawag sa kanya at nagmadali na siyang magpaalam sa akin.
"Roger, kahit anong mangyari humingi ka lang sa akin ng tulong. I'll definitely help you no matter what. At sa kahit anong paraan" madiing sabi ko. At sisiguraduhin kong tutulungan ko siya sa kahit anong oras na kailanganin niya.
"Tatandaan ko 'yan Garp" marahan lang akong ngumiti sa kaibigan ko. Hindi lang ilang beses akong nakatanggap ng tulong mula sa kanya at hindi ako magdadalawang isip na tulungan siya kapag siya naman ang nangailangan.
Dumating ang araw ng libing ni Alyanna Almero at napakaraming nakipagluksa. At nang makita ko ang batang babaeng tulala habang buhat ni Rogelio ay halos madurog ang puso ko. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang batang babae na nakita namin ng aking mga apo sa amusement park. Papaanong ang masigla at ubod ng gandang bata ay hinayaang makaranas ng ganito?
Nang matapos ang libing ay agad akong lumapit kay Rogelio na siyang may buhat sa batang babaeng na may napakalungkot na mga mata.
"Anong pangalan niya Rogelio?" bahagya akong ngumiti sa batang babae na hindi ko alam kong nakikita pa ako sa pagkatulala nito.
"Florence" sagot sa akin ng kaibigan ko.
"I want to go home lolo.." pakinig kong bulong ng batang babae. Bahagya kong hinaplos ang ibabaw ng ulo niya.
"Be strong Florence" hindi ako sinagot ng batang babae dahil humilig na lang ito sa balikat ni Rogelio.
"She's tired Garp, mauna na kami" tumango na lang ako bago sila tuluyan nang umalis. Hindi na rin ako nagtagal at bumalik na ako sa aking opisina na may napakabigat na dibdib.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi maisip ang mga apo ko. Kamusta na kaya sila? Magtatatlong buwan na nang muli ko silang makita. Agad kong binuksan ang laptop ko para makapagsimula na muli sa aking mga binabasang mga dokumentong pinasa ng aking sekretarya.
Nang mapansin ko na may tumatawag sa akin mula sa skype. Agad ko itong binuksan nang makitang ang anak kong si Yelly ang natawag.
"God! Buti nasagot mo papa. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa apo mo papa. He's always talking about you, halos araw araw na kaming kinukulit ng batang ito na umuwi. He's even calling you on his dreams!" napapangiti na lang ako sa ikinukwento ng aking anak.
"Who's that mommy? Is that lolo? Are we going back to Philippines?" agad kong nakita sa screen ang mukha ni Troy na pilit akong sinisilip at mabilis gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita ako.
"Lolo!" natutuwang bungad niya sa akin. Pero agad nangunot ang aking noo nang makita nagsismula nang umiyak si Troy habang kagat kagat ang labi.
"Yan, umiiyak ka na naman Troy" napatawa na lang ako nang may sabay na pumatak na luha sa mata ng aking kawawang apo.
"Ano po ba 'yan Don Ferell?" napansin ko na sinilip na nang aking sekretarya ang laptop na nagpapangiti sa akin.
"Napakagwapo naman ng batang 'yan. Is he crying?" natatawa na rin ang sekretarya ko. Lalo na nang makitang hinahawakan ni Troy ang screen na parang mahahawakan ako.
"Magandang lalaki 'yan. Mana sa lolo" natutuwang sabi ko.
"Nakakatuwa naman ang batang 'yan Don Ferell. Mukhang mahal na mahal ka, tumutulo pa ang luha" kahit ang sekretarya ko ay natatawa na sa apo kong lumuluha na parang inapi na.
"Sinabi mo pa Fiona, kung magpapatuloy si Troy na ganito papa mas mabuting dyan na namin siya patigilin ng mga ilang buwan. May balak na rin kasi kaming sundan siya ng kapatid" agad akong natuwa sa sinabi ng aking anak. Hindi ako tatanggi sa sinasabi niyang ito.
"Sa pagkakaalam ko papa ay ganito din ang mga problema ng mga kapatid ko. Hindi ba nasabi ni Beatrice na patitigilin na niya muna si Aldus sa inyo?" hindi ko pa nakakarating ang balitang ito sa akin.
"Not yet" maiksing sagot ko.
"Sige, siya na ang bahalang magsabi sa inyo. Baka sa kabilang linggo ay ihatid ko na diyan si Troy tutal naman ay tapos na ang school year niya dito, mas madali na siyang maiitransfer sa kahit anong school sa Pilipinas" nagpapalakpak naman si Troy sa sinabi ng kanyang ina.
Umuwi akong masaya sa balitang ibinigay sa akin ng aking anak. Masaya na akong makakasama si Troy sa loob ng ilang buwan pero hindi ko akalaing hindi lang siya ang titigil dito sa mansion na makakasama ko. I have my girl magnet, Aldus Raphael Ferell.
Lumipas ang ilang linggo ay nagsimula nang magdatingan ang aking mga apo. Nauna si Troy, na agad na sinundan ni Aldus.
Nasabi sa akin ni ng mga magulang ni Aldus na magiging abala sila sa kumpanya at hindi nila matututukan ng maayos ang aking apo, ayaw naman ng mga itong lumaki sa katulong ang kanilang anak kaya mas pinili nilang ipadala ito sa Pilipinas para alagain ko ito.
Pero agad akong nagtaka nang isang araw ay inuwi na rin ng mga anak ko si Tristan.
"He's very intelligent Dad at kung mananatili siya sa ibang bansa ay mas makikilala ang abilidad niya. He can't grow up like a normal boy at ayokong mangyari 'yon" seryosong sabi sa akin ni Trinity habang kalong ang kanyang anak na natutulog. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng aking anak.
"Just don't let him do unnecessary things Dad. Nang malaman kong dito muna titigil ang mga pinsan niya ay pinili kong isama siya dito. Ako na yata ang kaisa isang magulang na mas gustong maabala ang anak sa pag aaral. Hindi rin maganda na malulong at malunod si Tristan sa pag aaral, mabuting makisama siya sa mga pinsan niya. Just help him to balance everything dad. Ikaw na ang muna bahala sa kanya" kahit naguguluhan pa ako sa rason ni Trinity at nang kanyang asawa kung bakit nila inuwi si Tristan ay pinili ko na lamang pumayag.
Alam kong ayaw nilang lubos na ipaliwang kung bakit mas gugustuhin nilang manatili sa Pilipinas si Tristan kaya hindi ko na rin ipinagpilitang itanong at humingi ng paliwanag sa kanila.
"Sige, ako na ang bahala sa kanya" there is something with my Tristan.
--
"Troy, Tristan, Aldus! Nandito na ang school bus niyo" tawag ko sa kanila nang makarinig ako ng busina ng sasakyan agad naman silang nagsimulang magtakbuhan sa pinto habang sakbit ang kanilang mga bag.
At nang buksan ko na ang pinto ay agad akong nagtaka nang hindi school bus ang nakaparada sa harap ng aming mansion. At nang itungo ko ang aking paningin ay agad kong nakita si Owen at Nero na may maliliit na maletang hawak.
"Owen!"
"Nero!" pakinig kong tawag ng mga apo ko sa kanilang kadadating na mga pinsan.
"Why are you here?" kunot noong tanong ko sa dalawa na kapwa nakangisi sa akin. Sinong nagdala sa kanila dito?
Napansin kong lumabas na sa kanilang mga sasakyan ang aking mga anak.
"Sa inyo muna ng ilang buwan ang mga bata papa"
"Why? May problema ba?" tanong ko. Hindi naman sa ayaw ko pero bakit parang nagkataong sabay sabay silang lima?
Sabay na umiling sa akin ang aking mga anak. Magsasalita pa sana ako nang mapansin ko ang pagkukumpulan ng aking munting mga apo na parang may kung anong pinag uusapan.
"We won't leave lolo again. And from now on, we are six in this big big mansion"
Nanlambot ang puso ko sa sinabi ni Troy, lalo na nang pinagdikit dikit nilang lima ang kanilang mga noo na parang nangangako sila sa isa't isa. Pero akala ko ay hanggang dito na lang ako mapapahanga sa aking mga apo. Sabay sabay lang naman silang humarap sa aking lima na may nakangiting mga mata at sunod sunod na nagmano sa akin sa hindi ko maintindihang dahilan.
"Alagaan mo po kami lolo" sabay na sabi nilang lima. Napahawak na lang ako sa aking naninikip na dibdib.
Anong ginagawa ng mga apo kong ito? Manang mana sila sa'yo Amanda. Manang mana sa'yo ang ating mga apo. Napakabubuti nilang mga bata.
"I will, I will mga apo. Aalagaan ko kayo hanggang sa kahuli hulihan kong hininga"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro