P&G: how they celebrated christmas
SPECIAL CHAPTER
P&G: how they celebrated christmas
Umangat ang tingin ko sa langit, ramdam ang pangangaligkig habang pinapanood ang pagdagsa ng tao bago pa man magsimula ang misa. Sa simoy ng hangin, sa daan na maluwag, o sa Disyembre kung saan ang mga ilaw ay nagsisipagningning sa iba't ibang kulay-hindi ko alam kung ano ang una kong papansinin, isa lang ang alam ko. . .
The world was finally beautiful in my eyes.
I sucked in a breath. Napatingin ako sa wrist watch ko, sakto! Maaga ako ng halos 30 minutes. Inagahan ko talaga kasi gusto kong mas mauna ako kay Gio.
I giggled to myself.
This was our first Simbang Gabi o Misa de Gallo. Well, technically it isn't the first time. Pero ito ang unang Simbang Gabi na balak namin kumpletuhin na magkasama. Kanina pa nga ako nakangiti nang malapad dahil ako ang nagyaya kay Gio.
Paulene:
Di ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot kasi wala masyadong tao doon na kilala natin. Makasalanan ba mga kaibigan mo saka mga kaklase natin 😭
Gio:
Paulene naman 😭
Di naman siguro.
Pero si Iscalade 🤔
Paulene:
Sama ng ugali mo
Gio:
Malapit na ang Pasko, bawal na magsinungaling. 🥰
But way before all of that, I worried a lot about this moment. Naalala ko bago ako umalis ng bahay ay marami pa akong iniisip na hindi naman talaga mahalaga kung tutuusin.
A smile stretched on my lips as I looked at the mirror. I was wearing a plain purple dress with puff sleeves. Ginamit ko rin 'yong hair clips na binigay n'ya noon. I was growing conscious as I stared at the mirror for too long but. . .for some reason, I don't feel that ugly anymore. Unlike before, I can't even look at the mirror without my stomach churning in shame.
Di naman sa di na ako napapangitan sa sarili ko. It's just. . .I'm not that bad anymore! Hello! Ka-date ko ngayon si Gio kaya. . .hindi na siguro gano'n kalala. Marunong na siguro ako mag-ayos kahit papaano.
Pinilig ko ang ulo ko nang makita si Mila na may face cream sa mukha. Malapit siya sa pinto, sumandal siya sa hamba nito. Her eyes widened a fraction upon seeing me.
"Saan ka pupunta? It's too early," aniya nang mapansin ang damit ko.
"Simbang gabi. . ." I murmured almost incoherently.
"Ang aga n'on," sita n'ya. "That's for like nine days. Sure ka ba? May misa pa rin naman ng Sunday."
Tumango ako sa kan'ya. "Sure ako! May. . .gusto kasi akong subukan sa buhay ko ngayon. Ito 'yon, gusto ko idagdag ito sa mga ginagawa ko."
Mila just shrugged. "Samahan sana kita kaso baka di ako maging consistent, sayang naman kung di ko makukumpleto 'yong siyam na gabi."
She was right. Sayang nga naman kung di makukumpleto 'yong siyam na gabi. Pero para kasi sa 'kin, bukod sa gusto kong idagdag ito sa tradisyon ko at gusto ko rin talagang dumalo ng Misa de Gallo. . .makakasama ko si Gio nang di kami nagtatago. That's a huge leap for me. Kahit naman papaano ay nahihiya rin ako kay Gio dahil sa set up namin.
I know he deserves more than what I can give right now. But I'm also working on it, kahit alam ko na medyo mahirap pa talaga para sa 'kin ang umamin sa iba na may namamagitan sa aming dalawa.
I hurriedly gathered my things before going. Nagpaalam din ako kay Mila na maaga rin nagising dahil mukhang may shooting siya para sa isang advertisement. Niyayaya nga ako ni Mama na samahan si Mila pero sinabi ko na may lakad ako. That's one of the reasons why she's not speaking to me right now. Inuuna ko pa raw ang iba kaysa sa sarili kong dugo.
Napairap ako sa kawalan. Ilang bagong taon pa ba ang kailangan dumaan para magbago si Mama?
Isa rin sa rason bakit nagmamadali ako ay gusto ko mauna kay Gio. Gusto ko kasing mas maging ma-effort sa kan'ya. It's not a competition, I know that. Pero kasi sa tuwing naiisip ko na tinitiis n'ya lahat ng kondisyon ko ngayon. . .I feel like I'm neglecting him. Hindi nga lang siya feeling, parang pinapabayaan ko talaga siya.
And sometimes I let the doubts win. I let it consume me by engulfing everything that I am. I worry a lot but what makes me dread more is I might lose Gio over this fear.
Sumakay ako ng FX para makapunta sa simbahan na napili namin ni Gio. Like the usual, malayo ito sa lugar kung saan talaga kami nakatira. I feel bad because it takes a few more effort to arrive at the church that we pick.
The church had high ceilings. The outer part of its architecture clearly borrowed from Spanish descents. Bukas ang mga mala-arkong pintuan nito. I could see the polished wooden pews clearly even from the outside. On the sides, there's a brief depiction of several religious events using paintings. Ang ilaw nito ay humahalong dilaw at puti.
Back to where I was, pagkarating doon ay hinanap ko agad kung saan kami p'wede magtagpo ni Gio. I scanned the area, even roaming my sight to find a place for him to find me immediately. Sa malaking puno sana ako pupunta dahil imposibleng hindi n'ya ito makita.
I was about to take another step but someone towered over me from behind.
"Paulene," someone tugged at my dress which made me bristle. Napalingon ako rito at nakitang si Gio 'yong humawak ng damit ko.
"Bakit ang aga mo!?" I hissed while widening my eyes. I was the first one who should have arrived! E sa itsura n'ya ngayon, mukhang siya ang nagbukas ng simbahan e.
Yet he looked good. His hair was glossy, almost reflecting the dappled lights hanging on the tree. He was wearing a blue jacket with a white polo underneath it and partnered it with black slacks. A whiff of his manly scent permeated across our area. Namula naman ako dahil akala ko sobrang effort ko na sa paga-ayos, pero siya. . .ang effortless n'ya maging gwapo.
He gleefully beamed at me. "Ayoko pinaghihintay ka e. Saka ano, mga isang oras lang naman ako naghintay. Di naman sobrang tagal."
Nanglaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya. Isang oras? Hindi matagal? He's seriously something else! Kung ako 'yon, baka akalain ko na di sisipot 'yong kasama ko.
Worry flits over his face. "Okay ka lang ba? Kanina mo pa ako tinititigan. . .sabihan mo naman ako kung bakit para naman kiligin na ako."
I slapped him on his arms playfully. "Parang gago talaga."
He broadened his eyes. "Hoy, ang lapit lang natin sa simbahan, Pauletta. Magbago ka na huwag mo na ako murahin, mahalin mo na lang-"
"Corny!" I chuckled as I looked at his hands. It was empty-handed.
There's this urge to hold it. . .and I held his hand like I followed a Freudian slip. Nagulat na lang ako dahil hinigpitan ni Gio ang paghawak ko sa kamay n'ya, he even intertwined our fingers together.
"Tara na, baka magsimula na 'yong misa." saad n'ya habang binabagtas ang daan patungo sa simbahan.
I can only smile with the thought that there will be nine days where we can act freely like this. Somehow, it eases my worry. Pakiramdam ko kasi ay masyado na yata akong nasasanay na pinagbibigyan ako ni Gio sa lahat.
"Kinakabahan ako," I told Gio as we went inside the church.
May mga nauna na kaya sa mga dulong upuan na lang ang madalas available. Kung mayroon pang upuan sa harap, kadalasan ay 'yong malapit na talaga sa altar. Mas okay siguro sa likod kung sakali.
Gio held on his chest. "Di ka naman siguro magiging abo o liliyab kapag pumasok ka, Paulene."
I glared at him. "Kinakabahan kamo ako baka di ka makapasok!"
He laughed at me and pinched my nose. "Ang cute naman ng pikon na 'yan."
I made a face to suppress the heating of my cheeks. Kahit kailan talaga ang isang ito.
Sa dulo kami naka-pwesto. Pinanood namin ang unti-unting pagdami ng tao sa loob. The mass started following the usual ceremony. Nakikinig ako at sumasabay sa pagkanta tulad ni Gio. Sa gitna ng homily ng Pari ay napakunot ang noo ko.
The homily tackled how Simbang Gabi originated. Kung bakit may Misa De Gallo.
"Bakit ba Misa de Gallo?" tanong ko kay Gio, halos pabulong. Medyo nahihiya ako kasi. . .dapat alam ko ito 'di ba? I feel bad for not knowing.
"Ah, kasi no'ng dati raw kaya umaga 'yong simbang gabi dahil sa mga magsasaka," ani Gio na pabulong din sumagot. "Misa de Gallo, o Rooster's Mass. Kaya madaling araw nga raw."
Tumango naman ako at nahihiyang umamin, "Ngayon ko lang nalaman."
Gio smiled gently at me. "It's okay, lahat naman tayo nandito para matuto."
My cheeks heated upon hearing him. Hindi ko mapigilan ang isang ngiti na sumabit sa aking mga labi. This makes me love Gio more. Bukod sa nakikita n'ya ako kahit di naman ako kasing ganda o perpekto ng iba, he acknowledges my faults and shortcomings. He knows that I'm not perfect.
"Halos lahat sa inyo ay nasa Simbang Gabi para sa mga panalangin n'yo na nais n'yong matupad, kaya nga nagsusumikap sa inyo makumpleto ang siyam na araw ng novena. Pero dapat kahit wala pa ang mga paparating na biyaya, dapat ay nagpapasalamat na tayo sa Panginoon. We should already anticipate because God does provide not only blessings but also a companion. He won't leave you, may it be in your best and mostly in your worst." ani Pari sa harapan.
I love listening to the homily. Lalo na kapag na-a-apply ko ito sa buhay ko. Lahat naman halos ng homily ay sumasalamin sa tunay na buhay. Hindi man para sa iba, o sa akin, it still reflects a portion of what's real. And that's what makes listening to the homily calming and worthwhile. Kasi sa dulo ay may mapupulot ka talaga.
Natapos ang misa na seryoso kaming dalawa ni Gio. Akala ko ay maharot pa rin si Gio sa loob ng simbahan pero nakakapanibago na seryoso siya. I didn't expect him to play around, of course. But he was really silent and followed the ceremony devotedly. Minsan may mga tanong ako na sinasagot n'ya na pabulong.
"Gusto ko magsindi ng kandila," saad ko habang papalabas na kami ng simbahan.
He nodded and guided me towards the right side of the church. The scent of the sampaguitas and candles being lit permeated through our noses as we neared towards the area.
Kumuha kami ng mga kandila na pabilog. Tinulungan ako ni Gio na lagyan ito ng apoy sa pamamagitan ng paglapat ng sinulid nito sa ibang mga kandila na may maliit na apoy na.
"Ano bang panalangin mo?" tanong ni Gio sa 'kin.
"Ah," namula naman ako. "Ang totoo n'yan ay wala. Gusto lang kita makasama ngayon. . ."
Gio blinked profusely before grinning. "Wow ah, marunong ka na magpakilig ngayon parang dati di mo pa maamin na pogi ako!"
"Kapal mo!" namumulang sitsit ko.
He chuckled and fixed my hair for me. Tinatangay kasi ng hangin. Ako naman ay pilit na tinatakpan ang mga kandila para di mamatay ang apoy.
After that, we went to the vendors who were selling bibingka and puto bumbong. Mausok kaya naman pinaghintay na lang ako ni Gio sa may lilim ng puno kanina. Ilang minuto lang ay binalikan n'ya ako na may dalang bibingka.
Hinihipan ni Gio 'yong tsokolate na binili n'ya para sa 'kin. Ang cute, napangiti ako dahil nakakunot ang noo n'ya habang ginagawa 'yon.
"Okay lang naman sa 'kin na mainit," sabi ko sa kan'ya.
"Sobrang mainit e, baka mapaso ka," pagaalala n'ya.
I chewed on my bibingka. It was mildly sweet with a hint of saltiness because of the salted egg. May keso rin ito kaya naman mas malasa. I offered Gio a bite. Kinagatan naman n'ya 'yong sa 'kin at bahagyang namula, di ko alam kung bakit.
"Siyam na araw tayong ganito?" tanong ni Gio sa 'kin habang naglalakad kami patungo sa sakayan.
I nodded, "Ayaw mo ba?"
Our hands were still intertwined. Nakatago ito sa isang pocket n'ya, nilalamig kasi ako dahil Disyembre na rin naman. Ibig sabihin ay malamig na talaga ang simoy ng hangin. Sana pala nag-jacket man lang ako tulad ni Gio.
Lumingon siya sa 'kin. "Bawal ba ma-extend bukod sa siyam na araw?"
Nalaglag ang ngiti ko. Mukhang pareho kaming natauhan sa sinabi n'ya. Umiwas siya ng tingin.
"Sorry, kalimutan mo na sinabi ko 'yon."
"Sorry rin, Gio." I said. I wished I could really be confident to show our relationships to others. . .but it's scaring me.
Lumipas ang mga araw, hanggang dumating ang huling araw ng Simbang Gabi. . .nagkasakit ako.
I caught the flu on the last night. Naiiyak pa ako kasi di makukumpleto ni Gio 'yong Simbang Gabi.
"May next year pa naman," sabi ni Gio habang nilalagyan ng KOOLFEVER ang noo ko.
"Di mo makukumpleto," namamaga ang mga mata ko dahil sa sipon at ubo. "Gio. . ."
"Okay nga lang, parang sira ito. Wala kang kasama, mas masisira Pasko ko kapag nilalagnat ka nang wala ako."
"N-next time. . ." I sniffed. Tumawa lang si Gio habang kinakapa ang leeg ko.
"Init mo," Gio said. "Magpahinga ka na. Gusto mo pa rin ba ng bibingka? Para magkagana ka kumain? O may gusto kang kainin? Para magkalakas ka."
Umiling-iling ako. "S-sorry."
"Okay nga lang." Gio sighed. "Magpagaling ka na muna, Pau."
I promised that next time we'll be able to complete it. Pero may sumpa yata talaga kami pagdating sa Simbang Gabi. Sa mga sumunod na taon ay palaging may hadlang upang makumpleto namin. Minsan nala-late ako magising, may lakad kami sa ibang lugar ng pamilya ko, hindi tumutugma ang oras namin, at kung minsan ay sumusuko na ako na makukumpleto pa namin 'yon.
Hanggang sa. . .taon na nakumpleto ko na siya.
"Gio, nakumpleto ko na siya nang mag-isa." I smiled to myself as I lit a candle. Hinilera ko ito kasama ng iba pang mga kandila.
It was the first Simbang Gabi that we broke up. Ironically, it was also the first Simbang Gabi that I completed. Wala pa naman akong gusto ngayon. Nakasanayan ko lang kaya. . .sinubukan ko talaga makumpleto.
Lumabas na ako ng simbahan at iniisip kung saan ko ice-celebrate ang Pasko. My family hates me right now. Kaya imposible na makasama ko sila ngayon. Wala si Gio. . .ah, I have no one. And it's all my fault. My heart seizes up.
My self-depreciation was cut off when a text interrupted the series of thoughts that I had.
Etienne:
May kasama ka sa Pasko?
Paulene:
Wala.
Etienne:
Ako meron 🥰
Paulene:
Yabang talaga.
Etienne:
Di malamig Pasko ko. 🥴
Paulene:
Kailan ba lalamig pasko mo e galing ka naman sa impyerno.
I clicked my tongue. Bwisit, sarap mag-file ng resignation bigla e.
Etienne:
Merry Christmas tho.
I'll wire you my gift.
Paulene:
Merry Christmas :)
Fave boss talaga kita 💗
Ibigay mo na ang aking bonus 🎄🎉
Instead of picking a fight with him, I looked at some of my friends' posts. Si Zafirah ay may myday kasama si Sarathiel, pareho silang naka-red na jacket at may suot na santa's hat. Si Adren naman ay mukhang nasa ibang bansa at solo-gaming. Philomena was with Iscalade's family. I messaged Philomena a quick 'Merry Christmas' and I received an immediate reply.
A message came in. It was from Philomena and she was inviting me to come over. Wala naman akong reklamo dahil sa totoo lang ay wala akong kasama sa Pasko ngayon. I don't mind, really. Gusto ko na rin kasi masanay nang mag-isa. Pero p'wede naman siguro kahit ngayon lang.
Pumunta ako sa bahay nila Iscalade. It didn't really take a while because I was just near their subdivision. Dito kasi nagce-celebrate si Philomena ng Pasko, sa bahay nila Iscalade. I'm happy for her. . .tanggap siya ng pamilya ni Iscalade. But who wouldn't accept someone as beautiful and kind as Philomena?
Sinalubong ako ni Philomena sa gate ng bahay nila Iscalade. It was a modernized house. Maganda at matayog. Hindi ko mapigilan ang mamangha. Bumalik ang tingin ko kay Philomena.
"Okay lang ba na dito ako mag-Pasko?"
Tumango si Philo. "Oo naman po."
Nahihiya pa nga ako pero nandito na ako e. Ang ano naman kung aalis ako pagkatapos lang bumati. Kaya naman sinundan ko siya sa pagpasok sa bahay nila Iscalade. May aso pa nga na sumusunod sa kan'ya. It was a cute dog! Para bang kilalang-kilala n'ya si Philomena.
"Mama, si Paulene po, friend ko po. . ." Philomena introduced me to Iscalade's mother upon arriving inside the house, I was abruptly welcomed.
My eyes widened a bit, she called her Mama. Gano'n sila kabilis?! But why am I surprised? Matagal naman na silang magjowa. . .
"Hi! I'm Tita Istelle, it's nice to meet you, pasok ka. . ." anyaya ni Tita Istelle. She guided me towards their dining room.
"Ah, thank you po. . ." nahihiyang saad ko. Nakakahiya kasi makiki-Pasko ako sa iba pero ayoko rin naman tanggihan si Philomena.
"Kumain ka na ba, Paulene?" tanong ni Tita.
Inabutan naman ako ng plato no'ng kamukha ni Iscalade pero tahimik na version lang. He was also tall but had softer features than his brother. May manipis din siyang salamin sa mata.
"Kain ka na," ani ng kuya ni Iscalade. His voice was deep but it didn't sound commanding.
"Ah, thank you po. . ." I said as I took the plate from him.
Nakatitig lang sa 'min si Philomena na parang bata. My forehead creased at her reaction. What? Bakit gan'yan siya tumingin? Parang may binubuong storya sa utak n'ya.
I ate with them and discussed a few life events. Nagtatanong din kasi sila sa 'kin. Ang saya lang dahil di nila pinaramdam sa 'kin na iba ako. They didn't treat me like an outsider. Natutuwa ako para kay Philomena. She found a new family-and I could attest that they will support and love her in the best way possible. That's what she deserves after all.
"Paulene. . ." Philomena nudged me gently. "Di ba mahilig ka po sa gwapo?"
I coughed and looked at her. "Ano?"
"Mahilig ka po sa gwapo. . ." Philomena restated. "Gwapo po ba si Kuya Iscaleon sa inyo?"
Napaubo si Iscalade na katabi n'ya ngayon. "Huy. . ."
Marahan akong umiling. "Philomena! D-di ano. . .siguro gwapo pero-"
"Ireto po ba kita-" Philomena gasped.
Iscalade patted Philomena's shoulder and laughed nervously.
"Huwag Philo, may magagalit na alagad ng mga mababait." Halakhak ni Iscalade.
"Sino po magagalit?" Kumunot ang noo ni Philomena.
I looked at Iscalade and he only winked at me subtly. Ah, di siya galit sa 'kin. . .not that I was expecting him to be. Pero baka di pa nakukwento ni Gio sa kan'ya o baka talagang mabait lang si Iscalade.
"Manhid ka nga siguro talaga," Iscalade teased Philo who only frowned more.
"Bakit po? Paano ako naging manhid. . ." she asked which garnered laughter from us.
Umiling-iling na lang ako at pumunta sa sala upang magpababa ng kinain. I appreciate that I was able to celebrate Christmas. Kahit hindi ito tulad ng dati. Habang tumatanda nga siguro talaga, mas nagiiba ang Pasko. We may not have the same Christmas every year, but I do pray that it gets better and if it doesn't. . .there will still be another year to celebrate a better one.
A phone buzzed on the center table. Kinuha ko ito at nakita ang isang caller ID. It was probably Iscalade's phone because a polaroid of Iscalade and Philomena is on its case.
Sakristan Ko
My forehead creased. Humarap ako kay Iscalade at dinala ang phone n'ya. Akmang ibibigay ko na ito nang mapindot ko ang accept call nang di sinasadya.
"Hello?"
My whole body bristled. His familiar voice made my eyes watered. Wala pa ngang sinasabi. Nag-hello lang pero kinakain na agad ako ng guilt.
"Iscalade? Nand'yan ka ba?"
I hiccuped. Pinalis ko ang luha ko dahil nahihiya ako humarap kina Philomena na umiiyak. Parang wala naman akong karapatan masaktan kung ako 'yong umalis. Kung kasalanan ko naman bakit kami nandito ngayon. Nakakahiya kina Philomena at Iscalade.
"'Tol? Iniiyakan mo ako?" he laughed on the other line and I suppressed the urge to cry even more.
I miss you, Gio.
"Parang ewan 'to, months pa lang naman tayo di nagkikita? Babalik naman ako sa Pinas. Di ko lang alam kailan. . .huy Iscalade. . ." litanya ni Gio.
This was the first Christmas without him. My chest tightened as I typed down what I always wanted to say.
Sorry, Gio.
I erased that. No. . .hindi pa p'wede ngayon. I know him. He would forgive me because. . .he's that kind. Hahayaan ko muna siguro na lumayo ang loob n'ya sa 'kin. What I did was cruel. And I would feel guilty more if he decided he would forgive me immediately.
Iscalade:
Merry Christmas, Gio.
"Pft," Gio made a laughing sound. "Bakit kailangan mo pa i-text? You still don't want others to know you're capable of crying? Iscalade talaga. . ."
Hinayaan ko lang siya. I was savoring the sound of his voice, the rasp and the calm tone that he has. . .I really miss him.
"Merry Christmas din, Iscalade." saad ni Gio.
I couldn't take it anymore and decided to drop the call. Umiyak ako sa labas n'on habang dinadama ang saglit na oras na mayroon kami. How I wished I did everything that I could to make up for this hurting that I've caused him. Kung nakikita ko lang talaga ang hinaharap. . .siguro mas inalagaan kita.
Pero ito na mayroon kami e. I should just live with the guilt of hurting someone like him who has nothing to offer but loves me in my best but most importantly at my worst.
Naalala ko tuloy ang homily kanina. It was about how God doesn't bless us with what we want. . .rather He blesses us with what we need. Ang panalangin ko kanina sa pagbuo ng siyam na gabi ay sana kapag p'wede pa. . .sana kami pa rin ni Gio. At kung hindi na, sana maging masaya si Gio kahit wala ako sa tabi n'ya.
I took a deep breath and smiled to myself. I repeated the same words I texted him as if he was in front of me.
"Merry Christmas, Gio."
<🎄🌃>
this is EYA's Simbang Gabi Special Chapter 1 of 3. In Paulene's point of view, meron din si Gio siguro pero baka next year na lang kung papalarin. Haha! Merry Christmas! Happy Holidays! use #EYAsc for reactions, sangkyu.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro