Chapter 34
Chapter 34
Masayang masaya ako habang tumatakbo na ang sasakyan namin pauwi. Hawak ko ang aking tiyan habang walang tigil sa pag ismid si Nero.
"Narinig nyo babies ang sinabi ng ninong nyo? Kayo daw ang favorite niya." Tuwang tuwang sabi ko habang walang tigil ako sa paghaplos sa aking tiyan.
"Narinig mo ang sabi ni Owen, Nero? Favorite niya daw ang anak natin." Ang laki ng ngiti ko sa asawa kong biyernes santo na naman ang mukha. Ano ba ang problema nitong si Nero?
Hindi niya ako nililingon at nakatingin lang siya sa daan. Bakit ang sama ng ugali ng hari ng mga shokoy na ito? Hindi ba siya natutuwa na paborito ni Owen ang anak namin?
"Nero!" naalarma siya sa pagtaas ng boses ko.
"Yes, I heard it. Ninong Owen loves our twins." Matabang na sabi nito na halos lumabas sa kanyang ilong. Naningkit ang mata ko sa kanya.
Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at pinagpatuloy ko ang pagkausap sa tiyan ko.
"Sa susunod sabi ng ninong nyo, pupunta daw siya sa bahay. He'll sing a lullaby for you. Ninong Owen really loves you babies." Sobrang saya talaga ng nararamdaman ko at ramdam kong masaya rin ang mga anak ko.
Abala ako sa paghaplos sa tiyan ko nang parang may naramdaman ako.
"Oh my gosh! Nero! Sumipa ang baby natin, gusto nila ang pangalan ng ninong Owen nila." Kunot na kunot ang noo ni Nero na lumingon sa akin.
Itinabi niya ang sasakyan para mas makausap niya ako ng maayos.
"Florence, hindi pa sisipa ang anak natin. Dalawang buwan pa lang 'yan." Tamad na sabi nito. No way! Naramdaman ko, gusto ng baby namin ang pangalan ng ninong nila.
"Hindi ako nagbibiro Nero." Pagiit ko sa kanya. Nakagat ko na lamang ang pang ibabang labi ko at nagsisimula na namang mag init ang sulok ng aking mga mata.
Naalarma na ang shokoy at mabilis hinawakan ang aking tiyan.
"Wow, sumisipa ang baby natin." Pilit na sabi niya. Hinampas ko na ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"Galit kami ng mga anak mo sa'yo! Ayaw mo kaming paniwalaan!"
"Florence, hindi ka naman uminom kanina hindi ba? Alam mong hindi pwede sa buntis ang uminom." Mahigpit akong umiling sa kanya.
"No way! Bakit naman ako iinom?" hindi na ito sumagot sa akin at magpapatuloy na sana ito sa pagdadrive nang magsalit ulit ako.
"Nero, anong kasalanan ko sa'yo? Bakit ganyan siya sa akin?" Huminga siya ng malalim bago humarap sa akin.
"Florence, ano na naman? Pinagbigyan na kita, bakit ganyan na naman ang tono mo sa akin na parang ang sama kong asawa?!"
"Dahil hindi mo pinapansin ang nararamdaman ko, ang nararamdaman namin ng mga anak mo. Natutuwa lang kami kasi pinansin kami ng ninong nila, natutuwa lang kami dahil paborito sila ng ninong nila. What is wrong with you Nero?"
"What the—ako pa Florence? Ako pa ang tinatanong mo ng ganyan? God, baby. Si Owen lang ang pinag uusapan natin, bakit parang kung makakilos ka ay nakita mo ang paborito mong artista?! He is just Owen, Florence. He is just Owen!" Iritado siyang napahilamos sa kanyang sarili.
"He is beyond an artist Nero! He is the godfather of our child, he's our baby's ninong." Tumulo na ang luha ko. Bakit hindi maintindihan ni Nero ang nararamdaman ko?
"What the—stop crying Florence! For pete sake! Bakit ba natin pinag aawayan si Owen? Ofcourse, he is our baby's ninong. Hindi ko nakakalimutan 'yon, stop crying baby. Anong gusto mo? I'll call him, hindi ko na siya papupuntahin sa ibang bansa. Sasabihin ko kumanta na lang siya ng kantang hindi ko maintindihan sa bahay." Pinunasan niya ang luha ko.
"You are jealous of him! Lahat na lang pinagseselosan mo Nero! Napaka emosyonal mo na nitong mga nakaraang araw!" sigaw ko sa kanya.
"Bakit ako?"
"Because you are! Maliit na bagay, pinalalaki mo! Nagseselos ka sa kalapati, hindi mo maintindihan na sabon panlaba lang ang kaya ng pang amoy ko at ngayon, pinagseselosan mo si Owen? Nero naman, ikaw ang ama ng mga anak ko. Hindi kita pakakasalan, hindi ako magpapagapang at magpapasisid sa'yo kung hindi ikaw ang mahal ko pero bakit ito ang isusukli mo sa akin? Mahal naman kita Nero, bakit ayaw mong intindihin ang nararamdaman ko?" nakaawang na ang mga labi niya sa haba ng sinabi ko. Umiiyak na naman ako.
"Bakit naungkat na ang lahat Florence? Iniintindi kita baby, 'yong pasensiya ko nasa mansion ni LG abot na dito sa kotse natin ngayon. Sobrang haba na ng pasensiya ko Florence dahil sa sobrang pagmamahal ko sa'yo at sa anak natin. Hindi ko akalain na nakakaiyak kang magbuntis Florence, pagdating natin sa bahay. Nakikiusap ako sa'yo Florence, hakbangan mo muna ako bago tayo matulog." Ilang beses siyang napailing.
"Hindi kita hahakbangan! Bahala ka sa buhay mo!"
Narinig ko ang pabulong niya pagmumura sa sinabi ko. Hindi ko na siya kinausap hanggang sa makauwi kami sa bahay. Pansin ko na may tinatawagan siya sa kanyang telepono.
Nagkunwari na akong umaakyat sa hagdan pero nakikinig ako sa mga sinasabi niya.
"LG, ang sakit sa ulo ni Florence magbuntis. Epekto ba ito ng alas dos ng madaling araw? Ayaw ko na." Nagsusumbong pala ang hari ng mga shokoy sa kanyang lolo.
Hinayaan ko na lamang silang mag usap. Naglinis na ako ng katawan bago ako humiga sa kama, nagtalakbong ako ng kumot nang maramdaman kong lumabas na rin si Nero sa banyo.
Tahimik lamang ako nang tumabi siya sa kama.
"Florence.."
"Huwag mo akong kausapin, natutulog na ako Nero."
"Florence, anong gusto mo? Bati na tayo buntis." Yumakap siya sa akin at sinimulan niyang halikan ang balikat ko.
"Gagawin mo ang lahat ng gusto ko?" napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Everything, basta huwag nang magtampo sa akin ang buntis. Baka magalit din ang kambal sa akin." Hinawakan na ni Nero ang tiyan ko.
"Alright, hindi pa ako inaantok Nero."
Agad na akong bumangon at mabilis kong binuhay ang lamp shade sa side table. Kahit pansin kong inaantok na ang mga mata ni Nero ay pilit pa rin siyang bumangon para marinig ang gusto ko.
"Now tell me, what do you want baby? After this we'll sleep okay? Hindi maganda sa buntis ang magpuyat Florence. Makakasama sa'yo, sa bata at sa daddy." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Can you call Owen again?" agad nangunot ang noo niya sa sinabi ko.
"For what? Baby, he's busy with his friends right now. Baka hindi na rin siya makakausap ng matino ngayon. Marami na rin siyang nainom bago tayo umalis. What do you want from him?"
"Akala ko ba ay gagawin mo ang lahat ng gusto ko Nero? Akala ko ay ayaw mong nagtatampuhan tayo? Bakit itong maliit na bagay na gusto ko ay hindi mo maibigay sa akin?" tulala na si Nero sa akin.
"Anong sasabihin ko na naman sa kanya Florence? Hindi pwedeng basta na lamang natin siyang papuntahin dito habang napakarami niyang bisita sa resort na 'yon."
"Nero, I am not asking him to come here, what I want is just his voice. We'll just ask him to sing and we'll record it, just like that." Paliwanag ko kay Nero na hindi na maipinta ang mukha.
"Hindi ka pa ba masaya? He did sing that damn song, naiintindihan mo ba ang kinanta niya Florence? Halos magwala na kayong apat na buntis kanina dinaig nyo pa ang mga dalaga at walang asawa sa lakas ng pagsigaw nyo kanina." Naiiling na sabi nito.
"Yes! I love that song. Hindi mo ba narinig ang paraan ng pagkanta ni Owen? God! Ang swerte swerte nyo naman kay ninong." Muli kong hinaplos ang tiyan ko habang walang tigil si Nero sa pagmasahe sa kanyang noo.
"You should know this song Nero, just call Owen and ask him to sing. Then you need to record it, itatapat ko sa tiyan ko habang natutulog ako. Our baby will be happy hearing ninong Owen's voice."
"What the fvck Florence?! Baka hindi ko na maintindihan ang lengguwahe ng kambal dahil sa pinaggagagawa mo. No! No, I won't record that damn song. Anong nagustuhan mo sa kantang 'yon? What the hell?"
"Seriously Nero? Kay Owen mo pa talaga isisisi kung hindi natin maiintindihan ang pagsasalita ng kambal? Hindi ba dapat ikaw ang sisihin ko? Kung magiging bulol sa pagsasalita ng mga anak natin siguradong ikaw ang pagmamanahan!" Sigaw ko na nagpaputla sa kanya.
"Anong sinasabi mong 'yan sa akin Florence? What are you talking about?" pagmamaang maangan niya sa akin.
"Akala mo Nero hindi ko alam? Nagkukwento sa akin si LG at si Troy tungkol sa kabataan nyo! Sinabi sa akin ni LG na noong grade six lang tumuwid ang dila mo!" Umawang ang mga labi niya sa sinabi ko at ilang beses na niyang sinabunutan ang sarili niya.
"Ayoko na, ayoko nang makipagtalo sa buntis! Tutulog na ako! Tutulog na ako!" padabog na siyang humiga sa kama at siya naman ngayon ang nagtalakbong sa aming kumot.
Dahil tinatamad naman akong tawagan si Owen at kuhanin ang telepono sa aking bag, pinili ko na lamang matulog. Pero hindi din nagtagal ay yumakap sa akin si Nero.
"Goodnight Hood, sweetdreams. I love you and the twins."
Nagising ako nang marinig ko ang pagsipol sipol ni Nero. Bahagya akong nagmulat, nakaupo lang siya sa kama habang may kung anong binunuklat.
"What's that Nero?" isinarado nito ang binubuklat niya at humarap ito sa akin.
"Oh, gising na ang misis kong sobrang bait kapag buntis. How's your sleep Florence?" humalik ito sa ibabaw ng ulo ko. Muli itong humiga bago humarap sa akin at haplusin ang magulo kong buhok.
"Napa—" tinakpan ng ilang daliri niya ang labi ko.
"Napatuka ko na ang mga kalapati, naligo na rin ako. You can smell me baby, amoy sabong panlaba na ako. Nagpaluto na rin ako ng almusal sa katulong, hinihintay na lang kitang magising." Napatitig ako kay Nero. Bakit maganda ang gising ng hari ng mga shokoy?
"Hindi ka na galit sa akin dahil sa ginawa ko kagabi?"
"No and I have something for you."
"Liligo lang ako, it's a surprise right?" natutuwang tanong ko. Tumango sa akin si Nero.
"Sasamahan pa ba kitang maligo Florence?"
"Sure, baka madulas ako." Ngumisi sa akin si Nero. Katulad nang lagi niyang ginagawa, binuhat niya ako sa banyo at sabay kaming naligo, na may kasama nang ibang bagay.
Tumagal kami ng isang oras sa loob ng banyo bago ako magyayang umahon, nagbihis lang akong saglit bago nagpresinta si Nero na siya na daw ang magsusuklay ng buhok ko.
Nasa likuran ko siya habang abala ako sa pagbuklat ng photo album niya at ng mga pinsan niya noong mga bata pa sila. Ito ang sinasabi niyang ibibigay niya sa akin.
"Instead of calling them, you can just look at their pictures Florence. Huwag na natin silang abalahin." Tumango ako sa sinabi niya.
Natigil ako sa pagbuklat nang makita ko na puro kalbo sila sa picture.
"What happened here? Para kayong mga character sa shaolin soccer." Natatawang sabi ko.
"Long story"
Karamihan ay puro selfie ni LG at Troy na laging nakanguso, si Nero ay laging parang batang may sumpong sa kanyang mga litrato habang si Aldus at Owen ay laging mga photobomber na mas maganda pa ang ngiti sa totoong pinipicturan.
"Hindi pa kayo camera shy dito?" tawa ako nang tawa sa iba't ibang picture nila. Pansin ko na laging magkakapareho ang suot nilang lima at kulay lang ang pinag iiba.
"Kahit kailan mukhang seryoso si Tristan."
"Uhuh? Okay na." Tumigil na sa pagsusuklay sa akin si Nero.
"See? You're still happy with our pictures, hindi mo na sila kailangang tawagan. Let's go, bumaba na tayo. We need to eat, then we'll watch movie. Anong gustong panuorin ng buntis?"
Natigil ulit ako sa pagbuklat nang makita ko ang picture nilang magpipinsan na mga nakacombat shoes at moose green na damit na parang sa army habang nagpapalipad ng saranggola.
Agad kong nakita na nangunguna sa litrato si Tristan na siyang may hawak ng tali.
"Nero, tawagan mo si Tristan. Gusto namin ng mga anak mong magpalipad ng saranggola." Bahagya akong ngumuso sa asawa ko.
Humiga muli sa kama si Nero at para na siyang natulala sa kisame.
"Florence, give me 30 minutes. Magpapahaba lang ako ng pasensiya."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro