Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

Chapter 33


Umaga na naman at ang lapad ng ngisi ko sa salamin habang sinusuklay ko ang aking mahabang buhok. Simula nang mapanuod ko ang magic show ni Troy hindi ko alam kung bakit lagi na lang akong masaya. Sinabi ko kay Nero na madalas niyang tawagin si Troy para mag magic show pero hindi siya pumayag dahil may trabaho daw ito at kailangan ito sa kompanya.

Nagkibit balikat na lang ako kaya sinabi ko sa kanyang bumili na lamang siya ng mga kalapati na sinunod naman niya. May kulungan na kami ng kalapati sa kwarto ko at dalawang kalapati itong mag asawa.


"Nero, bumangon ka na. Patukain mo na ang mga kalapati natin, nagugutom na sila." Tiningnan ko siya sa repleksyon ng salamin, hindi pa rin siya bumabangon.

Siguro ay kalahating oras na siyang nakahiga sa kama at kanina pa siyang nakikipagmatigasan sa akin.


"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo Florence na hakbangan mo muna ako? Ako na! Ako na ang maglilihi sa atin dalawa! Baby, baka magkatuka ang anak natin sa kakatingin mo sa kalapati!" Umirap na lang ako sa hangin.


"Nero, ilang beses ba kitang hahakbangan? Noong isang araw hinakbangan na kita, kahapon ng umaga, tanghali, hapon at gabi. Nero, wala na akong ginawa kundi humakbang na nang humakbang sa'yo. Wala na tayong magagawa, ako na ang naglilihi." Nagpatuloy ako sa pagsusuklay sa harap ng salamin.

Lagi na lang siyang nakahilata sa kama at nagpapahakbang sa akin. Sino ba ang naniniwala sa hakbang na 'yan? Mga shokoy lang naman.


"Florence, this will be the last. Ako na ang maglilihi baby, mahal na mahal kita. Ayaw na ayaw kitang nahihirapan." Madramang sabi ni Nero habang nakahiga sa kama. Hindi ko na alam kung matatawa na ako sa kanya o ano.


"Nero, mabigat na ang tiyan ko. Ayoko nang humakbang nang humakbang. Get up, kapag namatay ang mga kalapating 'yan hindi kita mapapatawad." Narinig ko siyang nagmura sa sinabi ko.


"Ngayon naman minumura mo ako Nero? Anong klaseng asawa ka? Bakit hindi mo ako pagbigyan? Nangako ka sa harap ng simbahan Nero, nangako ka na pasasayahin mo ako." Padabog kong ibinaba ang suklay na hawak ko.

Napaupo na si Nero sa kama dahil sa sinabi ko habang nakaawang ang kanyang bibig at may kunot na kunot na noo. Ilang beses niyang ginulo ang buhok niya.


"Hindi kita minumura Florence. What the— it's just that—Oh --" hindi na niya matuloy ang sasabihin niya.


"You are fighting with me Nero! Hindi mo ba alam na napapanuod ka ng mga anak mo sa tiyan ko? Hindi mo ba alam na nasasaktan din sila sa ginagawa mo?" lalong umawang ang bibig niya sa sinabi ko.


"Florence, nakahiga lang ako dito. Wala akong ginagawang masama sa'yo, nakahiga lang ako dito. Oh damn." Napasubsob na lang siya sa mga palad niya.


"Bakit ayaw mong patukain ang kalapati natin?!" sigaw ko sa kanya.


"Florence, simula nang dumating ang mga kalapating 'yan. Hindi mo na ako sinalubong ng umaga ng 'Gising na ang daddy, naghanda na ako ng breakfast' 'Look, ayaw pa rin gumising ng daddy nyo' 'Nero wake up, kakain na tayo' hindi ko na ito narinig. Alam mo ang lagi kong naririnig sa'yo baby? Nero patukain mo ang kalapati!" natawa na ako sa sinabi ni Nero.


"Patuka na ako nang patuka ng kalapati buong maghapon Florence! Hindi ka na nagtatanong sa akin kung nagugutom na ba ako. Lagi na lang 'Nero patukain mo ang kalapati!' 'Nero patukain mo ang kalapati!' Patuka na ako nang patuka Florence! Amoy patuka na ako! Amoy patuka na ako!" kumunot ang noo ko sa kanya.


"Nero, nagseselos ka ba sa kalapati?"


"I am not fvcking jealous! Bakit naman ako magseselos sa kalapati?!" sinabunutan niya na naman ang kanyang sarili.


"Good, ikaw ang asawa ko Nero. Dahil hindi ko kaya ang amoy ng patuka malamang ikaw ang magpapatuka ng kalapati. Tumayo ka na dyan, huwag na tayong mag away. Okay? Mahal na mahal ka namin ni baby. Look baby, papatukain na ni daddy ang mga alaga nating kalapati."


"Florence, amoy patuka na ako!" uminit na ang ulo ko kay Nero.


"Ginagamit mo ba ang sabong panlaba? Hindi ba at sabi ko sa'yo na gamitin mo?! Hindi ka mag aamoy patuka kapag ginamit mo ang sabon ibinigay ko sa'yo!" Ano ba ang problema nitong si Nero?


"Fvck! Sumasakit na ang ulo ko, sumasakit na ang ulo ko sa buntis." Muli siyang nahiga sa kama.


"Florence baby, isang beses na lang. Hakbangan mo na ako baby, this will be the last time. Come here baby, please?"

Tumayo na ako at lumapit ako sa kanya, nanatili akong hindi sumasampa sa kama at pinakatitigan ko ang asawa kong gusto na naman magpahakbang.


"Nero, pagod na akong humakbang nang humakbang. Bumangon ka na at patukain mo ang kalapati natin. Alam mong hindi ko sila kayang patukain dahil nasusuka ako sa amoy ng patuka." Mabilis akong sumampa sa kama at hinalikan siya sa labi. Kunot noo niya lang ako pinanuod.


"Lalabas na ako Nero, pagkatapos mong patukain ang kalapati huwag mong kakalimutan gamitin ang sabon na inihanda ko. Okay? Our baby loves you, mommy loves you too. So be a good daddy, okay? Hihintayin kita sa baba." Ngumisi ako sa kanya at iniwan ko na siya sa kwarto habang nakahigang tulala sa akin.

Dahil alam kong nagtatampo na siya sa akin ay pinili kong magluto muna ng masarap na pagkain para sa kanya. Tumagal siguro ng kalahating oras bago ako nagkatapos sa pagluluto eksaktong pababa na rin ng hagdan si Nero.


"Napatuka ko na." Matabang na sabi nito. Mabilis siyang lumapit sa akin para ipaamoy niya ang kanyang sarili kong pasado na.


"Hmm, amoy sabon panlaba si Daddy." Hindi nagsalita sa akin si Nero at umupo na siya.

Nagkibit balikat na lang ako at nagsimula na akong maghanda sa lamesa.


"Nero, kalungin mo ako. Sabay tayong kumain." Ngusong sabi ko sa kanya.


"Come here." Mabilis akong lumapit sa kanya, hinawakan niya ang bewang ko para alalayan niya akong makaupo sa kanyang kandungan.


"Bumibigat na ang misis ko." Natatawang bulong niya. Ngumisi lang ako sa kanya habang sabay kaming kumakain.


"Galit ka pa ba sa akin Nero?"


"What? Kailan ba ako nagalit sa'yo? Ikaw nga ang laging galit sa akin." Naiiling na sagot niya. Kumuha siya ng ubas at isinubo niya sa akin.

Naramdaman kong yumakap ang mga braso niya sa akin at ipinatong niya sa balikat ko ang baba niya.


"Alam mo naman na mahal na mahal kita kahit pinapasakit mo ang ulo ko." Ngumisi ako nang paliguan niya ng halik ang leeg ko.


"Siyam na buwan tayong amoy panlaba Florence." Matabang na bulong nito sa akin.

Lumingon ako sa kanya at hinalikan ko ang noo niya.


"I love you too Nero. Hindi ka na nagagalit dahil nag aamoy patuka ka?"


"No" umiling siya at sinubuan niya ulit ako ng ubas.

Nagpatuloy kaming dalawa sa pagkain, hindi na ako pinahawak ni Nero ng kutsara dahil sinusubuan na niya ako.


"Ako din Nero, daddy should eat grapes too." Nagsubo din ako sa kanya ng ubas.

Habang sinusubuan ko siya ng ubas agad ko nang sinabi sa kanya ang kanina pang tumatakbo sa isip ko.


"I want to hear Owen's voice, can you call him?" ilang beses nasamid si Nero kaya mabilis ko siyang pinagsalin ng tubig. Straight niya itong ininom bago siya tumingin sa akin.


"What?! Florence, kahit maghapon na akong magpatuka ng kalapati. Baby, bakit ang mga pinsan ko? Bakit hindi na lang ako?" iritadong sabi ni Nero.


"I don't know, bigla na lang pumapasok sa isip ko. Hindi ba sabi mo gagawin mo ang lahat para sa akin at anak mo? Nangako ka sa harap ng dambana ng simbahan, akala ko ba mahal na mahal mo ak—"


"Wait Florence, wait. Tatawag na ako." Iritadong dinukot ni Nero ang telepono niya at tinawagan niya ang pinsan niya. Ilang mura muna ang narinig ko habang sa tumago si Nero at patayin ang telepono.


"He can't, aalis siya sa Saturday papuntang Italy. There will be an auction for his new paintings, may pa despidida siya mamaya. Hindi siya makakarating ngayon." Ngumiwi ako sa sinabi ni Nero.


"Bakit hindi na lang tayo pumunta? Invited ka naman siguro dahil pinsan ka." Natulala na naman sa akin si Nero.


"Florence, it is a disco party with fast music, wild crowd and hard drinks. Baka masagi ka lang. We can't go baby, it's too risky."


"Nero, hindi naman tayo sasayaw kasama sila. Let me just listen to his voice, I bet Owen will sing on his own party." Kumindat pa ako sa kanya.


"No! Dito na lang tayo."


"Nero please? Look babies, you love ninong Owen's voice right? Pinagbabawalan tayo ni daddy." Halos iumpog na ni Nero ang ulo niya sa lamesa.


"Florence, huwag ngayon. Hindi maganda sa buntis ang malamigan, sa isang beach gaganapin ang despididad ni Owen."


"Oh, that's great. Magsusuot na lang ako ng jacket Nero, please? Our babies loves daddy's voice but they also love ninong Owen's voice, right babies?" hawak ko na ang tiyan ko.

Walang nagawa si Nero kundi pumayag sa amin. Hinintay lang namin na mag gabi kung anong oras magsisimula ang party ni Owen. Pinatuka na rin ni Nero ang mga kalapati bago kami nagpunta sa panibagong resort kung saan gaganapin ang despidida ni Owen.

Well, Ferell loves beaches. Hindi na bago sa akin na ito ang napipili nilang venue sa mga party nila.

Nang makarating kami, tulad nang inaasahan sobrang dami nang tao sa may tabing dagat. May hindi kalakihang stage, disco lights, ang iba't ibang klaseng inumin at mga nagsasayawang mga tao na puro nakabikini at mga lalaking walang pang itaas na damit.


"Where's Owen?" bulong ko kay Nero.


"Hindi ko alam." Ngumuso ako sa sinabi niya.

Naghanap kami ng lamesa kung saan kami titigil, pansin ko na inaayos na ang stage at nilalagyan na ito ng microphone.


"Oh my gosh, kakanta yata si Owen Nero." Natutuwang sabi ko. Nakatitig lang sa akin si Nero at hindi ko maintindihan kung naiinis na ba siya sa akin.

Halos mapatayo ako sa aking upuan nang umakyat sa stage si Owen, nagsigawan ang mga tao kahit ako ay nakisigaw na rin. Hindi ako ganito dati kapag nakikita si Owen pero ramdam ko ang saya ko nang makita ko siya ngayon.


"Ninong Owen!" sigaw ko. Ramdam ko ang pilit paghila sa akin ni Nero para umupo ulit.


"Come on Florence, umupo ka na." Hindi ko pinansin ang kamay ni Nero.


"Owen!" agad naman akong napansin ni Owen.


"Oh, ang mga inaanak ko pala nandito." Ngumiti sa akin si Owen na naglabas ng mga dimples niya, kumaway pa ito sa direksyon ko.


"Oh my gosh, Nero look kumaway ang ninong nila sa akin." Natutuwang sabi ko.


"Florence, si Owen lang 'yan. Si Owen! Si Owen! Bakit ganito ka magbuntis? Bakit?!" nakasubsob na sa lamesa si Nero.


"Nero? Ayos ka lang ba?" hinaplos ko ang buhok niya. Ilang beses kong hinalikan ang ibabaw ng ulo niya.


"Daddy, uuwi na tayo pagkatapos kumanta ng ninong nila. Masakit na ba ang ulo mo?" Umiling lang si Nero habang nakasubsob pa rin sa lamesa.

Lalong lumakas at sigawan nang umalingawngaw ang strum ng gitara ni Owen. Bumilis din ang phasing ng disco lights na parang sinasabayan ang kanta ni Owen.

Oh my gosh, it's not Maroon 5 tonight.


"Nero, gusto kong lumapit sa may stage. Please?" tumayo na ako at pilit kong hinila si Nero.


"Ayoko, dito na lang tayo Florence. Baka mabangga ka ng mga tao!" Mahigpit akong umiling sa kanya at mas hinila ko siya.


"Magagalit ako sa'yo Nero! Magagalit ako!" Iritadong tumayo si Nero at nagpahila sa akin.

Halos magwala ang kababaihan nang nagsimula nang kumanta si Owen. Ang lamig lamig ng boses niya at napakagandang pakinggan.


Ay

Owen
DY
Oh
Oh no, oh no
Oh yeah
Diridiri, dirididi Daddy
Go

Halos mahalit ang lalamunan ko sa pagsigaw sa pagkanta ni Owen. Oh my gosh, he's singing despacito.

Sí, sabes que ya llevo un rato mirándote
Tengo que bailar contigo hoy (DY)

Vi que tu mirada ya estaba llamándome
Muéstrame el camino que yo voy (Oh)

Nakapalapit na kami ni Nero at pansin ko na nakaawang ang bibig niya habang pinapanuod ang pinsan niya.


"Tang ina, anong kinakanta ni Owen? Naiintindihan niya kaya ang sinasabi niya?" ngiwing sabi ni Nero.

Ngumisi lang ako at sinabayan ko ang mga tao sa pagkanta katulad ni Owen. Lalong tumitingkad ang pagkagwapo ng ninong ng mga anak ko habang pinapapawisan siya sa pagkanta. Kita ko ang pagkatulala ng mga babae sa katawan ni Owen.

Tú, tú eres el imán y yo soy el metal
Me voy acercando y voy armando el plan
Solo con pensarlo se acelera el pulso (Oh yeah)

Itinaas ko na ang kamay ko katulad ng mga tao at nang nagtatalon ako ay mahigpit akong niyakap ni Nero.


"No, fvcking jumping Florence!" tumango ako kay Nero at pinapatuloy ko ang pagkanta.

Ya, ya me está gustando más de lo normal
Todos mis sentidos van pidiendo más
Esto hay que tomarlo sin ningún apuro

Despacito
Quiero respirar tu cuello despacito
Deja que te diga cosas al oído
Para que te acuerdes si no estás conmigo

Despacito
Quiero desnudarte a besos despacito
Firmo en las paredes de tu laberinto
Y hacer de tu cuerpo todo un manuscrito (sube, sube, sube)
(Sube, sube)

Napapatulala na lang ako kay Owen na ilang beses pang ngumingisi at napapakagat labi habang kumanta. Halos kasama na ako sa mga babaeng walang tigil sa pagtili sa kanya.


"Ang gwapo gwapo mo ninong Owen!" sigaw ko. Pakinig ko ang sunod sunod na pagmumura ni Nero sa pagsigaw ko.

Quiero ver bailar tu pelo
Quiero ser tu ritmo
Que le enseñes a mi boca
Tus lugares favoritos (favoritos, favoritos baby)

Nakikisayaw na rin ako habang si Nero ay abala sa pagbabantay sa akin at sa mga taong possibleng makasagi sa akin. Kahit mali ang lyrics na binabanggit ko ay sinasabayan ko pa rin ang pagkanta ni Owen.

Mas magaling pa siyang kumanta kaysa sa original nito.

Déjame sobrepasar tus zonas de peligro
Hasta provocar tus gritos
Y que olvides tu apellido (Diridiri, dirididi Daddy)


"Ninong Owen!" sigaw ko. Nang ngumisi sa akin si Owen ay halos himatayin ako sa sobrang kilig. Bakit ako nagkakaganito kay Owen?

I am not like this before.

(DY) Si te pido un beso ven dámelo
Yo sé que estás pensándolo
Llevo tiempo intentándolo
Mami, esto es dando y dándolo
Sabes que tu corazón conmigo te hace bom, bom
Sabes que esa beba está buscando de mi bom, bom

Nasa kalagitnaan ako nang pagkanta nang mapansin ko na may tatlong babae akong katabi at halos manlaki ang mga mata ko nang makita kong may mga umbok din ang mga tiyan nila.

Apat kaming buntis sa despidida ni Owen. Pangalawa ang tiyan ko sa pinakamalaki. What the hell?

Ven prueba de mi boca para ver cómo te sabe
Quiero, quiero, quiero ver cuánto amor a ti te cabe
Yo no tengo prisa, yo me quiero dar el viaje
Empecemos lento, después salvaje

Napatigil din sila sa pagkanta nang mapansin nila na nagkasama sama kaming buntis sa isang lugar.


"Nasaan ang mga asawa nyo?" nagtatakang tanong ko. Hindi naman siguro si Owen ang nakabuntis sa tatlong babaeng ito.

Sabay sabay silang nagturo sa akin, katabi na ni Nero ang tatlong lalaki na katulad niya ay kunot na rin ang noo. Abala sila sa paghaharang sa mga taong pwedeng sumagi sa amin.

Sabay sabay nagkibit balikat kaming mga buntis at pinagpatuloy namin ang pagkanta kasabay ni Owen.

Pasito a pasito, suave suavecito
Nos vamos pegando poquito a poquito
Cuando tú me besas con esa destreza
Veo que eres malicia con delicadeza

Pasito a pasito, suave suavecito
Nos vamos pegando, poquito a poquito


"Tang ina mo Owen, bakit ka hinahabol ng mga buntis ngayon?!" pakinig kong reklamo ni Nero.

Kaya ang nangyari, ang apat na lalaking nagbabantay sa buntis ay naging mga 'hawi boys' ito ang tawag sa mga lalaking malalaki ang katawan na nagbabantay sa mga politiko o artista kapag pumupunta ang mga ito ang mga politiko o artista sa lugar na maraming tao. Sila ang taga hawi sa mga tao at si Nero Sebastian Ferell ang pinaka gwapong sa lahat hawi boys na nakilala ko.

Natapos kumanta si Owen na nagtatawanan kaming mga buntis, inalalayan na kami ng mga asawa namin pumunta sa malaking lamesa.


"Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagyaya ang asawa kong pumunta dito para panuorin si Owen." Sabi ng lalaki na may asawang may pinaka malaking tiyan.

Pansin ko na kapwa magagandang babae at lalaki ang mga mag asawang kasama namin ni Nero ngayon. At hindi rin sila nalalayo sa edad namin.


"Isa lang ang ibig sabihin niyan, naglilihi ang mga misis nyo sa gagong 'yon." Iritadong sabi ng lalaki na may asawang pinakamaliit na tiyan.

Hindi na namin pinansin ang apat na lalaking mainit ang ulo at nagsimula na kaming kumain apat.


"Ilang buwan na ang pinagbubuntis mo?" tanong sa akin ng unang babae.


"2 months" sabay sabay silang napanganga sa akin.


"Ang laki mong magbuntis, mas malaki pa sa akin. Apat na buwan na ito." Napatitig ako sa tiyan niya, mas malaki nga ang tiyan ko.


"We are expecting twins, kaya malaki." Nagsimula na akong kumain. Napansin ko na tumatabi na sa amin ang apat na lalaki.


"It's better if it is triplet or quadruplets. Para isang paglilihi na lang." Matabang na sabi ni Nero. Natigilan ang mga kasama namin sa lamesa.


"Oh, don't mind him."


"So, papaano nyo nakilala si Owen?" tanong ko.


"I met him in a certain museum in Milan, pareho kami ng hilig." Kibit balikat na sabi ng unang lalaki.


"I am a singer too, mas sumikat nga lang si Owen." Matabang na sabi ng pangalawang lalaki.


"I owned numbers of musical instrument shops, lagi kaming nagkikita ni Owen. He is now my friend." Tipid na sagot ng pangatlong lalaki.


"Oh, what about you?" tanong nila sa amin.


"Magpinsan sila ni Owen." Hindi nagsalita si Nero.


"Really? Kaya pala medyo magkahawig kayo."


"No way." Matabang na sagot ni Nero.

Nasa kalagitnaan kami ng pakikipag usap sa isa't isa nang marinig namin ang boses ni Owen mula sa malapit.


"Oh, kamusta ang magagandang buntis?" lumapad ang ngisi naming mga buntis nang lumapit si Owen. Kabaliktaran sa apat na lalaking gusto na siyang patayin.


"Owen, hawakan mo naman ang inaanak mo." Natutuwang sabi ng mga buntis na nakapagpatigil sa akin.


"Inaanak din sila ni Owen?" tanong ko sa tatlong buntis na nakangising tumango sa akin. Hindi ko alam kung bakit kumirot ang dibdib ko sa narinig ko. Gusto ko ang mga anak ko lang ang inaanak ni Owen.

Hindi ako lumapit kay Owen nang nagpapahawak sa tiyan ang tatlong buntis na ilang beses pinipigilan ng mga asawa nila.


"Tayo na Nero." Bulong ko kay Nero na kumunot ang noo. Naiiyak ako, hindi ko alam kung bakit.


"What happened to you Florence?" bulong sa akin ni Nero.


"Umuwi na tayo Nero, uwi na tayo."


"Alright, Owen uuwi na kami. Nagyayaya na si Florence."


"What? Bakit ang aga? Nagpakuha ang ng pagkain para kay Wada." Umiling ako sa sinabi ni Owen.

Hinawakan na ni Nero ang kamay ko at nagpaalam na ito sa mga mag asawang nakasabay namin.

Tahimik ako pagsakay ko sa sasakyan namin ni Nero hanggang sa bigla na lang bumuhos ang luha ko.


"Nero! Bakit may ibang inaanak si Owen! Akala ko ang anak lang natin?! Bakit may iba siyang inaanak?!"


"What the—kaya ka ba natahimik kanina?" hindi ko siya sinagot at nagpatuloy ako sa pag iyak.


"Ofcourse, Owen is friendly. Maraming kaibigan ang pinsan ko na pwedeng kumuha sa kanya. Please Florence, stop crying." Walang tigil sa pagpahid ng luha ko si Nero.


"Dapat 'yong baby lang natin Nero. Dapat sila lang ang tatawag ng ninong Owen. Dapat ang mga baby lang natin Nero, ayoko. Ayoko, hindi ko kayang tanggapin. Dapat ang baby lang natin ang inaanak ni Owen." Paulit ulit na sabi ko.


"Come on baby, wala tayong magagawa kung kuhanin si Owen na ninong ng maraming tao."


"Nero, dapat ang baby lang natin!" iyak ako nang iyak.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iyak nang marinig kong may kumakatok sa bintana. Si Owen. Agad ibinaba ni Nero ang bintana.


"Gago ka! Pinaiyak mo ang asawa ko!" Sigaw sa kanya ni Nero na abala pa rin sa pagpunas ng luha ko. Nakanganga si Owen sa amin dalawa.


"What happened to you guys?" naguguluhang tanong ni Owen.


"Dapat anak lang namin ang inaanak mo! Nagseselos si Florence! Gago ka!"


"I am not jealous! My babies are jealous! Bakit may ibang inaanak si Ninong Owen? Bakit may iba? Dapat sila lang Owen, dapat ang anak lang namin ni Nero." Umiiyak na sabi ko.


"See? See? Look what happened to her! Look what happened to me Owen?! Kung hindi ako amoy patuka, amoy sabon panlaba! Tapos ito naman?! Patahanin mo ang asawa ko! patahanin mo ang asawa ko!" galit na galit na sabi ni Nero.


"What the—anong nangyayari sa inyong dalawa?"


"Mababaliw na yata ako sa pagbubuntis ni Florence." Nakasubsob na sa manibela si Nero.


"Let's go Nero, nasasaktan ang mga anak ko kapag nakikita si Owen." Pinunasan ko ang luha ko.


"What the--- wait Nero." Binuksan ni Owen ang pinto ng kotse at marahan siyang umupo para magtama ang mata niya at ang tiyan ko.


"Nero, hahawakan ko ang mga inaanak ko." Paalam ni Owen.


"Do what you want, basta patahanin mo si Florence." Tamad na sabi ni Nero na nakasubsob pa rin sa manibela.

Natigil ako sa pag iyak nang hawakan ni Owen ang tiyan ko.


"Nagseselos ba ang mga inaanak ko? Don't worry, they can always call me ninong but you two will always be my favorite. Ninong will teach you how to sing, play violin, saxophone and piano. We can also paint together and ninong can always sing you a lullaby." Napansin ko na lang na nakangiti na ako kay Owen.


"Don't cry Florence." Tumayo na si Owen at pinahid ang luha ko. Ngumiti siya sa akin na nakapagpalukso ng dibdib ko pero higit na nagwala ang puso ko sa kanyang mga sinabi.


"You and Nero's twins will always be my first babies. Walang hihigit sa kanila."


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro