Chapter 17
AN/ Sa mga nakabasa na po nito, please don't be a spoiler :)
Chapter 17
Natatawa na ako sa hitsura ni Nero. Ilang beses niyang pilit tinatanggal ang posas sa mga kamay niya na kahit anong gawin niya ay hindi naman matatanggal.
"Calm down Nero, let's stick to the game. Pakalmahin mo muna ang alaga mo Nero, wala pa tayo sa kalahati" natatawang sabi ko habang siya ay may kunot na kunot na noo.
"Paano ako kakalma Florence?! Ubos na ang pasensiya ng alaga mo! Kanina pa sa simbahan! Remove this handcuffs baby" dito na ako napahagalpak ng tawa sa sinabi ni Nero.
"How I love you Nero Sebastian Ferell" pumatong ako sa kanya at niyakap siyang mahigpit. Pinakinggan kong mabuti ang banayad na pagtibok ng puso ng lalaking mahal ko.
Natahimik kami ng ilang minuto na parang pinakikiramdaman namin ang isa't isa.
"Kasal na ba talaga tayo Nero? Baka naman nananaginip lang ako" tanong ko sa kanya.
"Hindi rin ako makapaniwala Florence. Parang kanina lang nakikipagkompetensiya ako sa mga pinsan ko para sa atensyon mo" ngumuso ako sa sinabi ng hari ng mga shokoy.
"Paano naman malilipat ang atensyon ko sa kanila? Unang araw ko pa lang sa mansyon ay pinasok mo na ang kwarto ko" mabilis akong humalik sa kanyang labi.
"Kwarto mo? Kwarto ko 'yon Florence, ikaw ang pumasok sa kwarto ko. Sa ating dalawa ikaw ang unang nanggapang" halos mapanganga na lang ako sa sinasabi nitong si Nero Sebastian Ferell.
"Excuse me? Ako pa? tahimik akong natutulog noon tapos magigising na lang ako tanggalan na ang ribbon ng pantulog ko at napakarami kong kissmarks? Ako pa ang nanggapang Nero Sebastian Ferell?" siya naman ang natawa ngayon sa sinabi ko.
"To tell you the truth, pagod na pagod ako nang araw na 'yon. Pagkatapos kong magtago para hindi mapasama sa mahabang murahan ni LG at ng mga pinsan ko bumalik na ako nang gabi. Hindi na kita napansin sa kama Florence. You're like a sleeping cat that's why I didn't notice you.." napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Ilang beses mo na akong sinabihan niyan Nero?" ngumisi lang siya sa akin.
"Pero bakit ang lakas naman ng loob mong manghalik ng inosenteng babaeng natutulog Nero? Pwede kitang kasuhan ng rape sa ginawa mo sa akin" napapatawa na lang ako sa sinasabi ko sa kanya. Bakit hindi ko nga ba naisip ito noon? Damn. Pero hindi ko naman ginusto ang ginawang 'yon sa akin ni Nero noon, halos patayin ko na siya sa galit ko.
"I thought it was a dream Florence. Sa panaginip ko may babaeng nakaputi na inaakit ako. Dahil biyaya, hindi ko na tinanggihan kaya hinabol ko. Hindi ko alam na nagpapagulong gulong na pala ako sa kama at doon ka na nagapang. Ang akala kong panaginip na nangyayari sa madaming dilaw na bulaklak yata 'yon? Nangyayari na pala sa kama ko" natatawang kwento sa akin ni Nero habang ako ay napapangiwi na lamang sa kalokohang pinagsasabi niya.
"Kung sino sinong babae ang pinagnanasaan mo tuwing gabi Nero!" bahagya kong hinampas ang dibdib niya.
"I am not, ikaw ang babaeng nang aakit sa akin sa panaginip ko. You are my wild little kitten Florence, remember?" ngising sabi niya sa akin.
"Let's see then" sinimulan ko siyang paulanan ng halik sa kanyang pisngi, mga mata, sa matangos niya ilong, tabi ng kanyang mga labi. Hindi ko maiwasang hindi mapangisi habang naririnig ang pagpupumiglas ng kanyang mga kamay mula sa mga posas na nakagapos sa kanya.
Pilit gustong maabot ni Nero ang mga labi ko pero sinasadya kong hindi niya maabot. Ramdam kong umiinit na ang ulo niya sa ginagawa ko.
"Florence, are you going to tease me the whole time?" naiirita na rin ang tono ng boses niya na lalong nakapagpangisi sa akin.
"Dali na, sagutin mo muna ang tanong ko Nero. How many moles I have on my body?" umirap sa akin ang hari ng mga shokoy bago bumuntong hininga.
"You have one mole on your right thumb finger. Four on your right shoulder, two on your left. Six small moles on your back, biggest is on the right lower back. One in the middle of your breast, one on your tummy, one on your left knees, one on your left feet side place, one on your thumb finger of your left feet and another one from your right feet. And my favourite mole you have is placed near on you—" hindi ko na pinatapos sa anumang ng hari ng mga Shokoy.
"Okay! That's enough" sinimulan ko nang tanggalin ang itim kong bra na lalong nagpangisi kay Nero Sebastian Ferell. Inihagis ko ito sa mukha niya na agad namang nasalo ng bibig niya. Typical Nero Ferell, alam na alam ang bagay na ito.
"You're so beautiful Florence.." titig na titig na naman ang hari ng mga shokoy sa akin.
"Am I?" madramang sagot ko habang pinaiikot ikot ko ang dulo ng aking buhok.
"Yes, you are baby. Come here" hindi ko na siya pinaghintay dahil ipinahuli ko na sa kanya ang aking mga labi. My lips are always for him, my lips are always for Nero Sebastian Ferell.
Our lips are wild and hot. His lips are damn conquering, na parang ayaw na niya akong pakawalan. Fvck. How I love my husband's lips. His kisses are damn exquisite.
"Florence.." nang magtama muli ang aming mga mata, wala na akong ibang makita sa kanya kundi nagliliyab na apoy. We're like fires, hot and burning each other.
"Press more your body Florence.." dahil masunurin ako ay ginawa ko ang gusto niya. My god! I need to remove his cuffs. Hindi ko na kaya.
Muling naglapat ang mga labi naman. At sa pagkakataong ito, lalong lumakas ang pagwawala nang mga kamay ni Nero. He bit my lips not just once but thrice. I can't help but to moan on his powerful kisses. Nakagapos pa lang si Nero ganito na ang nagagawa niya sa akin, papaano pa kapag gumana na ang kanyang mga kamay?
Habol namin ang hininga nang maghiwalay ang aming mga labi.
"Remove the cuffs baby. Remove this.." marahan akong tumango sa sinabi ni Nero. Umalis ako sa pagkadagan sa kanya at nagtungo ako sa side table para kuhanin ang susi.
"Faster Florence..." nang buksan ko na ang drawer nito ay agad nangunot ang noo ko. Nasaan ang susi?
"Florence.." hindi na mapakali si Nero.
"Wait Nero, hinahanap ko pa" ilang beses kong kinapa ang drawer pero di ko makita ang susi. Sabi ni Aira at Camilla nandito lamang ang susi, nasaan? Fvck. Lagot ako kay Nero Ferell.
"Florence, bakit ang tagal mo dyan?" kinakabahan akong muling kinapa ang susi. Buhayin ko muna kaya ang ilaw?
"Florence, don't tell me?" hindi ko siya sinagot. Nagmadali akong buhayin ang switch ng ilaw. Mabilis ko rin kinuha ang bra ko sa kama at sinuot muna ito.
"What the hell is happening Florence?" malamig na boses ni Nero.
"Hahanapin ko muna ang susi Nero"
"WHAT?!"
"Ano ba Nero? Wag munang mainit ang ulo, hinahanap ko. Nandito lang 'yon" sinimulan ko nang hanapin ang susi pero kahit ilang beses kong tingnan sa drawer na sinabi ng mga kaibigan ko ay wala akong makita. Damn.
Nagwawala na si Nero sa kama. Patay. Nangangatal kong kinuha ang telepono ko para tawagan si Camilla.
"Yes hello? How's the place?" bungad sa akin ng magaling kong kaibigan.
"Where's the key?" napapasulyap ako kay Nero na ilang beses na namang nagmumura.
"Key?" nagtatakang tanong sa akin ng kaibigan ko. My god! It can't be, dapat may alam siya dito.
"The cuffs you gave me! Nasaan ang susi? Hindi ko makita" pinanlalakihan na ako ng mata ni Nero Sebastian Ferell.
"Cuffs? Si Aira ang sponsor ng posas Florence hindi ako. Itanong mo sa kanya" hindi na ako sumagot sa sinabi ni Camilla dahil pinatay ko na ang tawag. Mabilis akong nagdial kay Aira.
"What the fvck is wrong with your friends Florence?! Bakit nakikinig ka sa mga sinasabi nila? Look what happened to us! Fvck! I looked like an idiot with this cuffs" panay ang reklamo ni Nero sa akin habang naghihintay ng sagot ni Aira.
"Yes, hello?" sagot agad sa akin ni Aira.
"Where's the key? Nasaan ang susi ng posas? Hindi ko makita" bungad ko sa kanya.
"Wala ba sa drawer? Magkasama 'yon? Sinong nakagapos sa inyo ni Nero?" natatawang tanong niya sa akin. Hindi ko na lang siya sinagot dahil nakikinig si Nero.
"I can't see it Aira. Sure ka ba na may inilagay ka na susi?" tanong ko.
"Yes Florence, kinuha ko pa 'yon dito sa bag k---Oh my god!" napapikit na lang ako sa malakas na sigaw ni Aira.
"Fvck! I'm so sorry Florence nasa bag ko pa pala ang susi! Hindi ko talaga sinasadya. Fvck. Fvck. Bakit nandito pa ito? Fvck! I'm sorry"
"Can't you bring it here Aira?" tanong ko sa kanya.
"I'm sorry again Florence. I'm on my way to airport, papunta akong Singapore " halos mapatulala na lang ako. Hindi ko kayang sirain ang posas ni Nero.
"Saan mo nabili ang posas?"
"Pinadala 'yan sa akin ng pinsan ko galing Paris, Florence. Limited edition lang 'yan, para daw 'yan sa may napaka wild na sex life para di basta basta matanggal ang pagkakagapos" gusto ko nang iumpog ang sarili ko sa pader. Ano nang mangyayari sa amin ni Nero nito?
Lalo nang hindi maipinta ang mukha ni Nero habang pinagmamasdan ang reaksyon ko sa sinasabi ng kaibigan ko.
"Anong gagawin namin Aira?"
"Ipasira mo na lang, dapat gagamitin namin 'yan ni Jare kaso alam mo na biglang naging pavirgin ang gago kung makaasta parang hindi playboy noon, naunahan pa siya ni Raje makabuntis. Shit, bakit nasasabi ko pa ito? Sige, sige na Florence. Ipasira mo na lang 'yan. Have a hot and wild honeymoon! Sabihin mo kay Nero wag masyadong harsh ang pagpump ha? May baby na sa loob" malandi siyang tumawa sa akin bago ko naisipang patayin ang telepono.
"What now?" iritadong tanong sa akin ni Nero.
"Ipasira na lang natin ang posas mo" mahinang sabi ko sa kanya. Lalong naggagalaw ang kamay niya.
"My cuffs?! These damn cuffs are not mine Florence!" sigaw niya sa akin. Damn, galit na naman ang hari ng mga Shokoy.
"Sorry Nero"
"How can I sleep with this?! Sinong sisira nito? Fvck! Hindi ko alam kung bakit hinahayaan kayong magkakaibigan ng magsama sama. Ang dami nyong naiisip na kalokohan" galit na galit na ang hari ng mga shokoy. Bakit hindi ba sila nakakagawa ng kalokohan ng mga pinsan niya?
"Bukas nang umaga siguro? Hihingi ako ng tulong?" nag aalangang sagot ko sa kanya.
"Then what? I'm going to look like an idiot? Sa tingin mo ba hindi ako pagtatawanan ng sisira nito? Na nagpapagapos ako sa asawa ko tuwing gabi?" napakagat labi na lang ako sa pinipigil kong pagtawa.
"I'm sorry na nga Nero.." hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil natatawa na talaga ako.
"Stop laughing Florence, I'm warning you. Sa sandaling makaalis ako dito, ikukulong kita sa kwarto ng buong araw, tulog lang ang pahinga mo" napapakagat labi na lang ako sa pananakot ni Nero sa akin.
"Sounds wild Nero"
"Yes, wild it is Florence. Sinasagad mo na naman ang pasensiya ko" muli sana akong sasampa sa kama nang marinig kong tumunog ang doorbell ng resthouse.
"Who the fvck is that? Anong oras na?!" agad na sabi ni Nero. Napairap na lang ako at sinimulan kong pindutin ang button para magkapagsalita ako na maririnig ng tao sa labas.
"Yes? Who's this?" tanong ko.
"Wada! What a coincidence! Dito muna kami, naubusan kami ng gasolina!" bungad sa akin ni Owen. Anong ginagawa ng mga Shokoy na ito sa tagaytay?
"Anong ginagawa ng mga gagong 'yan dito?"
"Pwede nila tayong tulungan Nero"
"No way, mas mabuting sa ibang tao na lang. Paalisin mo na ang mga abalang 'yan"
"Ang sama ng ugali mo"
"Iiwan mo ako dito?"
"Malamig sa labas Nero, sa tingin mo ba ay pababayaan ka ng mga pinsan mo na manigas sa lamig?"
"Oo, manunuod pa sila" matabang na sagot sa akin ni Nero. Napairap na lang ako.
"Pagbubuksan ko sila, sasabihin ko tulog ka na lang" mabilis kong hinalikan si Nero sa kanyang noo.
"Magpalit ka ng damit" tumango ako sa kanya. At nagbihis na ako ng damit na mahaba na siyang lagi kong suot nang magkakasama kami sa mansion.
Bumaba na ako at mabilis nagpunta sa main door para pagbuksan lamang ang tatlong Ferell na naubusan daw ng gasolina. Maniniwala na ba ako?
"Bakit kulang kayo? Nasaan si Tristan?" hindi na sila sumagot sa akin dahil pumasok na sila sa bahay.
"Lamig sa labas" reklamo ni Troy.
"May pupuntahan daw si Tristan Warden" may inabot sa aking wine at maliit na kahon si Aldus.
"What's this?"
"Cassava cake, good for the baby" sagot ni Owen.
"Not for the daddy, wag mong bibigyan si Nero sabihin mo bumili siya ng kanya. Para lang sa'yo at kay inaanak 'yan" may pagkindat pang nalalaman sa akin si Troy.
"Bakit kung magsalita ka ikaw lang ang bumili niyan Troy? Nag ambagan tayong tatlo diyan. Gago!" napangiwi na lang ako sa sinabi ni Aldus. Napakakuripot talaga ng magpipinsang ito.
"By the way, nasaan na ang gago?" tanong ni Owen na hinahanap si Nero.
"Tulog na, masama ang pakiramdam" pagsisinungaling ko.
"Nauna siyang natulog?" tanong ni Troy sa akin. Nagtinginan ang magpipinsan na parang sila lamang ang nagkakaintindihan, hindi na ito maganda.
"Maupo muna kayo, tikman natin itong cassava cake" tumango na lang ang magpipinsan sa akin. Akala ko ba sa akin lang at sa baby?
Pakinig kong binuhay na nila ang tv kaya panatag akong wala namang sisilip kay Nero sa kwarto. Sinimulan ko nang ihanda ang cassava cake na dala ng mga shokoy. At nang mailagay ko na ito sa malaking plato ay naglakad na ako pabalik sa sala.
Pero hindi pa man ako tuluyang nakakahakbang sa sala ay nabitawan ko na ang hawak kong cassava cake. Napamura na lang ako ng ilang beses. Bakit ko ba inisip na maniniwala silang tulog na si Nero?
"Tang ina mga pinsan, nakagapos si Nero sa kama! Tayo nang magselfie! goals na naman ito!" kanya kanyang mura ang magpipinsan sa sigaw ng tagapagmana. Napasabunot na lang ako sa aking sarili. Fvck.
Wala pang ilang segundo ay nagtaasan na ang mga Ferell sa kwarto kung saan nakagapos si Nero. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdanan ay rinig na rinig ko na ang malulutong na mura ni Nero habang ang mga pinsan niya ay walang ginawa kundi tumawa ng tumawa.
Nang makarating ako sa kwarto halos masilaw ako sa flash ng mga camera ng mga Ferell na literal na nagseselfie sa tabi ni Nero na pilit silang pinagsisisipa.
"Fvck! Mga gago kayo! Lumabas kayo dito! Damn! I told you Florence hindi mo dapat sila pinapasok! Fvck. Fvck." napapapikit na lang ako sa mga mura ni Nero.
"Tang ina, anong nangyari sa'yo pinsan? Hindi ka lang nagpapakamatay sa pag ibig! Nagpapagapos ka rin!" halos hawak na ni Troy ang kanyang tiyan sa kakatawa. Maging si Aldus at Owen ay nagpupunas na ng kanilang mga luha.
"Bakit mo naman iginagapos Wada?! Minamaltrato mo ba ang pinsan namin?" sabay sabay napamura ang magpipinsan sa sinabi ni Owen na muli na namang tumawa.
"Mga gago kayo! Lumayas kayo!" galit na galit na talaga si Nero.
"Iligtas natin si Nero sa malupit na si Warden, ano pang nararanasan mo sa kanya pinsan? Sabihin mo nandito na kami" madrama din sabi ni Aldus. Pulang pula na silang tatlo sa kakatawa sa kanilang mga kalokohan.
"Palabasin mo sila Florence! Palabasin mo ang mga gagong ito!" halos maglabasan na ang ugat ni Nero. Patay na talaga ako.
"Can..can you remove his handcuffs? Nawawala kasi ang susi" tanong ko sa tatlong na lalong nagpalakas ng tawanan.
"What the fvck?" natatawang sabi ni Aldus.
"Sisirain ko lang ang posas na 'yan kapag sinabi ni Nero na ako ang pinakapaborito niyang pinsan" halos mapangiwi ako sa sinabi ni Troy.
"Tang ina mo Troy! umalis ka na!" galit na sagot ni Nero.
"Ako din" ngising sabi ni Owen.
"Isa ka pang gago! Lumayas na kayong tatlo dito"
"Damn, mukhang matibay ang posas na ito. Saan ito nanggaling Warden?" naliwanagan ako sa sinabi ni Aldus.
"Sa Paris, kaya mo bang sirain Aldus?" ngumisi lang siya sa akin na naiiling.
"I'll go with Troy. Dapat sabihin muna sa akin ni Nero na ako ang paborito niyang pinsan" ngising sagot sa akin ni Aldus. Fvck! Anong problema nilang tatlo?
"Tang ina nyo! Mga gago kayo! Paalisin mo sila Florence! Paalisin mo sila!" kahit ako ay naiinis na sa tatlong ito.
"Hindi kami nakikipagbiruan, hindi ko makita ang susi. Tanggalin nyo nang tatlo" sabay sabay silang umiling sa akin at isa isa na silang lumabas sa kwarto nagawa pa nilang tapikin ang balikat ko.
"Mauuna na kami Doll" lalong nagusot ang mukha ko sa sinabi ni Troy.
"Hindi nyo talaga kami tutulungan ni Nero?" iritadong sigaw ko sa kanila na kasalukuyan nang bumaba ng hagdan.
"Ayaw sabihin ni Nero ang magic words Wada. Alam mong kailangan 'yon" what the hell?
"Mauuna na kami Warden, napadaan lang naman kami. May hotel kaming tutuluyan" sabay pa silang sumaludo sa akin na parang hindi namin kailangan ni Nero ng tulong.
Napatulala na lang ako habang papaalis na sila. Pero nang nasa pintuan na silang lahat ay hindi ko mapigilang hindi sumigaw.
"What the fvck is wrong with you Ferells? Ganito na ba talaga kayo kashokoy? Hindi man lang mabawasan kahit minsan!?" bakit hindi nila kami tulungan ni Nero?
"Well, this is us Wada" kibit balikat na sagot ni Owen.
"Medyo bad boy" ngising sagot ni Aldus.
"Someone gave us this title Doll, ngayon ka pa ba mababaguhan? Good night. I'll close the door for you"
Hindi na ako nakasagot nang isarado na ni Troy ang pintuan. Damn. Bakit ba nakakalimutan ko na ang kasabihang bumuhay sa kanilang lima?
A shokoy will always be a shokoy.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro