Chapter 21
Please, huwag po tayong spoiler sa iba ko pong stories. I can understand your 'feels' angels but please stop spoiling :(
Chapter 21
Napansin ko na sobrang bagal ng sasakyan namin ni Nero at alam kong ginagawa niya lamang ito para sa akin. Hindi pa lang ako masanay dahil nakilala ko siyang kaskasero sa pagmamaneho, simula sa kanyang itim na oto hanggang sa kulay pula niyang Montero.
Napapatitig na lang ako kay Nero habang tahimik siyang nagmamaneho, kung lalaki ang baby namin gusto ko maging kasing gwapo siya ng daddy niya. Huwag na nga lamang makuha sa kanya ang ugaling shokoy, mahirap na. Shokoy na ang ama, shokoy pa ang anak, shokoy pa din ang mga ninong. Dyosko.
Napapangiwi na lang ako sa naiisip ko. Sumulyap na rin sa akin si Nero, napansin niya na siguro ang mahigpit kong pagtitig sa kanya.
"Nahuhumaling na naman sa akin ang aking misis" ngumuso lang ako sa sinabi niya.
"Keep driving Nero, pinagmamasdan kita para maging kamukha ka ng baby natin.." ngising sabi ko sa kanya.
"Ako ang ama Florence, syempre ang kamukha niyan.." nagkibit balikat lang ako sa sagot niya sa akin.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, sa dami nang napagdaanan namin dalawa sa nakalipas ng mga taon, ito ngayon at masaya na kaming magkasama.
Naglayas lang ako noon, sinong mag aakalang dito magsisimula ang lahat? Nakilala ko hindi lamang ang lalaking mamahalin ko habang buhay kundi pati na rin ang pangalawang pamilyang nagbigay sa akin ng walang katumbas na pagmamahal.
Lahat ay sariwa pa sa aking mga alaala, simula sa una naming pagkikita, sa paghihiwalay namin ng napakahabang taon at sa muli naming pagkikita. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makakalimutan ang mga kalokohan niyang pinaggagawa sa akin noon. Ang paggamit niya ng bola ng baseball sa amin ni Aristotle, ang muntik nang pagbangga niya sa amin ni Ashong, ang pagpapanggap niyang manager ng isang restaurant, ang pagtulak niya sa akin sa pool, pagpasok namin sa cabinet, pagtatago namin dalawa sa cubicle ng banyo at ang walang kamatayang alas dos ng madaling araw.
Hindi ko mapigilang hindi matawa habang iniisip ang mga napagdaanan namin ni Nero. Muli akong napahawak sa tiyan ko, kaya mahal na mahal ko ang daddy mo anak. Hindi niya ako sinukuan hanggang huli, ginawa niya ang lahat para tuluyan na kaming magkasama. Your daddy is the best, baby.
"Nero, minsan ba iniyakan mo ako?" ito ang matagal ko nang gustong itanong sa kanya. Minsan ba ay nagawa kong paluhain ang hari ng mga shokoy.
Agad siyang nagpreno nang marinig ang tanong ko at napatitig siya sa akin na may kunot na kunot na noo.
"What's with that question Florence? Napapansin ko na kanina ka pang tanong nang tanong" matabang na sabi niya bago niya muling pinatakbo ang sasakyan.
"I am just curious Nero" sagot ko sa kanya.
"I am not, hindi pa ako umiiyak" agad tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Napakasinungaling talaga ng shokoy na ito.
"You're lying! Alam mo ba na masamang magsinungaling sa buntis Nero?" iritadong sabi ko sa kanya.
"I am not lying Florence. Hindi pa ako umiiyak. Why would I?" sagot niya sa akin.
"Umiyak ka daw sabi ni Tristan, Nero. Noong gabing muntik ka na daw magpakamatay.." muli na naman siyang nagpreno.
Nakaawang ang bibig niya habang kunot noong nakatitig sa akin, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya inaamin na 'suicidal' siya nang maghiwalay kaming dalawa.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo Florence na hindi ako magpapakamatay ng gabing 'yon?! Bakit naniniwala ka sa mga pinsan ko?! Just believe me!" napangiwi na lang ako sa sagot niya sa akin. Ilang beses na niya na bang sinabi ito?
"Nero, mag asawa na tayo. We should not keep secrets anymore, huwag mo na akong paglihiman" nasabi ko na lang sa kanya.
"Ano pa ang ililihim ko sa'yo Florence? Nasabi ko na sa'yo ang lahat" lahat nga ba? O may mga itinatago pa siya sa akin?
"Then tell me about Nahla. I heard, ikaw daw ang kinuha niyang ninong ng baby nila ni Ashong. I am expecting na ako ang kukuhanin dahil may pinagsamahan kami ni Ashong, pero ikaw ang nilapitan. Anong koneksyon mo sa babaeng nabuntis ni Ashong, Nero Sebastian Ferell?" nakita kong ilang beses siyang napalunok sa tanong ko.
Alam kong hindi ito ang tamang oras para itanong ko ito sa kanya. We're in the middle of our honeymoon and we should enjoy this away from stress and complications. Pero kating kati na akong malaman ang dahilan, papaano nakilala ni Nero si Nahla? At mukhang malalim pa ang pinagsamahan nilang dalawa dahil kinuha pa talagang ninong si Nero.
"We're friends" maiksing sagot sa akin ni Nero.
"Enlighten me.." mabilis na sabi ko sa kanya.
"Nothing, we're just friends" muling sagot niya na hindi ako kumbinsido.
"Nero Sebastian Ferell.." napabuntong hininga na lang siya nang tawagin ko ang buong pangalan niya.
"Fine, I met her in bar" pakiramdam ko ay kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.
"May nangyari ba sa inyo?" malamig na tanong ko sa kanya.
"What the fvck is that Florence?!" halos sumigaw na sa akin si Nero.
"Ano ba ang ginagawa sa bar?!"
"Damn, listen first" umismid lang ako sa sinabi niya.
"Ang sakit sa ulong kausap ng mga buntis" pakinig kong bulong niya.
"May sinasabi ka Nero?"
"Nothing"
"Good, magkwento ka na.." muli na naman siyang napabuntong hininga sa sinabi ko.
"I met her in bar. Ilang araw bago ka bumalik dito sa Pilipinas, narinig ko siyang umiiyak habang binabanggit ang pangalan ni Ashong na uuwi daw na may ibang babaeng kasama. Dito ko nakumpirmang pareho kami ng problema kaya nakipag kaibigan ako sa kanya. I did everything to get you back Florence, so I did convince her to pursue Ashong by seducing him in her so many different ways. At nang umabot na sa puntong kumbinsido ka nang magpakasal sa 'gago' hindi na ako nagdalawang isip na sabihin kay Nahla na kailangan niyang magpabuntis dito.." napatulala na lang ako sa ikinukwento ni Nero.
He's damn impossible.
"Everything was a success Florence, akin ka na ngayon. At hindi ako nagsisisi sa lahat ng mga ginawa ko noon.." halos wala akong masabi at napapatitig lang ako kay Nero.
Tumagal pa siguro nang minuto bago ako makahanap ng mga salitang sasabihin sa kanya.
"You manipulative jerk! Ginamit mo pa ang inosenteng si Nahla. She's too young to get pregnant! Alam mo ba na hindi pa siya tapos mag aral?! Pinayuhan mo na agad na magpabuntis?! God!" halos paypayan ko na ang sarili dahil sa nararamdaman kong pamamawis ko dahil sa mga nalalaman ko.
"Huwag na natin silang problemahin Florence, they're both happy. Besides, nakapanganak na siya, gusto mo na payuhan ko sila na huwag munang sundan?" lalong umasim ang mukha ko sa sinabi ni Nero.
"No way, huwag na huwag ka nang magtatangkang magpayo Nero. Walang matinong makukuha sa'yo.." nakailang iling ako sa kanya.
"Okay"
Ilang minuto lang kaming natahimik ni Nero nang kapwa kami napamura sa nakita naming sasakyan na nakatabi sa kalsada.
Don't tell me nasiraan na naman sila? Kay Owen na naman ba ang sasakyang gamit nila? Bakit hindi na nakatakbo ng maayos ang mga sasakyan ni Owen?
"Nero, itigil mo. Pinapara tayo ni Troy" malayo pa lamang ay kumakaway na sa amin si Troy.
"Bakit natin sila titigilan? Bakasyon natin dalawa ito" nilampasan lang ni Nero si Troy na kaway nang kaway sa amin.
Ako na lang ang lumingon sa tatlo niyang pinsan na nakadirty finger na sa sasakyan namin.
"Fvck you daw sabi ng mga pinsan mo" hindi sumagot sa akin si Nero at nagpatuloy siya sa pagmamaneho.
Sumandal na lang ako sa upuan at hindi na ako nakipagtalo kay Nero, kung ayaw niyang tigilan ang mga pinsan niya. Fine. Sana nga lang ay may pera ang mga shokoy na 'yon, ang huli kong dinig sa kanila nag ambagan pa sila ng gasolina at pambili ng cassava cake. Napapamura na lang ako sa kalokohan ng magpipinsang ito. Sa buong buhay ko ang mga Ferell na yata ang nakilala kong mga pinakakuripot.
Pero nagulat na lang ako nang biglang mag U –turn si Nero. Napakagat labi na lang ako, hindi rin naman pala kayang tiisin. Syempre mga kadugo niyang shokoy.
"Stop grinning Florence" iritadong sabi niya sa akin. Hindi ko na siya sinagot dahil baka magbago pa ang isip.
Mabilis kaming nakarating sa mga pinsan niya na kapaw na nakasandal sa kanilang nasiraang sasakyan. Itinapat ni Nero ang sasakyan namin sa kanila, ibinaba ko na ang bintana ko pero si Nero agad ang nagsalita.
"Ano na naman ang nangyari sa inyong tatlo?" hindi sumagot ang tatlo dahil pumasok na sila sa loob ng kotse.
"Saan kayo papunta?" mabilis na tanong ni Troy.
"Sa Don Bosco.."
"Seriously? Pupunta din kami sa Don Bosco, bakit mo naman naisipan pumunta doon Nero?" tanong ni Aldus. Pinaandar na ni Nero ang sasakyan.
"Wait, how about your car Owen?" iiwan na lang nila?
"May kukuha na rin dyan mamaya" tumango na lang ako sa sinabi ni Owen.
"Nagyaya si Florence.." sagot ni Nero kay Aldus.
"Akala ko ikaw ang nagyaya. Magugulat na sana ako. By the way, we've been there before Warden, nakarating ka na rin ba ?" napatitig ako kay Nero. Alam na naman pala niya ang lugar na sinasabi ko.
"Hindi pa, sinabi lang sa akin ni Aira na maganda daw sa Don Bosco at tahimik. Anong gagawin nyong tatlo sa isang tahimik at sagradong lugar?" hindi pa nga ako maniwala na sumama sa akin si Nero. Tapos malalaman ko na lamang na papunta rin dito ang tatlong ito?
They're all weird, baka iisa ang ipagdadasal ng magpipinsang ito hindi lang nila sinasabi sa akin.
"Mangungumpisal kami Doll, noong grade 6 pa kasi ang huli naming kausap sa pari" napangiwi na lang ako sa sagot ni Troy. Naipon na ang lahat ng kasalanan nilang magpipinsan.
"Susunod din daw pala si Tristan, hinatid lang niya sa airport si Lina.." nasabi na rin sa akin ni Lina na ilang buwan siyang mawawala dahil pupunta siya sa ibang bansa. Hindi naman niya nasabi ang dahilan, siguro ay magbabakasyon ito.
"So, mga iwan pala kayong apat. Nakita kong nasa boracay si Laura, Nicola at Sapphire. Bakit hindi kayo isinama?" nagtatakang tanong ko.
Walang sumagot sa kanilang tatlo.
"Sagutin nyo ang buntis. Pabababain ko kayong tatlo" matabang na sabi ni Nero.
"Mga kuripot daw kami.." mahinang sagot ni Aldus na nakapagpatawa sa akin.
"Kaya naman pala, wag na kayong magtaka" sabi na hindi na nila nasagot pa.
"Palubog na ang araw Nero, itigil mo sa tanaw ang bundok Batulao. Magandang makita ng buntis.." sabi ni Aldus.
"Plano ko na 'yan" sagot sa kanya ni Nero.
"Here..kita na dito. Maganda na ang spot dito.." sabi naman ni Troy kaya itinigil na ni Nero ang sasakyan.
Bumaba na ang mga shokoy, pinagbuksan ako ni Nero ng pintuan at lumabas na rin ang ng sasakyan.
"Manunuod tayo ng sunset?" tanong ko sa mga shokoy.
"It is not just a simple sunset Wada, sabi nila ang makakakita daw nito ay pwedeng humiling ng kahit ano at siguradong matutupad.." ngumuso ako sa sinabi ni Owen. Naniniwala pala sila dito.
"Dinala na kami minsan ni LG dito, siya ang nagsabi sa amin ng tungkol dito. And you know why they call this mountain as Batulao?" napalingon na lang ako kay Owen.
"Look at those.." si Nero ang nagpatuloy.
"Parang dalawang bato ang hugis ng bundok Florence at sa gitna ng dalawang hugis batong 'yan lulubog ang araw kaya Batulao. Ilaw sa gitna ng mga bato.." napatango na lang ako sa sinabi ni Nero. May mga alam naman pala silang mga ganito.
"Sorry, I'm late..." napalingon kaming lahat kay Tristan na nagtatanggal ng helmet. Nakamotor ang magaling na shokoy.
"Hey, hey..malapit na.." sabi ni Troy. Lahat kami at tumingin na sa papalubog na araw sa gitna ng mga sinasabi nilang 'bato'
"Make a wish Florence.." pakinig kong bulong ni Nero na yumakap sa likuran ko habang pinapanuod namin ang papalubog na araw.
Ipinikit ko ang mata ko at sinimulan ko nang humiling. Wala naman sigurong masamang subukan.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay napansin ko na nakatanaw pa rin ang mga Ferell sa bundok batulao. Siguro ay may magandang alaala ang magpipinsang ito sa lugar na ito. Gusto ko tuloy malaman..
"What is your wish Nero?" tanong ko sa lalaking nakayakap sa akin.
"Nothing else Florence. Nasa akin ka na, binigyan mo ako ng 'mga' anghel. Wala na akong hihilingin pa.." bulong niya sa akin na nakapagpangisi sa akin.
"What about you Troy, Tristan, Owen and Aldus? May hiniling din kayo? Niloloko nyo lang yata ako sa mga 'wish' na 'yan" natatawang sabi ko.
"No, it's true. Pinatunayan na sa amin ni LG. I did actually wish for your baby's health. See? Ang bait kong ninong!" hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi ni Troy.
"What the—I have the same wish. Damn" naiiling na sabi ni Tristan.
"Bakit parepareho tayo?" ngiwing sabi ni Aldus.
"Hindi ko rin alam.." matabang na sabi ni Owen.
"Sila ba ang gusto mong iwan sa kalsada Nero?" bulong ko kay Nero na umikot lang ang mata sa akin.
Mas hinigpitan ko pa ang mga braso ni Nero na nakapulupot sa akin.
"Hindi nyo ba ako tatanungin kung ano ang hiniling ko?" ngiting tanong ko sa mga Ferell na sabay sabay lumingon sa akin.
Walang sumagot sa akin at nanatili lang silang nakatitig sa akin. Mas isinandal ko ang sarili ko kay Nero at mas lalo akong ngumiti sa mga pinsan.
"Hiniling ko na sana ikasal na rin kayong apat. Para lahat tayo may masayang wakas, hindi ba Nero?"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro