Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Chapter 14


Troy Alvis Ferell

Mag aalas singko na ng umaga nang makalabas kaming lima sa hospital. Nagtagal pa kami dahil kailangan pa naming igapos si Owen para lamang maturukan ng doktor. Parang tanga lang, karayom lang! Karayom lang!

Mabuti na lang at may tatlong sexy na mga nurse na dumating na pang madaling araw ang shift, nahiya yata ang gago kaya nagpaturok din sa huli. Nalaman namin na apat na turok pala ang mangyayari, sa susunod sila na lamang ni LG ang magsama sa hospital. Hiyang hiya na ang kagwapuhan ko sa nangyayaring ito sa amin.


Si Aldus na ang nagdadrive pabalik sa bahay dahil siya na lamang ang makakapagmaneho nang matiwasay sa aming lima. Hindi naman ako pwedeng magmaneho. Ako gagawin nilang driver? Ang mestizong katulad ko ipagmamaneho ang mga negro kong pinsan? Parang hindi naman yata tama. Baka tumaas na ang standards sa mga driver kapag naging driver ako.

Itinigil na niya ang sasakyan sa harap ng aming gate, magkatulong kami ni Nero para buhatin ang gagong si Tristan. Oo si Tristan ang buhat namin at hindi ang nakagat ng aso.

Sa halip na si Owen na siyang dinala sa hospital ang siyang buhat namin ngayon, si Tristan ang inaalalayan namin ngayon dahil inabot na ng antok ang gago.


"Tang ina, antok na antok na ako" reklamo ni Aldus. Lahat kami ay antok na antok na, ang gagong si Tristan lamang ang hindi na nakatiis at nauna nang natulog sa hospital.


"Ayoko na, huwag ka na ulit magpapakagat sa aso Owen! Tang ina! Dapat ay kay Antonia ka mismo nagpakagat! Tatanggapin naming apat kung si Antonia ang kumagat sa'yo! Gago ka!" malakas na sigaw ko kay Owen.


"Tama, dapat ay kay Antonia ka na lang nagpakagat Owen" mabilis na sabi ni Aldus. Tumango tango na lang si Nero sa sinabi ko.


"Mga gago ba kayo? Bakit ako kakagatin ni Antonia? Hindi ako ang type non!" pabagsak na isinarado ni Owen ang sasakyan at nagsimula na kaming magpipinsang humakbang papasok sa gate pero sabay sabay din kaming napaatras nang may maaninaw kami.


"Tang ina aso! Ayaw ko na!" unang nagsalita sa amin si Owen na nagmadali nang bumalik sa loob ng sasakyan. Natrauma na ang gago.

Kasalukuyan lamang namang nakatayo sa harap ng aming gate si Antonia habang may hawak na tali ng dalawang malaking aso na alaga niya. What the fvck is wrong with this girl? Bakit parang hindi lang binti ni Owen ang gusto niyang biktimahin?


"Tang ina mo Troy! Bakit ko naman kakagatin ang pinsan mo?! Nababaliw na ba kayo?! Mga baliw na kayo! Mga gago kayo!" galit na galit na sigaw niya sa aming magpipinsan habang kami ay nakatitig lamang sa kanyang asong masama na ang tingin sa binti naming apat.


"What the fvck is this Antonia?" iritadong sabi ni Nero. Anong ginagawa ni Antonia sa ganitong oras?


"What the hell are you doing?" nangangatal na ang boses ni Aldus habang nagsisimula na kaming humakbang paatras. Papalapit na rin sa amin ang aso ni Antonia.

Nang tamaan siya ng ilaw ay natigilan kaming magpipinsan nang mapansing umiiyak ang maarte naming kapitbahay. Kami yata ang biktima sa pagkakatanda ko? Bakit kami iniiyakan ng babaeng ito? My god! Girls.


"Si Owen ang nakagat dito Antonia, baka nagkakalimutan tayo. Partido namin ang nakagat dito, aso mo ang nakakagat dito. Ilayo mo sa amin 'yang mga aso mo.." kinakabahang sabi ko. Tama nang si Owen na lang ang makagat sa amin ng aso. Baka magwala si LG kapag nalaman niyang ang mestizong apo niya ay nakagat ng aso.

Panay pa rin ang pag atras namin ni Nero habang buhat si Tristan dahil papalapit na nang papalapit sa amin ang dalawang aso ni Antonia.


"Pinatay nyo ang aso ko! Nanahimik lang naman ang aso ko! Naingayan siya sa inyo! Mga wala kayong konsederasyon! May kapitbahay kayo! Hindi lang kayo ang tao! Ang lakas lakas ng music nyo! Nanahimik 'yong aso ko! Nanahimik 'yong aso ko! Tapos pinatay nyo! Mga wala kayong kwentang nilalang! Kasalanan nyo ang lahat! Idedemanda ko kayo! Mamamatay aso kayong lahat! Mga buwiset kayo!" sigaw niya. Lalong tumindi ang pag iyak niya sa aming magpipinsan na parang kami talaga ang pumatay sa kanyang aso. Bakit kami nadamay dito? Si Owen na lang ang pagbintangan niya!


"Hindi namin pinatay ang aso mo Antonia, si Owen ang kinagat ng aso mo. Hindi ba at kami ang naagrabyado dito?" mahinahong sagot sa kanya ni Aldus.


"Sumasakit ang ulo ko" matabang na sabi ni Nero.


"Naagrabyado?! Ako ang naagrabyado dahil kayo ang naging mga kapitbahay ko! Lumayas na kayo dito! Maghanap na kayo ng ibang lugar! Patahimikin nyo ang buhay ko! Mga buwiset talaga kayo! Akala ko ako lang ang guguluhin niyo tapos..tapos. Papatayin nyo pa ang aso ko!" iyak na siya nang iyak sa harapan naming magpipinsan na parang kasalanan namin lahat. Bakit kaya ganito ang mga babae kapag sila na ang umiyak sila na ang naabuso. Kami ang naabuso dito! Pinakagat niya sa aso ang pinsan namin!


"Nauna kami dito Antonia, huwag mo sa aming isisi ang lahat baka di mo napapakain ng maayos ang aso mo kaya pati binti ni Owen pinagtsagaan niya. Katanggap tanggap sana kung ikaw ang kumagat kay Owen, tatanggapin naming apat 'yon kahit saang parte mo pa kagatin si Owen ayos lang sa amin pe---" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang sumigaw siya sa akin ng ubod ng lakas.


"Tang ina ka! Tang ina mo Troy! Mga wala kayong kwentang kausap! Isusumbong ko kayo kay Daddy! Tang ina kayo! Mga buwiset" kasabay ng pagsigaw sa amin ni Antonia ay ang pagtahol ng mga aso niya sa aming magpipinsan.


"Tang ina mo Troy, galitin mo pa. Ayokong makagat ng aso" iritadong sabi sa akin ni Nero. Nasa likuran na rin namin si Aldus.


"Mas nakakain pa nang regular ang aso ko kaysa sa inyong lima! Mga buwiset talaga kayo! Mga buwiset talaga kayo! Isusumbong ko na talaga kayo kay Daddy, sasabihin ko sa kanya na huwag na kayong icoach! Sasabihin ko pinatay niyo ang aso ko! Mga buwiset!!" gusto ko nang takpan ang tenga ko sa lakas ng boses niya.

Ano kaya ang nagustuhan dito ni Owen? Yes she's beautiful at nagmomodel pa siya sa school namin dahil sa tangkad at ganda niya. Pero sobrang arte at ingay niya.


"Umuwi ka na Antonia, inaantok na kami. Kung gusto mo kaming kausapin mamaya na lang kapag nakatulog na kami" nangangatal na sabi ni Aldus na nagtatago sa aking likuran.


"Baby, napapatawad na kita. Please, ilayo mo na sa amin ang mga aso mo" sabi naman ni Owen na nasa loob na ng kotse.


"Baby mo mukha mo! Tang ina mo! Nilason mo ang aso ko! Lumayas na kayo! Bakit sa dami nang pwede kong maging kapitbahay ay kayo pang lima! Mga peste kayo! Mga peste talaga kayo!" lalong lumakas ang tahulan ng mga aso sa aming magpipinsan.


"Ako ang kakausap sa kanya, iwan nyo na kami" inagaw na sa akin ni Aldus ang pag alalay kay Tristan.


"Bahala ka.." humihikab na sabi sa akin ni Nero. Mabilis lumabas si Owen at sumunod na kay Aldus at Nero na buhat si Tristan. Kailangan ng babaeng ito ng masinsinang pag uusap.

Nang maiwan kami ni Antonia ay inirapan niya lamang ako.


"Akala mo makikipag usap ako sa'yo? Huwag na lang! Mga unggoy lang ang nakikipag usap sa'yo! Akala mo kung sino kang gwapo? May sakit ka na! May sakit na kayong magpipinsan! Wala na kayong pag asa! Mga retokado naman kayo! Mga buwiset!" para akong nabingi sa sinabi ng maarte naming kapitbahay. Pakiramdamam ko ay nayurakan ang pagiging sagrado ng aking kagandahang lalaki.

Tang ina retokado? Pinanganak na akong gwapo! Mamatay na ang lahat nang retokado sa mundo!


"Antonia! Pahahalikan kita kay Owen! Bawiin mo ang sinabi mo! Hindi ako retokado!" hindi niya ako pinansin at umalis na siya kasama ang aso niya na masama ang tingin sa akin.

Hahayaan ko na sana siya at papasok na sana ako sa gate nang gambalain na naman ako ng mga sinabi niya. Hindi ko matanggap na sinabihan niya akong retokado! Tang ina!

Sinundan ko siya sa bahay nila, babawiin mo ang sinabi mo sa akin maarteng babae. Umakyat ako sa gate ng bahay nila, agad ko siya napansin na galing sa bandang tagiliran ng bahay nila kung saan itinali niya ang kanyang mga aso.

Pagkababang pagkababa ko pa lamang ay agad na nagtahulan ang mga aso.


"Sinong nandyan?!" sigaw niya.

Hindi ko siya sinagot sa halip ay mabilis akong lumapit sa kanya at hinapit ko ang kanyang bewang. Agad kong ibinaba ang aking mga labi sa kanya at mariin ko siyang hinalikan. Magpumiglas man siya ay wala siyang nagawa sa lakas ng isang Ferell.

Malambot din pala ang labi ng maarteng babaeng ito. Nang pakawalan ko siya ay isang malakas na sampal ang lumipad sa aking pisngi.


"Walang hiya ka! That was my first kiss! I hate you Troy! I hate you! Mamatay ka na!" hindi na siya muling nakapalag nang muli ko siyang hapitin. Kinagat ko ang puno ng tenga niya at sinadya kong diinan ito.


"Sabihin mo ngayon kung retokado ako Antonia? Sabihin mo sa akin na retokado ang labi ko, makakatikim ka na naman sa akin" seryosong sabi ko na nakatitig sa kanyang nanlilisik na mata sa akin.


"I hate you! Die!" tumatakbo siyang hawak ang tenga niya.


"Magsumbong ka kay coach! I don't mind. Patitinuin kita Antonia.." dalawang middle finger niya ang tumaas bago niya pabagsak na isinarado ang pintuan ng bahay nila.


Naiiling na lang akong umuwi ng bahay na naguguluhan sa ginawa ko. Patay ako kay Owen. Pinili ko na lang hindi muna magpaliwanag sa kanya, siguro ay bukas na lang kapag may tulog na kaming lahat.


--


Nagising kaming lahat sa napakalakas na sigaw ni Aldus. Gusto ko man ipagpatuloy ang aking magandang paniginip ay tuluyan na akong nawalan ng gana.

Kamot ulo akong lumabas ng kwarto ko, nagsimula na akong maglakad pababa nang mapansin kong kumpulan ang mga pinsan ko sa harap ng antique naming cabinet.


"Ang aga niyong gago, anong mayroon?" nang tingnan ko kung anong nangyari sa cabinet ay halos napasigaw na rin ako. What the fvcking hell? We're all dead.


"Nasaan ang apat na golden buddha?" kinakabahang tanong ko sa aking mga pinsan na mga tulala na rin.


"Sino sa mga walang utak na bisita natin ang magnanakaw nang buddha ni LG?" galit na tanong ni Nero.

Mawala na ang lahat huwag lang ang koleksyon ni LG ng buddha. Puputulin niya ang sandata naming lima kapag nawala ang koleksyon niya!


"Patay tayo, bukas na ang uwi ni LG" nang sabihin ito ni Owen ay unti unti naming inilibot ang paningin namin sa kagulong hitsura ng bahay namin.


"Tang ina, maglinis na tayo!" sigaw ni Aldus na nagsimula nang mgapulot ng mga kalat.


"Papaano ang Buddha ni LG?" tanong ni Nero.


"Siguradong mga babae ang nagdala ng Buddha ni LG, hindi 'yon dadalhin ng mga lalaki. Nasaan ang listahan mo ng mga babae Troy? Magbabahay bahay tayong lima nito. We need to ask the girls" mabilis akong tumango sa sinabi ni Tristan. Nakasave pa sa laptop ko ang listahan ng mga babae na inimbitahan namin kagabi.

Nagsimula na kaming maglinis lima, sa nalalaman naming paglilinis. Wala kaming katulong dahil karamihan sa kanila ay hindi tumatagal. Nagmomop ako ng sahig habang may hawak na malaking trashbag si Owen nang mapagpasyahan kong umamin sa kanya.


"Owen, nahalikan mo na ba si Antonia?" tanong ko sa kanya habang nagmomop ako.


"Hindi pa, bakit?" sagot niya sa akin.


"I kissed her last night? Huwag mo na siyang hahalikan" mabilis na sagot ko.


"Fvck you" simpleng sagot niya sa akin at nagpatuloy siya sa paglalakad habang buhat ang mga basura.


"Hindi mo ako susuntukin Owen?" nagtatakang tanong ko.


"Why would I? Nangako ako kay LG na babae ang huli nating pagtatalunan.." napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Tanda kong sinabi ito ni LG sa amin. Tanda ko rin hindi nga pala seryoso si Owen kay Antonia.


"Besides, alam kong hindi ka rin papatulan ni Antonia. I bet, she's hiring someone to kill you right now. Goodluck cousin, don't worry palalaguin ko ang kayamanang iiwanan mo sa amin" napanganga na lang ako nang marinig ko ang mga sarili kong mga salita sa kanya.


"Gago ka!" akala ko ay hindi niya ako papansin nang tumigil muli sa paglalakad ang gago.


"Pero sa susunod Troy huwag mo nang uulitin, magagalit ako pinsan" natahimik ako sa sinabi ni Owen. Alam kong ako ang mali sa mga oras na ito.


"I will.." naglakad na si Owen palabas ng mansion. Pero hindi din nagtagal ay may bumatok sa akin. Tang ina. Umakbay sa akin si Aldus at Nero.


"Anong mayroon?" tanong ni Tristan.


"I kissed Antonia.." sagot ko.


"Anong sabi ni Owen?" mabilis na tanong ni Nero.


"Don't mind him, hindi siya seryoso kay Antonia. Mas mahal ka ni Owen, Troy.." tumango na lang ako sa sinabi ni Aldus.


"Are we gays?" natanong ko na lang.


"Tang ina ikaw lang!" umalis ang pagkakakbay sa akin ni Nero at Aldus.


"Pero sa susunod, huwag mo nang uulitin.." napatitig na lang ako sa sinabi ni Tristan.


"Agree" tipid na sagot ni Aldus.


"Dahil sa mga oras na 'yon si Owen ang kakampihan naming tatlo Troy" napatulala na lang ako sa sinabi ni Nero.


"I know, I know cousins. Mukhang nakalimutan ko nang saglit ang paalala ni LG.." kamot ulong sabi ko.


"What is that again Troy?" umismid ako sa sinabi ni Tristan.


"Cousins over girls. It's will always be my cousins over girls.."


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro