Chapter 39
Chapter 39
The only thing worse is having an eyesight, but unable to see her beautiful image anymore.
Ito ang mga salitang paulit ulit na umiikot sa aking sistema simula nang sabihin ito sa akin ni Tristan. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit, gusto ko siyang aluin at sabihing nandito lang ako at ang mga pinsan.
Mukhang sa pagkakataong ito parang gusto ko nang sumang ayon sa sinabi ng lalaking kasamahan niya, kahit ako ay hindi na makayang makitang araw araw ay ganito ang sitwasyon ni Tristan.
Nasa bahay ako ngayon at sinabi ni Nero na magpahinga muna ako, kasama ko ngayon ang kapatid ko. Tulad ko ay alam niya rin ang sitwasyon ng magpipinsan. Gusto niya rin dumalaw pero hindi na pumayag ang ahensya ni Tristan na magdala pa ng mga sibilyan sa kanilang hospital.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko, gusto ko rin tumulong sa kanila. Si Aldus, ramdam ko ang lumbay niya, pakinig ko ang nanghihinang boses niya kapag naririnig kausap niya sa telepono ang isa sa mga pinsan niya Florence. Ramdam na ramdam ko ang bigat nang nararamdaman nilang magpipinsan." Nakagat ko na lamang ang pang ibabang labi ko.
Kahit si Nero ay laging balisa sa tuwing biglang tutunog ang telepono niya. Laging pangalan ni Tristan ang una niyang binabanggit sa tuwing sasagutin niya ito, kahit kapag natutulog siya pangalan ng pinsan niya ang tinatawag niya.
"Because they are sharing Tristan's pain, kita nila kung paano mahirapan si Tristan. At alam natin dalawa na dadalhin din ito ng apat na Ferell, pinalaki silang ganito ni LG. Hindi nila kayang iwan ang isa't isa lalo sa ganitong sitwasyon." Mahinang sabi ko.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa ni Sapphire, nagawa niya akong yakapin habang iniisip namin ang magpipinsan.
"Alam mo ba na nagkwento sa akin si Nero, nang mga panahong iniwan ko siya. Hinding hindi rin daw siya iniwan ng mga pinsan niya." Ipinatong ni Sapphire ang baba niya sa balikat ko.
"Ang hirap din sa atin Florence, alam mo 'yong nasanay tayo na lagi silang nakangiti, tumatawa, masaya, punong puno ng kalokohan. Pero kapag nakikita natin silang ganito, nakakapanghina Florence. Nakakapanghina.." tumango ako sa sinabi ng kapatid ko.
Lalo na siguro kapag nakita niya kung papaano umiyak sa harap namin si Tristan. Halos hindi ako makagalaw habang pinagmamasdan ko siya nang mga oras na 'yon. Gusto ko na lamang tumakbo at lumabas sa kwarto.
"Si Troy at Owen ang bantay ngayon, hindi ba?" tanong ko kay Sapphire. Tumango ako sa kanya.
Si Nero ay lumipad sa ibang bansa para sunduin si LG, nagpag usapan ng mga Ferell na mabuting huwag munang sabihin sa matanda ang sitwasyon ni Tristan. Pero alam nilang kilalang kilala sila nito kaya siguradong mag iisip ang matanda habang nasa biyahe na siyang iniiwasang nilang apat. Kaya nag presinta si Nero na siya na mismo ang susundo kay LG.
Siya mismo ang nakiusap sa kapatid ko na samahan muna ako sa bahay habang ilang araw siyang wala.
Habang tahimik kaming dalawa ng kapatid ko bigla na lamang bumalik ang sa mga alaala ko ang huling araw na magkasama kami ng isa sa matalik kong kaibigan.
Yes, we had a painful past together. But that won't change the fact that she's still my bestfriend. Nagkamali siya noon at tinanggap ko ito, lahat naman ng tao nagkakamali at maging ako ay may sarili din pagkakamali.
Mga ilang linggo pa lang kami ni Nero sa bago naming bahay nang biglang dumalaw nang hindi inaasahan si Lina.
"Saan naman kayo pupunta? You're leaving me alone? Mag isa lang ako dito Florence, iiwan mo ko." Madramang sabi ni Nero habang yakap ako mula sa aking likuran.
"Nero, aalis papuntang ibang bansa si Lina. Sinabi niya sa akin na matagal na bago siya ulit bumalik dito sa Pilipinas. I want to spend time with her for the last time, nakalimutan mo na ba na siya ang nagdala sa akin sa resthouse?" humahalik na sa aking leeg si Nero na parang may magagawa siya para pigilan ako. Para namang ilang buwan akong mawawala, buong maghapon lang.
"Hindi ko nakakalimutan 'yon Florence. And I am thankful for that, pero huwag mo akong iwan mag isa dito sa bahay Florence. Mag isa lang ako dito, anong gagawin ko?" napairap na ako sa sinabi niya.
"Nero, pumunta ka muna sa mansion nyo. Maghapon lang akong mawawala, ilang taon na rin ang lumipas nang huli kaming nagkasama ni Lina. That was during our college days, sobrang tagal na Nero. Pagbigyan mo na ako, maghapon lang naman akong mawawala." Nawala ang higpit ng yakap niya sa akin.
"Alright, just message me if anything happens."
"Thank you Nero.." Agad akong humarap dito at humalik ako sa kanyang mga labi.
Pababa na kami ni Nero nang hagdan nang makita namin si Lina na tumayo na rin sa sofa nang makita kami.
"All done? Naglambingan pa yata kayo."
"Always" agad na sabi ni Nero.
"Hihiramin ko muna si Florence, Nero. Afterall, mas una niya akong minahal kaysa sa'yo." Pinagtaasan niya pa ng kilay si Nero na ngumiwi lamang sa kanya.
"Let's go Florence." Humalik muna ako sa pisngi ni Nero bago ako lumapit kay Lina.
"What about you and Tristan? Kailan kayo magpapakasal dalawa? Kapag malapit na rin mawalan ng mana?" Pang aasar ni Nero dito.
"Oh, hindi butas ang condom ni Tristan. Hindi siya mawawalan ng mamanahin Nero." Sabay na kaming natawa ni Lina at iniwan namin si Nero na kunot ang noo.
Sumakay kami ng sasakyan ni Lina na tumatawa.
"Hindi pa rin siya nagbabago Florence, he's still that hot headed guy during college."
"Yes, hindi na 'yon mawawala kay Nero." Naiiling na sabi ko.
Sinabi ni Lina na pupunta daw kami sa Blue Rose Farm na siyang sikat sa isang probinsya. Dahil hindi na naman magandang sa mall, mag shopping, manuod ng sine pumili na lamang si Lina ng lugar na maraming magagandang tanawin. Dalawang oras ang aming biyahe hanggang sa makarating kami dito.
"Florence wait, wear this.." Napapikit ako nang may isuot sa akin si Lina. It's a tan adventure hat. Katulad ko ay nagsuot din ito sa kanyang ulo.
"Goals" ngumisi siya sa akin at lumabas na siya ng sasakyan.
Nagsimula na kaming pumasok dito. Hindi ko maiwasang hindi mapahanga sa linis at ganda ng lugar. Ang daming naglalakihang puno at iba't ibang pananim.
"This place is simple, yet there's something strange and intriguing feels in this farm. You know, there's an artificial lake in here."
"Oh great.."
Nagsimula kaming mamasyal ni Lina, simula sa mga iba't ibang uri ng halaman, magagandang uri ng hayop, maging ang maliliit na gusali na may iba't ibang konsepto.
Nagtatawanan kaming dalawa na parang bata habang nag uunahan kaming makalabas sa maze na siyang kilala sa farm na ito. It was a small maze, yet it's too tricky.
"Manlilibre ang mahuhuli sa atin Florence. Well, sa atin dalawa ikaw lagi ang nanlilibre."
"That won't happen again."
"Uhuh?" mas binilisan ko ang paglalakad ko sa loob ng maze, kita kong nagmamadali na rin siya.
"Oh shit! Dead end again!" muli akong nagtawa sa kanya.
"Mukhang mauuna na ako Lina, I can see the exit." Natutuwang sabi ko habang sinisilip kung nasaan na siya.
"Hindi ko alam na magaling ka pala sa maze Florence. Or maybe you're just lucky?" ngumisi ako sa sinabi niya.
Nakalabas na ako sa maze at dalawang minuto na siguro pero hindi pa rin nakakalabas si Lina.
"Come on Lina, just come out. Kanina pa ako dito." Nakatanaw na ako sa artipisyal na lawa na sinasabi ni Lina. May dala kaming pagkain para sa mga gansang inaalagaan dito.
"Atlast!" lumingon ako kay Lina na pawisan na.
"It was easy Lina, saan ka ba dumaan?" natatawang tanong ko sa kanya.
"Sa daan na inakala kong tama. But I was wrong.." kibit balikat na sabi nito. Inabot ko sa kanya ang pagkain ng gansa at nagsimula siyang maghagis dito.
"You know there is something in that maze Florence, kaya kita niyaya dito. Hindi ko alam kung totoo pero ano ba ang masama kung minsang maniwala sa mga ganito? They said that once you entered in that maze with your dearest friend together, your journey inside the maze will turn out to be your journey together in the outside world." Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kilabot sa sinabi ni Lina, bahagyang nagtindigan ang balahibo ko sa sinabi niya.
"Really? Oh, sorry for leaving you behind Lina.." Kung sinabi niya lang ito sa umpisa pa lamang, mas gugustuhin kong sumabay na lamang sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang maisip ang pinuntahan namin ng mga Ferell sa Batulao, may kwento din ito katulad ng lugar na ito.
How I love symbolic and meaningful places.
"No, you have a very wrong interpretation Florence." Mahinang sabi sa akin ni Lina habang patuloy siya sa paghahagis ng pagkain ng mga gansa.
"Then, what else? I did left you behind. I'm sorry Lina, masyado akong nadala sa pag uunahan natin." Umiling si Lina sa sinabi ko.
"It was not like that Florence, you need to think deep. Ibig sabihin lang nito, mauuna ka nang matatapos sa akin. You'll meet your happy ending earlier than me, but still you're here at endline, waiting for me to witness my own happy ending. Thank you so much Florence for being a good friend, thank you so much for your endless kindness and forgiveness." Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya.
"What are you saying Lina? Pupunta ka lang naman sa ibang bansa. Bakit ganyan ka magpaalam sa akin?"
"I just want to, we were once sweet with one another. Hindi na ba pwede?" ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.
"Lina, what is wrong with you? You know I hate this kind of goodbyes. Don't worry, hinding hindi ako mawawala kapag kayo naman ni Tristan ang tatayo sa harap ng dambana."
"With my identity and all, I hope that I'll be given a chance to wear a very beautiful white dress."
Tumulo ang luha ko nang maalala ko ang mga salitang ito ni Lina, naiintindihan ko na ang mga salitang sinabi niya sa akin noon.
Nang araw na ito, mabigat ang loob kong natulog dahil sa mga alaala ng huling araw na nagkasama kaming dalawa.
Dalawang araw ang lumipas at dumating na si LG, dahil wala naman sa Pilipinas ang karamihan sa mga kamag anak ng mga Ferell, pinili na lamang nilang sa mansion muna itigil si Tristan habang hindi pa rin natatanggal ang benda nito sa kanyang mata. Matagal nang sinabi ng doktor na maaari na itong alisin pero mahigpit na tumutol si Tristan dahil gusto nitong tanggalin niya ito sa isang lugar. Hindi na nakipagtalo dito ang kanyang mga pinsan.
Ako ang kinakabahan habang hinihintay ang pagdating ni LG, ramdam ko rin ang tensyon ni Aldus, Owen at Troy. Alam nilang isa si LG sa lubos na maaapektuhan sa nangyari kay Tristan.
Hindi na naman katulad ng dati si Tristan, nakakausap na siya ng maayos. Kumakain na rin siya mag isa at hindi na sila nagtatalo ng kanyang mga pinsan. Hindi na rin niya tinatawag ang pangalan ni Lina. Kung hindi siya nakikinig ng music ay makikita na lang namin siyang natutulog.
Una at huling beses ko siyang nakitang umiyak nang hawakan niya ang aking tiyan at simula nang araw na 'yon ay hindi na muli siya nagsalita tungkol kay Lina.
His emotions right now are stable, na siyang nagpakalma sa tatlong Ferell na laging nakabantay sa kanya. Nang marinig namin ang yabag ni Nero at LG ay tumayo na ang tatlong Ferell.
Una kong nakita si LG na nabitawan ang bibit na bag nang tumama sa kanyang mga mata ang kanyang apo na tahimik na nakaupo sa sofa na benda sa kanyang mga mata. Tumayo na rin ako at hinayaan kong tumabi si LG sa kanyang apo.
"Apo, anong ginawa nila sa'yo?" hinawakan ni LG ang mga pisngi ni Tristan.
"LG.." halos bulong na lang ang marinig namin sa boses ni Tristan.
Buong akala ko ay hindi ko na muling makikita ang pagyugyog ng kanyang mga balikat. At ang muli niyang pagluha. But Tristan did breakdown because of LG's hug.
"Lolo..si Lina..si Lina..si Lina.." walang tigil sa paghaplos si LG sa likuran ng kanyang apo. Habang pilit itong inaalo.
"Minsan lang ako humiling sa'yo lolo, minsan lang ako humiling. Nagmamakaawa ako sa'yo lolo..nagmamakaawa ako. Ibalik mo sa akin si Lina lolo..ibalik mo sa akin si Lina..si lina lolo..si Lina..ibalik mo sa akin si Lina.."
Nang mga oras na 'yon hindi lang mga braso ni LG ang yumakap kay Tristan, isa isang lumapit ang apat na Ferell at walang salitang niyakap nilang sabay ang pinsan nilang lumuluha.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro