Chapter 2
Thanks @babieanne09 :)
Chapter 2
Araw na ng pasko. Ang kaisa isang araw na nakukumpleto ang aking mga anak mula pa sa iba't ibang mga bansa.
Lahat kami ay kasalukuyan nakapalibot sa ilalim ng Christmas tree. Ipinamimigay ko na sa aking mga apo ang mga regalong inihanda ko sa kanila.
"This gift belongs to.." nakaabang ang mga bata sa akin na talagang tuwang tuwa sa regalong kanilang matatanggap.
"Aldus!" mabilis lumapit sa akin si Aldus at inibot ang kanyang regalo.
"Anong sasabihin mo kay lolo?" mabilis na tanong sa kanya ng mga kapatid niya.
"Salamat po" bumalik agad sa kanyang upuan si Aldus at sinimulan nang buksan ang kanyang regalo.
"What about this? Kanino kaya ang regalo na ito?" tinakluban ko lang ng kulay puting tela ang regalo kong ito.
"That's big lolo! That's mine!" pumapalakpak pa si Troy sa pagkakasabi niya.
"Ofcourse, this is yours" halos tumakbo na si Troy para makalapit sa akin. Agad niyang hinila ang tela.
"Puppy!" hindi na nakapaghintay si Troy at binuksan na niya ang kulungan ng aso.
"Careful anak, baka makagat ka niyan" nag aalalang sabi ng kanyang ina.
"Don't worry, pinaputol ko ang pangil. That pup can't hurt my Troy" sagot ko sa aking anak.
"This is blacky!" nagsimula nang makipaglaro si Troy sa kanyang maliit na aso. Sabay namang nagtawanan ang mga babae kong apo sa sinabing pangalan ni Troy sa kanyang aso.
"It's not blacky Troy. Your dog is color white" hindi siya pinansin ni Troy at pinagpatuloy na lang nito ang pakikipaglaro sa kanyang bagong aso.
"This one is for Owen" inabot rin ni Owen ang kanyang regalo. At muli itong kumalong sa kanyang ina.
"Let's open it Owen.." natutuwang sabi ng kanyang ina. Nagtulong silang mag ina para buksan ang regalo.
"Wow, you have your new violin" kinurot ng anak ko ang pisngi ni Owen.
"I heard mabilis natututo si Owen sa mga musical instrument" tumango sa akin ang mga magulang nito.
"Daig mo pa si kuya" natatawang sabi ni Liam na kumurot din sa pisngi ni Owen.
"This one is for Tristan" hinila ko ang napakalaking hotdog pillow na triple ang haba sa aking apo.
"Wow! That is so big" mabilis niyapos ni Tristan ang kanyang bagong unan.
"And for the last gift. Bati na tayo Nero hindi ba? Come" lumapit sa akin si Nero at inabutan ko siya ng isang kahon. Ikinalong ko sa akin ang aking apo.
"Open it" sinimulan na itong buksan ni Nero. At nang buksan niya ito ay mabilis niyang itinunghay ang kanyang ulo sa akin. He's smiling.
"What's that?" nagmadaling lumapit si Nally para tingnan ang regalo ko kay Nero.
"It's a cake" mabilis inilagay ni Nally ang kanyang maliit na hintuturo para matikman ang cake ni Nero.
"It's rambutan flavour! Wow, pinagawaan ka talaga ni lolo, Nero. You should kiss lolo" hindi na inulit ni Nally ang kanyang sinabi dahil hinalikan ako agad ni Nero sa aking pisngi.
"Mes-ry Chri—stmes" bigla na lang tumawa si Nally sa kanyang kapatid.
"Bulol ka pa rin Nero, daig ka pa ni Troy nakakapagsalita na siya ng tuwid" sinamaan niya lang ng tingin si Nally bago ito nagtatakbo habang buhat ang kanyang cake.
"Nally, that's bad" ngumuso lang sa akin si Nally.
"Nerissa, ilang taon na ba si Nero? Bakit hindi pa siya nakakapagsalita ng tuwid?" tanong ng anak kong si Gwen na ina ni Troy.
"He's just four" maiksing sagot ni Nerissa.
"Noong isang araw lang nagtatlong taon si Troy, ang dami na niyang nasasabi. He's so talkative, hey baby you try talking with Nero okay? Para dumaldal din siya katulad mo" nakangiting tumango lang ito sa kanyang ina habang nasa kanyang aso naman ang atensyon.
"Huwag nyo lang biglain ang bata, matutuo rin magsalita ng tuwid si Nero"
Pagkatapos naming magbigayan ng mga regalo ay nagsimula na kaming kumain. Nagbihis na ako ng Santa Clause para sa mga bata.
"Ho ho ho! Merry Chirstmas!"
"Si Santa!" nangunguna si Troy na dumampa sa akin. Ganun din ang mga pinsan niya, tanging sila lamang lima ang lumapit sa akin. At nanuod na lamang ang iba nilang mga pinsan na kilala na kung sino ang totoong mga Santa Clause.
Nakababa na sa likuran ko si Owen at Troy. Si Aldus, Tristan at Nero naman ay kumalong sa akin.
"Where is Rudolf?" mabilis na tanong sa akin ni Tristan. Sino si Rudolf? Natigilan ako sa tanong ni Tristan. Sino ang tinatanong ng batang ito?
Nakita kong sumesenyas si Nally, Tiana at ang kambal na kapatid ni Aldus sa akin. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila.
"Rudolf the red nose reindeer..have a very shiny nose!" narinig kong kanta ni Liam. Oo nga pala.
"Ho ho ho! Nagpapagasolina! Ho ho ho" sabay sabay napahampas sa kanilang mga noo ang matatanda kong apo. Mali ba ang sagot ni lolo?
"Where are your gifts Santa?" tanong naman sa akin ni Troy habang pilit hinihila ang balbas kong hindi tunay.
"Ho ho ho! I will give it later!" nagulat ako nang may tumanggal sa Santa hat ko. Kasalukuyan na itong suot ni Owen.
"I want to ride on your sleigh Santa!" halos masakal na ako sa pagkakayakap ni Owen.
"Ho ho ho! Later!"
"Your belly is so big! Where did you eat Santa?" pinipisil pisil ni Aldus ang unan na nasa tiyan ko.
"Ho ho ho! Sa Jollibee!" nauna nang tumawa ang mga apo kong nanunuod sa amin. Magtatanong pa sana sa akin si Aldus nang bigla na lang hilahin ni Nero ang balbas kong hindi tunay.
"Lo--lo" ngumisi sa akin si Nero.
"Game over! Kuyugin na natin si Santa na kumain sa Jollibee!" nagsidambahan na rin sa akin si Nally, Tiana, ang kambal at maging si Liam. Nagkagulo na kaming maglololo.
"Si Lolo!" sigaw din ng mga apo ko na akala ko ay maloloko ko ngayong pasko.
"Let's kiss this Santa Clause!" napahiga na lang ako sa carpet habang kinukuyog ng halik ng aking makukulit na mga apo.
Salamat Amanda, hindi mo ako pinabayaang mag isa ngayong pasko.
This is the best Christmas gift, tons of kisses from your little angels.
--
Akala ko ay ngayong araw na sila aalis lahat pero mukhang may hindi inaasahang pangyayari sa kani kanilang schedule kaya kailangan pa nilang tumigil sa bansa ng ilang araw.
"Papa, ikaw muna ang bahala kay Nero. May aasikasuhin lang kami ni Nerissa sa Manila, dadalhin na namin si Nally para hindi na dumami ang alagain mo"
"Alright, mabait na naman itong si Nero" humalik sa kanya ang aking anak bago ito kumaway sa amin. Tahimik lang si Nero na kumakaway sa papalayo niyang ama.
"Don't worry babalik din ang Daddy mo"
"Papa!" nangunot ang noo ko kay Gwen. Hindi ba at kanina pa siyang umalis?
"May importanteng meeting pala kami ng papa ni Troy, hindi namin siya pwedeng isama. Dapat pala ay isinama na muna namin ang tagapag alaga niya para hindi ka na maabala."
"Okay lang, para may kalaro itong si Nero"
"Salamat. Be a good Troy, babalik agad si mommy" tumango lang sa kanya si Troy habang buhat nito ang kanyang aso.
"Manuod na lang tayo ng tv" inakay ko na silang dalawa hanggang sa makaupo na kami. Pero hindi pa man ako nag iinit sa aking kinauupuan ay humahangos na nagpakita si Liam habang buhat si Owen na kumakain ng ice cream.
"Lolo! Nakita ko ang nililigawan ko noon, hindi ako makalapit dahil kay Owen. Dito muna ang kapatid ko, kapag nakuha ko ang number ni Louisa babalik ako agad" pawis na pawis na sabi ni Liam. Naaawa naman ang lolo.
"Go" maiksing sabi ko.
"I love you lolo!" hinalikan pa niya ako bago ito nagmadaling umalis. Hindi na ako magtataka kung bigla na lang ipahabilin sa akin si Tristan at Aldus.
"Lolo!" kasalukuyang hawak ng kambal si Aldus at Tristan. Hindi na nga sabi ako nagulat.
"Magmamall lang kami, isasama na namin si Tiana. Dito muna si Tristan at Aldus. Okay lang ba lolo?"
"Go, mag ingat kayo. May pera ba kayo?" lalong lumapad ang ngisi ng kambal bago umiling sa akin. Dinukot ko ang aking wallet at binigyan sila ng pera.
"Thank you po lolo!"
"Pahatid kayo sa driver" mabilis silang tumango sa akin bago humalik at lumabas na ng mansion.
"Mukhang magkakasama na naman tayong anim" baling ko sa aking mga apo. Pero wala akong narinig na sagot mula sa kanila dahil kasalukuyan silang mga nakatulala.
At nang tingnan ko ang dahilan kung bakit sila mulat na mulat at hindi man lang kumukurap lima, muntik ko nang ibato ang throw pillow sa napakalaking telebisyon. Kaya pala hindi man lang maagaw ang kanilang atensyon. Bakit pinababayaan ang mga ganitong palabas kapag araw? Hindi ba nila alam na maaaring mapanuod ito ng mga bata?
Nataranta na ako, nasaan ang remote? Saan napalagay ang remote? Gusto ko nang iuntog ang sarili ko nang lalo lumakas ang pag ungol ng babae. Kasalukuyan lang naman nasa mainit na bed scene ang mga bida sa palabas, bakit hindi ko agad ito nakita? Nasaan ang remote?!
"Where's the remote?! Don't watch that. Cover your eyes!" hindi ko mahanap ang remote kaya humarang ako sa malapad na tv. Paano ba patayin ito na hindi ginagamitan ng remote? Where's the button?
"Lolo, it is not horror. Why is he biting the girl?" inosenteng tanong ni Troy na pilit sinisilip ang bed scene.
"I saw kuya Liam like that!" masiglang sabi naman ni Owen.
"Look they are bouncing on bed. Are they playing?" tanong naman ni Aldus na humahaba ang ulo sa telebisyon.
"They are making baby. Right lolo? I'm so smart" nanlumo ako sa sinabi ni Tristan at napaluhod na lang ako. Ano itong itinuturo ko sa aking mga apo? Anong klaseng lolo ako?
Nahagip ng aking mata ang saksakan ng tv kaya agad ko itong hinila para tuluyan nang mamatay.
"That's bad for kids! Let's go, aalis na lang tayo. We'll go to amusement park" kailangan kong matanggal sa utak ng mga apo ko ang napanuod nila.
Hindi ko na sila binihisan dahil sa mall na kami dadaan para ibili ko sila ng mga damit. At nang makarating kami sa mall ay nagdiretso kami sa kids section.
"Bihisan nyo ang mga batang 'yan. Gusto ko ay magkakapareho sila, pag ibahin nyo na lang ng kulay" mabilis naman na nag assist sa amin ang mga sales lady na tuwang tuwa sa aking limang apo. Kanino pa magmamana ang limang 'yan?
Hindi na ako naghintay nang napakatagal at lumabas na ang aking mga apo na kapwa nakapolo shirt at brown shorts.
"Yan ang gugwapo niyo na" hinawakan ko ang kamay ni Troy at Owen.
"Hawakan nyo ang kamay ng pinsan nyo baka mawala" dahil mababait naman silang mga bata ay hinahawakan nila ang isa't isa.
Tumigil kami sa mga salamin ng mga bata.
"I think you need to wear shades" pumili ako ng iisang disenyo at humingi ako ng lima nito sa saleslady.
Nang mabayaran na namin ang lahat ng pinamili namin ay nagsimula na kaming maglakad papalabas. At talagang agaw atensyon ang aking magagandang lalaking apo na kapwa nakashades na humihigop ng milk tea na may iba't ibang flavour.
Nang makasakay na kami sa aming sasakyan ay agad nagsalita si Troy.
"Malapit na tayo, lolo?"
"Hindi pa tayo nakakaalis Troy" pinahid ko ang chocolate sa kanyang pisngi. Isa isa ko muna silang nilagyan ng seatbelt bago ko inumpisahan paandarin ang sasakyan.
"Do you know how to sing boys? Kantahan niyo naman si lolo" nanguna si Troy na kumanta.
"Row row row your boat.." humalakhak na lang ako sa biglang kinanta ng aking apo.
"Wag na lang Troy, makakatulog si lolo. Baka maaksidente tayo"
Naging mabait naman sila sa buong biyahe hanggang makarating kami sa amusement park.
"Let's go home, lolo. Ayaw ko dito" agad na sabi ni Troy nang makita ang mga sasakyan.
Lahat sila ay bigla na lang gustong magpabuhat sa akin.
"Hey, hindi kayo kayang lahat ni lolo. Look, gusto niyo ng balloons?" bahagya silang natigilan sa pagpapabuhat sa akin nangg lumapit ang nagtitinda ng lobo. Kinuha ko ang iba't ibang kulay ng lobo na naaayon sa kulay ng damit nila.
"Dapat hindi na kayo nagpapabuhat, kasi big boys na kayo" isa isa kong itinali sa kanilang mga bag ang kanikanilang mga lobo.
"Yan, babantayan kayo ng mga balloons na 'yan" naupo muna kami sa isang mahabang upuan habang inaalo ang lima kong apo.
"Sa carousel naman tayo sasakay, hindi sa matataas dahil takot din si lolo doon. Gusto nyo ba ng ice cream?" mabilis silang nagtanguhan sa akin.
Nang tingnan ko ang tindahan ng ice cream ay nasa kabilang dulo pa ito.
"Let's walk, nasa kabila ang ice cream" sabay sabay silang umiling sa akin.
"I want to sit lolo" nagtanguhan silang lahat sa sinabi ni Owen.
"Sige, ako na lang ang bibili. Wag kayong aalis dyan okay? Wag kayong sasama sa hindi nyo kilala. Shout, kapag may lumapit sa inyo" lahat sila ay nakangising tumango sa akin.
Ginulo ko ang kanilang mga buhok bago ako tuluyang tumayo.
"Alright, bibili lang si lolo ng ice cream"
"Sama ako lolo!" agad hinawakan ni Troy ang aking kamay.
"Bibili lang kami ni Troy" sabay sabay silang kumaway sa amin ni Troy bago kami nagtungo sa stall ng ice cream. Alam kong matatalino at mababait ang aking mga apo, wala akong magiging problema.
Agad kong napansin ko na mahaba pala ang pila kaya mukhang matatagalan pala kami.
"Anong flavour ang gusto mo Troy?"
"Chocolate"
"Alam mo ba ang gusto nila?" umiling sa akin si Troy. Siguro ay kapareho na lang ng siguro ng kanina sa kanilang milk tea. Poor Nero, bihira lang ang may rambutan flavour.
Nang makabili na kami ni Troy at makarating sa inuupuan ng aking mga apo ay kusa na lang bumagsak ang apat na ice cream na hawak ko.
"They fly with the balloons, lolo"
Ang mga apo ko...
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro