Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5

Kabanata 5

I am a mere extra. I'm not smart like those nerds in books. Hindi rin ako sikat tulad ng mga babaing madalas tinitingala dahil sa kakaiba sila. Hindi rin ako maganda para bigla-bigla na lamang magustuhan.

Bulag 'yata si Gio o di kaya'y malabo ang kan'yang mga mata. But maybe this is a prank? Or worst, a bet? Pero wala naman sa katauhan n'ya.

At bakit sa akin pa?

Hindi naman ako gumagamit ng gayuma kaya di ko talaga alam kung bakit trip n'ya ako. Doubts were rising in my heart, I feel like I'm being played. I didn't want to taint him with my thoughts kaya ipinagsawalang-bahala ko na lamang ito.

Pinilit ko ang sarili ko na ibaling ang nararamdaman dahil hindi talaga pupwede. That's Gio! He's our golden boy. At ayoko rin sana ng blockcest o kaya'y kaklase! Sikat pa siya kung tutuusin, walang taga-ABM na hindi siya kilala dahil halos bukambibig siya ng mga professors namin.

I sighed to myself as I was collecting information about the origin of the earth for our earth science subject. Nanginginig ako dahil sa lamig ng aircon sa library.

"Miss, ano bang kailangan mo?" mabalasik na tanong ng nasa likod ko. I decided to check out who it was and my lips parted.

Bumungad sa aking ang isang lalaki na magkasalubong ang mga kilay. Masungit ang pag-arko nito at medyo nakaawang ang labi n'ya na para bang naiinip na siya. He looked pissed but he's helluva good looking. Natauhan lang ako nang bumuntonghininga s'ya.

Ikaw. Ikaw ang kailangan ko.

I stopped myself from speaking and immediately shook my head.

"Origin of the earth..."

"Sa Filipiniana section?" his brow lifted. Gawd, he looked so good. Kahit parang naiihi na ako dahil sa titig n'ya sa akin.

"Sa kabilang section ka maghanap, miss. Aabutin ka ng maghapon kung nasa maling lugar ka," he scoffed. Pero lalo lang lumalim ang paghanga ko sa kan'ya.

Pakiramdam ko ay nawala bigla si Gio sa mga iniisip ko. I feel like this guy could be the one who could save me from falling for someone unreachable.

Alam ko na wala akong pag-asa rito. I know that whatever I will have for this guy will just be a crush. Hindi tulad kay Gio — he makes me feel like I have a chance and I don't like it. I don't want to make myself fall for someone like him. Mas gusto ko ang ganito — the chase without falling.

"Thank you. . ." I gradually smiled at him. "I'm Paulene. Ikaw?"

"Mukha ba akong librarian sa 'yo? Bakit kailangan mong malaman pangalan ko?" his eyes turned to slits. Ang mga mata ko naman ay lalong naghugis puso.

"Zyair, punyeta!"

"Arrisea, nasa library ka. Ang ingay mo." Zyair hissed. My heart started to beat for him. The way his voice slowly changed into a low tone made me admire him more.

"Bigla mo kasi akong iniwan, may mga malilibog na naman na nanghihingi ng number ko. Wala akong matawag na boyfriend. Bwisit ka, sana bumagsak ka sa comtemporary arts!" asik ng babaing may maikling buhok. I turned my attention to her and my cheeks immediately blushed.

She's pretty! Really beyond pretty! Pakiramdam ko ay nakakita ako ng tatapat kay Camila. Mila has always been the prettiest among every girls I've seen. Pero itong nasa harap ko ngayon, she's not wearing anything on her face but she's already beyond beautiful. Ang natural lang ng kagandahan n'ya.

Napansin 'yata n'ya ang matagal ko na titig. Agad s'yang nagpakita na naiilang siya kaya naman tumikhim ako at binaling sa kawalan ang tingin. Ang ganda-ganda n'ya kasi! Dinaig n'ya pa ang isang artistang bagong gising! She looked so fresh and radiant.

"Uh, aalis na ako. . ." I mumbled. "Zyair. . ."

Lalong kumunot ang noo ni Zyair sa akin at humagalpak naman sa tawa 'yung magandang babae. I nodded meekly and immediately went away with a positive smile on my face.

Crush ko si Zyair. Crush ko si Zyair. Crush ko talaga si Zyair. Paulit-ulit ko itong tinandaan na para bang sirang plaka.

GRADE 11 - ABM 1

Paulene: Hello! Crush ko si Zyair. Baka may kakilala kayong gan'yan na name. Pa-help naman kung anong strand n'ya. Ajujuhu

Melay: Gaga ka wrong gc, nandito si Miss Lourdes.

Melay: Ay hala, sorry po Ma'am. 😅 si Paulene po kasi ginawang online landian 'tong gc natin.

I giggled in excitement as my blockmates replied to my message. Alam ko na parang desperada pakinggan pero sana ay makarating kay Gio. I want him to stop already. I just can't see myself falling for someone as ideal as him. Mas maganda na maaga na namin itong matuldukan.

Maye: Si Gio 'yata baka kilala?

My heart almost stopped functioning, para akong nabulunan sa sarili kong laway dahil sa chat ni Maye. Kinabahan ako nang makita na magre-reply 'yata si Gio.

Gio: Wala akong kilalang Zyair :)

Gio: Sensya ka na, Paulene.

I felt his wintry response. I decided to quickly reply.

Paulene: Okay lang, Gio. Kaya ko naman mahanap 'yon. Kapag may tiyaga, may nilaga. (*>.<*)

Gio: kapag patola, may tinola. :)

Paulene: walang konek :p

Gio: Parang kayo.

Kumabog ang puso ko pero puno naman ng inis ang aking damdamin. Excuse me?

Melay: Awtch Gio. Bakit mukhang wala ka sa mood?

Gio: Napupuno lang ako ng sama ng loob 😊

That made me feel guilty. Ano bang malay ko na totoo na crush n'ya talaga ako! I closed my messaging application and proceeded to sleep.

Kinabukasan ay inasar-asar ako nina Melay at Bea. Zafirah would even smirk at me sometimes. Pero madalas ay halos makipaghalikan siya sa kan'yang mga notebook. She's persistent when it comes to studying. Walang araw na hindi 'yata siya nag-review! I can't be like her, ang kaya ko lang siguro makabisado ay ang profiles ng mga Kpop idols na sinusubaybayan ko.

Nasa labas ako ng classroom namin nang may mga dumaan na mga estudyante. My eyes were fixated on one person, like a hawk on its prey. Kita ko ang isang lalaking nakasuot ng isang chef's jacket na bukas ang tatlong butones sa itaas. I immediately gulped upon seeing his familiar face, ang masungit na busangot sa kan'yang mukha ay nanatili pa rin hanggang ngayon.

Zyair.

"Melay! Ito 'yung crush ko!" I called her, adrenaline rushing through me.

"Saan?" ani Melay na sabik din sa gwapo. Agad naman siyang tumili nang makita si Zyair. I giggled too! That's right! Crush ko si Zyair! Crush ko talaga siya!

"Ang gwapo! Pero ang sungit tingnan!" Melay uttered while punching me slightly on my arms. "Hati na lang tayo, Pau!"

I huffed and shook my head. That's not okay! Mahilig na ako ngayon sa masungit.

"Saan?"

My heart almost leaped out of my chest because of his tone. Napalingon ako kay Gio na nakakunot ang noo habang tinatanaw ang tinuturo ko kay Melay.

"Saan 'yong crush mo?" seryosong tanong n'ya na lalong nagpalalim sa kaba na nararamdaman ko.

"S-sa baba. . ." my lips quivered as I closed my eyes and felt nervous all of the sudden. Embarrass even! Nakahihiya na bigla akong kinakabahan kay Gio!

"Wait. . ." nangliit ang mga mata ni Gio habanag nakatingin sa direksyon ni Zyair. "Ah, kilala ko pala. Pauletta, ir-reto ba kita?"

What the hell?

My lips pulled apart from each other as I looked at him with disbelief.

"Kilala ko 'yon, si Contreras. P'wede naman kita i-reto kung gusto mo." Gio smiled, giving me his infamous 'eye' smile.

"H-hindi na, nahihiya ako." I gulped as I started to play with my bracelets. Kabado dahil baka mabuking. . .

Mabuking na ano?! I snapped out from my own thoughts.

"Hindi, Pau! Ako bahala! Si Zyair ba ang gusto mo?" Gio asked once again but for some reason my heart is reacting erratically.

"H-hindi nga. . ." kabadong sagot ko. "Uh, ako na bahala! Crush lang naman! Hindi naman ano!"

Ngumiti lang si Gio. Although the way his smile curved made me feel a hollow pit in my stomach.

The following days, tahimik lang si Gio pero madalas ay nakikipagbiruan pa rin sa mga ka-blockmates namin. Si Zafirah at Adren ang madalas n'yang kasama dahil 'yong dalawa rin ang madalas n'yang maging kagrupo.

My admiration for Zyair faded because I rarely see him. Sa TVL ang kan'yang track base sa kan'yang uniporme. Gio on the other hand was visited by the beautiful short haired girl the other day. Maybe he had already moved on.

Tama naman 'yon. I don't deserve him. At alam ko naman ang kahahantungan namin kung sakali.

"Ang ganda n'ya talaga," I admire from afar upon seeing Arrisea and Zyair talking. Bagay silang dalawa. Maganda at gwapo.

Nandito kami ngayon sa field dahil P.E. namin. Kasabay namin ang TVL 1 at HUMSS 2 dahil may mga pamilyar na mukha galing sa mga seksyon na 'yon. Wala si Philomena kaya naman alam kong hindi HUMSS 1 ang kasabayan namin.

"Crush mo, Pau oh. . ." panunudyo ni Gio na nagpapula ng aking mga pisngi. He was referring to Zyair who had his arms crossed.

"Shh! Tumahimik ka na nga," I hissed. "Baka marinig ka pa."

Gio only blinked a few times and opened his mouth to speak.

"Paulene! Si Zyair 'yong crush mo nandiyan lang oh!" he shouted and my neck craned to his direction. Nanglalaki ang aking mga mata.

Of course, I had to stopped Gio! Agad ko s'yang hinila papunta sa lilim ng mga malapit na puno at malayo sa mga TVL students para hindi kami mapansin.

Tumigil kami nang mapagtanto ko na malayo na ang agwat namin sa mga estudyante galing sa TVL. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib at agad akong bumaling ng tingin kay Gio na mukhang naiirita.

"Gio! Ano ba," saway ko sa kan'ya, halata na naiinis. "Huwag mo nga ipagsigawan!"

"Na ano?" Gio asked, acting oblivious.

"Crush ko si Zyair!"

"Edi ano ipagsisigaw ko?" Gio leaned forward which made me perplexed in my position. He looked at me with his expressive eyes.

"Na crush kita?"

My heart thumped against my chest. Napatda ako sa aking pwesto at halos ang bawat kabog na lamang ng aking puso ang aking naririnig. Nakabibingi. Nakakataranta. Nakakaliyo. My mouth pressed in a thin line.

"Gagawin ko 'yon, Paulene. Sabihin mo lang. 'Yon na lang talaga ang ipagsisigawan ko." His serious stare made my stomach churned. I feel like there's thousand of butterflies inside my stomach and they're trying to roam around, finding an escape.

"B-bakit ako?" I asked him in disbelief.

"Bakit hindi ikaw?" tulirong tanong n'ya.

"Pangit ako!"

"Hibang ka ba? Nilalait mo ba crush ko?" he chuckled mirthfully which made me pissed off. Bakit ba hindi n'ya sagutin nang seryoso?!

"Who said I like your looks anyway?"

"Ugali? I'm pretty sure, mas maraming mababait sa room!"

"Who said I only liked your personality?" tanong n'ya, unti-unting umaawang ang labi. My heart kept on racing rapidly.

"Edi ano?"

"I like you. That's it."

He finally said it. He just did it like it didn't even matter to him! Parang hindi man lang siya kinabahan na baka layuan ko siya dahil sa biglaan n'yang pag-amin.

"Anong that's it?!" I interrogated.

"I like you because you're you," he laughed. "Ewan ko sa 'yo, Paulene. Ang dami mong napapansin sa iba pero di mo kayang pansinin 'yong sarili mo."

My lips parted at his statement.

He shrugged off and lazily smiled at me. "You don't have to be like others to be liked, Paulene. I like you. And if you'll only let me, I'd like to prove to you that you're worthy of being love."

❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro