Chapter 28
Chapter 28
Tulad nang inaasahan kumpleto ang lahat ng mga Ferell. Simula sa mga magulang ni Nero na tanging ang Daddy niya lang ang totoong ngumingiti na siyang bahagyang nagpasaya sa akin ngayong gabi.
I was touched when he asked me about my pregnancy and how's Nero as a husband. Atleast, there is someone else true in this family besides LG, Nally and the shokoys.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit ramdam ko ang matinding kaba sa dibdib ko. How I hate this setting though I am already expecting this. Dinner with those people who hated me the most. I can't still blame them for treating me like this. Hindi ko rin masasabi ang maaari kong maging reaksyon kung nasa posisyon nila ako. They have lost Tristan because of me at bilang pamilya natural lang na magalit sila sa taong naging dahilan ng pagkawala ng mahal nila sa buhay.
Saglit kong sinulyapan ang kapatid ko na parang hindi man lang nakakaramdam ng kaba, hantaran lang naman silang naglalandian ni Aldus sa harap ng hapag kainan. Nakalagay ang isang braso ni Aldus sa sandalan ng upuan ni Sapphire habang pabulong bulong ito dito.
But I have trauma in this kind of setting! Hindi ko makakalimutan ang unang beses na nagkasama kami ng Mommy ni Nero sa isang lamesa, isama pa ang alagad niyang si Cassidy na mukhang may nakapalit na agad. Hindi na maganda ang pakiramdam ko sa babaeng ito na sobrang lagkit kung makatingin kay Nero.
Why am I having this feeling na hindi nauubusan ng alagad ang mommy ni Nero? Does she have a recruitment society? Something like Anti Florence society? Shit, I am overthinking again.
Hindi ko matanggal sa sistema ko ang nangyaring batuhan namin ng mga salita noon. That was so unforgettable! Oh, scratch Nero's shoes caressing my legs back then but-- oh damn!
Awtomatiko akong lumingon sa hari ng mga shokoy. What's with his hands? Kung saan na naman ito nakarating! Manyak is everywhere.
"I am so happy to have you all here. Akala ko ay hindi nyo pagbibigyan ang matandang kagaya ko.." pagbibirong sabi ni LG. Nasa dulong upuan siya nakapwesto. He's the king of the night with a cute party hat on his head.
"Bakit ka naman namin hindi pagbibigyan? LG you don't say that, you're not getting older. Kamukha mo pa rin ako. By the way what's with the hat?" iisa lang ang tono ni Troy sa mga sinabi niya. He's less humor today, halata rin sa buong aura at sa kanyang mga mata ang pagkatamlay.
"Something's wrong Troy?" kahit si LG ay agad itong napansin sa kanyang paboritong apo.
"What? No, nothing.." bahagya siyang sumulyap sa aming lahat.
"Don't look at me like that people. Let's eat, nagugutom na ako.." pilit niyang pinasigla ang boses niya.
"Alright, let's eat then. Magpakabusog kayong lahat.." ngiting sabi ni LG.
Tahimik ang pagkain naming lahat, may paminsan minsan na nagsasalita pero agad din itong napuputol at hindi na nasusundan. Hindi pala talaga maganda ang isang lugar kung walang isang madaldal at mayabang na magsasalita. Troy and Owen are not on the mood tonight.
Nang matapos ang pagkain naming lahat ay nagsimula nang mag usap ang matatandang Ferell, nakikinig lang kami sa kanilang usapan. Mas gugustuhin ko pa na makinig at hindi makisali sa kanila dahil alam ko sa sarili kong walang mangyayaring maganda kapag nagsimula na silang kausapin ako o ang kapatid ko.
"So, mga hijo sino ang sunod na ikakasal sa inyo?" sabay lang umismid si Troy at Owen na mukhang lalo yatang uminit ang mga ulo.
"Ako.." mabilis na sagot ni Aldus.
"Seriously Aldus? I thought you're planning to enter showbiz? It would be great if you'll stay single and free. You know.." kilala ko ang nagsalita. Siya ang ate ni Tristan.
"I agree with that, para naman may artista na sa pamilya natin.." pagsang ayon ng isa sa mga kapatid ni Aldus.
Bakit sila ganito magsalita na parang hindi katabi ni Aldus ang kapatid ko? Talaga bang ganito na lang ang galit nila sa aming magkapatid?
"Showbiz? Then what? The media will not just pest Aldus, madadamay tayong lahat. Mawawala na ang lahat ng pinaghirapan ni LG para lamang maging pribado ang pamilya natin sa kabila nang kaliwa't kanan nating mga negosyo. You know how LG valued our privacy and then you'll just push Aldus for what? For fame? Para may maipagmalaki kayo sa mga kaibigan niyo? Sorry for my word Aunties but that idea was so nonsense.." gusto kong halikan si Nero sa mga sinabi niya. There you go Nero Sebastian Ferell.
"Thank you for that my spokeperson. Parang dati kami pa ang nagsasalita para sa'yo—" I heard Nero's curse.
"Modelling is enough, I don't have plans for showbiz besides LG didn't raise me do be an actor. Right LG?" naiiling na napangisi si LG sa sinabi ni Aldus.
"Hindi pa ba kayo masaya? You've got Owen and Troy already. Owen is known internationally while Troy is now running for the high chair in business world. Kailangan ko pa bang dumagdag? Let's give chance to others, huwag nating angkinin ang lahat ng larangan. Hindi natin maaaring ipahalata sa lahat na perpekto ang lahi natin.." gusto ko na sanang pumalakpak sa unang mga sinabi ni Aldus pero agad akong napangiwi sa mga sunod pa niyang sinabi. Kahit si Sapphire ay naiiling na rin dahil sa lalaking katabi niya.
"How I love your confidence Aldus, nagmana talaga kayo kay LG!" natatawang sabi ng isa pa sa mga kapatid ni Aldus.
"Well, Owen is the face of Ferell. Makuntento na kayo dito.." ngising sabi ni Nally.
"It's not me, mas sikat sa akin si Troy.." mahinang sabi ni Owen. Akala ko ay hindi na ito nakikinig sa usapan.
"Me? Famous? No, I am not.." matamlay na sabi ni Troy na halos magpatahimik sa aming lahat. Halos lahat kami ay hindi makapaniwala sa isinagot ni Troy Alvis Ferell na sobrang taas sa sarili. What the hell is wrong with Troy?
"Troy apo, can I ask you something? Nalulugi na ba ang kumpanya? What is wrong with you?" lahat yata nang mga mata ay nakatitig kay Troy. Si Troy itinangging hindi siya sikat? My god.
"No, that's not it. I am just tired. I have to go.." sagot nito. Mabilis siyang tumayo at nagmadaling umalis sa lamesa. Hindi din nagtagal ay nagpaalam na rin si Owen.
"Seriously? What is wrong with them Nero? Aldus?" nagtatakang tanong ni Nally.
"Probably women.." kibit balikat na sabi ng mommy ni Nero. Nagpaalam na ang mga nakatatandang lalaking Ferell, nagpaalam din si LG dahil may tumatawag sa kanyang telepono, umalis na rin ang mga magulang at mga kapatid ni Owen at Troy. Tanging natira na lamang ay ang mga miyembro 'anti Almero sisters' isama pa ang bagong apprentice ng mommy ni Nero.
"I think I need to go, phone call.." nagpaalam na rin si Nally. Pero pansin ko ang makahulugan niyang pagtitig kay Aldus at Nero na parang binabalaan na ang mga ito.
"So, kamusta nga pala ang pagbubuntis mo hija?" ang mama ni Aldus ang nagtanong sa akin. Mas nanlalamig ako sa mga mata ng mama ni Tristan at ng kapatid niyang babae. Plastic namang nakangiti sa akin ang mommy ni Nero at ang apprentice niya.
"Okay lang naman po.." hinawakan ni Nero ang nanlalamig kong kamay sa ilalim ng lamesa.
"Hindi ka nagiging maselan? Alam mo na, ang ilan sa mga buntis ngayon masyado nang nagiging maarte na parang sinasadya na.." sumabat na ang babae.
"Who is she?" sabay nagtanong si Aldus at Nero na nakakunot ang mga noo.
"Can't you remember her?" lalong nangunot ang noo ni Aldus at Nero.
"Kalaro nyo siya nang mga bata pa kayo.." ngiting sabi ng ni Tita Nerissa.
"Si LG lang ang kalaro namin noon.." matabang na sagot ni Nero. Who is this woman?
"Remember Ronaele?"
"The name didn't ring a bell.." sagot ni Aldus.
"The lost girl in the theme park, hindi ba at may nakilala kayong batang babae sa theme park noong mga bata pa kayo? Your grandfather told us the whole story.." sabay na tumitig si Aldus at Nero sa babae na parang inaalala nila ito.
"The crying girl?" tanong ni Aldus.
"She's your ex.." agad na sabi ni Nero kay Aldus. Pansin ko na tumaas ang kilay ng kapatid ko.
"So you're Ronaele?" tanong ni Aldus sa babae.
"I am her sister, hindi ba at dalawa kami ni Ate na naging kalaro nyo na noon? Poor memory Ferells?" ngising sabi ng babae. Bahagya siyang sumulyap sa akin.
"Her sister...then—" lumingon si Aldus kay Nero na parang may sasabihin pero pinili nitong hindi ito ituloy.
"Yes, I am Nero's ex girlfriend. How are you Nero, Aldus? Ang tagal na nating hindi nagkita.." masiglang bati nito sa dalawang Ferell na hindi nakapagsalita. Tinanggal ko ang kamay ni Nero sa mga kamay ko. Hindi pala kilala?
"How's your sister hija?" tanong ng mommy ni Aldus dito.
"She's fine. She's into modelling too like Aldus, 'yon nga lang mas pinili niyang sa ibang bansa ipagpatuloy ang career niya. Hindi natin masasabi baka maging magkatrabaho pa sila ni Aldus.."
"No, they won't. Aldus will stay here in the Philippines.." mabilis na sagot ni Sapphire.
"My sister is free for any country, pwede rin siyang pumirma ng kontrata dito sa Pilipinas. She'll be happy to see you Aldus. I am so proud of her success.." alam kong iritado na sa kanya ang kapatid ko.
"Uhuh?" lalo yatang umarko ang kilay ni Sapphire.
"Hind ba masyado mo naman yatang sinasakal ang anak ko? Give him freedom hija, let him decide on his own..." mabilis na sabi ng mommy ni Aldus kay Sapphire.
"Ma! She is not like that. Tama siya, gusto ko lang manatili dito sa Pilipinas. And she is nothing against my every decision, don't talk to her like that.." pagtatanggol ni Aldus kay Sapphire.
"Sinasabi lang ni mommy ang nakikita niya. Bakit kung makapagsalita ka ay parang mga kontrabida kami?" iritadong sagot ng isa sa mga kapatid niya. Magsasalita pa sana ang kapatid ko nang sumingit na si Nero.
"Enough with this.."
"So, natatandaan mo na siya?" agad na sabi ni mommy niya. Talagang pinagpipilitan niyang makilala ang alagad niya.
"Yes, I can't just remember her name.." gusto ko nang sampalin si Nero. Napakasinungaling niya! Akala ko ba hindi niya kilala ang babae?!
"I am Rainey, you jerk! You stole my first kiss!" narinig ko pa siyang tumawa na parang nakikipag biruan lang siya. What the hell? First kiss?!
Natulala si Nero sa sinabi ng babae at hindi nito magawang makatingin sa akin.
"Bitch" lahat kami ay napalingon sa diretsong sinabi ni Sapphire.
"What?" mataas na ang boses ng babaeng may pangalang Rainey sa kapatid ko.
"You, who else? Hanggang saan ang natapos mo? Nag aral ka ba talaga? Do you think it's damn ethical to talk about your first kiss with the man who stole it in front of his wife? Alam ko ang klase ng mga ganyang salitaan. Mga salitaan ng babaeng gustong mangabit.." napasinghap ako sa prangkang pagkakasabi ng kapatid ko. Kahit ang mga 'anti Almero sisters' ay natulala sa sinabi nito. Walang imik si Aldus at masyadong suportive dahil prente lang itong nakaakbay sa kapatid ko na mukhang proud pa.
"That was a childish act Rainey, I was just a kid back then.." malamig na sabi ni Nero.
"I am just kidding, bakit masyado nyo naman sineseryoso? Kung makaasta kayo akala mo laging aagawan.." nagtaas na rin ito ng kilay sa kapatid ko.
"Hindi nga ba ito ang pakay mo? Isama mo na rin ang kapatid mo na ibinubugaw mo kay Aldus.." pakiramdam ko ay mahihimatay ako sa batuhan nila ng salita.
"Aldus! Tame your girlfriend, hindi ba siya marunong umintindi ng biro?!" iritadong sabi ng isa sa kapatid ni Aldus.
"She doesn't like jokes.." simpleng sagot ni Aldus.
"Nagbibiro lang ako nagkakaganyan na kayo? papaano kung totohanin ko na? You're being funny, bakit hindi mo na lang gayanin ang kapatid mong buntis? She didn't mind at all" biglang tumaas ang presyon ng dugo ko sa sinabi niya. Hindi lang ako nagsasalita pero kanina ko pang pinagtitimpi ang sarili ko.
Tama ang kapatid ko, hindi tamang bigla na lang niyang sabihin ang tungkol sa halik nila ni Nero habang kaharap ako kahit biro pa ito. Napakabastos niya at totohanin? She'll what? Mang aagaw siya?
"Then do it. Gawin mo ang gusto mo, tandaan mo lang. Hinding hindi nagpapaagaw ang mga buntis. Excuse me, I have to go.." iritado kong tinabig ang kamay ni Nero at nagmadali akong lumabas ng function hall. Sinungaling!
Hanggang sa makarating ako sa kwarto namin ni Nero ay wala itong tigil sa kakaalo sa akin at pag sosorry.
"I told you Florence, hindi ko siya talaga kilala noong una. Kanina ko lang siya naalala.." paliwanag niya sa akin.
"I don't care! Sa sofa ka matutulog! Liar!" sigaw ko sa kanya. Naupo ako sa kama at napansin ko na lang na naiiyak ako.
"Florence.." naupo na rin siya sa kama.
"Huwag ka lalapit Nero!"
"Don't mind her, gusto mo paalisin ko siya ngayon? I can tell it to LG, ayaw kong nagkakaganito ka. I am so sorry Florence.." hindi na ako nakapalag nang yapusin niya ako.
"Sinungaling ka!"
"I am sorry.."
"Is she your first kiss Nero?" hindi siya nakasagot sa akin.
"Is she your first kiss?" inulit ko.
"Si LG ang first kiss ko Florence.."
"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo Nero!"
"Si LG nga ang first kiss ko Florence, pangalawa siya.." lalong lumakas ang pag iyak ko at pinaghahampas ko siya sa dibdib.
"You shouldn't have kissed her! Bakit mo siya hinalikan?!" sigaw ako nang sigaw sa kanya.
"Bata pa ako Florence noon.." nahihirapang paliwanag niya sa akin.
"Kahit na! Bitawan mo ako Nero, sa sofa ka matutulog!" humigpit ang yakap niya sa akin.
"Ikaw naman ang last kiss ko Florence. You're my morning kiss, noon kiss, night kiss at marami pang kiss. Tahan na, papangit ang baby natin.." naramdaman ko na hinalikan niya ang ibabaw ng ulo ko.
"Besides, nauna naman kitang nakilala sa kanya.."
"Magsisinungaling ka na naman?!"
"No, nakita na kita noong bata pa ako sa theme park. I am with my cousins. Siguro nga bulol ako noon pero matalas ang memorya ko. You hit your ball on my head, you're with your yaya and she called you Florence.." nangunot ang noo ko sa kanya. Nag iimbento siya!
"Wala akong naaalala!"
"No, it's true baby. Bata ka pa siguro non.." hindi na ako nakaangal nang ihiga na niya ako sa kama. Pinahid niya ang mga luha ko sa aking pisngi at marahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok sa aking mukha.
"At alam mo kung anong hindi ko makakalimutan nang araw na 'yon?" humiga na rin siya at yumapos siya sa akin.
"What?" tanong ko sa kanya. Nauuto na yata ako nitong si Nero.
"Your smell, amoy rambutan ka na Florence simula nang pagkabata natin.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro