Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23


Chapter 23


Lumipat na kami ng sasakyan at sa pagkakataong ito ay si Tristan na naman ang nakaupo sa driver's seat na labag lang naman sa kanyang kalooban. Mga tamad naman kasing mag drive ang natitirang mga shokoy. Ilang beses pa nilang pinilit si Troy na ito naman daw ang mag drive dahil kahit isang beses daw ay hindi nila ito nakitang nagmaneho sa tuwing nagkakasama sama silang lima sa iisang sasakyan pero kahit anong pagpilit nilang apat ay mahigpit na tumanggi ang tagapagmana.

Huwag na daw tumuloy kung gagawin siyang driver. Nakarinig pa ako ng walang katapusang murahan at sumbatan sa kanilang lima bago may umupo sa driver's seat. Hindi ko maiwasang mapahawak sa tiyan ko habang nagtatalo ang mga shokoy sa kung sino ang magmamaneho, dyosko anak huwag na huwag kang magmamana sa daddy mo at sa mga ninong mong mga shokoy.

Kung magbiyahe na lang kaya tayo baby? Hayaan na lang natin ang daddy mo at ang mga ninong mo na magbonding ng kanila.


Hindi pa rin pinapaandar ni Tristan ang sasakyan. Dahil ayaw pa rin daw nitong magmaneho, nagrereklamo ito na kulang daw siya sa tulog.


"Paano kung mabangga tayo kapag inantok ako? Kayo ang magdrive dito!" angil na sabi ni Tristan sa kanyang mga pinsan.


"Gago! Huwag mong ibabangga! Mapapatay kita Tristan" iritadong sagot sa kanya ni Nero na katabi ko. Nabibingi na ako sa kanilang lima.


"A...ray.. a..ray.. masakit ang likuran ko mga pinsan.." madramang sabi ni Aldus sa unahan na parang paniniwalaan naming lahat.


"Stop faking it Aldus, drive this van. We need to go.." cool na sabi naman ni Owen.


"Bakit hindi ikaw Owen ang magdrive?" asik ni Aldus sa kanya.


"I can't be exhausted today. I still have paintings to be polish for tomorrow, hindi pwedeng mapagod ang kamay ko" simpleng sagot ni Owen na nakapagpahanga sa akin. Maniniwala na sana ako sa kanya nang magsalita si Troy.


"Painting huh? Akala ko ba ay maglalaro tayo bukas ng gabi ng billiards kasama si Triton at Elliot? Ang dami mo namang gagawin Owen" napailing na lang ako sa sinabi ni Troy.


"Should I drive? Ako na lang ang magdadrive! Nakakahiya naman sa inyong lima, ang laki ng mga problema niyo" iritado na rin ako sa kanilang lima. Hindi na yata sila nagkasama sama na hindi nagtatalo. My god.


"No, you stay here. Come on cousins, mag volunteer na ang isa sa inyo. Wala tayong mararating kung magtuturuan pa tayo kung sino ang magdadrive" agad na sabi ni Nero. Napasandal na lang ako sa aking inuupuan, siguro ay mga kalahataing oras pa silang magtatalo bago may isa sa kanila na pumayag nang magdrive.


"Ikaw na lang sabi Troy!" pagpupumilit ni Aldus sa kanya.


"I told you, I can't. Alam niyo namang hinihika ako.." maarteng sabi ni Troy.


"Gago! Kailan ka pa nagkahika Troy?" iritado na rin si Tristan.

Alam kong hindi nila mapipilit si Troy kahit anong mangyari. Kailan ba nanalo sa tagapagmana ang natitirang apat na mga shokoy? Sa lahat naman ng pagkakataon ay pinapaburan nila ito, magbabato muna ng maraming mura sa kanilang paboritong pinsan pero sa huli si Troy ang mananalo.

Love na love talaga nilang apat si Troy, tulad nga ng sabi ni LG para daw mga tuta ang magpipinsang ito kung maglambingan. Napapangisi na lang ako sa naiisip ko, siguro kung marinig nila ang iniisip ko ay masuka na lang sila ng sabay sabay.

Dito ko masasabing basta ayaw ng 'bunso' hinding hindi mo ito mapipilit. Kaya sa huli si Aldus na kaninang nagrereklamong masakit ang likod ang pumalit sa pwesto ni Tristan. Hindi naman yata magandang si Tristan pa ang magmaneho, alam naming lahat na walang pinipiling lugar ang pagkaantukin niya.


"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Nero na katabi ko. Baka kung saan na naman kami dalhin ng tagapagmana.


"Hindi ko alam sa mga 'yan. Saan na naman tayo pupunta Troy?" tanong ni Nero kay Troy na siyang nasa unahan na katabi ni Aldus. Tulog na si Tristan habang napapansin ko na abala si Owen sa kanyang telepono.


"Hindi ba pupunta tayong fiestahan muna? Nagugutom na ako" napangiwi na lang ako sa sinabi nitong si Troy. Saan naman may fiestahan?


"Saan naman may malapit na fiestahan dito Troy? May nag imbita sa'yo? Ayoko nang mag gate crash, graduate na ako dun" pagsingit ni Aldus sa usapan.


"Ako pa? Umulan ng invitation sa akin Aldus, marami tayong kakainan ngayon" proud na sagot ni Troy. Mukhang magkukuripot na naman po silang magpipinsan.


"Minsan napapaisip ako sa'yo Troy. Yes, lahat naman kayong magpipinsan pahirapang maglabas ng pera pero ikaw talaga sagad na sagad ang pagkakuripot mo. Anong gagawin mo sa kapal ng pera mo kung hindi mo gagastusin?" nagtatakang tanong ko.

Natanong ko na rin si Nero tungkol sa pagiging kuripot ni Troy, sinabi nitong simula pagkabata na nila itong ganito at talagang kailangan munang mamuti ang mata nilang apat bago makautang kay Troy kapag nauubusan sila ng baon sa eskwela. Mga kawawang nilalang.


"Everything has a reason Doll, importante ang pera sa akin. Pero kung mangungutang ka sa akin Doll, papautangin naman kita" sagot niya na nakapagpairap sa akin.


"No way, ang balita ko may patong na ang balik ng pera sa'yo Troy" tinawanan lang naman ako ng tagapagmana.


"Sabihin mo nga sa amin Troy. Baka may ginagatasan ka na? Just tell us, we won't tell it to LG. Tanggap ka namin kahit ilang bata na ang ginagatasan mo.." pagsabat naman ni Owen na pansin kong abala pa rin sa kanyang telepono.


"What the fuck? I am faithful to Laura, siya lamang ang pwedeng mag gatas sa akin.." halos mapanganga na lang ako sa sagot nitong si Troy. Bakit ang layo ng sagot niya sa sinabi ni Owen? Hindi na ako nagtataka kung bakit lagi siyang nasasampal o kaya hinihingan ng hiwalayan ni Laura.

Kailangan na daw magpagasolina kaya ang nangyayari, nag ambagan pa rin silang apat. Hindi na nag ambag pa si Tristan dahil sa kanya naman daw ang van na gamit namin. Napapangiwi na lang ako habang nakikitang kanya kanyang labas sila ng wallet. My god! Bakit hindi na sila nagbago?

Mabilis magmaneho si Aldus at halos halinhinan siyang murahin ng mga pinsan niya dahil sa paraan niya ng pagmamaneho.


"Damn it Aldus! Buntis si Florence, ayusin mo ang pagmamaneho mo!" iritadong sabi ni Nero na mahigpit ang hapit sa bewang ko na parang anuman ang oras ay titilapon ako kung saan.


"Oh, sorry for that. Binibilisan ko na ang pagpapatakbo, baka nagugutom na si Warden. That means, nagugutom na rin ang inaanak ko. I'm just a worried ninong.." agad umismid si Nero sa sagot ni Aldus sa kanya.


"Ninong your face.." nagtawanan na lang kami hanggang sa magpatunog ng stereo si Troy na nasa unahan.


"Kung ako sa'yo Owen, ikanta mo na lang 'yan.." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Troy. Napansin siguro ito ni Nero kaya bumulong ito sa akin.


"Nicola wants to break up with him.." napatitig na lang ako sa likuran ni Owen. How is that possible? Okay pa naman sila sa isla hindi ba? Anong nangyari? Kaya ba mukhang depress itong si Owen?


"Troy, I play mo ang laging tinitira niyang si Owen.." agad na sabi ni Tristan.


"Roger.." mabilis na sagot ni Troy.


"Fuck off, ayaw kong kumanta" malamig na sabi ni Owen na mukhang mainit na ang ulo. Hindi naman ito pinansin ni Troy dahil abala na ito sa pagpili ng kantang patutugtugin.


"Ito, kantahin mo ito pinsan. Mag sesecond voice kaming apat.." natatawang sabi ni Troy. Kahit si Nero ay nakita kong tumango sa sinabi ng tagapagmana.

Bakit napapansin ko na mahilig magkantahan ang mga shokoy na ito kapag nasa loob sila ng sasakyan?

Nagsimula nang magplay ng kanta, una hindi ko makikilala kung sino ang kumanta nito pero hindi din nagtagal ay nakilala ko na rin. A song from Maroon 5, hindi ko lang alam ang title. Muntik ko nang makalimutan, karamihan nga pala sa mga kinakanta ni Owen ay galing sa Maroon 5.

Unang kumanta si Troy na sobrang sintunado.


"Tang ina Troy, itigil mo 'yan" reklamo ni Aldus na malapit sa kanya. Pero hindi din nagtagal ay kumanta na rin si Owen ng sobrang lakas. Damang dama na yata ng shokoy ang lyrics.


Cold enough to chill my bones


It feels like I don't know you anymore

I don't understand why you're so cold to me

With every breath you breathe

I see there's something going on

I don't understand why you're so cold


Halos kilabutan ako sa magandang boses ni Owen kahit ang mga pinsan niya ay natahimik ng ilang segundo.


"Tang ina, iyak na Owen..iyak na Owen.." natatawang sabi ni Troy.


"Okay lang 'yan Owen, hindi naman kami 'cold' sa'yo.." kahit si Aldus ay tumatawa na rin.

Hindi sila pinansin ni Owen dahil nagpatuloy ito sa pagkanta at lalo pa itong lumalakas. May kasama pa itong aksyon na parang may drums siya na sinasabayan niya ng eksaheradong pagheheadbang.


Are we taking time or a time out?


I can't take the in between

Asking me for space here in my house

You know how to fuck with me

Acting like we're not together

After everything that we've been through

Sleeping up under the covers

How am I so far away from you?


Habang feel na feel ni Owen ang pagkanta, ang mga shokoy niyang pinsan ay halinhinan sa pag alulong na parang mga lobo.


"Awwoooo, iiyak na 'yan.." utas ng katatawa ang magpipinsan habang walang naririnig si Owen.


"Awwooo, isusumbong na ba natin kay LG?"


"Bakit ni aaway ng Nicola na 'yan ang talented na apo ni LG?" halos mapakagat labi na lang ako sa sinabi ni Nero.


"Tang ina, pikutin mo na lang Owen. Gayanin mo si Nero, buntis si Warden. Game over..." sabay nagtawanan ang tatlong Ferell maliban kay Owen at Nero. Kung mag usap na naman sila, parang wala na naman ako.

Muling kumanta si Owen, akala ko ay hindi na naman niya sasagutin ang mga pinsan niya pero sumagot din naman ang shokoy pagkatapos ng chorus kahit naman ang mga pinsan niya ay mukhang nag eenjoy dahil 'Yeah' nang 'Yeah' ang mga ito at nagheheadbang na rin. Panay pa din ang pag alulong ni Aldus at Troy na parang mga sira ulong lobo.


Distant when we're kissing


Feel so different


Baby, tell me how did you get so...


Cold enough to chill my bones?


It feels like I don't know you anymore


I don't understand why you're so cold to me

With every breath you breathe

I see there's something going on

I don't understand why you're so cold, yeah

Whoa, yeah

Whoa, yeah


"How is that possible? She's always on pills and she's taking her shot too" pakinig ko ang sabay sabay na mura ng mga Ferell.


"Patay ang bala.." natatawang sabi ni Troy.


"Kalaban ko din 'yan" pakinig kong reklamo ni Tristan.


"Ehem, ako successful.." proud na sabi ni Nero na katabi ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin pero nginisian niya lamang ako.


"Don't tell me ito rin ang sinabi niyo kay Nero noon?" pagsingit ko sa mga Shokoy na mukhang pinakakaisipan kung papaano mapipikot ni Owen si Nicola.


"Yes, parang kailan lang si Nero ang umiiyak. Hindi ko akalain na susunod ka na pala agad Owen.." agad na sabi ni Aldus.


"What the fuck? Sinong umiyak?!" yamot na sabi ni Nero.


"Oh yeah, sinabi mo pa nga sa akin na magpapari ka na lang.." kahit ako ay natawa sa sinabi ni Tristan.


"Seriously Nero? Sinong matinong simbahan ang tatanggap sa'yo?" natatawang sabi ko.


"Kung ganoon, hindi na effective ang operation buntis natin. Luma na.." napangiwi na lang ako sa sinabi ni Troy.


"Bakit naman kasi gustong makipaghiwalay sa'yo Owen? May rason panigurado si Nicola" pero nagtataka pa rin ako. Nakausap ko na si Nicola noon at makikita kong mahal na mahal niya si Owen. Ano ba talaga ang nangyayari sa kanilang dalawa?



"I don't know, she suddenly turned this cold. I don't know why Wada, I feel like I am losing her.." mahinang sagot ni Owen. Hindi rin nakapagsalita ang mga pinsan niya sa sinabi nito.


"Then you should try to ask her then? Walang masamang magtanong.." maiksing sagot ko.


"I will.."

Akala ko ay magdidiretso kami sa isang bahay para makikain pero halos mangunot ang noo namin lahat nang tumigil ang sasakyan namin sa harap ng isang peryahan.


"What are we doing here Aldus?" tanong ko dito.


"Sumunod lang ako sa navigator natin.." itunuro nito sa amin si Troy na nakangisi na naman.


Lahat kami ay napatitig kay Troy na bahagyang nag iinat inat. May naiisip na naman yata ang tagapagmana ni LG.


"Let's go inside, ang balita ko masarap ang cotton candy dito.."



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro