Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

After few years ( Ferell's teenage memories ) 


Chapter 11


Troy Alvis Ferell


Isang linggong out of town si LG dahil abala siya sa paghahanap ng lugar na pagbabakasyunan namin sa nalalapit na bakasyon. Nagrereklamo na rin kasi ang mga pinsan ko na sawang sawa na daw sila sa ibang bansa at gugustuhin na lang na dito manatili sa Piliipinas. Masasabi kong tama naman ang ginagawang ito ni LG para mabawas bawasan naman ang pera namin. Hirap na hirap na kaming magbilang ng pera.


Napabuntong hininga na lamang ako, ganito na lang lagi ang problema ko sa buhay, kung papaano ko tutulungan magbawas ng pera si lolo, kung paano ko hindi masyadong ipapahalata ang pagiging magandang lalaki ko at kung ako magiging isang mabuting halimbawa sa mga pinsan ko na napapariwara na ang landas.


Napakaswerte ko talaga sa buhay. Magandang lalaki na, mayaman pa. Napapailing na lang ako habang nakikita ang sarili ko sa repleksyon ng bintana ng classroom namin, saan kaya ako ipinaglihi ng aking mga magulang? Sa talambuhay ko ay wala na akong nakitang lalaking maaaring pumantay sa aking kagwapuhan, minsan ay naaawa na ako sa mga pinsan ko. Alam kong naiingit na sila sa akin, kung pwede ko lamang silang hatian at salinan nang kagwapuhan ko ay nagawa ko na noon pa. Pero ano pa nga ba ang mapagpipilian ako, talagang sila ay pinagkaitan at ako ay ipinagpala. Bukod din pala sa pagiging magandang lalaki ko at mayaman, isa din akong binatang may ginintuang puso. Nasa akin na ang lahat.

Hindi na ako magtataka kung dadating ang panahon na dadanak ang dugo ng mga kababaihan para lamang maangkin ang aking katawan. Siguro ay sasabihin kong pansinin din nila ang mga pinsan ko kahit papaano, ayokong nalalamangan ko sila.


Ilang beses kong naitanong sa sarili ko kung bakit nasa akin na ang lahat? kayaman, kagwapuhan, mga unggoy na pinsan at magpagmahal na lolo na madaling mabola. Matalino din naman ako pero ibinigay ko na ito kay Tristan, nagkukunwari na lang akong hindi masyadong matalino. Ako din ang pinakamakinis sa aming magpipinsan, habulin ng babae, paborito ng teacher at syempre paborito ni LG. Hindi ko naman ito masyadong iniisip, minsan lang naman. At lalong hindi ako mayabang dahil ang mga taong punong puno ng hangin sa katawan ay binabato na nang kanyang kapwa.

Ano kayang oras na? Nakakatamad na ang klaseng ito, gusto ko nang umuwi.


"Kulbitin mo, nakatingin na sa kanya si Miss" pakinig ko ang pabulong na boses ni Nero.


"Bahala siya, madamay pa ako" pakinig ko namang sabi ni Tristan. Ano ba ang pinag uusapan ng dalawang gago?

Lilingunin ko na sana sila nang may maramdaman akong tumama sa aking noo. What the hell?


"Fvck! What the--" napahawak na lang ako sa noo ko.


"Troy! Hanggang kailan ka matutulala diyan sa bintana?! Makinig ka! Gusto mo na naman ba sa guidane office?" malakas na sigaw sa akin ng MAPEH teacher ko. Binato ba naman ako ng chalk!? Hindi nga ako pinapalo ni LG tapos babatuhin lang ako? My god!

Kauna unahang tumawa ang mga gago kong pinsan, agad kong ibinaba ang dalawa kong kamay sa ilalim ng lamesa para bigyan sila ng dalawang dirty finger. Nginisian lang ako ng mga gago.


"Sorry po miss.." labas sa ilong na sabi ko. Maganda na sana ang MAPEH teacher na ito, maganda ang legs, malaki ang dib--. Hindi ko na natuloy ang iniisip ko nang muli akong tamaan ng chalk sa mukha. Fvck! Siguro ay crush ako ng teacher na ito.


"Miss, nangangarap na naman po 'yan ng gising. Pasensiya na po nakaleave po ang nagpapainom sa kanya ng gamot. Sinong nagpainom sa kanya kanina?" natatawang sabi ni Aldus.


"Gago!" malakas na sigaw ko.


"Troy! Your mouth!" saway sa akin ni Miss, natahimik tuloy ako.


"Ako, expired ata ang napainom ko" lalong nag init ang ulo ko sa sinabi ni Nero.


"Mr. Ferell! Mas madami pa ang pagkakatulala mo sa klase sa dami ng nasasagot mo sa recitation! Ilan na ba ang record mo sa guidance? Hindi ka ba natatakot na tanggalin ka na ng paaralan?" natigilan ako sa sinabi ni Miss. Patay ako kay LG.


"Mga tatlo na po.." kamot ulong sagot ko.


"It's four Troy.." pagsabat ni Nero.


"No, it's five" sabi naman ni Aldus.


"It's six, two more left. Goodbye Troy Ferell.." nagtawanan ang mga kaklase ko sa sinabi ni Tristan. Makakatikim ang mga ito sa akin pag uwi sa bahay.


"No! Hindi pa po naguguidance si Troy, mabait po 'yang pinsan namin" gusto ko nang ibato ang lamesa kay Owen. Bakit hindi na lang sila tumahimik?


"Mga gago kayo! Sabi nyo sa akin malaki ang 'ano' ni Miss!" gumawa ako ng dalawang malaking bilog sa tapat ng dibdib ko para makuha nilang lahat.  Nanlaki ang mga mata ng mga gago kong pinsan. Laglagan? Dyan ako magaling.

Hindi lang ako ang nakakapansin ng malaking size ng 'ano' ni Miss, tanda ko na napag usapan na namin itong lima minsan. Ano kayo ngayon? Sinong hindi napainom ng gamot?


Umalingawngaw ang napakalakas na boses ni miss sa buong klase na halos magpatalon sa aming magpipinsan. Hindi maaaring ako lamang lagi ang napapag initan dito, ganun na nga kay LG? Pati ba naman sa mga teacher? Dapat sama sama kami dito, tutal naman mahal na mahal naming lima ang isa't isa. Ewww.


"OUT! LUMABAS KAYO MGA FERELL! GO TO DISCIPLINES OFFICE!" halos matahimik ang buong klase sa sigaw ni miss. Kauna unahan na akong tumayo habang ang natitira kong mga pinsan ay mukhang nagulat pa, dapat sama sama kami sa hirap at ginhawa.


"Come on vamanos!" nanguna akong maglakad palabas. Ilang beses pa akong tinamaan ng chalk ni miss bago ako nakalabas. Crush na crush talaga siguro ako ni miss. Ganyan talaga, kahit teacher nahuhulog sa akin. Hindi na ako nasanay.

Nakapamulsa ako sa labas habang hinihintay ang mga pinsan ko na kapwa mga nakakunot sa akin habang lumalabas ng classroom. Hindi na ako nakailag nang isa isa nila akong binatukan.


"What the fvck?!" iritadong sabi ko habang himas ang batok ko.


"Gago ka Troy! Sinong tutubos sa atin sa discipline office? Wala si LG!" agad kong iniharang ang mga braso ko sa aking sarili nang nakaamba na ang mga kamao ng pinsan ko para suntukin ako.


"Sabihin na lang natin na sa kabilang linggo na nila ipatawag si LG" simpleng sagot ko sa kanila.


"Talino! Bakit hindi namin naisip apat 'yan Troy? Gago ka ba? Gago ka? Maniniwala ba sa atin ang Discipline Office? Pinapaalala ko sa'yo pinsan sa mata ng paaralang ito, SINUNGALING tayong lima!" halos sabunutan na ni Aldus ang kanyang sarili.

Kami sinungaling? Hindi kami pinalaking sinungaling ni LG!


"Kailangan pa ba natin ng tutubos? Dito na tayo matulog" humihikab na sabi ni Tristan.


"Ikaw na lang!" sagaot naming apat sa kanya. Bakit kaya ang dali dali sa isang ito na matulog kung saan saan? Para na siyang kuting.


"Saan tayo hihiga sa kama ng clinic? Wag na. Tang ina" reklamo ni Nero.


"Hindi tayo papauwiin nang walang guardian na nakakausap, matatawagan ba ngayon si LG?" tanong ni Owen.


"Mga Ferell, magpunta na daw kayo sa Discipline Office" napalingon na lang kami sa kaklase namin. Dahil wala naman kaming mapapagpilian ay nagpunta na kami dito. Sinalubong kami ng nakataas na kilay na mga discipline officer na kilalang kilala na kaming magpipinsan.


"Hindi talaga kayo nakakalimot dumalaw sa opisinang sa loob ng isang linggo mga hijo. Hindi ba talaga kayo natatakot? Hindi dahil mayayaman kayo at kaya niyong magpalipat lipat ng paaralan ay hindi na kayo matatakot sa mga palisiya ng mga paaralan, hindi kayo makakatapos agad nang pag aaral kung ipagpapatuloy niyo ang mga ginagawa nyo" hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi niya. Pasok sa kanan, labas sa kaliwa. Tumango na lang ako nang makita kong tumango ang mga pinsan ko.


"Nakausap na namin sa telepono si Don Ferell, nangako siya sa kabilang linggo dadaan sa opisinang ito. Sa ngayon, si Ms. Cornejo na muna ang magbibigay sa inyo ng leksyon. Makakauwi na kayo, sumasakit ang ulo ko kapag nakikita ko kayong lima.." halos nakailang iling ang ginawa ng office head sa amin. Ako rin, sumasakit din ang ulo ko kapag nakikita ko siya.

Nagpaalam na ang mga pinsan ko sa mga discipline officer na ilang beses na siguro kaming isinumpa. Nagkibit balikat na lamang ako dito.


Nang makarating kami sa classroom inaasahan namin na maaabutan pa namin si Miss Cornejo para sa parusa na ibibigay sa amin, sa halip sinalubong kami ng mga nakangisi naming kaklase.


"Sabi ni Miss Cornejo, ikaw daw ang leader ng group nyo Troy. Gagawa daw kayo ng video na related sa topic natin kanina" sabay sabay nagsipulan ang mga pinsan ko sa narinig. Nagawa pa nilang tapikin ang balikat ko.


"Team Leader Troy! Tang ina, nakakadiring pakinggan" nagtawanan ang mga pinsan ko habang inaayos na ang kani kanilang mga gamit. Sa aming magpipinsan, ako lang talaga ang makikitaan ng 'leadership' siguro ay nakita ni Miss ang potensyal ko.


"Anong topic?" tanong ni Tristan.


"Yung sa health, ano nga ba ang huling topic natin doon?" halos sabay sabay yatang lumapad ang ngisi naming magpipinsan sa aming narinig. Ang paborito naming topic, hindi man lang kami mahihirapan.


"Kailan ang ipapasa?" tanong naman ni Nero.


"Sa Monday" sabay sabay kaming tumangong magpipinsan na hindi man lang nababahala. Easy.

Naglalakad na kami palabas nang biglang magtanong si Owen tungkol sa group assignment namin. Bihirang bihira lamang kami pinagsasama sama sa isang group activity at mukhang ito pa yata ang una namin group activity na magkakasama.


"Saan tayo hahanap ng babae? Sinong ivivideo natin?" bakit kailangan ng babae? Lima na nga kami sa grupo. Gago ba siya?


"Bakit hindi ikaw Owen? Ikaw naman ang artist sa ating lima" tamad na sabi ni Tristan.


"Gago! Bawal magdala ng babae sa atin" natatawang sabi ni Nero.


"Anong video ang gagawin natin?" tanong ulit ni Owen.


"Educational video gago! Hindi kung anumang video!" iritadong sabi ni Aldus. Ngumisi sa amin si Owen na mukhang naliwanagan na. Mukhang gusto talaga ng gago na gumawa ng kababalaghang video, hindi na ako magugulat kung isang araw may isa na akong pinsan na nagwawala nang walang damit sa internet.


"Ako ang team leader, wag kayong mag alala mga pinsan. Perfect tayo sa video na 'yan" agad na sabi ko na nakapagpangiwi sa kanila. Sa mga ganitong mga plano talaga ako magaling.


"Siguraduhin mong matino 'yan Troy, wala pa akong line of seven" kailan pa naging grade conscious si Nero?


"Mamaya na tayo umuwi, daan muna tayo sa school shop, kailangan natin ng lab gown" dahil ako ang leader, walang pinagpilian ang mga pinsan ko kundi sumunod sa akin. Bumili kami ng limang lab gown na gagamitin namin mamaya.


"Para saan ito?" nagtatakang tanong ni Aldus.


"Mag eexperiment tayo, kailangan ng lab gown. Hindi ba kayo nakikinig sa chemistry natin? My god!" tumaas lang ang dirty finger ng apat sa akin habang papalapit na kami ng cashier para magbayad.


"Patak patak tayo dito, bayaran nyo 'yang lab gown nyo" inilahad ko ang palad ko sa kanila. Kunot noo silang dumudukot ng pera sa kanilang mga wallet.


"Tang ina ang kuripot mo Troy!" iritadong sabi ni Aldus habang padabog na naglagay ng pera sa palad ko. Ganito rin ang ginawa ng natitirang tatlo.


"1564.75 po" sabi sa akin ng cashier, mabilis kong inabot sa kanya ang pera.

Nagawa ko pang kindatan ang anak niyang babae na mukhang kasing edad ko lamang na nakaupo sa may gilid ng counter. Namula ang babae sa ginawa ko, kindat pa lang 'yan. Sinong nga ulit ang magandang lalaki? Troy nga ba ang pangalan?


"Tayo na Troy!" hinila na ako palabas ng mga pinsan. Si Aldus at Nero na ang kumuha ng lab gown na hawak ko.


"Uuwi na tayo, nagugutom na ako" reklamo ni Owen na panay ang paghila sa akin.


"Mamaya na, may bibilhin pa tayo sa botika" sabay sabay na namang ngumuwi ang aking mga pinsan na parang walang kwenta na naman ang gagawin namin.


"Bakit na naman Troy? Hind ba pwede na bukas na lang?" tamad na tanong ni Aldus.


"Basta!"

Naglakad na lang kami ulit hanggang sa makarating kami sa pinakamalapit na botika. Nakahilera kaming magpipinsan sa botika habang nakatitig sa amin ang tindera na hinihintay ang bibilhin namin.

Nakatingin din sa akin ang mga pinsan ko, kasalukuyan akong nasa gitna ng apat.


"Troy, ano na? Walang gamot dito sa utak" naiinip na sabi ni Nero.


"Pabili po ng limang klaseng condom" diretsong sabi ko na nagpamura sa mga pinsan ko. Halos sabay sabay pa silang tumalikod sa mga tindera na mukhang nagulat sa sinabi ko. Legal na ang paggamit ng nito, anong problema ng mga gago?


"What the fvck Troy?! Mahiya ka naman.." marahan akong siniko ni Owen na nakatalikod pa rin. Kailan pa natutong mahiya ang mga gagong ito?

Hindi na sila nakaangal nang mabayaran ko na ang limang box  na may iba't ibang brand.


"Tang ina ka Troy. Wala pa tayong sixteen! Hindi ba at nangako tayo kay LG?" gigil na sabi ni Aldus habang naglalakad na kami pauwi.

Aminado ako na virgin pa ako, bakit? Virgin pa rin naman ang mga gago kong pinsan. Hindi na nga lang ang utak, labi, dila at kamay, masyado na itong madaming napagdaanan.

May sinumpaan kaming pangako kay LG, saka lamang kami maaaring umatake ng babae kapag sixteen na kami. At siya pa ang nagboluntaryong magbigay sa amin ng supply ng condom, huwag lamang kami makabuntis. Saan pa ako hahanap ng lolo na katulad niya?

Bakit sa sixteen pa? Dahil sixteen si lolo nang naka home run siya kay lola. Standards namin si LG.


"Gago! Natatandaan ko, basta gagamitin natin 'yan pagdating sa bahay" kahit mukhang hindi naniniwala ang aking mga pinsan sa mga pinagsasabi ko, pinili na lang nilang hindi magtanong sa akin.

Nakarating na kami sa bahay, halos mag agawan sila sa sofa kung sino ang hihiga dito. Kung nasa mood ako ay baka kasali din ako sa kanila na nagpapakahirap makipag agawan sa sofa.

Nanalo si Tristan na ilang beses pinagbabato ng throw pillow ng mga pinsan ko.


"Mamaya kayo matulog, magvideo na tayo para wala na tayong gagawin bukas" sabi ko na hindi nila pinansin.


"Troy bukas na! Ano ba ang gagawin natin sa mga 'yan? Kung sino ang pinakamalaking magpalobo sa atin? Pahabaan ng hininga?" naiiling na sabi ni Owen.


"Sasabihin ko kayo kay Miss Cornejo! Ako ang TL dito" sabay sabay nagusot ang mukha ng mga pinsan ko. Labag man sa loob nila, pumayag na silang apat na simulan ang aming experiment.

Isinuot na namin ang aming lab gown, inayos na rin ni Aldus ang camera sa kusina na kung saan kami mag eexperiment.

Nang nasa kusina na kami, sinimulan ko nang ilatag ang mga kahon ng mga condom. Tinakpan ko ang label nito, sa halip ay sinulatan ko ng pentel pen ang mga ito. A, B, C, D at E. Sumenyas na sa akin si Aldus na nagsisimula na ang video, ako ang unang magsasalita dahil ako ang leader.


"Hi! We are here to present our experiment! We prepared 5 different brands of condoms, as you can see there are  A, B, C, D and E. In our experiment, we will find out which  is the most ideal to use..." sa likuran ko ay pakinig ko ang pagpipilit na hindi matawa ng mga pinsan kong gago.

Nagtry muna kami na wala sa harap ng camera. Kasalukuyan kaming nagsisiksikang magpipinsan sa harap ng lababo habang nag aagawan sa pagsahod ng tubig sa gripo. Isinasahod lang naman namin ang hawak naming condom sa tubig.


"Ako muna!" pinatatabig ko si Tristan at Nero. Hinintay ko na halos mag umapaw ang tubig hanggang sa lumobo na ito.


"Woah.." halos sabay sabay kaming napahanga.


"Ang tibay niyan Troy hindi nabubutas, hindi tayo makakabuntis dyan.." natatawang sabi ni Aldus. Talaga pa lang matitibay ang mga ito, noong una ay hindi ako naniniwala dito.

Sumunod si Nero na maglagay ng tubig sa kanyang hawak, napansin ko na mas malaki ang pagkakalobo nito.


"Anong size niyan Nero? Bakit mas malaki sa akin?" nagtatakang tanong ko habang tinitingnan ang kahon nito.


"Ganun talaga Troy, mana mana lang sa amo.." anong ibig sabihin nang gagong ito? Tinabig ko si Tristan na sasahod na sana sa gripo at muli kong nilagyan ko ng tubig ang hawak ko para mas lalong lumubo.


"Tang ina, hindi naputok! Ang tibay talaga niyan Troy. Anong brand niyan? Ligtas ang mamanahin dyan sa hawak mon" napapangisi na lang ako sa sinabi ni Owen. Ramdam ko na akin ang pinakamatibay.


"Move Troy!" tinabig ako ni Tristan. Napamura pa ako nang muntik na itong dumulas sa kamay ko. Fvck.

Kanya naman ang isinahod niya sa gripo. Hindi niya tinigilan ang paglalagay ng tubig dito hanggang sa sumirit ito at tumama sa mga mukha namin.


"Tang ina ka Tristan! Tama na! Puputok na 'yan! Pwe! Nagsasayang ka ng tubig!" basang basa na ang damit naming magpipinsan, maging mukha at buhok dahil sa experiment naming ito.

Ang laki din ng hawak ni Tristan, halos makasinglaki na ang kanila ni Nero. Kapwa nakataas ang kilay sa akin ni Nero at Tristan habang pinagmamasdan ang hawak ko na hindi kadamihan ang tubig na nadadala.


"Mga gago! Mas malaki lang ang size ng condom niyo! Mas malaki pa rin ang sa akin sa totoong buhay! Kahit magpahabaan pa tayo ng ihi!" tinawanan lamang ako ng dalawang gago.

Sumunod ay si Owen na hinipan muna ang kanya bago isahod sa gripo.


"Kaninong kaya ang pinakamatibay dito?" tanong ni Aldus habang hinihintay na mapuno ng tubig ang kay Owen. Muntik na akong suntukin ni Owen nang makita niyang tutusukin ko ng toothpick ang kanyang hawak.


"Tang ina mo Troy! Pag ito nakaputok! Tutusukin ko din 'yang sa'yo!" galit na sigaw niya sa akin. 

Hinintay namin na mapuno ang kay Aldus bago kami humilerang lima at pinagtapat tapat namin ang mga hawak namin na may tubig. Isa isa namin dinagdagan ng tubig ang mga hawak namin para malaman kung alin ang mas matibay.


Unang nabutas ang  hawak ni Nero.


"Gago! Buntis ang babae!" nagtawanan kaming apat habang iritadong binitawan ni Nero ang condom niyang nabutas.


"Fvck! Tanggal ang mana ko!" natatawang sabi ni Owen nang makitang may butas na rin ang sa kanya.


"Oh shit! Not this one" nabutas na rin ang kay Aldus.


"Mukhang akin ang most trusted" sabay sabay umiling ang mga pinsan ko nang tingnan ko ang hawak ko ay may butas na rin ito. Fvck. Tanging kay Tristan na lang aga tumagal.


"Letter?" tanong ko kay Tristan.


"C" maiksing sagot niya.


"Tang ina mga pinsan, gamitin na natin ang natitira. Hindi tayo ilalaglag niyan" sabay sabay kaming napangisi sa sinabi ni Aldus.


Ano pa nga ba ang diperensya ng fifteen at sixteen? 


Malalaman pa ba ni LG?



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro