Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32


Chapter 32


Isang buwan na ang nakakalipas mula nang celebration ni LG at wala na ulit nangyayari pang family gathering.

Nagleave pa si Nero ng panibagong isang buwan sa kanyang trabaho para daw maalagaan ako pero kabaliktaran ang nangyayari dahil ako ang nag aalaga sa kanyang araw araw na mood swings. Magdadalawang buwan na akong buntis at mas lumalala ang sinasabi nilang paglilihi daw ni Nero. Minsan ay naaawa na ako sa kanya dahil sa pagiging maselan niya sa pagkain. Madalas din siyang tulog at mainit ang ulo na siyang hindi ko naman sinasalubong.

Hinawi ko na ang kurtina ng kwarto namin habang nakadapa pa rin si Nero sa kama. Agad akong lumapit dito at niyakap ko ang hubad niyang katawan.


"Wake up, wake up. Nakahanda ang almusal ni daddy shokoy." Mabilis siyang gumalaw at niyakap niya ako ng mahigpit.


"Matulog muna tayo Florence." Hinalikan ko siya sa kanyang labi.


"Tanghali na Nero, sobra ka na sa tulog." Humigpit lang ang pagkakayakap niya sa akin.


"Five minutes." Pinagbigyan ko siya sa gusto niya. Hinayaan ko muna kaming tumagal ng limang minuto hanggang sa maramdaman kong parang humihimbing na naman ang tulog niya.


"Nero" nakatatlong tawag ako sa kanya bago siya pilit nagmulat sa akin.


"Tanghali na, sobra ka na talaga sa tulog." Ngumisi siya sa akin at pinakawalan niya ako. Bumangon na ako at bumaba na ako ng kama.

Tamad na tamad pa siyang naglagay ng unan sa mukha niya na parang kulang pa siya sa tulog.


"Come on Nero, gusto ng baby natin sabay tayong kakain. Get up!" Pilit ko nang hinihila ang kamay niya.


"Look baby, tingnan mo ang daddy mo ayaw pang bumangon. Nagugutom na tayo, hindi niya naiisip na gusto natin siyang kasabay kumain." Bumangon si Nero sa sinabi ko.

Kumakamot ang ulo niyang naupo sa kama at hinagip niya ang bewang ko papalapit sa kanya. Simula nang nagkakaumbok na ang aking tiyan nagsimula na rin siyang kausapin ang baby namin. Sabi ng kapatid ko masyado na daw malaki ang tiyan ko sa para dalawang buwang buntis.

Everybody are expecting twins, kahit ako at si Nero ay ganito din ang inaasahan dahil pareho kaming may lahing kambal.


"Nagugutom na ba ang mommy at baby? Sorry na, pinagod ni mommy si daddy kagabi. Puyat si daddy, puyat." Ngising sabi ni Nero. Ilang beses niyang hinalikan ang tiyan ko bago siya tumayo at halikan ako.


"Good morning dear wife." Hinalikan niya naman ako sa pisngi.


"I'll just take a bath, mind joining me?" Umiling ako kay Nero.


"Tapos na ako maligo." Tumango siya sa akin.

Kumuha na siya ng towel at pumasok na nagsimula na siyang pumasok sa banyo.


"By the way, Nero I did change the shampoo. Hindi ka na naman siguro mahihilo? Hindi masyadong matapang ang amoy ng binili ko kahapon." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at bumalik siya papalapit sa akin.


"About that Florence.." napatitig na lang ako kay Nero na bigla na lang humiga ulit sa kama.


"What?" nagtatakang tanong ko.


"Hakbangan mo ako Florence." Bigla na lang akong natawa sa sinabi niya.


"What Nero? What do you want me to do?" lalong lumakas ang pagtawa ko nang mapansin ko na namumula habang nakahiga sa kama.


"You did it on purpose Florence. Siguro ay hinakbangan mo ako nang natutulog ako." Naupo na ako sa kama dahil sa hindi ko mapigil ang pagtawa ko.


"Naniniwala ka na Nero? Ikaw ang naglilihi sa atin dalawa." Nagpunas na ako ng luha sa sulok ng aking mata.


"Dahil hinakbangan mo ako! Why are you like this Florence? I will take care of you, bakit kailangan sa akin mo ilipat ang paglilihi?" Napapailing na ako sa sinasabi nitong si Nero.


"I didn't know, hindi ko alam ang bagay na sinasabi mo." Pagsisinungaling ko.


"Come on baby, hakbangan mo na ako. Liligo pa ako." Ngumuso ako sa kanya.


"Nero ako naman ang manganganak, ikaw na ang maglihi sa akin." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.


"Florence, I did leave for another one month because of this. Hindi ako makakapagtrabaho kung lagi akong antukin, naghahanap ng iba't ibang pagkain at mabilis mag init ang ulo." Gusto kong sabihin sa kanya na sadya nang mainitin ang ulo niya.


"Don't worry, I will always take care of you Florence."


"Sinong may sabi sa'yo na hinakbangan kita?" Ang alam ko walang balak si Nally na sabihin dito ang tungkol sa paglilihi.


"Si Troy." Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ang traydor na si Troy na naman pala ang nakapagsabi.


"Alright" sumampa na ako sa kama at hinakbangan ko na si Nero. Nakangiti ito bumangon sa akin at ilang beses niya akong hinalikan sa labi bago siya pumasok sa banyo.

Napapailing na lang ako sa amin dalawa, totoo ba talaga ang hakbangang ito?

Hinintay ko lang na matapos si Nero maligo at sabay na kaming bumaba at pumunta sa kusina. Dahil alam ko na kung saan hindi maselan si Nero, nakakain siya ng maayos ngayon. Pagkatapos namin kumain katulad na lagi naming ginagawa, maghapon kaming maglalambingan, manunuod ng tv, kakausapin niya ang baby namin, gusto niya daw ng rambutan, lansones at cake na pinagbibigyan ko naman sa gabi. Nang mga sumunod na araw gumagala kami ni Nero kung saan saan dahil hindi na namin magagawa ito kapag sobrang laki na ng tiyan ko.

Kasalukuyan kaming nakahiga sa kama habang magkayakap, hinahaplos niya ang buhok ko habang nakatanaw sa aming kisame na pinalagyan niya ng mga desinyo na parang mga tunay na bituin sa tuwing papatayin namin ang ilaw. Sinabi ng doktor ko na maganda daw sa buntis na makakita ng magagandang tanawin dahil ang sayang mararamdaman ko ay mararamdaman din ng batang nasa tiyan ko. Gusto ni Nero makakita ako nito bago ko tapusin ang bawat araw ko. He knows that I love the moon and stars.


"Sana ganito na lang tayo lagi Nero, no problems, no complications and no hindrance. Ang dami na nating pinagdaanan, ayoko nang mahirapan ulit." Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin at marahan niya akong hinalikan sa aking noo.


"Don't worry, wala nang mangyayari Florence. We're already together, wala nang kahit sino o ano ang makakapaghiwalay sa atin." Ngumiti ako sa kanya at tuluyan ko nang isinara ang aking mga mata hanggang tangayin na ako sa aking malalim na pagkakatulog.

Nagising ako nang dahil sa matapang na pabangong naaamoy ko. Naramdaman kong hinalikan ako ni Nero sa pisngi dahilan kung bakit mas lalo kong naamoy ang tapang ng pabango niya.


"Nero!" iritado ko siyang itinulak habang takip ko ang aking ilong.


"What's wrong with you Florence?" kunot noong tanong niya.


"Bakit ang tapang ng pabango mo Nero? My god, nahihilo ako. Maligo ulit Nero! Maligo ka, tanggalin mo ang pabango mo! Bakit ka pa ba nagpapabango? Nasa bahay ka lang naman!" Sigaw ko sa kanya habang nakaawang ang mga labi niya.


"Baby, ikaw na ang naglilihi sa atin." Malapad ang ngiti sa akin ng shokoy. Natigilan ako sa sinabi niya, bakit ako biglang nagkaganito? Ipinilig ko ang ulo ko at iritado pa rin akong tumingin ka Nero.


"Basta maligo ka, bakit ka ba kasi nagpapabango?!"


"Hindi ako nagpapabango, baka ang sabon na gamit ko? O shampoo?" Padabog akong umalis sa kama at nagpunta ako sa banyo. Halos tumakbo naman sa akin si Nero para hawakan ako.


"Baka madulas ka Florence." Ilang beses kong pinaghahampas ang dibdib niya.


"Ang baho mo Nero! Ang baho mo!"


"What the fvck?" nakangiwi siya sa akin habang halos maiyak na ako sa amoy niya.


"Anong ginamit mo dito?" Nang ituro niya ay mabilis kong itinapon sa basurahan.


"Maligo ka ulit! Gamitin ito!" iritado kong inabot sa kanya ang sabon.


"Baby, sabon panlaba ito." Kunot na kunot ang noo kong tumingin sa kanya.


"Wala 'yang amoy Nero, hindi ako nahihilo sa amoy ng sabon na 'yan. Anong gusto mong mangyari sa akin?" Padabog kong isinarado ang banyo.


"Maligo ka Nero!" wala siyang nagawa sa akin kundi maligo.

Nakatapis siyang lumapit sa akin at pinaamoy niya ang sarili niya sa akin.


"Okay na? Hindi na galit ang mommy ng kambal ko?" Umirap ako sa kanya.


"Magbihis ka na Nero, liligo na rin ako."


"Baka madulas ka, maliligo na lang ulit ako." Napanganga na lang ako nang walang habas niyang tinanggal ang tapis niya at tumambad sa akin ang kanyang malaking—

Bigla niya akong binuhat at hindi na ako umangal sa kanya nang sumabay siya sa akin muling maligo. Isang oras yata kaming tumagal sa banyo at kapwa kami naligo gamit ang sabong panlaba.

Kumakain kaming dalawa nang may biglang pumasok sa isip ko na nagpatulala lang naman sa kanya.


"Nero, gusto kong manuod ng magic show. Tawagan mo naman si Troy, hindi ba marunong siyang mag magic?" naibaba na niya ang kutsara at mabilis siyang napainom ng tubig.


"Not him Florence, baka lumaking tagapagmana ang kambal natin Florence. Kung maaari ay huwag ka munang makipag usap sa kanya habang nagbubuntis ka. Hindi ka pa ba masaya na lagi mo akong nakikita? If you want magician, I will hire professionals. Huwag si Troy, baka masunog ang bahay natin." Kumunot ang noo ko kay Nero.


"Please? Si Troy na lang, I have this feeling that I will not enjoy the magic tricks if it is not Troy." Umawang ang labi niya sa sinabi ko.


"Hindi pwede Florence, no!"


"Akala ko ba kapag ako na ang naglilihi ay ibibigay mo sa akin ang lahat? Nasaan na ang ipinangako mo sa akin? Look, tingnan nyo ang daddy hindi niya tayo pagbigyan." Hinawakan ko ang aking tiyan habang hindi na maipinta ang mukha ni Nero.


"God, bakit si Troy Florence? Paglihian mo na ang lahat ng pinsan ko huwag lang si Troy." Ilang beses akong umiling kay Nero at napansin kong naiiyak na ako.


"Hindi ka naman namin ipagpapalit Nero, manunuod lang kami ng magic show. Gusto ko lang manuod, anong klaseng asawa ka? Ito lang ang gusto ko."


"What the—wait there! Tatawagan ko si Troy!" sinabunutan niya ang sarili niya habang lumalabas siya ng kusina. Nang makuha niya ang kanyang telepono ay sa harap ko mismo siya nakipag usap kay Troy.


"Come here Troy, bring your fucking magic props. Gustong manuod ni Florence ng maging show, ikaw ang gustong magician. Faster." Salubong na salubong ang kilay nito habang nakikinig sa sinasabi ng pinsan niya sa telepono.


"Fuck off, bilisan mo. Masamang pinaghihintay ang buntis." Nang maibaba na ni Nero ang telepono ay malapad akong ngumisi sa kanya.


"I love you Nero, love nyo rin si daddy hindi ba?" sabi ko sa hawak kong tiyan. Pilit lang ngumiti sa akin si Nero.

Hindi nagtagal ay dumating si Troy na may malaking kahon dala. Nakasuot din ito ng makapal na damit na parang sa isang tunay na magician. I know that he's skilled in magic tricks, bitter lang sa kanya ang mga pinsan niya.


"Hi Doll, mukhang pinaglilihian mo ako. Magmamana sila sa ninong." Ngising sabi ni Troy.


"Holymotherfucker" agad na mura ni Nero.


"Pwede ko bang hawakan ang mga inaanak ko?"


"No way! Ako na lang ang hawakan mo." Sabay kaming ngumiwi ni Tro sa sinabi ni Nero.


"Chill Nero, nagbibiro lang ako. I told you, magpahakbang ka. Ikaw ang may gusto nito." Naupo na kami sa sofa ni Nero habang inaayos na ni Troy ang gagamitin niya.

Inayos niya lang ito ng ilang minuto hanggang sa magsimula na siya.


"I need background music, dj Nero please?" Padabog na tumayo si Nero at kinuha niya ang remote ng stereo at binuksan niya ito. Nang nakamusic na ay tumabi na ulit sa akin si Nero.


"Thank you!" tumaas lang ang middle finger ng hari ng mga shokoy.

Unang ginamit ni Troy ang kanyang sombrero.


"Look, walang laman." Palakpak na ako nang palakpak habang pinapakita sa akin ni Troy na wala itong laman.


"Kailangan munang hipan ng daddy ang sombrero. Hipan mo na Nero." Pansin ko na nagpipilit na hindi matawa si Troy habang itinatapat niya ang sombrero kay Nero na salubong ang kilay.


"Come on, look babies ang killjoy ng daddy nyo." Sumandal ako sa braso niya para pilitin siya. Walang nagawa si Nero kundi hipan ang sombrero ni Troy.


"Alright! Hinipan na ng daddy! Tingnan natin ang laman!" napapalakpak ako nang may lumabas na kalapati dito.


"See? He's good Nero!" Natutuwang sabi ko.

Ilang oras nag magic show si Troy sa harapan ko na wala akong tigil sa pagpalakpak habang umiismid naman si Nero. Gabi na nang nagpaalam nang umuwi si Troy.


"I had fun Troy." Inihatid namin siya ni Nero hanggang sa may pintuan.


"Me too, can't wait to see them in flesh." Bahagyang yumuko si Troy at tumapat sa tiyan ko. Ramdam ko na humigpit ang kamay ni Nero sa aking balikat.


"Bilisan nyo nang lumabas, ninong Troy will teach you some magic tricks." Kusa na lang bumakas ang mga ngiti ko sa mga labi.


"I have to go." Tipid siyang kumaway sa amin ni Nero. Akala ko ay tuluyan na itong aalis nang bumaling ito sa pinsan niya.


"Nero, pagbigyan mo nang pagbigyan ang gusto ni Doll. Don't hesitate to call us, we'll definitely help you. Let's build a good foundation for your twins, tulad ng ginawa sa atin ni LG noon." Pakiramdam ko ay hinaplos ang puso ko sa sinabi ni Troy na kasalukuyan nang naglalakad sa amin palayo.


"I wonder how LG treated you during your childhood days, I bet it was so memorable."


"It was priceless Florence, at kung tatanungin ako gusto ko itong maulit. Hinding hindi ako magdadalawang isip."


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro