Chapter 36
Chapter 36
Tulad nang nangyari noong nakaraang araw mas naunang nagising sa akin si Nero. Ginawa na niya ang lahat ng gusto ko, simula sa pagpapatuka sa aming mga kalapati, panliligo ng sabon panlaba, pagpapatugtog ng despacito at pag display ng saranggola ni Tristan.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa ginawa niya. Nero is the best. Talagang pinaninindigan niya na ibibigay niya sa akin ang lahat habang nagbubuntis ko.
I am so lucky to have Nero Sebastian Ferell as my loving husband, the father of my twins.
Kasalukuyan siyang humihigop ng kape habang nakaupo sa kama at nakasandal sa headrest, tumigil siya sa paghigop ng kape nang mapansin niyang gising na ako at nakatitig sa kanya.
Damn, he's too handsome.
"Good morning mahal kong buntis." Ibinaba niya ang tasa ng kape sa side table at bahagya niyang hinawi ang buhok ko. Bahagya akong napapikit nang halikan niya ang aking noo.
"Good morning Nero.." mahinang sagot ko sa kanya. Magtatatlong buwan na akong buntis at habang tumatagal ay mas nabibigatan na ako sa aking sarili.
"How's your sleep?"
"You're so kind Nero, hindi mo naman ako iiwan. Hindi ba?" kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Bakit naman kita iiwanan? Get up, may inihanda ako sa'yo. Kung ano na naman ang sinasabi ng mabait na buntis." Tinulungan akong bumangon ni Nero at ilang beses niya ako ulit hinalikan.
"Pumapanget na ba ako Nero?" biglang tanong ko sa kanya.
"No way, sa lahat ng buntis na nakita ko. Ikaw ang pinakamaganda Florence, napakaganda." Ngumiti ako sa sinabi niya.
Tulad ng lagi naming ginagawa, kahit naligo na si Nero ay sumasabay ulit siyang maligo sa akin sa takot niya na baka madulas ako.
Sanay na rin kami na tumatagal ng mahigit isang oras sa panliligo dahil hindi mawawala ang tradisyunal na pagsisid.
Pababa na kami sa hagdanan nang marinig ko ang pamilyar na boses ng kapatid ko. Ilang linggo na rin simula nang hindi sila napadalaw dito, bakit parang hindi sinabi sa akin ni Sapphire na mapapadaan sila ngayon?
"Why are they here?" tanong ko kay Nero.
Ngumisi lang sa akin si Nero, na lalong nagpakunot sa aking noo.
"Gising na ang buntis." Masiglang sabi ni Nero.
Agad naagaw ang atensyon ni Sapphire at Aldus na mukhang abala sa paglalandian sa sofa. Unang sumungaw ang ulo ni Aldus at sumunod din si Sapphire na lumapad ang ngiti nang makita ako.
"Oh, good morning sister." Tumayo na mula sa sofa si Sapphire at mabilis lumapit sa akin, hinalikan niya ako sa aking pisngi.
Sumunod sa kanya si Aldus at napakalapad ang ngisi. Mas pinaganda pa nito ang ngiti sa akin nang magsalubong ang aming mga mata. He's weird.
"Hi Warden, kamusta ang mga inaanak ko?"
"See? I brought Aldus here, I'm a responsible daddy. Hindi mo na kailangang sabihin sa akin kung sino ang sunod mong paglilihian." Yumakap mula sa aking likuran si Nero at hinawakan niya ang aking tiyan. Ilang beses tumango si Aldus sa sinabi ng pinsan niya.
Mukha lang naman siyang proud sa sinabi ng pinsan niya na paglilihian ko siya.
"Nero?" nagtatakang tawag ko sa kanya.
I don't get it, bakit niya naisip na paglilihian ko si Aldus?
Ilang sandali lang nakatitig sa akin si Aldus at Sapphire na parang hinihintay ang sasabihin ko. Ramdam ko na nakatitig na rin sa akin si Nero.
"What Nero? Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Sapphire, bakit kayo napadaan dito? Dapat sinabihan mo ako nang nakapaghanda ako ng pagkain." Kinalas ko ang mga braso ni Nero na nakayakap sa akin.
Umawang ang bibig ni Aldus sa sinabi ko. Habang naririnig ko ang unti unting pagtawa na kapatid ko.
What is wrong with them? They're all weird.
"I told you, bakit naman paglilihian ni Florence si Aldus? Kakaiba talaga kayong magpinsan. Let's go Florence, kumain na lang tayo. I brought something for you. Hindi mo na kailangang maghanda." Hinila na ako ni Sapphire papuntang kusina at iniwan namin ang magpinsang tulala.
Ipinaglagay ako ni Sapphire ng pagkain sa aking plato.
"How's your pregnancy sis? Hindi ka ba pinahihirapan ni Nero?"
"Emosyonal siya nitong nakaraang araw." Sagot ko. Naupo na si Sapphire sa tabi ko.
"Oh, that's bad. Hindi man lang niya naisip na mahirap magbuntis. Dapat ay hindi siya nagiging emosyonal, baka maapektuhan ang kambal kapag ganito lagi ang nakikita mo kay Nero." Sinimulan nang uminom ng gatas si Sapphire.
"Pinagsasabihan ko na rin si Nero tungkol dito Sapphire, nagagalit siya sa akin at binabaliktad niya na ako daw ang emosyonal sa amin dalawa." Kumunot ang noo ni Sapphire sa sinabi ko.
"Kahit kailan talaga, just call me if you're having a hard time. Pupunta agad ako dito."
"Thank you Sapphire, I owe you a lot."
"Nah, we're sisters. It's not a big deal Florence." Ngumiti pa siya sa akin.
Susubo na sana ako nang muli siyang magsalita.
"Alam ko na hindi ito tamang sabihin sa'yo dahil hindi maganda ang isipin para sa mga buntis. But you have the right to know sister." Tuluyan nitong nakuha ang aking atensyon.
"What is that?"
"Can you still remember the supporters of your beloved angelic mother in law?" sarcastic na tanong sa akin ni Sapphire. Bahagya niya itong ibinulong sa akin dahil alam kong katulad niya ay ayaw kong maririnig ni Nero at Aldus ang usapan namin.
"Rainey, Ronaele and the troops?" tanong ko pabalik kay Sapphire.
"Well, muntik na naman kaming magpang abot ng magkapatid na 'yon. Pareho pala kami ng stylist at nagkasabay kami sa parlor."
"Huwag mo na lang silang pansinin Sapphire, titigil din sila kung walang napansin sa kanila. They are attention seekers, mga walang magawa sa buhay." Ismid na sabi ko.
"If they are really asking for deep attention, I don't mind. I'll definitely give it to them..with fire." Ngumisi na lamang ako sa sinabi ng kapatid ko.
"Ang mahalaga hindi ka mapuruhan kung magpapang abot kayo."
"That's impossible sister, damn impossible."
Nagpatuloy na akong muli sa pagkain pero ramdam ko na nakatitig lang sa akin ang kapatid ko, may hindi pa siya sinasabi sa akin. I can feel it.
"Sapphire?"
"Oh, don't mind me. Natutuwa lang akong titigan ka, you're already happy and satisfied. Ayoko nang mahihirapan ka ulit." Her words touched my heart.
"You're not telling me all your thoughts Sapphire. May hindi ka pa sinasabi sa akin." Sinimulan niya nang paglaruan ang tasang hawak niya.
"Alam kong ikaw ang tipo ng tao ng ayaw ng lihim. That's why I am bothered about what I've found out. Hindi na maganda ang pakiramdam ko dito." Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan sa sinasabi ng kapatid ko.
"What is it Sapphire? Tungkol pa rin ba ito sa dalawang babae?"
"Actually, hindi lang dalawa. Tatlo sila, nalaman ko lang na ilang beses nang dumadalaw si Rainey at Ronaele sa Briar Mounfield Mental Hospital." Natigilan akong saglit sa sinabi ni Sapphire hanggang sa tuluyan nang magrehistro sa aking isipan ang ibig sabihin nito.
"Do you mean? Mental hospital where Cassidy is admitted?" tumango sa akin si Sapphire.
"Why? What? Bakit sila magpupunta sa lugar na 'yon? Are they related with someone in there?"
"I hired an investigator, no relatives inside or even friends. Wala Florence..."
"Then, are you telling me that they're meeting with Cass? Damn it."
"You know what's the craziest? Nero's mother, she's still in contact with Cassidy. Dalawa na silang baliw ni Cassidy, sigurado ba talagang siya ang tunay na ina ni Nero?" sabay kaming lumingon ni Sapphire sa may pintuan ng kusina sa takot na baka marinig ng mga Ferell ang pinag uusapan namin.
"Hindi na rin maganda ang pakiramdam ko. Hindi ko na kaya kung may gawin pa silang hakbang laban sa akin. Natatakot ako sa kambal na dinadala ko Sapphire.."
"They're all psycopaths. Kung nasa mundo pa rin ako ni Samuel ngayon malamang matagal ko na silang napa--" bigla niyang tinigil ang sasabihin niya.
"Matagal nang?"
"Matagal ko na silang nabigyan ng ibang klaseng lekyon." Hindi ako sumagot sa kanya.
"I'm sorry for telling you this sister. Hindi ko rin ito ipinaalam kay Aldus ang mga ginagawa kong ito, he'll definitely stop me."
"Don't worry, sa atin munang magkapatid ito." Tipid na sagot ko.
"Let's scratch this topic, baka biglang pumasok ang magpinsan. How about you and Nero's daily routine? Tumigil? Ang mga katulad mong buntis lalo na kung magandang lalaki naman ang asawa, mas gugustuhing laging masisid." Mabilis binago ni Sapphire ang pinag uusapan namin.
"Thrice a week? Pero nitong nakaraang linggo araw araw, tuwing umaga." Wala sa sariling sagot ko.
"Oh, kaya naman pala emosyunal si Nero." Umiiling na sabi ng kapatid ko.
"Bakit ayaw nyo pang magpakasal ni Aldus?"
"Next year na lang siguro, anong mangyayari sa atin? Sukob?" sabay kaming nagtawanan.
Hindi din tumagal ang kwentuhan namin nang pumasok na sa kusina ang mag pinsan na mukhang mainit ang ulo sa isa't isa.
"This is unfair Warden, ang balita ko pinalihian mo daw si Troy, Owen at Tristan. Can't you see me Warden? Magmumukhang mga anghel ang mga inaanak ko kung sa akin sila magmamana. I've got the most angelic face.." nagbuhat na ng sariling bangkuan si Aldus. Sabay kaming napangiwi ni Sapphire.
Pansin ko na natatawa na rin si Nero.
"Bakit hindi ka na lang kumain Aldus? Tanggapin mo na, anong ipaglilihi sa'yo ng kapatid ko. Wala ka namang talent." Lalong lumakas ang pagtawa ni Nero. Natural, may kasama na siyang walang talent.
"Why did you invite me here Nero?" iritadong tanong nito sa pinsan niya.
"I don't know, ngayon ko lang napag isip isip na wala palang mapapaglihian sa'yo si Florence."
"True, cousin goals kayong dalawa. Mga walang talent." Sabay umawang ang bibig ng dalawang Ferell sa sinabi ng kapatid ko.
"I'll agree with that."
"Well, sister goals din tayo Florence. Pareho ang klase ng Ferell na napunta sa atin, mga Ferell na magpagandang lalaki, gumapang at sumisid lang ang alam. Sister goals." Kibit balikat na sabi ni Sapphire.
"Woah, stop right there babe. Nandito pa kami ni Nero, bakit kung mag usap kayo tungkol sa amin ay parang wala kami dito at hindi namin naririnig?"
"Bakit hindi ba totoo ang sinasabi ko?"
Nanatili na lamang tahimik ang dalawang Ferell, iritadong naupo si Aldus at nagsimula na rin kumain.
"Nero, hindi ka man lang ba magsasalita? Hinahamak tayo ng buntis at nang kapatid niya."
"Oh come on babe, tanggapin mo na ang sarili mo. Ako tanggap na kita Aldus, matagal na."
"Thank you so much Saffira Primrose!" sarcastic na sagot ni Aldus.
"You're welcome babe."
Natapos kaming kumain at napili naming maglaro ng chess, o sabihin na nating si Nero at Aldus ang magkalaban habang nakakalong kami ni Sapphire sa magpinsan. Ilang beses nang talo si Sapphire at Aldus.
"Aldus, ipinapahiya mo na ako."
"Wala tayong magagawa Sapphire, swerte ang buntis. Sinuswerte lamang si Nero." Sabay kaming tumawa ni Nero.
"Tumanggap kayo ng pagkatalo, right babies?" hinawakan ni Nero ang tiyan ko bago tumira.
"Checkmate." Sabay nanlumo si Sapphire at Aldus.
"Ang galing galing ng daddy.." tuwang tuwang sabi ko. Ilang beses kong hinalikan si Nero sa kanyang pisngi.
"Ayoko na Aldus, hindi na tayo nanalo." Tumayo na si Sapphire.
"Because she's pregnant Sapphire! She's lucky. We need our babies too, Sapphire. Mahuhuli na ako sa marathon." Lumayo na si Sapphire at Aldus, mukhang nag aaway na sila.
"What the hell Aldus? Mag marathon ka mag isa mo."
Nagkibit balikat na lamang kami ni Nero at nanuod na lang kami ng tv. Bigla na lamang akong nagutom nang makakita ako ng ice cream sa commercial.
"Shit. I am craving again, may ice cream pa ba tayo sa ref Nero?" nakaupo kami habang nakayakap ang braso niya sa akin.
"Naubos mo na kagabi. Gusto bumili muna ako? Mabilis lang ako, nandito naman ang kapatid mo." Tumango ako sa sinabi niya.
"Alright, I'll be right back." Hinalikan ako sa labi ni Nero bago niya ako iniwanan.
Hindi nagtagal ay tumabi na sa akin si Sapphire.
"Anong bibilhin ni Nero?"
"Ice cream"
"Oh, naglilihi ka sa ice cream?"
"Siguro?"
"Nasaan si Aldus?"
"Nagpapalamig ng ulo." Matabang na sagot ni ng kapatid ko.
Nagpatuloy lang kami ng panunuod nang maramdaman ko ang unti unting pagbagsak ng talukap ng aking mata. Damn, nagiging antukin na ako.
"I'm sleepy Sapphire.." tatayo na sana ako para pumunta sa kwarto nang pigilan niya ako.
"Here, you can use my lap Florence. Gigisingin na lang kita kapag dumating na si Nero." Ngumiti ako kay Sapphire at humiga na ako sa kandungan niya.
Ramdam ko ang paghaplos niya sa buhok ko habang nakapikit ang mga mata ko.
Hindi pa man ako tuluyan natatangay sa pagtulog nang marinig ko ang boses ni Aldus.
"Sap---"
"Quiet Aldus, tulog si Florence."
"Natutulog na naman ang buntis." Natatawang sabi niya.
Ramdam ko na naupo na rin si Aldus.
"I am excited with the twins, Aldus." Bulong ni Sapphire.
"Who wouldn't be? Pinaghirapan 'yan ng pinsan ko."
"Wow, si Nero lang? Nahirapan din ang kapatid ko, marami rin siyang naranasan. Okay?"
"Not as difficult as Nero's. I've witnessed it all Sapphire, bakit lagi niyo na lang kaming inaaping mga Ferell? Palibhasa nasa inyo lagi ang alas, alam nyong mahal na mahal namin kayo."
"What's with this Aldus?"
"No, it's just that...Babe, I am just telling you that the four of us will be happiest seeing the twins in this world. Sa wakas, masaya na si Nero. Alam mo naman na natrauma na kami sa ilang beses niyang pagpapakamatay noon."
"How sweet of you Aldus." Naramdaman kong bahagyang gumalaw si Sapphire. Naghahalikan na yata silang dalawa.
"No Sapphire, my cousins are sweeter than me. You'll taste how sweet they are once you enter the church wearing white dress. They'll definitely make our wedding the memorable.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro