Chapter 30
Chapter 30
Pangatlong araw na namin sa resort at masasabi kong napakarami nang nangyayari na talagang kahit anong gawin naming pag iwas ng kapatid ko, mukhang hinding hindi namin maiiwasan. Sila mismo ang lumalapit at gumagawa ng gulo.
Marami sila habang dadalawa lamang kami, paminsan na rin nakikisabat si Nero at Aldus pero hindi namin hinahayaan ito Sapphire. Hindi naman namin gustong sabihin sa amin ng mga Ferell na inalalayo namin ang loob ni Nero at Aldus sa kanila.
The dinner encounter was a damn suspense, the volleyball game was quite an action, what will happen next then? I can't help but to feel nervous. Isang buong araw pa namin silang makakasama at malaki ang paniniwala kong napakarami pang pwedeng mangyari.
Having my bitchy sister? Na kapag hindi namin naawat ay laging gustong may kalmuting mukha. Simula pa lang nang makilala si ko Sapphire ay alam ko nang may ganito siyang ugali pero ngayon ko lang masinsinang nakikita ang ugali niyang ito. She is really 'the bitch'
Bigla ko tuloy naalala ang mga panahong may ganito pa akong pag uugali. I was a bitch back then. I can still remember how I bitchy treated Ferells during our teenage years. What should I expect from myself during those years? I was a great pretender, I did live my life pretending that I was tough, strong and fearless but deep inside I was fragile, scared and hopeless girl with painful past. Kaya nang sandaling nagsunod sunod ang problema, hindi ko na kinaya. I did breakdown and every decisions I made was damn irrational showing the real me, showing how weak I am.
Until now, I am in the process of putting myself together. Kahit nasa tabi ko na ang lalaking mahal ko, kahit nakasuporta na sa akin si Nero anumang oras hindi pa rin nito maaalis ang mga takot na naranasan ko mula sa aking nakaraan.
I am now trying to be tough, real tough and strong. Para sa sandaling may dumating na problema sa amin ni Nero kaya naming suportahan ang isa't isa.
Nero's still sleeping on our bed. Wala siyang kamalay malay na nakapasok na ang kapatid niya sa kwarto namin at prenteng humihigop na ng kape katabi ko.
"How I love the waves.." ngiting sabi ni Nally. Nasa terrace kami ng kwarto na siyang tanaw ang ganda ng dagat.
"I love waves too.." sagot ko sa kanya.
"Florence, thank you for these 3 days. Salamat at pinagbigyan mo si LG kahit alam mong hindi magiging maganda ang pagtigil mo dito.." tipid akong ngumiti sa sinabi ni Nally. Kung pwede lang sana na kapareho na lang niya ang iba niyang mga kamag anak.
"It's okay, gusto ko rin naman sundin ang gusto ni LG.." muling humigop ng kape si Nally.
"I am sorry about my mother Florence and also some of my cousins and aunties.." mahinang sabi niya na hindi makatingin sa akin.
"Hindi ako magsisinungaling. To tell you the honestly, I am not really fine with it. Hindi pa rin ba nila maintindihan na hindi ko ginusto ang nangyari? I am also a victim.." kahit ilang taon na ang lumipas napakasariwa pa rin ng galit ng mga ito sa akin.
"I tried to explain Florence, hindi ko na mabilang kung ilang beses ko silang pilit pinaliwanagan. But they're all closeminded, isinarado na nila ang isipan nila. We're talking about life here, buhay ng pinsan ko. They will definitely find someone to blame.." kung maaari ko lamang sabihin at ipagsigawan sa kanila na buhay si Tristan.
"I see.." maiksing sagot ko.
"You know Florence, hindi naman talaga masasama ang ugali naming mga Ferell. You can see that, nakasama mo ang kapatid ko at ang apat kong pinsan sa ilalim ng iisang bubong..." gusto kong sabihin na kakaiba ang limang Ferell dahil si LG ang nagpalaki sa limang ito. They're all different from their other relatives.
"Tita Trinity and Tiana are always nice, they're both sweet and lovable.." she's talking about Tristan's mom and sister.
"You can understand them, mahal na mahal nila si Tristan kaya ganito na lang ang pagsabog ng emosyon nila sa'yo. They are just longing for Tristan.." mahinang paliwanag sa akin ni Nally.
"Ibig sabihin ba nito kaya ganito ang pakikitungo nila sa akin ay para mabawasan ang pangungulila nila kay Tristan? I don't know what to say Nally.." naiiling na sabi ko.
"It's not like that.."
"Pero 'yon ang naiintidihan ko sa mga sinasabi mo Nally.." huminga siya ng malalim at napasandal na siya sa upuan.
"Kung sana buhay na lang si Tristan.." hindi ako nakasagot sa kanya.
"I am glad, Troy and Owen's family is not against me or Sapphire.." sabi ko para putulin ang katahimikan.
"They're all fine with you and Sapphire, hindi naman sila mahirap kausap. Si Mama lang talaga, Tita Beatrice, my twin cousins, Tita Trinity and Tiana..." hindi ulit ako nagsalita.
"Florence, huwag mong isipin na pinagtatanggol ko sila sa'yo but to tell you honestly. Mababait sila, masayang kasama at kahit kailan hindi kami nagkasagutan o nagkagalitan. They're all nice, caring and fun to be with. Masyado lang kayong napangunahan ng hindi magagandang sitwasyon kaya hindi naging magandang ang pundasyon ng pagkakakilala nyo.." alam kong tama ang sinasabi ni Nally, ni minsan wala akong naririnig na masasamang balita tungkol sa kahit sinong Ferell. Walang naging malaking issue tungkol sa kanila, walang mga taong nagrereklamo sa kanila o naaagrabyado.
Yes, sabihin natin na talagang mabubuting tao sila pero bakit hindi ko ito makita sa tuwing nagkakausap kami? Gusto kong sumalungat sa sinasabi ni Nally pero pinili ko na lang manatiling tahimik. Yes, they're all good but not to me. Tama si Nally, pinangunahan na kami ng masasamang sitwasyon at mukhang mahirap na itong ayusin pa.
"Siguro lilipas din ito. Sooner or later, matatanggap na rin nila kayo.."
"I hope so.." tipid na sagot ko. Ilang minuto kaming natahimik ni Nally bago ako nagsalita.
"How about you Nally? You're not getting married? Naunahan ka pa ni Nero.." pagbibiro ko.
"I am expecting that, alam kong maagang lalandi si Nero. Oh well, isama na rin natin ang maagang makakabuntis. Hindi na ako nagulat, nasa lahi na ng mga lalaking Ferell ang makabuntis ng maaga.." natawa na din ako sa sinabi ni Nally.
"Aware of their rule?"
"What? Na kapag nakabuntis ng hindi kasal matatanggalan ng mana?" dito na kami sabay na natawa ni Nally.
"Walang mana ang makakapagpapigil sa mga pinsan ko para makabuntis. Trust me Florence, one of these days may isa na namang Ferell na problemado sa kanyang nanganganib mamanahin.." muli kaming napatawa ni Nally.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko Nally.." ngumisi siya sa sinabi ko.
"Kasalukuyan ko pa siyang inaagaw sa fiance niya.." napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
"What Nally?"
"You heard it right, inaagaw ko pa si Ace sa fiancé niya.." Ace?!
"You mean, Lina's brother?" nasabi na ito sa akin ni Lina dati. That Nally and her brother had a relationship.
"Yes, I am stealing Helium Ace Hidalgo from his fiance. He's mine.."
"Then what? You'll cry again? Because of that fvck?" sabay kaming lumingon ni Nally kay Nero na bagong gising na magulo ang buhok habang nagpupunas ng puting towel sa kanyang mukha.
"Good morning wife.." mabilis siyang yumuko at hinalikan ako sa labi.
"Good morning Nally.." hinalikan niya sa ibabaw ng ulo si Nally.
"Anong oras na Nero? Bakit tanghali ka na gumising? Parang ikaw ang buntis sa inyong dalawa ni Florence.." naiiling na sabi ni Nally.
"I've noticed that too.." sagot ko.
"Oh shit, here we go again. Puyat lang ako, I'll get some coffee.." agad umalis si Nero sa terrace. Maagang pikon.
"He's always like that Nally.."
"Baka naman hinahakbangan mo?" nangunot ang noo ko.
"Hinahakbangan?"
"Hinahakbangan, halimbawa bababa ka sa kama tapos mahahakbangan mo si Nero. You know, naririnig ko sa matatanda kapag hinakbangan daw ng buntis ang asawa niya, ito daw ang maglilihi. Hindi ko alam kung totoo o sabi sabi lang.." tumango ako sa sinabi ni Nally. Ilang beses kong nahahakbangan si Nero tuwing umiihi ako sa gabi.
Hindi nagtagal ay lumabas na si Nero na may hawak na rin kape.
"Lalabas ako mamaya Nero, susundin ako ni Sapphire. Island hopping.." paalam ko dito.
"I'll go with you.."
"Huwag na, hindi ba masama pa rin ang pakiramdam mo? You can rest.." kumunot ang noo nito sa akin.
"Just rest Nero, masama sa naglilihi ang mapagod.." tumayo na si Nally at mukhang aalis na.
"What the hell Nally?" tinapik nito ang balikat ni Nero at nagpaalam na ito sa amin.
"What was that?" iritado siyang naupo sa tabi ko.
"Nakatulog ka ba ng maayos?" hinawakan ko ang pisngi niya.
"I am fine Florence, what is wrong with you?" umiling na lang ako baka lalong uminit ang ulo niya.
Nag aalmusal si Nero nang marinig ko ang katok ni Sapphire sa pintuan.
"I'll be right back.." iniwan ko si Nero sa terrace at pinagbuksan ko si Sapphire. Katulad ng kahapon ay nasa likuran nito si Aldus.
"Dito ka muna babe, bantayan mo ang pinsan mo. Naglilihi.." hinalikan ni Sapphire si Aldus sa pisngi na nakakunot ang noo.
"What do you mean?" tanong ni Aldus.
"Basta!" sagot ng kapatid ko.
Nagpaalam na kami sa dalawang magpinsan na parehong gustong sumama pero hindi kami pumayag.
"Mag ingat kayong dalawa.." sabi ni Nero.
"We will.." sagot namin.
"Sapphire, be a good girl.." babala ni Aldus.
"I can't promise that babe.." nailing na lang si Aldus. Iniwan na namin silang dalawa.
"Let's just enjoy the last day, kapag tumigil tayo sa hotel baka makita lang natin sila.."
Sapphire is wearing a crochet lace beach short dress, na makikita ang suot nitong itim na bikini. While I am wearing an off shoulder summer dress.
"Minsan ba pinagsasabihan ka ni Aldus sa damit mo Sapphire? You know.." I don't mean to offend her or something.
"Hindi naman, wala siyang pakialam. As long as he have me, wala siyang dapat ipag alala. Besides they can only stare but Aldus? Oh well he can more than touch me.." ngumisi na lang ako sa sinabi niya.
Papalapit na kami ni Sapphire sa may dagat pero napatigil ako sa paglalakad nang makita ang makakasama namin sa bangka. Seriously? Hindi na ba talaga kami makakawala sa kanila.
Rainey and friends.
"Mamaya na lang kaya tayo?" tanong ko kay Sapphire.
"What? Nauna tayo, bakit nandyan ang mga 'yan?" naunang maglakad sa akin si Sapphire.
"Excuse me but we had a reservation, ayaw namin na may ibang kasabay..." sabi ni Sapphire sa lalaking nag aassist sa bangka.
"Hanggang dito ba naman? Wala na ba talaga kayong ibang kayang gawing magkapatid kunti manggulo?" nakasakay na si Rainey sa bangka, mga kaibigan nito at ang kapatid niya.
"Nakita mo lang ako, gulo na agad ang naisip mo? Talaga palang nalasap mo ang bola kahapon, masyado ka nang nadala. I am glad.." ismid na sabi ni Sapphire bago ito muling humarap sa lalaking nag aayos ng bangka.
"We have our reservation, wala ba kayong record? Hindi dapat ganito ang service sa resort na ito. Wala na ba kayong ibang bangka?" tanong ni Sapphire.
"It should be first come first serve, palalakihin mo na naman ang gulo.." sumabat na rin ang kapatid ni Rainey.
"Yes, mga halatang naghahanap lang ng away.." sumabat na rin ang mga kasamahan nito. Umiinit na naman ang ulo ko sa kanila.
"Sa pagkakaalala ko pumunta kami ng kapatid ko dito para kausapin si manong tungkol sa reservation namin. Hindi nyo ba natatandaan kung sinong unang nagsalita sa atin? Hindi kami ang naghahanap ng gulo.." pagsabat ko.
"Oh, they won't understand you Florence.." tamad na sabi ni Sapphire.
"May reservation ba ang bangkang ito Junnel? Ginagamit na ng iba pa nating mga guest ang iba pa nating bangka.." pansin ko na bahagyang napapasulyap ang binatilyo kay Rainey. There is something wrong.
"Ano kasi kuya..." pansin ko na pinanlakihan ni Rainey ng mata ang binatilyong crew.
"Why can't you understand na first come first serve ito? Pabagal bagal kayo kaya nauunahan kayo.." iritado na si Rainey.
"Let's go kuya, let's leave them. Nauna kami.." sabat ni Ronaele.
Narinig kong tumawa ang kapatid ko sa sinabi ng mga ito.
"I see, hindi ba sinabi ko na sa'yo Rainey na huwag mong minumukha? Ibinalandra mo na naman siguro ang mukha mo, kawawa naman si what is your name again little boy? Junnel?"
"What?!" hindi siya sinagot ni Sapphire dahil hinintay namin na matapos sa kausap sa kanyang telepono ang isa pang lalaking crew.
"Pasensya na po. May reservation po pala ang bangka, nakapangalan po siya kay Ms. Saffira Primrose Almero.." sabay tumaas ang kilay naming magkapatid.
"Oh, that's me.." kibit balikat na sabi ni Sapphire.
"Ma'am.." gusto na silang pababain ng lalaking crew.
"No way, nauna kami.." iritadong sabi ni Ronaele.
"It's fine, we can share.." inilahad ni Sapphire ang kamay niya sa dalawang lalaki para alalayan ito.
"Excuse me mga 'first come first serve'" eksaherada silang hinawi ni Sapphire. Maarte silang umiwas sa kapatid ko.
"Come here sister.." inilahad ni Sapphire ang kamay niya sa akin. Tinulungan na din ako ng crew. Bago kami pumunta sa dulo ni Sapphire ay tumigil ito sa harap ng mga higad.
"Sabi ko sa'yo, huwag mong minumukha sa lahat ng oras. Kaya ka tinatamaan ng bola. Gamit din ng utak, may tinatawag na reservation.."
"Fvck you.." bulong na sabi ni Rainey.
"Fvck you too.." bulong din ni Sapphire. Tinalikuran na namin sila ni Sapphire pero nang makarating kami sa dulo nang bangka ay humarap ito sa lahat ng mga nakasakay sa bangka.
"Alright, ako ang masusunod sa bangkang ito. Kung saan gusto ng kapatid kong isla doon tayo pupunta, kung ayaw madali akong kausap. Magsitalon na kayo at magsimula na kayong maglangoy sa gusto niyong isla.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro