Chapter 37
Chapter 37
Buong akala ko ay magtutuloy tuloy na ang masasayang pangyayari sa aking buhay. Wala na akong hihilingin pa, masaya na kami ni Nero, wala nang mabigat na problema at maliit na pagtatalo na lamang sa araw araw ang nangyayari sa amin na siyang hindi maiiwasan, pero madalas pa rin ang lambingan.
I am already happy and satisfied. Nabuntis, muntik mawalan ng mana si Nero, nagpakasal at naglihi.
Paghihintay na lamang sa kambal ang inaabangan naming lahat. Ang paglabas sa mundo ng mga anghel na siyang bunga ng pagmamahalan namin ni Nero. I thought everything was all fine.
Pero mukhang nagkakamali ako ng inakala. Mabilis lumipas ang oras at apat na buwan na ang lumipas.
I am already six months pregnant, I thought everything will be laughers and joy, but I was wrong. Tears are always there, living with us, it is a loyal pain.
Kahit kailan ay hindi nito nilisan ang mga tao.
Ano nga ba ang aasahan ko? We can't live without pain, we can't live without tears, that's part of human life. Mahirap man tanggapin.
Kinakabahan na ako sa mga oras na ito habang pinagmamasdan ang lalaking pinakamamahal ko na balisa na sa kanyang pagmamaneho. If I could I just switch place with him, it's not good for him to drive.
Nero is a family oriented man, kapag may problema sa pamilya niya agad kong mapapansin ang epekto nito sa kanya. Hindi na ako bago dito dahil ganito na siya simula ng aking makilala. And I admired him for that.
Hind man lumaki si Nero sa tabi ng kanyang magulang, hindi pa rin nagkulang si LG sa pangangaral sa kanila. Sa katunayan nag uumapaw pa ito sa kanilang magpipinsan.
Dahil lumaki silang limang magkakasama, ang sakit ng isa ay dama ng apat. Sa ilang buwan kong paninirahan sa ilalim ng iisang bubong kasama silang lima, ilang beses na nilang napatunayan sa akin ang tatag ng kanilang samahan. At mas lalo pa nila itong napatunayan sa dami ng mga naranasan namin ni Nero na kasama at katulong ang mga pinsan niya bago kami humantong sa dambana ng simbahan.
His cousins are always there since the very beginning, it was their incomparable cousin bond. Ferell's bond with no ending. I love them for that.
Kasalukuyan kaming nasa biyahe ni Nero papunta sa isang hindi pamilyar na hospital. Kita ko ang pangangatal ng mga kamay niya sa manibela habang nagmamaneho, hinawakan ko ang kanyang braso para pakalmahin siya.
Minsan ko na itong nasaksihan noon at ilang beses kong pinagdasal na sana ay hindi na muling mangyari. But, what is this again? Bakit kailangang maranasan na naman namin ang sitwasyong ito?
And for all the people, why Tristan Matteo Ferell? Yes, it is the nature of his job but why him again and again?
Ilang beses kong hinaplos ang braso ni Nero.
"Calm down Nero, he will be fine. Alam kong makakayanan ito ni Tristan katulad ng dati." Kahit nagsisikip na rin ang dibdib ko pinilit ko ang sarili kong patatagin ang aking loob. Alam kong mas dobleng sakit ang nararamdaman niya kumpara sa akin.
Hindi ko maiwasang muling maalala ang nakaraan. Halos madurog ang puso ko nang masaksihan ko ang sabay sabay na paglapit ng mga Ferell sa kabaong noon ni Tristan. Alam kong takot na takot na hindi lamang si Nero, maging ang natitira nitong mga pinsan na muling maramdaman ang sakit na nangyari ng nakaraan.
Maging ako, hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko. Hindi makasagot sa akin si Nero. Diretso lamang siyang nakatingin sa daan at tahimik na nagmamaneho.
Masaya lamang kaming nagtatawanan ni Nero kanina nang may biglang tumawag, dito na namin natanggap ang isang napakasamang balita. Dahil ang magpipinsan lamang at si LG ang nakakaalam na buhay pa si Tristan, sila ang tinawagan ng ahensyang kinabibilangan ni Tristan para sabihin ang kalagayan nito.
Naging maiksi lamang ang pag uusap ni Nero sa telepono dahil nagmadali na kaming sumakay ng kotse. Walang ibang detalyeng sinabi si Nero, sinabi lang nito na nasa hospital si Tristan at hindi maganda ang lagay nito.
Halos lumipad ang sasakyan namin sa bilis nang pagmamaneho ni Nero.
"Nero, dahan dahan. Hindi lang tayong dalawa ang laman ng kotseng ito. Calm down please." Muli kong hinaplos ang braso niya.
"I'm sorry Florence.." ramdam ko na bumagal na ang takbo ng kotse. Hinawakan ng isang kamay niya ang kaliwang kamay ko at mariin niya itong hinalikan. Ang lamig ng kamay niya.
"Just calm down Nero, calm down." Ulit ko.
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa hospital, hindi na kami nag aksaya ng oras ni Nero dahil nagmadali na kaming pumasok dito habang makahawak ang kamay. Pansin ko na kaunti lamang ang pasyenteng nandito na siyang ipinagtaka ko, hindi rin kalakihan ang hospital.
Posibleng mga kagaya lamang ni Tristan ang nandito sa hospital na ito.
"Tristan Matteo Ferell, Cap Matteo, Cap Theo! Cap Ferell! Commader Ferell! Chief Theo or whatever you call him! Where is his room? Where is my cousin?" malakas na tanong ni Nero sa information desk.
"Nero.." saway ko dito.
"Room 188, left side po." Agad nang tumalikod si Nero habang mariing hawak ang kamay ko.
Ang bilis ng paglalakad niya at naiiwanan niya ako. Hindi ko na kayang sabayan ang paglalakad niya dahil mabigat na talaga ang tiyan ko.
"Nero, huwag tayong masyadong mabilis maglakad. Nahihirapan ako, I'm sorry, our babies are just too heavy." Mahinang sabi ko sa kanya.
"Oh shit, sorry Florence." Humarap siya sa akin at hinalikan ang aking noo.
Binagalan na niya ang kanyang paglalakad hanggang sa makarating na kami sa harap ng kwarto ni Tristan.
Nasa labas nito ay dalawang babaeng nakaitim na uniporme. Agad kong masasabi na kasamahan ito ni Tristan sa kanyang trabaho. Bahagyang kumunot ang noo ko nang unti unti ko nang maalala kung saan ko sila nakita. Kasama sila ni Tristan noon nang iligtas nila ako mula kay senator Falcon at Cassidy.
Enna and Hazelle, hindi ako pamilyar sa may pagkachinitong lalaki na kasama nila.
"Florence.." sumalubong sa akin si Enna. Sumulyap siya sa tiyan ko na malaki na at bahagya siyang ngumiti dito bago siya nagsalita.
"How was he?" tanong ni Nero dito.
Humakbang ang lalaki papalapit sa amin, huminga muna siya ng malalim bago siya sumagot.
"Let me handle this Enna, magpahinga na rin kayo ni Hazelle." Halatang halata na sa kanilang tatlo ang pagod. Kahit ang lalaking nasa harapan ko ay pansin na rin ang pangingitim ng ilalim ng kanyang mata.
He looks so weak and tired.
"Thank you Rashid, magpahinga ka na rin." Tumango lamang ito sa dalawang babae bago ito muling humarap sa amin.
Magsasalita na sana siya nang marinig namin ang malakas na boses ni Troy.
"Nero! How was he?" pawisan ito at humihingal na lumapit sa amin. Hindi pa nakakailang segundo ay sumunod ang patakbong si Owen na halata rin ang pag aalala sa kanyang mukha.
"You can all sit, especially her." Inilahad ng lalaki ang mahabang upuan na siyang pinanggalingan ni Hazelle at Enna kanina.
Inalalayan ako ni Nero sa upuan habang nanatili silang nakatayong magpipinsan na hindi mapakali.
"Why can't you just let us enter his room?" tanong ni Owen.
"Nasa loob pa si Dr. Vicente, he is still under observation because of his recent operation."
"Operation? Bakit ano na naman ang nangyari kay Tristan? Bakit lagi na lang ang gago? Wala na bang ibang sasalag ng bala sa ahensya nyo kundi ang pinsan ko? Fvck!" nasipa na ni Troy ang pader ng hospital.
"No, it was a different operation." Mahinang sagot ng lalaki.
"Anong uri ng operasyon?" narinig namin ang boses ni Aldus sa likuran.
Alam kong posibleng nandito na rin si LG kung nasa Pilipinas siya ngayon, dalawang linggo na siyang nasa Spain.
"Eye transplant." Halos kapusin ako ng hininga sa biglang sinabi niya.
Natahimik ang magpipinsan sa kanilang narinig. Bakit sa dami ng operasyon ay ito? Anong nangyari sa mga mata ni Tristan?
"Wha---t? What? What happened to his eyes? God!" napaupo na si Nero sa tabi ko.
"This can't be happening, bakit ang mga mata ng pinsan ko? Shit! What happened?" naguguluhang tanong ni Aldus.
"Kailan pa siya na operahan? Alam mo ba ang nangyari kung bakit mata niya ang naapektuhan? Fvck!" Ilang beses nang sumuntok si Owen sa pader ng hospital.
"Who's the donor?" seryosong tanong ni Troy.
"Hindi madaling makahanap ng mga mata sa maiksing panahon. Why I can't see Li---" hindi na natapos ni Troy ang sasabihin niya nang ilang beses umiling ang lalaki sa amin.
"Sorry, but Cap Theo is bearing her eyes."
"No! It couldn't be, no! Where is she?" hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Habang yakap ako ni Nero.
"No, hindi pwede Nero. He's lying, hindi ito pwedeng mangyari sa kanya. She just found her--"
Hindi kami hinayaang makapasok ng lalaking may pangalang Rashid hanggang sa masabi niya sa amin ang buong pangyayari. Wala nang ampat ang mga luha ko habang nakikinig sa kanya. Samantalang ang mga Ferell ay nanatiling mga tahimik at kapwa nagtatangis ang bagang.
"Ito ang mundo namin, walang katiyakan. Our life is always on gamble, putok lang ng baril ang nakakaalam ng haba ng buhay namin." Tipid siyang ngumiti sa akin.
"Ngayon kayo lubos na kailangan ni Cap, it was the love his life. His everything. Saksi ako ng pagmamahalan nila. Please be there to help him, I can't look at him right now. My almighty Cap was tough, strong and unbeatable. Hindi ko gustong makita siyang miserable." Tumango na ito sa amin at tatalikuran na sana niya kami nang magsalita ako.
"May kahinaan din si Tristan, you should accept him miserable or tough. Hindi perpekto ang kapitan niyo, why can't you understand him?" emosyonal na sabi ko.
"I can always understand him, Miss Florence. May babaeng minamahal din ako, at kung mangyari sa akin ang nangyari kay Cap, siguradong sa paggising ko barilin ko na ang sarili ko." Hindi na niya ako hinintay na sumagot dahil tumalikod na ito at iniwan kaming lahat.
"Ang tigas tigas ng ulo ni Tristan, ilang beses ko nang sinabi sa kanya na bitawan na niya ang trabaho niya at mabuhay siya ng normal." Iritadong sabi ni Aldus. Sabay umiling si Nero at Troy.
"Ito ang pinakahuli niyang gagawin Aldus, hindi tayong apat ang makakapag alis sa kanya sa trabahong ito." Mahinang sabi ni Nero.
Ilang minuto ang lumipas ay lumabas ang doktor at ipinaliwag niya sa amin ang sitwasyon ni Tristan, anumang oras ay pwede nang magising si Tristan.
Matapos naming makausap ang doktor, walang kahit sinong may ganang magsalita sa amin. Maraming katanungan, galit, lungkot, walang katapusang kirot sa dibdib at nag uumapaw na dalamhati.
Ilang oras kaming walang imikan hanggang sa magsalita si Nero at sinabing may sasabihin ito sa akin. Naglalakad kami nang makasalubong namin si Hazelle na may hawak na dalawang tasa ng kape.
"Excuse me, I know hindi tayo magkakilala pero pwede ba akong makiusap? You're Tristan's friend so I will trust you my wife. Maaari mo bang ihatid saglit si Florence sa bahay? I can pay for your gas tank, pakiusap." Hindi kami naghintay ng minuto dahil agad tumango si Hazelle sa sinabi ni Nero.
"I'll just get my car."
"Thank you" Tipid na sagot ni Nero. Humarap na ako sa kanya.
"Nero, maaga pa. Mamaya na lang ako uuwi."
"No, you can't stay here Florence. Hindi maganda sa buntis na magtagal sa hospital. You need to go home baby.." dahil malaki na ang tiyan ko ay sa likuran ko na siya yumayakap sa akin.
"Sorry, I can't sleep with you tonight Florence." Bulong niya sa akin.
"It's fine Nero.."
"Let me talk to our babies.." tumango ako sa sinabi ni Nero. Bahagya itong lumuhod sa akin para magtama ang mata niya sa aking tiyan.
"Daddy will not sleep with you tonight, so be good to your mommy. Okay? Daddy can't go home tonight because ninong Tristan needs me. Kailangan ako ng ninong nyo, hindi pwedeng iwan ni Daddy si ninong Tristan ngayon. Kayo muna ang magbabantay sa mommy, okay? " Nagtuluan ang luha ko sa sinabi ni Nero. Hinalikan niya ang aking tiyan.
Tumayo siya at hinalikan niya ako sa labi.
"Go home Florence, you need to rest. Sorry if I can't go with you baby, gusto kong magising si Tristan nandito kaming apat." Kagat labi akong tumango sa kanya.
"It's fine Nero." Pilit siyang ngumiti sa akin nang sunduin na ako ni Hazelle. Kumaway lang siya sa akin hanggang sa makita kong bumalik na siya kasama ang mga pinsan niya.
Nang gabing 'yon, walang Ferell na umalis sa harap ng pintuan ng kanilang natutulog na pinsan.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro