Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Panimula


Panimula

Ang hirap...maging tao lang.

May mga pinanganak na ubod ng ganda, 'yung tipong hindi pwedeng hindi dumapo ang mga mata mo sa kanila kasi blessing kung i-turing ang halos perpektong paglapag ng features sa kanilang mga mukha. They have a free pass to certain things. At kahit ayaw natin aminin at mahirap lunukin, beautiful people often get more recognition and privilege than those who are not gifted with aesthetic appearance. Kahit wala lang talent o talino, basta maganda ka ay instant tanggap ka na ng mundo! May pa red carpet pa! Tapos ako...heto, tao lang.

May mga taong grabe sa talino. Hindi man lang namigay? Sabagay, madalas ay sila rin ang madamot pagdating sa mga examination at nagpapaalala sa assignment na halos siya lang ang sumagot dahil siya lang ang may alam. Baka Geop Byte pa nga 'yung memory ng kanilang mga utak. Mga anak ni Rizal, sana inampon niyo na lang ako. Kasi bakit ako? Tao lang.

And those who are gifted with talents. Sa dami ng talent sa mundo, lahat daw ng tao ay nabigyan nito. Hello? Tao rin ako? Pero bakit ganito? Tao lang talaga ako? Wala man lang special skills? So final na? Tao lang talaga?

Ang hirap maging tao lang. Lalo na kung ang tatlong bagay na ito ay binigay sa pinsan mo at walang tinira sa 'yo.

"Mila! Ang gandang bata!"

Puri ng aming Lola nang makita si Mila. "Ikaw talaga ang paborito kong apo."

Mila beamed at Lola, yumakap ito at hinalikan pa si Lola Tessa sa kan'yang nangungulubot na pisngi. May inabot na ampao sa kan'ya at ang matingkad na kulay asul na papel ang agad na tumambad kay Mila nang buksan niya ito.

My lips parted.

Nice Mila, easy isang libo! Ako naman ay kabado nang lumapit kay Lola. She looked at me and her brows knitted. Ang tagal niya akong tinitigan bago siya nagpakawala ng isang buntong hininga.

"Pasensya na, nagiging ulyanin na ako." Lola Tessa sighed. "Sino ka nga ulit?"

"Paulene po," my voice came out, weakly. Lola Tessa squinted her eyes. Pauletta Jayne Angeles, Lola.

"Ano?"

"Paulene po..." bahagyang ulit ko at nagtanim pa ng ngiti sa aking labi.

"Ah, oo. Si Paulene..." Lola Tessa bobbed her head, kunyari'y kilala ako at naglabas ng ampao nang matapos ako magmano sa kanya.

Isang daan. Sobrang saya ko na!

Okay lang! Marami pa naman kaming pupuntahan ni Mila para mamasko. Si Lola Tessa nga lang ang pinakamalaki magbigay pero...

Okay lang talaga! Mas okay na ito kumpara sa wala. Masaya naming tinahak ni Mila ang mga pintuan ng mga kakilala namin. Kaliwa't kanan ang puri sa kan'ya. At palaging mas malaki ang nakukuha niya kumpara sa akin.

And I can't blame them. Mila was blessed with the beauty of aphrodite. Ang kan'yang kutis ay namumula kapag ito'y nasisinagan nang araw. Her beautiful hair bounces, parang 'yung mga nasa commercial na edited. Pero 'yung sa kan'ya ay walang halong edit! And her features were appointed in all the right places.

She was just too beautiful, even at her young age. Kami ay halos nangangarap lang na maging tulad ni barbie, pero siya? She was already barbie herself.

Bata pa kami no'n ni Mila nang mapansin ko na maraming may gusto sa kan'ya dahil maganda siya. And I cannot be as pretty as her. I tried following the way she dress, she walk and all — nagmukha lang akong tanga. Kaya tinigilan ko na. Okay na ako sa pagiging tao lang.

I was glued to her. I like how everyone notices me too because Mila is there. Hindi pupwedeng hindi mo mapansin si Mila kaya naman tuwing nakadikit ako sa kan'ya, kahit gaano ako ka-plain looking ay napapansin na rin ako. There's this satisfaction inside of me; that I'm close to a beautiful person. That I have someone who easily steals away the spotlight effortlessly.

"Mila, nililigawan ka raw ni Enzo ng section 2?" manghang banggit ni Eunice. Kaklase namin ngayon na kami'y nasa grade nine na.

Mila grimaced, binaba ang kan'yang reviewer at umiling kay Eunice.

"Hindi, ayoko pa magpaligaw." Mila stated, sharply. "Ang bata-bata pa namin e. Dami'ng pwedeng unahin."

"E? Ang gwapo pa naman no'n! Mayaman din dahil nasa showbiz ang tatay!" giit ni Eunice, halatang siya ang may gusto kay Enzo.

"Ayaw ko nga," patagong umirap si Mila. "Crush mo 'yata 'yon e. "

Umalis na si Eunice nang makumpirma na ayaw ni Mila kay Enzo. Agad kong sinuklay ang buhok ni Mila. She looked at me with her sultry eyes, sobrang ganda kahit dalawang bilog lang naman ito kung tutuusin.

"Ayaw mo kay Enzo?" I asked, out of curiosity.

"Bobo 'yon e." She shrugged off. "Gwapo nga, di naman gumagana utak. Wala rin."

Mila has high standards. At kahit wala ako sa kalingkinan niya ay namana ko ito sa kan'ya. I tend to raise my standards high too.

Pero pakiramdam ko ay iba talaga kapag maganda ka. Often, your standards are met. Dahil pipilitin ng lalaki na maabot 'yon para makuha ka. Pero kapag tao ka lang tulad ko, bahala ka na sa buhay mo. Maganda ka ba? Matalino ka ba? Talented ka ba? Bakit mataas standards mo? Nananaginip ka nang gising.

I had this crush on our classmate. Si Trevor na top one namin. Hindi siya sobrang gwapo at kung tutuusin ay nerdy kung titingnan. Pero mabait siya sa akin at nagpapakita siya nang motibo. Kapag nal-late ako tuwing breaktime, hindi niya ako nililista kahit duty niya 'yon.

Kilig naman si tao lang kasi tinatratong special hopia!

"Feeling ko kapag niligawan ako ni Trevor, sobra akong magiging masaya!" I sighed happily while putting the aloe vera face mask on Mila's face.

Agad naman na dumilat si Mila at nagtaas ng kilay. "Trevor? Class president?"

"Yup! Naguusap kami tuwing gabi tapos palagi niya akong kinukwentuhan tungkol sa anime..." I contained my feelings. Ayoko naman mairita si Mila! Pero kinikilig talaga ako!

Mila only nodded her head and stared at the mirror blankly.

Hanggang isang araw, hindi ko alam kung bakit biglang naging cold si Trevor. Hindi na niya ako china-chat at nililista na niya ako sa late tuwing breaktime kahit seconds pa lang! I don't know what happened! Ang huling conversation namin ay maayos pa. Hindi ko talaga alam.

Rumors broke inside our classroom. Valentine's noon at ready na ako magbigay ng chocolates kay Trevor. I should patch things between us. Hindi bale na ako na ang mag-effort!

Pero nagulat ako nang nag-public confession siya kay Mila sa school grounds. Ang mga lobong pula, cartolina na may nakalagay na pangalan ni Mila at isang malaking bouquet ng rosas.

Nagtiim-bagang ako sa nakita.

Tapos no'ng sa akin ay chat-chat lang at pinuyat niya lang ako sa mga kwento niya. Eyebags lang ang binigay sa akin, hayop siya! Maputukan sana siya ng lobo sa mukha!

Napatingin ako sa hawak kong chocolates na tinunaw ko pa para gawing letters ng pangalan niya. Binigay ko na lang ito sa adviser namin kahit hindi Trevor ang pangalan nito. Binalingan ko nang tingin si Mila na may ngiti sa labi habang hawak ang malaking bouquet ng rosas sa kan'yang bisig.

"Pau, di ka naman galit dahil nagkagusto sa akin si Trevor 'di ba?" Mila pursed her lips. Umiling ako sa kan'ya. It's not her fault that she's better than me. Kung ako si Trevor, baka piliin ko rin si Mila.

Mila has always been confident. Sa ganda niya, lahat talaga ng atensyon ay napupunta sa kan'ya at walang hirap na napapalingon sa kan'ya ang mga tao.

"Si Mila si Maria Clara?" tanong ng kadarating lang na tiga-kabilang section.

Tumango ako sa nagtanong. I was part of the props team. Inayos ko ang mga ginamit namin dahil may susunod pa na performance.

"Ganda sana ni Mila kaso nandiyan 'yung legit na Maria Clara!" Hagikhik ni Eunice sabay turo sa direksyon ng susunod na seksyon.

My mouth went agape as I saw a beautiful girl walking towards the stage wearing a Filipiñiana. Bumagay sa kutis niyang gatas ang tela nito. Her wide eye gaze and the way her cherry lips parted made her look so innocent. Her hair was in a bun and it had a few strands on the side. A necklace looking like a choker with a pearl on its center made her look more sophiscated.

Mila has always been the prettiest girl in my eyes. Pero, natatangi ang ganda ng isang ito. She was like Maria Clara reincarnated.

"Who's that?" baling ko kay Eunice.

"Philomena Gracia," she hissed. "Mukha 'yang nerd pero grabe may tinatagong ganda! Mahinhin 'yan e, mabuti na lang at napapayag nila."

Akala ko noon, hanggang doon lang ang ugnayan ko kay Philomena Gracia. She didn't look like the friendly type, at mukha pa nga siyang masungit dahil palaging nangliliit ang kan'yang mga mata. Pero naging maingay ang kan'yang pangalan dahil sa pagganap niya kay Maria Clara.

She even won the best actress category which infuriated Mila because she was serious at winning this. Sobra siyang napahiya dahil inaasahan din siya ng guro namin sa filipino. Yet Philomena Gracia won the award effortlessly.

"Mas maganda naman ako kay Philomena Gracia 'di ba?" bumusangot si Mila at tumingin sa akin.

"Pareho kayong maganda..." I console her. Pero lalong lumalim ang mga guhit sa kan'yang noo.

"She's as pretty as me?" she asked, disbelief in her tone. Well, honestly Mila is prettier if Philomena Gracia didn't put much effort. Pero pareho naman silang maganda! There's no competition.

Mas lumalim ang inis ni Mila kay Philomena Gracia nang tumuntong kami sa grade ten. Philomena became our classmate and she was elected as the muse and she almost won against Mila. Isang boto lang ang naging lamang niya; which made her extremely uncomfortable.

"Hi Philo..." I gulped. Kaya heto ako ngayon, kakaibiganin si Philomena dahil gusto ni Mila na magkaroon ng spy. I find it really childish! But what can I do? Sabi niya ay di na raw kami mag-kaibigan kung hindi ko ito gagawin!

"Hello po," she sounded surprise when I approach her. Madalas ay wala talaga siyang kasama. She tend to hide her presence.

I thought I'll find it hard to befriend her. Balita ko ay galing din siya sa mayaman na pamilya. She's probably picky with her friends...

Pero hindi. She was as kind as a saintess! Hindi lang pala siya masyado nagsasalita. She likes it better when someone tells her stories, mas mainam sa kan'ya ang makinig.

"Philo, thank you!" I hugged her as she prepared two bento boxes for us. Ewan ko ba rito! Bigla-bigla na lang ako dinadalhan ng mga pagkain, bookmarks at kung anu-ano.

Pakiramdam ko nagkaroon ako ng instant jowa kay Philomena Gracia.

We would watch kpop videos together, madalas hindi niya naiintindihan pero pinaintindi ko naman sa kan'ya na hindi ko rin naiintindihan.

"Pau, will you stay po ba sa ATU?" Philo asked me as she was brushing my hair. Kinuha niya ang isang barrette upang ilagay sa gilid ng buhok ko.

"Depende e," I looked at my palms. Si Mila kasi ang pinapapili ni Mama kung saan kami maga-aral. I have nothing to say in it.

"Baka mag-transfer po kasi ako sa University of Jeanne D'Arc...." Philo muttered slowly. Agad naman akong kinabahan. What if, hindi kami pareho ng schools?

"Philo, makinig ka sa akin." I turned around to face her. "Kapag may lumapit sa 'yong gwapo pero mukhang puro kalokohan lang ang alam gawin, it's a fuckboy, okay? Huwag ka magpapaloko!"

Mahirap na! She's so innocent! Mamaya ay saktan lang siya nito! I may not be there for her. Sobra pa naman ang pagiging mabait nito.

"Okay po," she abruptly nodded. She looked at me like I was her teacher and she was listening to me intently.

Hindi rin nagtagal ang inis ni Mila kay Philomena dahil unti-unti rin naman tumahimik ang pangalan nito. Philomena doesn't like the attention unlike how Mila lives for it. Kaya naman malaya na ako sa obligasyon ko na hindi ko ginawa. I felt guilty to snitch on Philo!

"Pau, tara na." Logan carried my bag. Namula naman ako; hindi ko talaga inakala na liligawan ako ng isa sa mga kasama sa varsity sa school!

Dati tao lang ako, ngayon tao lang na may konting ganda!

"Ingat po kayo," Philomena looked at Logan sharply. "Diretso na po sana sa bahay."

I chuckled when I realized that Philo is being protective of me. Sino matatakot kay Philo? She never gets angry. Kahit kailan ay hindi kami nag-away dahil palagi siyang nagpa-paubaya.

Hinatid ako ni Logan sa bahay namin. I was blushing all the time that we're together, hindi ko man lang nagawang gumawa ng usapan sa sobrang kabog ng puso ko.

"Sino 'yon, Pau?" tanong ni Logan nang maabutan si Mila sa sala namin. Mila spare him some glance before walking upstairs.

"Pinsan ko, si Camila." I replied as I pour him some water on his glass. "Pakilala ba kita?"

"Sige," he grinned.

At gano'n lang kadali, nabingwit na naman siya ni Camila.

"Pau, di ka naman galit 'di ba?" Mila asked while holding the expensive bag that Logan gave her. My gaze fell down.

Oo naman. Bakit naman ako magagalit? It's not her fault that she's prettier than me. It's not her fault that she's entertaining my previous suitor.

Kasalanan ko. Ang pangit ko kasi. Kaya naman dapat ay hindi ko siya sinisisi.

Umiling ako at ngumiti pero tuluyan na umiyak sa loob ng kwarto ko. Nakakainis kasi, umasa ako e. Akala ko may boyfriend na ako bago ako tumuntong ng senior highschool.

Simula no'ng araw na 'yon, I decided not to go out of my league. Dapat kung magkakagusto ako, dapat attainable at hindi 'yung sa itsura bumabase. Hindi na ako magkakagusto sa gwapo dahil imposible namang magkagusto ito sa akin.

I wasn't pretty. I wasn't talented. And I'm not even that smart.

Ano naman magugustuhan sa akin 'di ba? Lugi lang siya kung sakali...

"Philo, mag-HUMSS na lang kaya ako?" I bit the tip of my pencil. Agad akong ngumiwi. Gaga, lasang pambura.

"Hm? Akala ko po gusto niyo sa marketing?" she widened her gaze. "ABM po 'yata 'yon, Paulene."

I sighed. "I know but what about you? Paano kung may umaway sa 'yo? Sobrang inosente mo pa naman! Baka mamaya gawin ka nilang utusan doon!"

I'm very protective of Philomena. She's the only friend who didn't make me feel like I'm a plus one — 'yung tipo na para bang pinagsisiksikan ko lang ang sarili ko sa squad nila. She never made me feel like I was below her or she was prettier hence I should follow her lead.

"I don't want you to sacrifice your career choice, Pau."

"Pero gusto ko naman —"

"Paulene, you don't have to. I want you to chase your dreams. Lalo na at s-suportado ka naman po nila Tita..." she said, lowering her gaze.

I can't help but nibbled on my lower lip. I felt bad. Tama nga naman si Philomena. No one is forcing me to take any courses, at bahala talaga ako kung ano ang gusto kong kunin. I should be grateful for the opportunity.

Pero binalaan ko talaga siya na mag-ingat sa mga gwapo! Dahil madalas fuckboy ang mga 'yon. Mamaya kasi ay paglaruan lang siya kaya naman binalaan ko na. I even told her the description of fuckboys. Gwapo, mukhang walang gagawing mabuti at higit sa lahat ay mukhang kaya kang paibigin!

Kaya naman nang magkaroon ng enrollment, hindi si Philomena o si Camila ang kasama ko. It was two of my classmates, si Amber at si Brittany. They were really friendly to me. Kaya naman sabay kami nag-enroll para sa ABM na strand sa University of Jeanne D'Arc.

"Anong skincare ni Mila?" tanong ni Brittany.

"Hindi ko alam e," I gulped. Magmula kanina ay puro tungkol kay Camila ang usapan namin. It makes me think that the both of them are her fans.

"Ilan na naging ex niya?" Amber chimed in. "Marami na siguro, ano? Maganda e."

"Wala pa..." I answered truthfully. Maraming nangliligaw sa kan'ya pero wala siyang sinasagot.

Napagod din sila kakatanong sa akin. My answers were clearly vague for them. Parang hindi maayos ang nakuha nilang mga impormasyon. Kaya naman hindi na ako nagtaka nang iwan nila ako nang mauna silang asikasuhin ng mga staff.

I was left all alone.

Hawak-hawak ko ang enrollment slip ko. Nakakaiyak. Ngayon pa lang ay wala na agad akong kaibigan.

"At least, I have my pens with me." I beamed upon reaching for my zodiac pens. Binili ko ito sa tindahan sa labas! I like astrology. It may be weird for some but I like believing in stars aligning with people. Wala namang mawawala sa akin e.

"Gio, sure ka ba? Wala kang ballpen?" I heard someone murmuring on the back.

"Bibili na lang ako sa labas," a smooth voice chuckled. I didn't know why my heart fluttered. Boses lang naman 'yon!

"Hassle, bro. Hiram ka na lang sa registrar!"

"Mas hassle, ang haba ng pila e. Parang stairway to langit. Wala naman akong free pass kahit San Pedro apilyedo ko."

I looked at my pens. Hindi naman ako madamot at mukhang makakatulong ito sa kanila. I turned around to take a peek to see if they really needed a pen.

Nalaglag ko ang mga ballpen ko sa gulat, the sudden noise created by the pens colliding with the floor made me blink continously.

The guy who's currently laughing right now is the epitome of beautifully made. Sa kutis niyang katamtaman lamang ay bumagay ang makisig niyang katawan. His eyes were vibrant, he even has the eye smile that makes me weak. His hair was a bit longer than the typical clean cut. His face was sculped to perfection, parang pinaburan talaga siya ng langit.

Napalunok ako.

Di ako pwedeng magkagusto sa gwapo. Motto ko 'yan sa buong buhay ko! I don't want to get my hopes up!

Napalingon siya sa akin at unti-unting bumaba ang tingin sa nakakalat na mga zodiac pens ko sa lapag.

"Uh, do you need help?" he offered, even smiling. Lalo akong nanigas sa pwesto ko.

Agad akong umiling at pinagdadampot ang mga ballpen ko. He didn't listen to me because he bent down to help me pick up my pens. Napako ang tingin ko sa nahawakan niyang ballpen; it was the pisces sign.

Shet! It was my sign! Pinigilan ko ang kilig ko. Good grace, Pau! Tumigil ka nga! E ano naman kung nahawakan niya?

In the back of my mind, balak ko na sigurong hindi na ipahawak sa iba 'yon at baka itabi ko na lang para di na magamit. It will served as a memoir of a beautifully made person.

"Your pens," ngiti niya habang inaabot ang mga ballpen ko. Napalingon ako sa kan'ya, our eyes met and my cheeks flushed. His eyes are beautiful. Mas mahaba pa 'yata ang mga pilikmata niya sa akin.

"Anong zodiac sign mo?" I blurted out.

Agad na kumunot ang noo niya. Fudge ka! Paulene!

"P-pahihiramin kasi dapat kita ng ballpen!" palusot ko.

Bakit ba ako nabobobo kapag may gwapo?!

"Year of the snake 'yata ako?" he answered, looking confused.

I shook my head, "A-ah! Hindi kasi 'yon!"

"Sorry, akala ko Chinese New Year." He chuckled and my heart skipped a beat.

Bakit ba ako nalungkot kay Trevor at Logan kung makakakilala pala ako nang ganito ka-gwapo rito?!

Kailan ba birthday mo?" I looked at my pens. Kabisado ko naman kung kailan ang mga dates pagdating sa zodiac signs.

"July 7," he briefly answered.

I gasped.

Oh my gawd, compatible kami!

"Cancer ka!" I happily yelled out. Nalaglag ang ngiti niya.

"Aray, ha." He acted hurt, even pouting his lips.

"Kanser ka pala sa lipunan, Gio e." asar sa kan'ya nung katabi niya na kanina pa pala kami pinagmamasdan.

I shook my head abruptly.

"No! I mean 'yung zodiac mo! Tapos pisces ako!" I beamed at him and I realized what I've said. I bit my lip in embarassment.

Oh no.

"Ah huh?" sumilay ang isang mapaglarong ngiti sa kan'yang labi. "Grabe ka miss, ang speed naman natin. Inaalam mo na agad kung compatible tayo?"

Namula ako. Agad kong inabot sa kan'ya 'yung cancer na ballpen. Mabuti na lamang na ako na agad ang sunod na tatawagin para magpasa ng enrollment slip.

"Sandali! Pisces! Hoy!" he called out. Pero hindi ko na siya nilingon. "Pisces girl! Sandali lang! Panagutan mo ako!"

Napalingon ako sa kan'ya, most of the time people would not notice my existence or my presence. I'm not the type of person you would give a second look at; pero hindi naalis ang tingin niya sa akin. He was only staring at me with confusion in his eyes. Nagtama muli ang paningin namin kaya bigla siyang ngumiti.

I immediately turn around and hastily went towards the registration office. He was beyond perfect anyway! Imposibleng magkagusto rin siya sa akin!

❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜

happy birthday Paulene!
and also to Zurine. Love you both!
Updates will be frequent after POF.
Li

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro