Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22


Chapter 22


Buong akala ko ay magagawa namin ng mga Ferell na makapagtagal sa Don Bosco lalo na at hindi ako binigo ng lugar na ito sa magagandang tanawin na siyang talagang wiwili sa akin.

Pero napag alaman naming may mga college students pala dito na kasalukuyang isinasagawa ang kanilang retreat. At ang maganda pa nito, mga estudyante sila mula sa Gyro Nella. Kahit ilang taon nang graduate ang mga Ferell dito, may ilan pa rin nakakakilala sa kanila kaya malaki ang posibilidad na hindi maintindihan ng mga estudyante ang kanilang mga activities kapag nanatili kami dito. Sa halip na makapagparticipate ng maayos ang mga ito ay maaabala sila ng mga Ferell na magpapahara hara lamang sa paligid.

Katulad na lamang ng insidente kanina, bawal pala sa kanila na magdala ng kahit anong gadgets, pero nang makilala ng ilang college student na babae si Owen, Troy, Aldus at Nero ay naglabasan ang kanilang mga camera para lamang makapagpapicture sa mga ito. Napapangiwi na lamang ako, hindi naman mga artista ang mga Ferell na ito bakit kailangan pang magpapicture?


Pero kung iisipin, talagang sikat na ang mga Ferell sa loob at labas ng bansa sa kani kanilang ipinagmamalaking larangan. Kung dati ay kilala sila sa kanilang mga kalokohan ngayon naman ay kilalang kilala na sila sa kanilang mga pinagtagumpayan. And I am so proud of them.

Sinong mag aakalang ang mga shokoy na nagpapalutang lamang ng hotdog sa mantika, nasa section V at hindi B, ginagawang basketball court ang kusina at naglalagay ng bear brand sa sopas ay may kani kanila nang pangalan ngayon na tinitingala at hinahangaan na nang napakaraming tao? Tulad nga ng sabi ni Troy, never underestimate Ferells.

Atleast ngayon, hindi na lang kagwapuhan ang pinuproblema nila. They are now facing the real problems of life.


Pero isa lang ang masasabi ko sa kanilang magpipinsan kahit anuman ang tagumpay na makuha at makukuha pa nila.


Shokoy sila noon.


Shokoy pa din sila hanggang ngayon. Hindi na ito magbabago kahit matuyo pa ang lahat ng dagat sa mundo.

Muli akong napangiwi sa mga iniisip ko, pinasok na naman ang utak ko ng 'shokoy thoughts' hindi na ito maganda. Ano ba naman ang magagawa ko? Kumpleto na naman sila ngayon, malamang mapapasok at mapapasok ng 'shokoy' thoughts ang utak ko.


Humiwalay muna sa amin si Tristan nang mapansin niyang maraming nakakakilala sa kanyang mga pinsan. Hanggang ngayon ay tanging si LG, ako, ang mga pinsan niya, si Lina ang nakakaalam na buhay siya. Sinubukan kong sabihin sa kanya na ipaalam na rin niya ito sa pamilya niya dahil karapatan nila ito pero sinagot niya lamang ako ng pag iling. Hanggang ngayon ay isang malaking katanungan sa akin ang buong pagkatao niya.


Kasalukuyan na akong nakasakay sa sasakyan namin habang hinihintay na namin ni Nero ang mga pinsan niya na nangungumpisal daw. Isang oras na yata silang apat doon.


"Mamaya pa ang mga 'yon Florence, noong grade 6 pa sila huling nangumpisal. Baka atakihin sa puso ang pari sa dami ng kasalanan nilang apat" napairap na lang ako sa sinabi ni Nero.


"Ibig sabihin bago tayo ikinasal grade 6 din ang huli mong kumpisal?" nakangusong tumango sa akin si Nero.


"Kaya naman pala sobrang tagal nyo ng pari.." naiiling na sabi ko.

Napansin ko na nakatanaw na sa labas si Nero, tapos na pa lang mangumpisal si Owen at may kausap na siyang dalawang college student na halatang halata ang pagkakilig habang kinakausap siya.


"You know, my cousins are too famous.." narinig kong sabi ni Nero na biglang nagpainit ng ulo ko.


"Nagseselos ka? Gusto mo nang atensyon ng maraming babae?" mabilis na sabi ko sa kanya. Mabilis siyang lumingon sa akin na may nakaawang na bibig.


"Florence.." malambing na tawag niya sa akin. Inirapan ko lang ang hari ng mga shokoy.


"Atensyon mo lang ang kailangan ko Florence. Wag nang magalit ang buntis, papangit ang baby natin.." mas lalo pa niyang pinalambing ang boses niya. Marahan niya pang hinaplos ang pisngi ko na siyang nakapagpangisi sa akin.


"Gusto mo iwan na natin sila? Bumalik na lang tayo sa resthouse.." agad naningkit ang mata ko sa kanya. Tapos maninisid at manggagapang na naman siya?


"Nero, magpahinga naman tayo. Kahit bukas na ulit, napapagod din ako. Baka inaakala mo.." narinig ko na lang siya tumawa sa sinabi ko.

Inirapan ko lang siya bago ko tiningnan si Owen. Nakikipagtawanan na siya sa mga babae.


Kung kasikatan na din naman ang pag uusapan, talagang masasabing mayroon nito si Sean Owen Ferell. Hanggang ngayon ay kilala pa rin siyang magaling na swimmer at minsan na siyang naipanlaban sa ibang bansa dala ang pangalan ng Pilipinas. Gumagawa na rin siya ng pangalan sa larangan ng arts dahil sa mga drawing at paintings niya na nagkakaroon na rin ng exhibit sa loob at labas ng bansa.

Owen has international talents. At alam kong matagal itong inalagaan at hinasa ni LG, simula nang pagkabata ni Owen. Nito ko rin nalaman na pumasok na rin siya sa larangan ng pottery.

Papaano pa kapag nalaman nilang marunong itong kumanta at tumugtog ng iba't ibang musical instuments? Sa madaling salita, kahit saan sumuot si Owen marami siyang maipagmamalaki at mapagkakakitaan.

Sean Owen Ferell is a shokoy of arts, bagay na lamang niya sa mga pinsan niya na puro hangin lamang ang talent. Sa pagkakaalam ko ay inalok pa siya ng isang sikat na sports drink na maging endorser nito na siya namang tinanggihan niya.


Si Troy naman ay kilala sa mundo ng pagnenegosyo. Akala ko noon ay tanging kagwapuhan niya lamang na hindi mapapantayan ng kanyang mga pinsan ang magiging problema niya habang buhay pero mukhang ngayon ay natututo na rin si Troy mamroblema sa palitan ng dolyar kontra piso, sa mga benefits ng kanyang mga empleyado at sa pang araw araw na operasyon ng kanyang kompanya.

In business world, Troy Alvis Ferell is known as the 'piercing tycoon' siya lamang ang kaisa isang businessman sa Pilipinas na sikat at may pangalan na may hikaw sa kanang tenga. Sa halip na maging kasiraan sa pangalan niya ito dahil sa pagiging impormal, ginamit niya pa ito para maging kakaiba siya sa mga mayayaman, gwapo at binatang businessman sa Pilipinas.

Maraming nagsasabi na ang tusong mga ngisi at halakhak ng tagapagmana ni Don Garpidio Ferell ang siyang lalong nagpaangat sa mga negosyo ng kanilang pamilya. Nagtatago sa mga ngisi at halakhak niya ang iba't ibang istratehiya sa pagnenegosyo na hindi aakalaing nanggaling sa isang lalaking hindi na nakaahon sa paghanga sa sariling kagwapuhan. May nagsasabi pa na kumislap lang ang hikaw ni Troy, tapos na ang laban may naisip nang kakaiba ang kanilang boss na ikagugulat na lamang nila. Kaya hindi na ako nagugulat sa nagkalat na magazines na puro mukha ni Troy ang nakikita ko.

Ang isa pa pala sa hindi iniwan ni Troy ay ang hilig niya sa magic tricks, dati ay lagi siyang palpak, muntik na niyang masunog ang mansyon, ilang beses siyang nakapatay ng kuneho at nakawala ang ahas sa kulungan dahil sa mali niyang pinaggagawa pero ngayon masasabi ko na pwede na siyang pumunta sa mga pang malakihang event na kailangan ng magagaling na magician, isa nang magandang patunay ay noong kasal namin ni Nero. Saan niya kaya pinaglalagay ang dami ng kalapating 'yon?


Si Aldus naman, katulad din siya ni Troy. Pagnenegosyo din ang pinagkakaabalahan niya pero hindi siya masyadong tutok dito dahil mas pinili ni niya ang modeling na siyang hindi ko inaasahan.

Madalas ko nang nakikita sa mga mall, billboard at ilang commercials si Aldus. Hindi ko rin iilang beses na naririnig na napapagkamalan siyang si 'Shawn Mendes' ng mga tao sa tuwing nakikita siya sa kanyang mga litrato. Kahit si Sapphire na kapatid ko ay sinabing malaki ang pagkakahawig ni Aldus sa lalaking sinasabi nila na hindi ko naman kilala. Ang balita ko pa ay nakatanggap ng offer si Aldus mula sa Calvin Klein na agad niyang tinanggihan dahil kay Sapphire, hihiwalayan daw siya ng kapatid ko kapag nag brief siya sa madla.

Hindi ko tuloy maiwasang maalala na minsan nang sinabi sa akin ni LG na mga camera shy daw ang kanyang mga apo, anong nangyari? Bakit nagkalat na ang mga mukha nila sa Pilipinas?


Tristan naman, hindi ko alam. Masyado pa rin siyang misteryoso.


Habang si Nero ay sa negosyo lang rin. Hindi siya kasing sikat ng naunang tatlo dahil pinaka ayaw talaga ng hari ng mga shokoy ng atensyon. Masaya na siyang matiwasay na nagpapatakbo sa hawak niyang kompanya. Sumisid at manggapang, dito siya magaling. Pero kahit ganito siya, mahal na mahal ko ang hari ng mga shokoy. Lalo na at dinadala ko na ang kanyang ipinagmamalaking 'lahi'.


May isa nga lang ako masasabing malaking kapintas pintas sa kanilang magpipinsan, ito ay sa larangan ng pera. Sobrang kuripot nila. At parang hindi sila makakatulog ng maayos kapag may nakautang sa kanila.

Napapabuntong hininga na lamang ako.


Kailangan ko tuloy paglihian ang talent ni Owen, ang mata ni Tristan, ang karisma ni Aldus, huwag na si Troy. At syempre ang kagwapuhan ni Nero, kahit sa akin na ang ugali ayoko sa mga Ferell. Iba ang ugali ng mga Ferell, mahirap hulihin ang timpla.


"What are you thinking?" tanong sa akin ni Nero. Napansin niya sigurong natakahimik ako bigla.


"Pangalan ng baby natin.." ito na lang ang sinabi ko. Ayokong sabihin sa kanya na may gusto akong paglihian sa mga katangian ng mga pinsan niya, baka uminit lang ang ulo niya.

Kung tatanungin naman ako tungkol sa pangalan, kahit naman ako ay ayaw ko ng 'Garpidio Ferell Jr.' Dapat ay ipangalan na lang ito sa magiging anak ni Troy dahil siya ang tagapagmana.


"Oh, I'm sure it's a boy. So we'll name him Lawrence from your name" mabilis na sagot sa akin ni Nero na nakapagpangiti sa akin.


"So kapag babae, sa'yo ko kukunin?" tanong ko sa kanya.


"It's up to you baby.." sagot niya sa akin. Bahagya akong nag isip ng ilang minuto bago ako nakahanap ng pangalan.


"Her name will be Naiya Renesmee" ngising sagot ko sa kanya.


"Sweet name.." bahagyang pinisil ni Nero ang ilong ko.


"Hindi mo ba itatanong sa akin kung anong meaning ng pangalan niya?" muling tanong ko.


"Naiya is a water nymph baby. Nabuo ang anak natin sa tabing dagat. That explains everything" tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Nero. May nalalaman pala siyang ganito, hindi ako makapaniwala.

Magsasalita pa sana ako nang pumasok na ang mga pinsan niya sa kotse. Nakita ko rin na nauna nang umalis ang motor ni Tristan.


"Sabi ni Tristan, naghanda na daw siya ng van na lilipatan natin. Ayaw na daw niyang magmotor, hindi siya nakakatulog" agad na sabi ni Owen. Buti naman at hindi galing sa kanya ang sasakyang gagamitin namin.


"Wait, saan na ba tayo pupunta?" mabilis na tanong ko. Hindi pa ba kami uuwi ni Nero?


"Mukhang nakalimutan niya talaga, ganoon ba talaga kapag buntis Nero?" tanong ni Troy sa pinsan niya na hindi ko naintindihan.


"Bakit ako ang tinatanong mo? Nagbuntis na ba ako?" sagot sa kanya ni Nero.


"Itanong nyo kay Tristan, matalino 'yon" sagot ni Aldus.


"Gago ka ba? Agent 'yon, hindi ob gyne" natawa na lang ako sa sagot ni Troy.


"Bakit? Ano ba ang nakalimutan ko?" tanong ko sa kanilang magpipinsan.


"Masyado kang nawili sa honeymoon natin Florence. You forgot something.." ngising sabi sa akin ni Nero.


"Ano?" muling tanong ko.


"Your birthday Doll.." natigilan ako sa sinabi ni Troy. Ano ba ang date ngayon? Damn. Birthday ko na nga pala bukas, hindi ko na namalayan ang araw.


"Hindi naging maganda ang huli nating pagsasama noong birthday mo.." mahinang sabi ni Aldus na bahagyang nakapagpatahimik sa aming lahat. Sinimulan na ni Nero paandarin ang sasakyan.


"Tatabunan naming lima ang nangyari noong nakaraang anim na taon.." hindi ko magawang makapagsalita. Why are they like this? Masyado nila akong pinapasaya.


"Sabi nila dapat daw laging masaya ang buntis. So let's do this.." natatawang sabi ni Troy.


Napansin kong bahagyang nakanguso si Nero at mukhang nag aalinlangan pa kung itutuloy niya ang sasabihin niya o hindi.


"Let's make good memories Florence, with the ninongs.." 


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro