Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Chapter 12


Aldus Raphael Ferell


Ilang beses kong pilit iginagalaw ang katawan ko pero hindi man lang ako makakilos. Bakit pakiramdam ko ay may kung anong nakadagan sa akin? Muli kong pilit ginalaw ang mga binti ko pero hindi ko ito maigalaw. Mabigat din ang tiyan ko na parang may kung anong nakapatong dito.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay agad kong tiningnan ang dahilan nito. Napamura na lang ako nang makita ang mga pinsan kong mga natutulog sa aking kama. Anong ginagawa ng mga gagong ito dito?

Hindi na ba sila nakarating sa kani kanilang mga kwarto kagabi? Nakailang bote ng alak ba kami kagabi? Fvck. Sino ba ang nakaimbento ng alak na 'yan? Bakit gustong gustong uminom ng matatanda ng alak? Ang pait!

Tang ina, ang sakit ng ulo ko.


Muli kong pinagmasdan ang posisyon naming magpipinsan. Papaano kami nagkasya sa kama ko? Mga gagong ito, ang lalakas uminom! Ang gagaling namang sumuka.

Nasa paanan ko si Tristan na kasalukuyang dinadaganan ang paa ko, kaya pala parang kinikisig na ako dahil sa bigat ng nasa paa ko. Ginawa namang unan ni Troy ang tiyan ko, halos panindigan ako ng balahibo ng makitang may tulo ng laway ang damit ko. What the fvck?

Si Nero naman ay nakadapang nasa kanang tabi ko, nakapatong ang mga binti nito sa katawan ni Troy. Habang si Owen naman ay malapit nang mahulog, kalahati na ng katawan niya ay wala na sa kama, nasa ibabaw ng ulo ko ang paa ng gago. What the fvcking fvck is this position with these idiots?!


Sinipa ko si Tristan na nasa paanan ko kaya nahulog siya sa kama. Hindi naman 'yan magigising. Marahas kong tinanggal ang ulo ni Troy sa aking tiyan. Tang ina! Agad kong kinuha ang unan ko sa ulunan ko at ilang beses kong hinampas ang mukha ng gago. Nilawayan ako! Yuck.

Itinulak ko na rin ang nakadapang si Nero sa tabi ko, kama ko ito!


"What the hell?! Sinong tumulak sa akin?" nang sasampa sana ulit si Nero ay mabilis kong sinipa ang braso niya. Gago! Gago! Kama ko ito!


"What the fvck?! Natutulog ang tao! Gago ka ba?" hindi na ito muli nagsalita pagkatapos niyang sabihin ito. Sunod kong itinulak si Owen.


"Tang ina naman!" mura ng gago. Itutulak ko na sana si Troy nang ito mismo ang umikot sa kama dahilan kung bakit nahulog din siya. Gago!


"Ouch!" iritado akong bumaba ng kama habang nagdidirty finger sa mga pinsan ko na mga dumadaing sa pagkakahulog.

Kagabi nangyari ang maraming first time sa buhay naming lima, first time namin magbar, first time naming mag inom, first time din kaming nagsinungaling? first time kaming hindi sumunod sa pangako kay LG, first time kaming gumamit ng condom at first time kaming namaril ng babae.

Hindi ko na rin matandaan kung papaano kami nakauwing lima, may naghatid ba sa amin? Wala talaga akong matandaan.


Nang sinisimulan ko nang buksan ang banyo ko bigla na lang akong napamura. Fvck! Sinong naglock nito?! Ihing ihi na ako! Sa galit ko ay nagawa ko pang sipain ang pintuan bago ako nagsimulang lumabas ng aking kwarto. Isa sa mga gagong ito ang naglock ng banyo!


"Gumising na kayo!" sigaw ko sa kanila bago ko padabog na isinarado ang pintuan.

Halos tumakbo na ako pababa ng hagdan para makapunta sa banyo. Ito lang ang maganda sa banyo sa ibaba, may sari sarili kaming urinal magpipinsan na nakalihera sa pader. May kanya kanya itong palatandaan para hindi kami magkapalit palit lima. Pinagawa pa ito ni LG noong mga bata pa kami para hindi daw kami mag agawan sa ihian. At hanggang ngayon ay hindi na ito pinapatanggal, mas mabuti na rin ang ganito.

Madali lang naman ang palatandaan ng ihian naming lima, sa bawat taas nito ay may parang magnet na laruan na nakakabit dito. Yung mga nauusuong magnet sa refrigerator.

Malalamang ihian ito ni Nero kapag makikita sa taas nito ang magnet na may disenyo ng rambutan at lansones. Kay Tristan naman ay saging at bayabas. Habang ang sa akin akin naman ay langka at santol. Naayon ang mga prutas sa kung anong paborito naming magpipinsan. Hindi ko na sasabihin ang kay Owen at Troy, tinatamad na ako.

Ihian ko ang nasa unahan, sumunod ang kay Troy, Owen, Tristan at ang pinakadulo ang kay Nero.


Inilabas ko na ang kaibigan kong maraming pinagdaanan kagabi at sinimulan ko nang umihi.


"Good work buddy, bukas ulit.." nasabi ko na lamang habang panay ako sa pag ihi.


"Bakit lock ang banyo mo Aldus?" tanong sa akin ni Troy na biglang pumasok sa banyo. Nagsisimula na rin umihi ang gago.

Hindi din nagtagal ay dumating na rin ang mga pinsan ko sa loob ng banyo kaya ang nangyari nakahilera na naman kaming lima. Bakit hindi pa ako matapos dito? Ayokong kasabay ang apat na ito. Sawang sawa na ako sa mukha nilang apat.


"Balik tayo mamaya" sabi ni Owen.


"Game ako diyan" sagot ni Nero.


"Madami pa naman tayong supply dyan, tang ina ang wild ng dalawang babae kagabi. Heaven" tuwang tuwang sabi ni Troy. Lahat naman kami nag enjoy lima kagabi, papaanong hindi? We have the money, looks and ofcouse big friend, paaanong hindi kami sasaya? Rock n Roll talaga kapag wala si LG. Hindi na kami virgin! Oh yeah!

Napatingin na lang ako sa aking kaibigan, bakit hindi pa nauubos ang ihi ko?


"Patamaan tayo mga pinsan, tamaan natin ang mga fruits" natatawang sabi ni Troy habang pinatatamaan na niya ng kanyang ihi ang magnet sa taas ng kanyang ihian.

Dahil mga loko kami sumunod kami sa isa pang loko, sinimulan na namin patamaan ang mga magnet na prutas. Paggalingan na lamang kami.


"Oh yeah!" unang nagsalita si Nero. Tapos nang umihi ang gago, natamaan na niya ang rambutan at lansones niya.


"Wohhooo, come on. Come on, wag ka munang titigil.." tawa nang tawa ang gagong si Troy habang pilit inaabot ng kanyang ihi ang prutas sa ibabaw ng kanyang ihian. Napakamalas ko dahil si Troy ang katabi ko sa hilerang ito.

Tumigil na ako nang matamaan ko na rin ang akin, ang natitira na lang ay si Owen, ang tagapagmana at si Tristan na ilang beses kumakapos ang ihi dahil inaantok pa yata ang gago.

Agad tumaas ang dirty finger ni Owen sa harap ni Tristan at Troy nang mauna itong makatama sa dalawa. Mas lalo yatang napresssure si Troy kaya lalong kinakapos ang ihi niya.


"Done" unang sabi ni Tristan. Sabay sabay kaming lumapit kay Troy apat at isa isa naming itinaas ang middle finger namin sa mukha niya.


"Mga gago!" nagtawanan lamang kami sa sarili naming mga kalokohan.


"Pataasan pa na ihi! Ihi pa more Troy" natatawang sabi ni Owen habang lumalabas ng banyo. Naiiling na lang kaming lumabas ng banyo habang mura ng mura ang tagapagmana ni LG.

Naghiwa hiwalay kami nang maisipan naming maligo, nakakasuka na ang amoy namin. Pabango ng babae, amoy maaasim na rin kami, amoy laway at amoy alak. Nakakadiri.

Hindi naman ako nagtagal sa banyo, mabilis na din akong nagbihis. Nang pababa na ako sa sala ay nakita kong may kausap na si Troy sa kanyang telepono. At narinig kong magpapadeliver na ang gago.


"Anong plano? Nabitin ako kagabi" tanong ni Owen nang makitang kumpleto na naman kaming lima.


"Sa bagay kailangan na nating sulitin ang lahat ng natitirang oras bago dumating si LG, mag bibible verse na naman tayong lima" sabay sabay kaming napangiwi sa sinabi ko. Tuwing hapon ay nagbabasa kami ng verse sa bibilya at kailangan namin ng repleksyon dito.

Ilang beses na sinasabi sa amin ni LG na hindi maaaring magagandang lalaki lamang kami, dapat daw ay may takot kami sa diyos. At kailangan daw namin na nililinis isang beses sa isang linggo. What the hell is that?


"Sino na ba ang babasa ng verse pagdating ni LG?" tanong ni Tristan.


"Si Nero" sagot ni Owen.


"What?! Ako na naman?! Si Troy na ang babasa, hindi ako!" iritadong sagot ni Nero.


"Gago ka ba? Noong kabilang linggo ay ako ang bumasa ng verse Nero, ikaw ang babasa pagdating ni LG" sabay sabay kaming tumango sa sinabi ni Troy.


"Fvck" mura ni Nero na may kasama pang pag untog ng ulo sa sofa. Dapat ay sa sahig na, bakit sa sofa pa?


"Para na naman tayong mga tuta pagdating ni LG" sabay sabay kaming napamura sa sinabi ni Owen.


"So what's the plan?" tanong muli ni Tristan.


"Magkano na lang ang pera natin?" tanong ko sa kanila.


"Hindi ba at tig 20 thousand tayong lima, magkano ba ang nagastos natin kagabi?" tanong ni Troy.


"Sinong nagbayad kagabi?" nagtatakang tanong ko.


"I paid 30 thousand plus? I can't remember. Ang natatandaan ko lahat ng babaaeng labas ang legs na lumalapit sa ating lima ay nililibre natin. We also rented 5 apartments for 20 thousand dahil hindi tayo tanggapin ng hotel, ayaw natin sa motel dahil baka makagat tayo ng lamok, natatandaan kong may sumpaan tayong babae lang ang pwedeng kumagat sa atin kaya hindi na ako nanghinayang na magbayad kagabi" sabay sabay kaming napatango sa mahabang sinabi ni Tristan. Nakakapagsalita din naman pala ito ng mahaba kapag umiinom ng alak.


"So may 50 thousand pa tayong lima" nasabi ko na lamang.


"Dito na lang tayo magpaparty nang hindi na masyadong magastos" sabay sabay kaming umiling sa sinabi ni Troy.


"Hindi pwede, bawal ang babae sa bahay na ito" mabilis na sabi ni Nero.


"Malalaman ba ni LG? Mas malalaman ni LG ang mga kalokohan natin kapag kinapos tayo sa pera at tawagin siya ng may ari ng bar. Baka tuluyan na tayong ipatapon ni LG sa seminaryo! My god! Walang legs ng babae doon mga pinsan!" malakas na sabi ni Troy na na nakapagpagimbal sa aming magpipinsan. Walang lalabas na seminarista sa amin, imposible.


"I'm with Troy" mabilis na sabi ni Tristan.


"I'm in, dito na nga lang" sabi din ni Nero.


"May mapapagpilian pa ba ako, sige na dito na rin sa bahay" sabi ko na lamang. Sabay sabay kaming lumingon kay Owen.


"Don't look at me like that. I am not killjoy, tawagin na ang lahat ng kilala nating babae!" sabay sabay kaming ngumisi sa sinabi ni Owen.

Sa isang iglap ay nagsimula na kaming lima sa aming preparasyon, tumawag na si Troy sa opisina ng Star Lights and Sound. Ito ang magkakabit ng disco lights at malalakas na speaker sa buong bahay, tumawag na rin ito sa iba't ibang restaurant para umorder ng mga pagkain.

Ang huli naming ginawang magpinsan ay mag imbita ng mga babae gamit ang facebook. Kapag nakita namin sa photo album na nagbibikini, sexy at maganda. Invite agad.


Kasalukuyan kaming nakaupo sa palibot ng glass table ng sala namin. Habang nakalabas ang laptop naming lima. Kung titingnan kami, iisipin ng mga makakakita sa amin na mayroon kaming isang mahalagang group thesis.

Thesis ng mga babae.


"Mag invite din kayo ng mga college sa Gyro Nella, malapit lang 'yon dito sa kabilang bayan lang" sabi ni Troy na seryoso sa pakikipag chat sa mga babaeng iniimbitahan.

May inimbitahan din naman kaming mga lalaki para hindi lang kami ang magsayang lima.

May listahang ginawa si Troy ng mga pangalan ng babae na isesearch namin sa facebook, para iinivite. Copy paste lang ang ginagawa naming lima sac hatbox ng mga babae.


"Tang ina, yong listahan!" reklamo ni Nero. Nag aagawan na kami sa iisang listahan na ginawa ni Troy.


"Bakit hindi nyo muna ixerox?" iritadong sabi ni Troy. Inagaw ko ang listahan kay Owen at ako na mismo ang humarap sa printer namin para iphotocopy ito ng apat. Nang matapos ko ito ay mabilis ko itong inabot sa mga gago.


"Tutal naman ay isang daan ang nasa listahan, dalawampung babae ang ichachat ng bawat isa" nagtanguhan ang mga pinsan ko. Bukod pa 'yong kanya kanyang inimbitahan namin.

Hindi naman siguradong pupunta lahat kaya ayos lang mag imbita nang mag imbta, pero mas madaming babae mas masaya.

Tahimik na tahimik kaming lahat sa pakikipagchat sa mga babae nang makarinig kami nang kung anong nabasag.


"Oh my god! Tama ba ang nakikita ko? Are you guys studying?" sabay sabay kaming napalingon sa maarte naming kapitbahay. Si Tanya, ang anak ng coach namin sa basketball.


"Yung babe mo Owen!" natatawang sabi namin.


"Babe! Bakit ka nandito? Nag thethesis kaming lima" tumayo si Owen para salubungin ito. Pilit naming pinipigilan ang aming pagtawa.


"I am not your babe! Pinagdadala sana ako ni Daddy ng pagkain para sa inyo. Oh my god! Nag aaral talaga kayo? Anong hangin ang nalanghap nyo?" maarteng sabi niya. Si Owen lang talaga ang nakakatagal sa kaaartehan ng kapitbahay naming ito.


"Ganun talaga babe, gusto mong pumunta dito mamaya? May party, kukumpilan na kasi si Troy" sabay sabay kaming napahagalpak ng pagtawa sa sinabi ni Owen.


"What the fvck Owen?!" iritadong sabi ni Troy.


"Pass, maiwan ko na kayo. Pakilinis nang nabitawan ko, fruits salad 'yan. Nabitawan ko, hindi talaga ako makapaniwala sa mga ginagawa nyo"


"Bye Tanya!" sabay sabay kaming kumaway dito na inirapan lang kami. Naiiling na lang na bumalik si Owen sa harap ng kanyang laptop.


"Ang hina mo naman Owen, bakit hindi mo pa mapasagot si Tanya?" tanong ni Nero.


"Ayaw niya sa akin, patay na patay 'yon kay Dylan. Yung hilaw na basketball player sa kabilang school" napalingon kami sa sinabi nito.


"Hindi ba at schoolmate natin siya noong elementary?" tanong ni Tristan.


"Hindi ko matandaan" sagot na lang ni Owen.


"Bakit hindi mo agawin Owen?" tanong ko.


"Nah, I'm not serious yet" ngising sagot sa amin ni Owen.

Natapos na naming ichat ang lahat. Nakadating na rin ang magkakabit ng mga ilaw at dumating na rin ang mga pagkain. Tapos na ang lahat ng pag aayos at oras na lang ang hinihintay naming magpipinsan.


Kasalukuyan kaming nakahilerang lahat sa hamba ng hagdan namin sa taas habang nagpapatay buhay na ang ilaw. May mga usok at tugtugan na rin.

Nang nagsisimula nang pumasok ang mga babaeng may magagandang mga damit. Mga damit na lilinaw sa mga mata naming lima, hindi namin mapigilang hindi mapasipol. Karamihan sa mga babaeng ni chat namin ay mga college student, mas mabuting mas matanda sa amin. Hindi din naman nila mahahalata dahil matatangkad kaming lima at malalaki ang aming mga—mga—sandata.

Kapwa kami may hawak na shot glass na may kulay asul na alak.


"Bago tayo bumaba sa hagdanang ito, dapat may isang salita tayo mga pinsan" inilagay ni Troy sa gitna ang kanyang shot glass na nakapagpakunot sa noo namin. Pero dahil mga loko ulit kami, sumunod kami sa gusto ng isa pang loko.


Nang sandaling magtama ang mga baso namin ay nagsalita ang tagapagmana na sabay sabay nakapangisi sa aming magpipinsan.


"Mangako tayong walang makakabuntis sa atin ngayong gabi" sabay sabay kaming tumango bago namin sisidin ang alak na nasa baso.


"Again cousins.." madiing sabi ni Troy. Huminga ako ng malalim bago ako malakas na nagsalita kasabay ng mga pinsan ko na habambuhay ko na yatang makakasama sa kalokohan.


"Walang makakabuntis!"


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro